Chapter 13
MAAGA si Ensley nagising dahil sanay talaga ito gumising ng maaga. Iba nga lang ngayon, kung dati nagising siya ng maaga para maabutan ang pag taas ng araw pero ngayon hindi na niya masusubaybayan iyon.
Naka suot pa ng pang-tulog si Ensley nang ito'y bumababa sa first floor. Suot niya ang paborito niyang short sleeve checked sa itaas at short checked sa pang ibaba naman na kulay pula.
Habang bumababa sa hagdan at tinatali ang maiksi niyang buhok na hirap niya talian ay nakita niya si Dior sa sala na may inaayos na mga papeles at mukha rin itong aalis dahil naka pang alis ito.
"Good morning" bati ng dalaga sa binata. "Bago ka kumain, may papapirmahan muna ako sayo." Sagot nito sa kaniya.
"Ano yon?" Habang nag lakad palapit sa sofa at umupo rito. Inabot naman ni Dior ang mga papeles kay Ensley at sinimulan ito basahin.
"Oh! Contract?" Tanong ng dalaga more like sa sarili nito. "Don't worry hindi naman kita tatakasan and mag babayad ako. Nabigay na ba ni Parker yung payment ko?" Sabi pa ni Ensley kay Dior.
"Yes, and gusto ko lang makasigurado" sabay bigay ng ballpen kay Ensley. "Also, andiyan din ang mga rules and regulations" dugtong pa ni Dior dito.
Tinuloy naman ni Ensley ang pag babasa "Pwede rin ba ako mag bigay ng rules?" Tanong naman ni Ensley habang nag babasa pa rin. "Hindi pwede, I'm your tenant!" Seryosong sagot naman ni Dior dito.
Tiningnan naman ni Ensley ito, "Okay." flat na sagot nito sa lalaki.
"Hmm, wala naman akong pake kung nag uuwi ka ng babae kaso—" pag bitin ni Ensley at tinaasan siya ni Dior ng kilay habang inaantay ang susunod na sasabihin nito.
"Sana wag lang maulit yung kahapon" mahinang sagot ni Ensley dito habang hindi makatingin sa lalaki. Tinawanan naman siya ni Dior na kinataasan ng dalaga ng ulo at sinamaan niya ito ng tingin.
"Anong gagawin mo kapag naulit yung kahapon?" Asar nito sa dalaga. "A-ano.. hindi ko alam basta k-kapag alam mo na, huwag kayo mag pakita sakin" nahihiyang sagot ni Ensley dito.
Na ikinatawa ni Dior ng malakas, "Anong alam ko?" Asar pa nito at ayaw tumigil sa pag tawa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ensley. "Alam mo yung ibig kong sabihin!" Sagot ng dalaga habang nakatitig dito.
"No, I don't." Sagot pa nito.
Tinapos na ni Ensley ang pag pirma sa kontrata at dali-dali tumayo para iwan ang lalaki dahil naiinis na siya rito. "The word is sex, honey!" Habol pa ni Dior dito.
HILA-HILA ni Ensley ang isang cart habang nag hahanap ng mga bibilhin niya para sa sarili. Nasa isa siyang market malapit sa subdivision na tinitirhan niya, at ang alam din niya ay malapit din ito sa University nila.
"Dapat pala sinabi ko kay Dior na every week palitan kami bumili ng pag kain sa bahay, para sa ganon makatipid at wala masayang na pag kain." Sabi ng dalaga sa sarili habang tulak-tulak ang cart at papunta siya sa mga fresh milk na supplies.
Kumuha ito ng apat na piraso, dahil hindi siya nainom ng kape at gatas ang iniinom sa umaga at gabi.
Marami pang pagkain si Dior kaya hindi muna siya bumili dahil baka masayang lang ito. Binili niya lang ang mga kailangan niya.
Habang nag babayad sa counter, naisip niya pumunta muna sa book store para makabili ng kailagan niya sa pag aaral.
Naisip niya rin kanina na mag pasama kay Parker dahil wala naman siyang kakilala dito sa Centro kaso naiinis pa rin siya dito, kung sa mga kuya naman niya ay ayaw niya rin istorbohin ang mga ito.
Kaya mag isa siya namimili ngayon, ayos lang din naman yon para matuto siya kaso hindi talaga siya sanay na walang kasama.
Pumunta siya sa book store at bumili ng mga school supplies at ilang libro na tugma sa kanyang kurso. Pag tapos niya mamili ay nag wall shopping na lang muna siya para sa susunod alam na niya kung saan siya bibili.
Wala rin siya balak umuwi ng maaga dahil naiinis din siya kay Dior pero sa totoo lang walang kaso kung nag dadala ito ng mga babae lalo na bahay naman niya iyon at hindi niya rin alam kung bakit siya agad naiinis dito.
Dahil hindi naman siya marunong mag luto ay naisipan na lang niya kumain sa labas. Hindi siya sanay kumain mag isa pero kailangan na niya matuto lalo na wala dito si Lucas para sabayan siya kumain.
Kailangan na rin niya matuto mag luto dahil ayaw naman niya bumili ng bumili nang pag kain na luto na dahil mapapamahal lang siya at lalaki ang gastusin niya.
Nasa tapat na siya ng bahay ni Dior, bitbit ang mga pinamili. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakatira siya sa isang bahay kasama ang isang lalaki.
