Chapter 12

NAKATAYO lang si Ensley habang nakatitig sa lalaking tinawag ni Parker na Dior. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya, malalagot talaga siya kapag nalaman ng mga magulang niya ito at ng mga kuya niya.

Alam niyang madami pa siyang oras para mag isip pero hindi niya pwede sabihin sa mga ito na naubusan siya ng slot sa dormitoryo at ngayon ay nasa bahay siya ng isang lalaki na hindi niya kilala.

Hindi niya pwede ma-disappoint ang mga kuya niya at lalo na ang mga magulang niya. Nag sisimula pa lang siya maging independent sa sarili.

"Hey!" Tawag sa kaniya ni Dior pero hindi niya ito pinapansin dahil marami ang tumatakbo sa isipan niya.

"Hindi ko pwede ma-disappoint sila Mama." Wala sa sariling sabi ni Ensley kay Dior.

Hindi alam ni Dior ang gagawin kay Ensley lalo na mukhang nag sisimula na ito mag panic dahil sa naging sitwasyon nito.

Malilintikan talaga si Parker kapag nakita niya ito, sabi ni Dior sa sarili.

"You can stay here." Walang gana na sabi ng binata kay Ensley at napatitig naman ang dalaga rito, matangkad ang lalaki sa tutuusin mas matangkad ito kaysa kay Parker at hindi pa si Ensley aabot sa balikat nito.

May kulay brown din itong mata, matangos ang ilong, kung titigan mo ito nang matagal mapapansin na marami itong maliliit na nunal sa mukha at may isang nunal din ito sa leeg na hindi kinatuwa ni Ensley, dahil mahilig siya sa mga nunal at may mapula rin itong labi at medyo mahaba rin ang buhok nito na may pagka-kulot.

"Ensley, right?" Tanong pa nito at "Your saliva is dripping." Preskong sabi pa nito sa dalaga. Doon naman natauhan si Ensley.

"W-what?" Inis na sabi ni Ensley dito at tinawanan lang siya nito.

"I said, you can stay here. I don't actually care" sabi pa ni Dior.

"You know what? Gwapo ka sana kaso wag mo lang bubuksan bibig mo, para okay na!" Pag tataray ni Ensley na ikinagulat naman ni Dior.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Dior na kina-tawa niya dahil para itong isang babae na may period.

"By the way, my name is Ensley Ignacio. Nice to meet you!" Pag papakilala ni Ensley sa binata at inabot pa nito ang kanang kamay para makipag-kamay dito.

Tiningnan muna siya ni Dior sa mukha sabay sa kamay nito na naka-abot dito. "Dior Moore" pag papakilala rin ng binata at tinalikuran na ang dalaga.

Nagulat naman si Ensley dahil hindi nito inabot ang kamay niya, pero bakit pa siya magugulat kung sa una pa lang malaki na ang sungay ng ulo nito.

Kinuha na lang ni Ensley ang mga gamit niya na naiwan sa gilid ng pintuan. May dalawa siyang maleta na malalaki at hindi man lang siya tinulungan ni Dior. 'Wow lang talaga'

"Saan pala yung kwarto ko? At yung susi?" Tanong naman ni Ensley dito. Kung masungit ito, mag papakabait na lang siya dahil ayaw niya patungan ang pag susungit ng lalaki dahil wala siyang mapapala roon.

Pumunta naman si Dior sa isang cabinet at kinuha ang isang susi doon at inabot kay Ensley.

"Thank you, Dior" pasasalamat nito rito na kinainisan naman ni Dior pero hindi na lang niya pinansin.

Pumunta sa kusina sa Dior, mag luluto ata ito ng tanghalian ang binata. Hirap na hirap si Ensley bitbitin ang mga maleta niya paakyat sa taas ng bahay.

Nagulat na lang siya ng may mabangong dumaan sa kaniya at nang tumingala siya ay si Dior ito at bago pa siya makapag-react ay kinuha na nito ang dalawa niyang maleta paakyat ng hagdan na kinagulat ni Ensley.

"May kabutihan naman pala, kunwari pang masungit" sabi ni Ensley sa sarili at napa iling-iling na lang siya.

