Chapter 15

MAY plano na mag kita sina Ensley at Chloe sa isang tea house after class.

Itinulak na ni Ensley ang glass door ng tea house at pag pasok niya ay naamoy niya agad ang mabangong aroma ng tea.

Dumiretso agad siya sa two-seater na lamesa at hindi muna nag order dahil iintayin niya muna ang kaibigan. May ilan din na mga estudyante ang naroon. Ang ilan ay nag-aaral o kaya nag kukwentuhan.

Napansin naman niya si Chloe na pumasok na at tinaas niya ang kaniyang kamay para makita siya ng kaibigan.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Chloe kay Ensley. "No, kakarating ko lang." Sabi nito at ngumiti.

Si Chloe na ang nag order para sa kanila, pumunta na ito sa counter at habang si Ensley naman ay nag hintay sa upuan nila.

Pagkatapos umorder ay bumalik na si Chloe sa upuan nila, bitbit ang dalawang drinks na inorder nito at tag isang blue berry cheesecake.

Madalas sila mag punta sa tea house para mag kwentuhan lang o kaya gumawa ng projects pero ngayon ay kwentuhan lang talaga ang pinunta nila.

Sinimulan na ni Ensley kainin ang blueberry cheesecake nito.

"Bago ko pala makalimutan," napatingin naman sa kaniya si Chloe "May kilala ka bang Parker?" Tanong ni Ensley sa kaibigan habang nakatingin dito.

"Parker? Bakit anong meron kay kuya?" Simpleng sabi nito na para ba'ng hindi ito nag taka na itinanong iyon ni Ensley.

"W-wait? K-kuya? KUYA?!" Gulat naman na sagot ni Ensley sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. "Oo, hindi ko ba nasabi sayo?" Tanong pa ni Chloe. "No??" Questionable na sagot ni Ensley dito.

"Oh! Maybe I forgot?" Sabay ngiti rito at peace sign "Y-you what? YOU FORGOT?!" gulat pa rin na tanong ni Ensley at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at naririnig nito.

"Wait? What happened ba? I'm worried na." Kinakabahan na tanong nito kay Ensley. Hindi alam ni Ensley kung paano niya sasabihin kay Chloe ang lahat, napatahimik na lang siya at sinimulan ulit kumain ng cheesecake and uminom habang si Chloe naman ay nag iintay lang sa kaibigan kung ano ang sasabihin nito sa kaniya.

"Remember, I told you na galing ako sa province?"

At sinimulan na nga ni Ensley ang pag kukwento tungkol sa kung paano niya nakilala si Parker at kung bakit naiinis pa rin siya rito. Kung saan na siya nakatira at sino ang kasama niya dahil nahuli siya sa pag eenroll at naubusan siya ng slot for dorm. Kung bakit hindi niya rin sinabi sa magulang nito at sa kuya niya dahil ayaw niya ma-disappoint ang mga ito sa kaniya.

"I didn't know, I'm sorry on behalf of my brother." Nahihiyamg paumanhin ni Chloe sa kaibigan. "Please, don't you dare." Pag sita ni Ensley dito.

"Mabait naman kuya ko, sadyang yung mga reasoning niya lang ay nakakasakit sa ulo." Sabi pa ni Chloe. "Alam ko naman na mabait kuya mo, Chlo. Don't worry. Ayos lang naman ako, kapag may another slot na sa dorm lilipat ako." Pag papawala ng alalahanin sa kaibigan.

"Just tell me if you need help ha? Pwede ka matulog sa bahay." Sabi pa ni Chloe rito. "Please don't, I don't wanna burden you." Habang naka ngiti ito kay Chloe.

"How about, I throw a party for you this Friday!" Masayang sabi naman ni Chloe. "Bu—" bitin na sabi ni Ensley dahil nag salita ulit si Chloe. "That's not a question!"

HINDI makapaniwala si mEnsley na pumayag siya sa plano ni Chloe at ngayon ay andito siya sa bahay nina Chloe at Parker.