Binigay na rin sa kaniya ni Dior ang password ng bahay. Bumukas na ang gate at pumasok na siya, napansin niya na hindi pa rin nakakauwi si Dior dahil wala pa ang sasakyan nito sa garahe.
Pag pasok sa bahay ay dumiretso siya agad sa kusina na nasa kanan at inayos na niya ang mga pinamili. Hindi niya alam kung anong oras si Dior uuwi dahil kahit binigay na nito ang number ay hindi naman sila text mate at ganoong close para itanong kung nasaan ang bawat isa.
Pero nakalagay sa kontrata na mag paalam kung gagabihin ba sila kaso ayaw niya talaga itext ito at baka ano sabihin non sa kaniya, na pakelamera siya.
NAGISING si Ensley sa ingay ng kabilang kwarto. Tiningnan niya muna ang orasan na nasa tabi at ang nakakagay dito ay "Alas dos ng umaga" na kinagulat ni Ensley.
Nang pinakinggan niya nang mabuti kung bakit maingay sa kabilang kwarto ay nagulat na lang siya at namula sa hiya.
Naririnig niya ang halingling ng isang babae, na mukhang nasasarapan ito sa ginagawa sa kaniya.
'Oh! Pleaseee Diooor, baby!' Sabi pa ng babae na naririnig niya sa kabilang kwarto.
Gusto na sana niyang takpan ang kaniyang tainga ng marinig niya si Dior. Ang boses nito ay parang napapaos at napakasarap nito sa kaniyang pandinig.
"What the hell! Ensley!" Suway ng dalaga sa sarili. Hindi siya makapaniwala sa mga iniisip.
Nakakarinig na siya ng dalawang katawan na tumatama sa bawat katawan ng isa't isa. Gusto niya sana pag sabihan ang mga ito na hinaan ang mga pinag-gagawa, nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata.
Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok at kinuha ang unan na nilagay niya sa ulo niya na pang takip. Wala naman naitulong ang pag takip niya dahil narinig niya pa rin ang mga ito.
Pinag sisihan niya na pumayag siya sa ganitong set up dahil ngayon pa lang ay nahihirapan na siya. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakapanuod ng mag kasintahan na nag tatalik, paano pa kapag live na niya naririnig.
Kung paulit-ulit ito gagawin ni Dior ay baka gabi-gabi rin siya hindi makatulog. "Paano na kapag may exam?!" Sigaw nito sa sarili at nag papadyak na lang sa inis.
"Argh!" Pagka-inis ni Ensley, dahil naririnig na naman niya ang boses ni Dior. Hindi na niya alam ang gagawin at nababaliw na siya sa kakaisip kay Dior.
Naalala niya nang una niya ito makita na walang damit sa buong katawan, at ang kaniyang— "ANO BA ENSLEY!" Inis na sigaw niya sa sarili.
Hindi alam ni Ensley kung anong oras na siya nakatulog, basta ang huling natatandaan na lang niya na narinig ay ang boses ni Dior na nag mura.
PARANG zombie na bumababa si Ensley, hindi siya ganoon nakatulog kagabi sa mga naririnig niya.
Pag angat niya ng ulo ay naabutan niya si Dior nasa harapan niya at nakatitig sa kaniya. Nag tataka ito kung bakit ganoon ang itsura ng dalaga.
Nagulat naman si Ensley at dali-dali lumakad sa kusina para kumuha ng gatas na nasa ref. Tinungga niya iyon agad agad sa nerbiyos na malaman ni Dior na nakikinig siya kaninang madaling araw sa kanila.
Hindi naisip ni Ensley ang gagawin kapag nakita niya si Dior after ng mga narinig niya kaninang umaga.
"What happened to you?" Takang tanong naman ni Dior sa dalaga. Nagulat naman ang dalaga rito at nasamid sa pag iinom ng gatas.
Natapunan niya ng gatas ang damit niya at ang mukha niya. Dali-dali naman lumapit sa kaniya si Dior, at pag tingin niya rito ay namumula ito at sinundan niya kung saan ito nakatingin.
Nang marealized niya kung saan ito nakatingin ay nagulat si Ensley dahil natapunan ang damit niya ng gatas at dumikit ito sa dibdib niya, at mas lalong kinagulat niya ay nakalimutan niya mag suot ng bra dahil sa pag kawala nito sa wisyo.
Nakasuot siya nang isang puting damit na maluwag sa kaniya at naka short lang din siya, at ngayon ay parang inaakit niya si Dior sa lagay na ito.
Dali-dali niya tinakpan ang dibdib na ngayon ay naka umbok na dahil sa lamig ng gatas na natapon sa kaniya.
"A-ano!" Biglang nag salita si Dior na kinagulat niya ulit, hindi ito makatingin sa kaniya. "Sige! Akyat muna ako, bye!" Nag mamadali na takbo ni Ensley paalis sa harapan ni Dior.
Lalong hindi niya alam kung paano ito haharapan sa mga susunod na araw. Gusto na agad ni Ensley mag karoon ng klase para hindi sila nag tatagpo ng landas ni Dior dahil sa tuwing nag tatagpo sila, palaging may hindi maganda nangyayari.
"Kasalanan talaga ito ni Parker!" Inis na sabi ni Ensley sa sarili.