Pag akyat niya sa taas, may dalawang kwarto ang mag katabi. Nasa dulong bahagi ang pinag dalhan ni Dior ng mga maleta ni Ensley, ibig sabihin kay Dior yung kwarto na nasa kanan at malapit sa hagdan.

Ang bahay ni Dior ay puro puti at itim ang kulay. Mataas din ang ceiling, at maraming malalaking bintana. Moderno na moderno ang bahay nito. Parang industrial style na hindi yung bahay ng binata.

Kalahati lang yung pangalawang palapag ng bahay at dalawang kwarto lang ang meron. Sa baba naman ay andon ang sala, kusina, dining area at may isang kwarto rin sa tabi ng sala na hindi alam ni Ensley kung ano.

Binuksan na ni Dior ang kwarto niya na hindi naman pala naka lock. Pumasok na si Ensley sa loob at pinasok na rin ni Dior ang mga gamit niya sa loob.

Aalis na sana si Dior ng "W-wait! May isa akong box sa baba." Walang hiya na sabi ni Ensley sa binata.

Walang sabi sabi ay tumalikod na ang binata sa kaniya. "S-sandali!" Habol pa ni Ensley.

"Ako na nga lang" sabi ng dalaga sa sarili. Nang baba na siya ay nakita niya si Dior na bitbit ang kaniyang box paakyat. Inantay na lang niya ito makalapit sa kaniya at kukunin na sana niya nang tuloy-tuloy lang ito sa kwarto ni Ensley.

Sumunod na lang ang dalaga habang nilalapag ni Dior ang box niya. "Salamat, don't worry lulutuan na lang kita ng— ay hindi pala ako marunong mag luto" sabay kamot sa ulo ni Ensley at tumawa ng peke.

Tinitigan na lang siya ni Dior at tumuloy na ito sa ibaba.

Sinarado naman ni Ensley ang magiging kwarto niya, may malaking bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto na may harang ng kurtina. Hinawi naman ito ng dalaga at

Makikita dito ang mini garden sa ibaba, tanaw din dito ang mga tabing bahay.

Nang titigan niya ang buong kwarto ay kulay black and white din ang buong paligid nito at may sariling palikuran din.

Bandang hapon na ng matapos si Ensley sa pag aayos ng gamit niya at gutom gutom na ito.

Pag kababa niya ay walang Dior ang makikita sa buong paligid. Wala naman itong narinig na lumabas sa bahay.

Nang magulat siya na may bumababa sa hagdan at nakita niya roon si Dior.

Mukhang aalis ito, "Aalis ka?" Tanong naman ni Ensley dito. Hindi naman ito sumagot sa kaniya at hindi na lang niya ito pinansin dahil mukhang ganoon talaga ugali nito, hindi namamansin at nag sasalita.

Pupunta na sana siya sa kusina bitbit ang dala niyang ramen, "May sobrang ulam kanina. Kunin mo na lang sa ref at initin." Seryosong sabi ni Dior sa kaniya na kinabigla niya.

Mag papasalamat na sana siya ng lumabas na ito ng bahay.

"Binawi ko na yung sinabi ko na may sungay siya." Sabi naman ni Ensley sa sarili.

Lumapit na siya sa ref nito at nakita niyang may ulam nga rito at maraming laman na pag kain ang ref ni Dior pero kahit marami itong pagkain sa ref ay kailangan niya pa rin mag grocery dahil hindi naman sa kaniya ang nasa refrigerator.

Habang kumakain ay inililista rin ni Ensley sa cellphone niya ang mga dapat niyang bilhin.

Mag papaalam at mag tatanong na lang siya mamaya kay Dior pag uwi nito kung saan may malapit na market. Hindi niya rin alam pasikot-sikot sa lugar.

Balak niya sana mag tanong kay Parker kaso naiinis pa siya rito, dahil sa lalaking yon kung bakit andito siya sa sitwasyon na ito.

Wala siya magawa sa loob ng bahay ni Dior, kaya nung lumapit siya sa sala ay sinubukan niya buksan ang tv nito at nalaman na may cable ang tv ni Dior kaya nanuod muna siya dito ng isang film at nang matapos na ang pinapanuod ay balik na naman siya sa walang ginagawa.

