Chapter 14

SA mga sumunod na araw ay ang ginawa lang ni Ensley ay ang pag iwas kay Dior at hindi naman siya nahirapan dahil ganoon din ang ginagawa nito sa kaniya.

Nakaupo at nanunuod naman si Dior sa sala nang bumababa mula sa kwarto si Ensley. Nung mga nakaraan na araw ay nag dadala pa rin si Dior ng mga babae rito sa bahay niya at gabi gabi rin nagigising sa ungol na naririnig ni Ensley sa kabilang kwarto pero ni isang beses ay hindi siya nag salita dito at nag reklamo.

"May tirang ulam diyan kung gusto mo kumain." Sabi ng binata sa kaniya. Akala niya hindi siya nito napansin o kung napansin man siya ay akala niya mag kukunwari itong hindi siya nakita.

"Okay!" Sagot naman ni Ensley "kumain ka na ba?" Habol niya pang tanong pero hindi naman sumagot si Dior.

"D-dior, ano kasi—" nahihiyang tawag ni Ensley dito. "P-pwede mo ba akong samahan sa lamesa kumain?" Pag papatuloy ni Ensley sa pag sasalita.

Napalingon naman si Dior sa dalaga, hindi makatingin si Ensley dito. Walang sabi sabi ay tumayo si Dior at palapit na sana ito kay Ensley nang may mag doorbell sa gate.

"Ah! Pag buksan mo na yon, don't worry about me." Pag tutulak ni Ensley sa lalaki. "Kumuha ka na ng pag kain mo, susunod ako." Bilin ni Dior sa dalaga bago tumalikod para pag buksan ang kung sino man ang nag hahanap sa kaniya.

Lalapit na sana si Ensley sa lamesa para ilagay na ang kaniyang pag kain ng marinig niya bumukas ang pintuan at ang isang familiar na boses na matagal na niya gustong makalimutan.

Pag harap ni Ensley sa pintuan na ka-kapasok lang ni Dior at nang taong kasama nito ay napahinto na lang si Ensley sa pag lalakad at nabitawan ang bowl na bitbit nito.

"Shit!" Inis na sabi ni Ensley at dali-dali siya umupo para kunin ang mga pira-piraso ng bowl na nabasag pero dahil sa kaba na nararamdaman at luhang gustong kumawala ay hindi niya namalayan na nahiwa niya ang sariling palad.

Nagulat naman ang dalawang lalaki, at dali-dali na lumapit ang mga ito kay Ensley para tulungan ito. Ngunit mas nauna lumapit si Dior kay Ensley.

Nakita ni Xavier kung paano pinigilan ni Dior si Ensley sa pag kuha ng mga nabasag na bowl at nakita rin ng binata ang pag hawak nito sa kamay ng dalaga.

"Ayos lang ako, Dior." Pag kukumbinsi ng dalaga sa binata. "Stop" madiin na sabi ni Dior kay Ensley. Wala na magawa si Ensley kundi sundin si Dior. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinatayo siya para lumapit sa lababo ng kusina para hugasan ang kamay nito.

Si Xavier naman ay napatulala na lang nang marinig ulit ang boses ni Ensley. Hindi niya alam na maririnig ulit pala niya ito mag salita, araw-araw niya ito naiisip at hinihiling na sana makita niya ulit ito.

Si Xavier na lang ang kumilos para ayusin ang kalat sa sahig, itatapon na sana niya ang kalat sa kusina nang makita niya si Dior na binuhat si Ensley paupo sa lamesa para simulan ang pag gagamot nito sa sugat ng dalaga.

Si Dior ang nag lilinis nang sugat nito habang si Ensley naman ay tahimik lang na nakatingin sa sugat niya na ginagamot ni Dior.

Dumiretso na lang si Xavier sa basurahan para matapon na ang mga kalat na hawak niya at lumapit sa lababo para mag hugas ng kamay.

"Hindi ko alam na clumsy ka pala." Asar ni Dior sa dalaga, "Anong—" bitin na sagot nito at nagulat nang makita niya si Xavier nasa harapan na nila at nakatingin ito sa kaniya.

Napa-tingin naman si Dior kay Ensley at nakita niya ito na nakatingin kay Xavier na kinakunot niya.

Sinubukan alisin ni Ensley ang kamay niya na ginagamot ni Dior, "Okay na ako." pero pinigilan siya ng binata sa pag pwesto nito sa pagitan ng mga binti ni Ensley. Nagulat naman si Ensley at Xavier sa ginawa ni Dior.

Namula naman si Ensley at hindi alam ang gagawin dahil sa lapit nila sa isa't isa.

Hindi na nakapag-pigil si Xavier at tinawag na si Dior, "Tama na yan, naiilang na si-" bitin na pag sabi nito.

Tumingin naman si Dior kay Ensley at umiwas ito ng tingin. Tinigil na rin niya ang pag gagamot at humiwalay na rin kay Ensley.

Dali-dali naman umalis si Ensley sa pagkakaupo nito sa lamesa at nilagpasan si Xavier bago lumabas ng kusina ang dalaga at sinundan lang ni Xavier ito ng tingin paalis.

