Chapter 40: Drunk

Xena

Hindi ako makakilos hanggang sa mabagal na inalis ko na lang sa tapat ng tenga ko ang telepono at tuluyang ibinaba iyon nang marinig na bigla na lamang naputol ang linya.

Parang wala sa sarili na bumangon ako.

What the fck was that?

Para sa akin ba 'yon? Anong nangyari rito at bakit nito sinabi iyon sa akin? O nagkamali lamang ito ng taong tinawagan?

Sht. Here I go again. Ilang salita lang pero natataranta na, ilang salita lang pero heto at sobrang apektado na, higit sa lahat ay parang gusto na namang umasa ng puso kong kahit kailan ay napakatanga basta ito na ang usapan.

Napakarupok, Alexena! Umayos ka nga!

Napahinga ako nang malalim bago walang lakas na napahigang muli sa kama at tumitig sa kadiliman na bumabalot sa aking silid.

Punyemas. Gano’n-gano’n lang ay parang napakabilis na matibag no'ng kagustuhan kong maging masaya na, napakabilis kasing magulo ng isip at nararamdaman ko dahil sa mga simpleng salita na sinabi nito na ni hindi ko nga alam kung para sa akin ba talaga.

Naihilamos ko na lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko dahil sa nakaka-frustrate na pakiramdam.

Fck. Paano pa ako nito makakatulog? Hindi na nga ako dinadapuan ng antok kanina pa, paano pa kaya ngayon? Dinagdagan pa nito ang isipin ko at naliligalig tuloy pati na ang nararamdaman ko.

Hays. Isa ito sa mga dapat kong baguhin sa sarili ko, e.

Pilit na kinalma ko ang isip at damdamin ko.

Pumikit akong muli at sinubukan kong matulog kahit na alam kong mahihirapan lamang ako.

Ngunit hindi nagtagal ay napadilat din ako, dahil pakiramdam ko ay hindi ko talaga kayang matulog kahit na pilitin ko pa ang sarili ko ay nag-isip ako ng paraan para naman kahit na papaano ay maipahinga ko ang isip at katawan ko.

Gumalaw ako at hindi sinasadyang nasanggi ko ang telepono ko. Agad na dinampot ko iyon noong maisip na magpatugtog na lang ako para ma-divert at ma-relax ang isip ko upang tuluyan na akong makatulog.

KAHIT na matagal ay nagtagumpay naman ako, naalimpungatan nga lang ako nang marinig ang pagtunog ng telepono ko. Antok na kinapa ko iyon sa bedside table kung saan ko ibinaba kanina bago umayos ng higa.

Hays. Sino na naman ba ang tumatawag?

Kasarapan ng tulog ng tao, e.

Inis na bumangon ako nang hindi ko makapa at hindi pa rin tumitigil sa pagtunog.

Sa ingay nito ay nawala na ng tuluyan ang antok ko!

Kainis naman talaga, hirap na hirap akong humanap ng tulog tapos babasagin lang ng tawag.

Ngunit napakunot ang noo ko nang makitang si Cloud pala ang tumatawag.

Ano naman kaya ang problema ng isang ito? Kanina 'yong kaibigan nito ang bumulabog sa isip at puso ko, tapos ito naman ngayon ang nambubulahaw?

Tsk. What is it this time?

I cleared my throat. "Ulap, anong mayro'n?" bungad na tanong ko na agad.

"Sorry naabala ko pa ang tulog mo. But I need your help," parang natataranta na sabi nito.

Kinabahan ako at napatuwid bigla ng upo. "H-Help? Bakit anong nangyari?"

Lalo akong kinabahan noong hindi ito tumugon, ang narinig ko lang ay ang paghugot nito ng hangin at ang paghinga na parang hinihingal.

Nasangkot ba ito sa gulo? May humahabol ba rito kaya ito hinihingal? O naaksidente ito?

Napalunok ako. "U-Ulap? Hello? Ano bang nangyayari?"

"Saglit lang, hihinga lang ako. Hinihingal pa ako, e. Pucha, hindi na gumagalaw, patay na yata ang p*ta," hindi nakaligtas sa pandinig ko ang huling sinabi nito kahit na parang sa sarili lang talaga nito iyon dapat sasabihin.

Nanlaki ang mata ko.

Hindi na gumagalaw? Patay na yata?

Mahigpit na napakapit ako sa teleponong hawak ko. "W-Wait, nakapatay k-ka ba ng tao?" kabado kong tanong.

Natawa ito. "Hoy, hindi, ah. Ano bang pinag-iiisip mo riyan? Ang layo na ng narating ng imahinasyon mo," aliw na tugon nito.

Napakamot ako sa ulo. "Ay, hindi ba? Malay ko ba kasi? E, narinig ko lang kasi 'yong sinabi mo na hindi na gumagalaw at patay na yata."

"Ah, 'yon ba? 'Yong pusa lang 'yon na nadaanan ko, para kasing patay na dahil hindi gumagalaw," paliwanag nito na natatawa pa rin.

Nakahinga ako nang maluwag.