Naisipan na lang ni Ensley na lumabas muna ng bahay kahit sa mini garden nito sa harapan.

Maayos ang mga halaman na nakatanim dito, parang every week inaayusan.

Lumapit siya sa mga ito at dahan dahan na hinahawakan ang bawat dahon ng halaman.

Pangalawang araw pa lang ni Ensley sa Centro ay hindi na niya mapigilan na mamiss ang mga kasamahan niya sa resto at ang araw-araw niya na pag bisita sa dalampasigan, at ang pag didilig at aayos ng mga halaman nila sa tuwing maraming iniisip si Ensley, at hindi niya rin makakalimutan ang kanilang gold fish na kahit pinag titripan niya ay alam naman niyang mahal niya ang mga ito.

Nangako rin siya na tatawag araw-araw kala Lucas at Nora, kaya naiisipan niya tumawag mamaya bago siya matulog.

Papadilim na rin pero hindi pa rin umuuwi si Dior. Naiisip ni Ensley na baka ayaw nito sa kaniya bilang housemate sa bahay.

Sanay siya sa Costa na pinaparamdam kung gaano kahalaga si Ensley sa mga ito at shempre ganoon din siya sa kanila pero ngayon na nasa Centro siya ay hindi mapigilan na maisip na sana sinabi na lang niya ang totoo sa magulang at para sa mga kuya na lang siya nakatira ngayon.

Siguro kung andoon siya sa mga kuya niya, may kasama siya ngayon at hindi siya mag iisip ng kung anu-ano.

Nasa malalim na pag-iisip si Ensley na hindi niya napansin si Dior na pumasok. Binuksan ni Dior ang garahe para mapasok na niya sa loob ang kaniyang sasakyan.

Natauhan naman si Ensley nang marinig niya ang sasakyan ni Dior na pumapasok sa loob ng garahe. Tinitigan niya ito, sinubaybayan niya rin ang pag labas ni Dior sa kaniyang sasakyan.

Tinitigan lang siya ni Dior at pumasok na ito sa loob ng bahay at sumunod naman si Ensley dito.

"Dior, kanina pa kita inaantay. Itatanong ko sana kung saan banta yung market dito? Para makabili rin ako ng mga pag kain ko at ilang gamit ko na rin." Mahabang paliwanag ni Ensley dito.

"Sana tinawagan mo na lang ako." Sagot naman nito sa kaniya. Napa-"HA?" na lang si Ensley sa sinabi nito dahil hindi niya naintindihan.

"Wala kong number mo. Si Parker lang meron ako, kaso ayoko naman siya tawagan dahil naiinis pa rin ako sa kaniya." Mahaba ulit nitong paliwanag. Habang na sunod kay Dior papunta sa kusina.

Kumuha ito ng isang bottled water at tinungga. Kitang kita ni Ensley kung paano gumalaw ang Adam's apple nito habang umiinom at pinanuod niya ito hanggang matapos ang binata uminom ng tubig.

Nang tumingin na si Dior sa kaniya ay bigla siya napaiwas ng mata rito.

"I wrote my number on the sticky note" pag kuha ni Dior sa sticky note na nakadikit sa ref "Here" abot nito sa kaniya, nahiya naman siya dahil hindi niya ito nakita kanina.

Tinitigan lang ito ni Ensley pag kaabot sa kaniya ng papel. "Aren't you going to put my number in your contacts?" Tanong pa nito sa kaniya. "Ay! Oo!" Gulat na pag sagot ng dalaga.

"Lalabas muna ako, mamimili lang ako ng mga pagkain ko" paalam ni Ensley dito at tatayo na sana "You can eat anything sa ref at meron din sa mga cupboard, idagdag mo na lang sa bayad mo" seryosong sabi ni Dior sa kaniya.

"Okay! Thanks! Pangako mag babayad ako" pasasalamat nito sa binata. "Of course, you do." Mahinang sabi nito at dumiretso na sa hagdan paakyat.

"Kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako kumakain, kuha na lang ako ng itlog dito ha!" Pag paalam ni Ensley sa binata.

"Don't mind me." Sagot na lang ni Dior dito at dumiretso na sa taas para umakyat sa kwarto nito.