Tinapik naman siya ni Dior sa balikat at sumunod na kay Ensley. Naguguluhan naman si Xavier sa mga nangyayari.

Hindi alam ni Ensley ang gagawin, sobrang liit ba ng mundo para maging mag kaibigan ang dalawa. Hindi pa siya handa makita si Xavier dahil bumabalik na naman ang mga alaala na pilit niya kinakalimutan.

Alam niya naman na wala silang relasyon nito para umakto siya ng ganito pero hinalikan siya nito kaya dapat umakto rin siya nang ganito.

Hindi na mapigilan ni Ensley na lumuha dahil kahit naman iniwan siya nang hindi man lang nag papaalam at kahit nag kunwari ito na hindi siya kilala kanina ay hindi niya pa rin mapigilan ang puso na gustuhin ito.

Gusto niya lumapit dito at yakapin ng mahigpit. Wala na rin siya pakealam kung ano ang rason nito kung bakit siya nito iniwan ng basta basta na lang basta nasa tabi na lang niya ito ulit.

Ngunit alam niyang hindi ganon kadali iyon, at ayaw niya rin ipaalam kay Dior na mag kakilala sila ni Xavier dahil mukhang wala rin itong balak ipaalam sa iba na mag kakilala sila.

HINDI namalayan ni Ensley ang pag lipas ng isang buwan. Masyado niya bi-nisy ang kaniyang sarili sa pag-aaral. Hindi man lang niya nagawang kausapin si Xavier at itanong kung ano ang dahilan nito.

Minsan lang din sila mag-usap ni Dior, hindi nag tutugma ang mga schedule nila para magkita sa loob ng bahay. Tuwing weekend na lang niya ito nasisilayaan na minsan wala rin ito dahil palagi rin ito umaalis.

Pero hindi naman tumigil si Dior sa pag dadala ng babae nito sa sariling bahay. Isang beses nahuli niya ito kasama ang babae nito paakyat sa hagdan, papunta sa kwarto ng binata. Bumaba kasi si Ensley para uminom ng gatas dahil hindi siya makatulog pero hindi niya sinabi rito ang nakita.

Lagi niya rin ito nakikita sa University nila pero hindi naman sila nag papansinan, kapag nasa malapit ang lalaki ay lumalayo na agad siya lalo na kapag kasama nito si Parker.

Madalas niya makita ito na may kasamang babae, ayon kay Chloe ang babaeng laging kasama ni Dior ay Scarlett ang pangalan. Hindi niya alam ang relasyon nang dalawa dahil lagi naman nag dadala ng ibang babae si Dior sa bahay nito pero si Scarlett ang lagi nito kasama araw-araw sa University.

Sa isang buwan niya rin sa University ay isa lang din naging kaibigan niya, ayon ay si Chloe. Ito ang unang nag approached sa kaniya, hindi mahirap pakisamahan si Chloe dahil may maganda itong personality masyado nga lang itong blubby which is great.

Simula lumipat siya sa Centro ay nahirapan si Ensley mag adjust, pero hindi naman siya pinabayaan ni Chloe dahil tinulungan din siya nito. Minsan kapag weekend ay napunta rin siya sa mga kuya niya para bisitahin ang mga ito.

INAAYOS ni Ensley ang mga gamit niya para sa susunod na klase, nasa locker siya ngayon. Napansin niya rin na dumaan sila Dior sa likuran niya, sumilip siya saglit para tingnan ito pero papalayo na ito kasama si Scarlett at ilang kaibigan nito.

Binalik na ni Ensley ang tingin sa locker at inilagy sa bag ang huling libro.

Nagulat na lang siya nang pagsara niya nang pintuan ng locker niya ay "Holy shit! Parker!" Gulat na sigaw nito sa lalaki habang naka-sandal ito sa gilid ng locker niya.

"Saan-saan ka kasi natingin, ayan tuloy hindi mo ko napansin na pumunta sa gilid mo" habang tumawa si Parker kay Ensley. "Paano na lang kung may sakit pala ako sa puso." Inis na sabi ni Ensley dito at tinalikuran na ang lalaki sa inis.

"Gust—" bitin na sabi ni Parker, "Shut up! I don't wanna hear it." Pag pigil nito kay Parker at tuloy tuloy lang sa pag lalakad habang nakasunod naman si Parker sa kaniya.

Napahinto na lang siya nang mapansin na may ilang estudyante na ang nakatingin sa kanila. Huminto rin si Parker at humarap sa kaniya para mag tanong sana kung anong problema.

"You should go! Ayoko ma-issue." Pag sabi ni Ensley dito. Tumingin din naman si Parker sa paligid at nang makita ang mga mata ng chismosa ay napa-atras na lang siya dahil alam niya ayaw ni Ensley nang chismis lalo kung wala naman katotohanan.

"Btw, I've been seeing you hanging out with Chloe." Doon naman napalingon si Ensley sa binata at nag tataka ang mga mata nito.

"Paki-bantayan ang bata na iyon ha! Sige, bye!" At tumalikod na ito papalayo kay Ensley na pinag-taka ng dalaga. 'Kilala niya si Chloe?' takang tanong nito sa sarili.