Sunod na napakamot na lang ako sa pisngi ko at napailing-iling. "Okay, mabuti. Akala ko kung ano na. Pinakaba mo ako. Pero ano ba ang problema at napatawag ka? Alas dos pa lang nang madaling araw," pagpapaalala ko kung sakali mang nakalimot ito.

Tumigil na ito sa pagtawa at tumikhim. "Sorry about that. I really need your help," ulit nito sa sinabi kanina.

Napabuntung hininga ako. "Help? Ano nga kasing klaseng help? Saka kaya ko ba 'yan?" usisa ko.

"Kayang-kaya siyempre. Puntahan na lang kita ngayon. Actually, malapit na ako. Saka ko na sabihin. I'll hang up, okay? I'm still driving."

"Okay, ingat ka," bilin ko bago pinutol na ang linya.

Hindi na ako nag-abala pa na nagpalit ng damit dahil presentable naman ang hitsura ko, inayos ko na lang ang buhok.

Lumabas na ako at naupo sa sofa habang hinihintay si Cloud.

Humikab ako at nag-inat nang makaraan ang ilang minuto ay wala pa ito.

Ano nga kaya ang problema no'ng isang 'yon?

Makaraan pa ang ilang minuto ay narinig ko na rin sa wakas ang pagtunog ng doorbell kaya dali-dali akong naglakad papunta sa pinto upang mapagbuksan si Cloud, pero nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto ay nagulat ako nang mapagtanto na hindi ito nag-iisa—dahil kasama at alalay nito ang walang malay na si Mikey.

"Lasing."

Naikurap-kurap ko ang mata ko.

D*mn, hindi ko mapigilang isipin 'yong kanina. Did he really mean what he said to me earlier? Is that really for me?

O baka mali lang ito ng natawagan dahil sa kalasingan?

Malamang ay iyon nga, para iyon sa isa sa mga babae nito.

Kaya magtigil ka sa pag-iisip dahil ikasasakit lang 'yan ng damdamin mo, Alexena.

"Tatayo ka na lang ba riyan? Tulungan mo kaya ako?" hirap ang tono na untag sa akin ni Cloud.

Sht. Bakit dito pa nito dinala ang kaibigan nito?

Ganunpaman ay tinulungan ko na rin itong dalhin si Mikey sa sofa na wala pa ring malay.

"Sadyang hindi mo sinabi dahil alam mong tatanggi ako 'no?" taas kilay kong tanong at lumayo na nang maibaba na namin ang lasing.

"Sorry na. Dito kasi ang malapit, e. Mapapagalitan ako kapag sa amin ko dinala 'yan. Malayo naman kapag sa kanila pa," katwiran ni Cloud.

Napabuga ako ng hangin. "Ano pa bang magagawa ko? Nandiyan na. Pero anong nangyari riyan?" tanong ko bago humalukipkip.

Hingal na sumalampak si Cloud sa sahig nang matapos na maiayos na nito sa wakas si Mikey sa pagkakahiga. "Gago talaga, e. Naglasing at may problema."

Sumalampak na rin ako sa sahig kapagkwan bago bahagyang tumawa. "Baka nag-away sila no'ng girlfriend niya? Dinamayan mo sana," biro ko.

Tiningnan ako nito nang mapanuri. "Akala ko ikaw ang dahilan."

Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit ako? At bakit ako nasali sa usapan? Wala akong kinalaman diyan. Nananahimik ako. Ni hindi ko nga 'yan nakakausap," pagtatanggol ko sa sarili ko.

Ngumisi itong bigla. "He's still into you."

Naumid ang dila ko.

What the hell? Anong kahibangan ang pinagsasasabi nito?

Iniikot ko ang mata ko. "Naku, huwag ako, Ulap. Hindi ako. Kailanman ay hindi naging ako. At hindi ako ang kailangan niya for the record. Alam mo ang totoo noon pa."

Sumipol ito. "Hindi raw. According sa narinig ko kanina, he's willing to take you back daw."

Sinabi ni Mikey 'yon?

Kaya ba ito tumawag at sinabi 'yong mga katagang matagal ko nang nararamdaman para rito?

Napalunok ako.

"Pero mukhang nawawalan ng pag-asa, e. Ano bang ginawa mo? Tignan mo 'yong tao. Ano ba ang nangyari at lugmok?"

Napatitig ako kay Cloud.

Sht, nagtatahi lang ba ito ng kuwento?

"Balita ko, nagkakamabutihan yata kayo ni Kuya Hero at may isang taong nagdurugo ang puso," pigil na pigil ang tawa na sabi nito nang hindi ako kumibo.

Natawa tuloy ako. "Saan mo naman nalaman 'yan? Parang hindi legit. Saka nagdurugo ang puso? The fck, Ulap?"

Tumawa ito nang malakas pagkatapos ay sumeryoso naman din. "Seriously, kausapin mo kaya, Lexy?"

Napataas ang kilay ko. "Kailangan ba? Wala naman kaming pag-uusapan. Kung tungkol sa nakaraan. Well, he doesn't have to know. Naka-move on na siya. Okay na 'yon. Pabayaan na natin. Saka mukhang hindi rin naman siya interesado sa nakaraan kaya pabayaan na natin sa nakaraan ang nakaraan na, huwag na nating halungkatin pa."

