Chapter 11

INAAYOS ni Ensley ang gamit niya at nakapag-ayos na rin ito ng sarili. Tumawag na kanina si Parker, malapit na raw ito sa tinutuluyan niya at tatawag na lang ulit.

Nasanay si Ensley na palaging sinusuot ay isang dress or bestida sa Costa, pero ngayon nakasuot siya ng isang high waist na pantalon at maiksing puting blouse na sinuotan nang isang gucci half loafers.

"Hello?" Pag kasagot ni Ensley sa kabilang linya. "Nasa baba na ako, ano yung hotel room mo?" Tanong nito sa dalaga. "Ha? Ako na lang baba diyan. Pinababa ko na yung maleta ko diyan, intayin mo na lang ako sa lounge ng hotel." Sagot ni Ensley at hindi na niya inantay sumagot si Parker at pinatay na niya ang telepono.

Nasa elevator siya nang maalala na hindi niya pala alam ang itsura nito, kaya tatawagan na lang niya ito mamaya kapag nakababa na siya.

Habang nag lalakad si Ensley papunta sa lounge ng hotel ay dina-dial na rin niya ang contact number ni Parker.

"Alam kong tatawag ka" sagot ng kabilang linya na tumawa pa. "A-anong kulay ng damit mo?" Tanong ni Ensley habang lumilingon pa.

Naka talikod si Ensley kung nasaan si Parker ngayon, nauna si Parker na makita siya at tumayo na ito at dumiretso na sa babae.

"Ensley Ignacio?" Sabi ng tao sa likuran niya, nagulat naman ang dalaga at dali-dali humarap kay Parker.

Matangkad ang lalaki, mukha rin itong may lahi. Matangos ang ilong, maputi at singkit ang mga mata nito.

Hindi agad naka sagot ang dalaga, "Ensley, right?" Tanong ulit nito sa dalaga at ngumiti. "A-ah! Oo, I'm Ensley Ignacio" sagot ng dalaga. "Nagulat ba kita? Sorry!" Habang tumatawa.

Ngumiti na lang ng pilit si Ensley at sinabi na hindi. Dumating na rin ang mga maleta ni Ensley at ang isa nitong box na bitbit.

Tinulungan naman sila na dalhin ng bell boy ang mga gamit nito sa sasakyan ng binata. Nang malagay na sa ayos sa likod ng sasakyan ang mga maleta at sa likod ng upuan ang box nito ay pumasok na si Parker sa driver seat at ganoon din si Ensley, na pumasok na sa passenger seat.

Tahimik lang ang dalawa habang nabiyahe, hindi rin alam ni Ensley ang sasabihin dito. Nakabukas lang ang radyo nito at minsan mahinang sumasabay si Parker sa kanta.

"A-ano? Alam ba ni Scarlett na ngayon dating ko?" Nahihiyang tanong ni Ensley sa binata. Lumingon naman si Parker kay Ensley at sinabing "Hindi pa, isusurprise natin siya." Ang sagot ni Parker habang tumawa.

Hindi alam ni Ensley kung kailangan niya rin ba tumawa o nakakatawa ba yung sinabi ng lalaki kaya ngumiti na lang siya rito.

NASA isang subdivision sila at nasa harapan na mismo sila nang bahay na titirhan niya. Medyo malaki yung bahay kaya pala kailangan niya talaga nang katulong mag bayad dito, pag iisip ni Ensley sa sarili.

Lumabas naman si Parker ng sasakyan at pinag bukasan siya ng pintuan. Nagulat siya sa ginawa nito pero nag pasalamat pa rin siya.

Kinuha na ni Parker ang dalawang maleta nito sa likuran at siya naman ay kinuha na rin ang box sa loob ng sasakyan.

Nauna mag lakad si Parker at parang sariling bahay niya rin ang lugar dahil alam nito ang password ng gate sa bahay. Sumunod na lang din siya rito at siya na lang din nag sarado ng gate gamit ang paa nito dahil bitbit niya ang isang kahon sa kamay.

Nakita niya si Parker na hindi pa kumakatok or pumapasok sa loob mismo ng bahay na pinagtaka niya. Sigurado siya na alam din nito ang password ng bahay dahil nakapasok sila sa gate.