"Chlo? Dito rin ba si Parker—?" Tanong naman ni Ensley

"Oh! Yes, pero minsan wala siya rito kapag alam mo na. Hindi niya rito dinadala mga babae niya, doon sa condo niya lang. Our parents are always busy sa business namin, lagi sila nasa out of the country pero si kuya naman ay hindi niya hinahayaan na mag isa lang ako rito, as much as possible nauwi siya." Pag kukwento naman ni Chloe dito sa kaibigan.

'Mabait naman pala talaga si Parker sadyang maloko lang' sabi ni Ensley sa sarili.

Pinag-suot ni Chloe si Ensley ng gold silk dress na pinatungan naman niya ng leather jacket. Naka mini black boots din ito.

Balak niya rin mag overnight kala Chloe after ng party.

Marami na ang nag dadatingan, naka-kawit naman si Chloe sa braso niya habang malapit sila sa kung saan ang mga guest napasok para batiin ang mga ito at ipa-kilala siya ni Chloe.

Nagulat na lang siya ng dumating si Parker kasama sina Dior at Scarlett.

Tumingin naman sa kaniya si Chloe at nginitian siya nito para humingi ng paumanhin pero wala naman magagawa roon si Ensley dahil bahay din ito ni Parker.

Ngunit nagulat na lang siya ng sumunod sa likuran ng mga ito si Xavier na may kasamang babae na naka-hawak sa kamay nito.

Nang mapatingin siya kay Xavier ay parehas din ito nagulat, hindi niya inaasahan na mag kikita ulit sila. Napahawak naman si Ensley sa kamay ni Chloe na naka-lingkis sa kaniya.

Napatingin ulit sa kaniya si Chloe at kita na sa mga mata nito nag aalala na ito, pero binalikan na lang niya ito ng assuring smile.

"Ano!" pag sisimula ni Chloe mag salita sa mga ito. "This is my friend Ensley Ignacio, and I throw this party for her." Pag papakilala ni Chloe sa kaibigan.

"Hi! Nice to meet you" naiilang na sabi ni Ensley. "You look familiar" napalingon naman si Ensley sa nag salita na si Scarlett.

"Baka sa school nakita mo ko." Pag sagot ni Ensley at ngumiti pa. Umuoo na lang din si Scarlett dito.

Naramdaman naman ni Parker ang awkwardness sa paligid kaya nag salita na siya, "Ensley! Let's dance!" Pag yaya ng binata sa dalaga. "No way, Parker!" Inis na sagot naman ni Ensley. "Kuya! Huwag mo nga palagi pinag-titripan si Ensley." Sabat naman ni Chloe para ipag-tanggol ang kaibigan.

Inakbayan naman ni Parker si Ensley, at napansin ni Ensley ang pag titig ni Xavier sa kaniya at nang tumingin naman siya sa kanan niya ay naka tingin din si Dior sa kaniya.

"Sayaw muna kami, guys" paalam ni Parker sa mga kaibigan nito. Sumunod na lang siya rito at si Chloe sa kaniya. Tinanggal niya rin ang pagka-akbay sa kaniya ni Parker at dire-diretso nag lakad papunta sa kusina.

Hindi na rin sumunod si Parker sa kanila. "Ens, ano gagawin mo?" Takang tanong naman ni Chloe. "Kukuha ako ng beer sa ref para uminom." Sagot nito at nakarating na sila sa kusina.

Kumuha naman dito si Ensley at pagkatapos nito buksan ay dali-dali niya ito tinungga. Pinigilan naman siya ni Chloe. "Stop! Hindi ka naman nag-iinom."

"Come on, Chlo. I can handle myself." Pag sisigurado nito sa kaibigan at tumungga ulit ng beer, na kinapait naman ng mukha ni Ensley pero uminom pa rin siya habang tinitingnan lang siya ni Chloe. Hindi nito alam ang problema kung bakit ganito ang inaakto ni Ensley.

"Asikasuhin mo na lang muna mga bisita mo roon, dito lang ako." Wala na nagawa si Chloe at sumunod na lang dito.

Habang bitbit ang isang can ng beer ay naisipan ni Ensley pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang pool area ng mga Wu. Walang tao rito dahil pinag bawalan ni Chloe pumunta sa bahagi na ito.

Tinanggal naman ni Ensley ang boots niya at umupo na siya sa gilid ng pool at nilublob ang dalawang paa sa ilalim ng tubig, habang hawak-hawak niya pa rin ang isang beer can.

Hindi napansin ni Ensley na may sumunod sa kaniya papunta sa likod ng bahay.

After nang ilang segundo, napansin na lang ni Ensley na may mga dalawang sapatos sa may kanan niya na nakatayo.

Pag tingala niya rito ay nagulat siya nang malaman kung sino ito,

"X-Xavier? Ano ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni Ensley sa binata at tumingin pa sa paligid kung may tao ba. Tinitingnan naman siya ni Xavier sa ginawa nito.

Tumayo na rin si Ensley at sinuot ang itim na boots para makalayo na kay Xavier. Ayaw niya ito kausapin lalo na hindi siya ayos ngayon, baka ano masabi niya.

Nilagpasan na niya si Xavier ngunit napigilan siya nito gamit sa pag hawak nito sa braso ng dalaga.

Hindi lumilingon si Ensley dito, at lumuluha na rin ito. "Ens?" Tawag sa kaniya ni Xavier pero hindi pa rin niya ito sinasagot.

Nakatitig lang si Xavier sa kamay ni Ensley na hawak niya, "I'm sorry" tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ni Ensley. Gusto na niya umalis dito at tanggalin ang pagkahawak nito sa kaniya pero hindi niya magawa dahil alam niyang sa sarili namiss niya si Xavier.

Pero inalis pa rin ni Ensley ang kamay ni Xavier sa braso niya at humarap dito habang nakangiti pero bago yon pinahid niya muna ang mga luha niya. "Don't worry, Xavier. Ayos lang ako." Habang pilit na ngumiti sa binata.

Tinitigan naman siya ni Xavier, ayaw nito nakikita si Ensley naiyak pero wala siya magawa dahil siya mismo ang dahilan kung bakit ito umiiyak at nasasaktan ngayon.

"Basta masaya ka." Sabi pa ni Ensley. "We're just arranged marriage." Sagot naman ni Xavier dito. Nabigla naman si Ensley, dahil akala niya ang relasyon ng dalawa ay girlfriend/boyfriend pa lang pero mali pala siya dahil they're suppose to get married soon.

Nakabalik naman si Ensley sa pagka bigla, "Oh! I don't know what to say but arranged marriage or not... sa tingin ko wala na ako roon dahil wala naman tayong naging relasyon." Seryoso na sagot ni Ensley.

Nasaktan naman si Xavier sa sinabi ng dalaga pero hindi niya ito pinakita at seryoso lang din siya nakatingin dito, gusto niya mabasa ang mga mata nito pero hindi katulad nang dati nasasabi niya agad kung malungkot at nasasaktan ba ito pero ngayon, wala siyang makita.

"I missed you" sagot naman ni Xavier sa kaniya na kinagulat ni Ensley dahil hindi niya expected yon. Hindi niya rin namalayan na may tumutulo ulit na luha sa mga mata niya.

Lumapit naman sa kaniya si Xavier at hinawakan ang dalawa niyang pisngi para punasan ang mga luha ni Ensley na patuloy bumu-buhos.

"Walang hiya ka talaga" sabat naman ni Ensley dito "I know" sagot ni Xavier "You're a jerk" isa pang sabi ni Ensley "I know" habang patuloy na pinupunasan ang mga luha nito "I-I hate yo—" hindi na natapos ni Ensley ang sasabihin nito dahil,

Nagulat na lang siya ng inilapit ni Xavier ang mga labi nito sa kaniyang labi. Gusto niya itong itulak pero namiss niya ang halik nito at wala na siyang nagawa dahil tumugon na rin siya sa mga halik nito.

Alam niyang mali pero sa ngayon wala na siyang pakealam kung ano ang tama sa mali.