"Bakit?" Takang tanong ni Ensley kay Parker. "Ikaw na mauna sa loob" sagot ng binata sa kaniya. Nag taka naman siya sa sagot nito.

"Ako na lang ang pipindot ng password tapos ikaw mauna pumasok." Sabi pa ng binata kay Ensley na sobrang pinagtaka niya pero umoo na lang siya dahil wala na rin naman siya magagawa.

Pagkarinig ni Ensley sa tamang password ay bumukas na ang pintuan nito at tuluyan na siya pumasok sa loob.

Nang mabitawan niya ang bitbit na kahon na naging sanhi ng ingay sa buong paligid at narinig na lang niya na nag mura si Parker sa likuran niya at ang sigaw ng isang babae.

At tuluyan na nanlaki ang mga mata ni Ensley sa nakikita niya sa harapan, may isang babae na nag mamadali takpan ang buong katawan nito at isang lalaki na hindi man lang sinubukan takpan ang hinaharap nito at ang mas malala ay nakatitig ito sa kaniya ng masama.

Nag tago ang babae sa likuran ng lalaki, hindi alam ni Ensley kung bakit hindi niya maalis ang titig sa lalaki. Natauhan na lang si Ensley ng marinig niya mag mura ang lalaki na nasa harap niya. Doon niya lang din napagtanto na kailangan niya takpan ang kaniyang mga mata.

Hinila naman siya ni Parker sa isang gilid. "Dude! Bago ka magalit, mag suot ka muna ng damit mo." Sabi naman ni Parker don sa lalaki.

Hindi maintindihan ni Ensley ang nangyayari, at sigurado siya na nasurprise talaga nila si Scarlett at lalo na ang lalaking nasa harapan nito.

NAKAUPO silang lahat sa sala ng bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit masama ang tingin nung lalaki sa kaniya, na dapat hindi dahil hindi naman ito ang may-ari ng bahay pero hindi niya rin mawari kung bakit si Scarlett ay masama ang tingin sa kaniya.

"Explain" galit na sabi nung lalaki. Nag tataka naman si Ensley sa inakto nito. Tiningan din ni Ensley si Parker na ngayon ay naka-ngiti na mas pinagtaka ni Ensley.

"Si Ensley-" simula ng binata at bigla napalingon ulit si Ensley dito at mukhang sisihin pa siya nito dahil sa pag bagsak niya kanina ng kahon.

"Siya yung rerenta sa kabilang kwarto" paliwanag nito or more like pag babalita niya sa lalaki. Tumingin naman si Ensley sa lalaki, pagkatapos sa katabi nitong babae.

"Hi, Scarlett! Ako yung rerenta sa kabilang kwarto." Pag papakilala ni Ensley sa babae na pinagtaka naman ng lalaki.

"Scarlett?!" Sigaw nung babae sa katabing lalaki. "Not now, Victoria and please you may leave now!" Bastos na sabi ng lalaki kay Victoria at wala na nagawa ang babae at lumabas ito ng bahay.

"T-teka! A-ano?! Hindi siya si Scarlett? Nasaan s-si Scarlett?" Gulat na tanong ni Ensley more like kay Parker.

"Sorry, Ensley." Paumanhin nito sabay kamot sa ulo. "Don't tell me? L-lalaki? L-lalaki?" Hindi pa rin ma-process ni Ensley ang nangyayari at tiningnan niya ang lalaking na totoong may-ari ng bahay.

"Parker! Hindi ako pwede tumira dito!" Sabi naman ni Ensley sa binata at hinawakan pa nito ang braso.

"Akala mo naman gusto rin kita dito, tsaka wala akong alam sa kalokohan ni Parker. Sinabi ko na mag hanap siya ng rerenta pero hindi ko sinabi na babae." Masamang titig nito kay Parker.

Nang biglang may tumawag kay Parker sa telepono. "Mauna na ako, Dior. Ikaw na bahala kay Ensley." Pag takas ni Parker sa sitwasyon at tumakbo na palabas.

"W-what?!" Sigaw ni Ensley sa dalawang lalaki pero nakaalis na si Parker at silang dalawa na lang ni Dior ang nasa bahay.