Napailing-iling ito. "Karapatan niyang malaman kung bakit talaga kayo nagkakagulo mula noon hanggang ngayon."

Umiwas ako ng tingin.

Pero napalingon kami pareho nang umungol si Mikey at nahulog na lang bigla sa sahig.

Napangiwi ako.

Natawa si Cloud at inalalayan itong umupo, nakadilat na ang singkit nitong mata sa wakas.

"Nakailang palaka ka, Miks?" pang-aasar pa ni Cloud.

Sasagot pa sana si Mikey kay Cloud pero napatingin ito sa gawi ko. Gulat itong napaayos bigla ng upo.

"X-Xena? Alexena, ikaw ba talaga 'yan?" parang hindi siguradong tanong nito.

Gags 'to, ah. Kung makatanong parang nagparetoke ako at nagbago ang hitsura ko.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Bakit?"

Ipinilig nito ang sariling ulo at napapikit nang mariin, pagkatapos ay napangiwi. "You're real. Anong ginagawa mo rito?"

Anong ginagawa ko rito? Sa sariling unit ko? Seriously? Dapat ba akong umalis at ako dapat ang wala rito?

Natawa si Cloud at binatukan ito. "Of course, she's real. Tanga lang? Siyempre nandito siya dahil unit niya 'to mismo."

Umawang ang labi ni Mikey sa gulat. "W-What?! Bakit dito mo ako dinala?!"

"Malamang! Sabi mo gusto mo siyang makasama at makita, 'di ba? Tinupad ko lang 'yong wish mo," sabi ni Cloud sabay kindat sa akin.

Wtf? Anong kagaguhan na naman 'yon?

Tiningnan ko si Mikey na hindi makatingin sa akin, sa halip ay matalas ang pagkakatitig nito kay Cloud habang hinihilot ang noo.

"Why? May sasabihin ka ba?" tanong ko kay Mikey at sabat ko na para matigil lang si Cloud sa pang-aasar.

Ngunit sa halip na matigil ay natawa pa nang malakas si Cloud. "Hindi mo raw kasi siya kinakausap at pinapansin sa opisina ninyo. Pansinin mo nga, Lexy," patuloy na pang-aasar pa rin nito.

Hindi nga ako pinapansin, tapos papansinin ko? Wow ha! Suwerte naman ni boy. Birthday ba niya?

Tumaas ang kilay ko. "Tumigil ka nga, Ulap! Ano ka spokesperson niya?!" pagtataray ko.

Tumawa ito at umakto na isini-zipper ang bibig.

Binalingan ko si Mikey. "Ano? May sasabihin ka po ba, SIR?"

Tumigil ito sa paghilot na ginagawa sa noo.

Malamang masakit ang ulo nito. Inom kasi nang inom, hangover ang napala.

Dumaan ang ilang sandali pero hindi ito nagsalita.

Tumayo na ako.

Nakakainip kasing maghintay sa ayaw kumibo.

Bumuntung hininga ako. "Ipagtitimpla ko na lang kayo ng kape," alok ko.

"H'wag na, uuwi na lang ako sa bahay, kanina pa natawag si Mommy," paalam ni Cloud at tumayo na.

Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa tumatayo si Mikey. "Hindi ka pa ba uuwi?" matapang na tanong ko.

Umiling ito. "Sabi mo magtitimpla ka ng kape," sagot nito bago hinilot ulit ang noo.

Bwisit. Nagsisi pa tuloy ako kung ba't nag-alok pa ako.

Agad na binalingan ko si Cloud. "Hoy, Ulap! Magkape ka na rin muna. Ihahatid mo pa si SIR."

Tumawa si Cloud. "Okay lang ako. Saka hindi ko ihahatid 'yan dahil dito na lang siya, 'di ba, Miks?" nakangising sabi nito at iniumang ang palad upang makipag-apir sana kay Mikey pero hindi ito bumangat kaya napipilitan na ibinaba na lamang ni Cloud ang kamay sa huli.

Tsk. Mga gags talaga. Saan nito patutulugin si Mikey? E, nandito si Zelle.

"Wala siyang tutulugan dito. Nasa kabilang kuwarto si Zelle," pagbibigay alam ko.

Parang hindi man lang nagulat ang mga ito sa sinabi kong nandito si Zelle. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.

"Oh? E, 'di tabi na lang kayo," suhestiyon ni Cloud.

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

Ang sarap talaga nitong kalbuhin kahit kailan.

"Excuse me? Bakit kami magtatabi? Baliw ka na ba?" mataray kong tanong.

Natawa ito. "Grabe. Baliw agad? Ano naman ang masama kung magtatabi kayo?"

Hays. Abnormal talaga itong kausap.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Sobrang sama. Alam mong may girlfriend 'yang kaibigan mo tapos patatabihin mo sa akin?!" inis kong tanong sabay turo kay Mikey.

Natawa nang malakas si Cloud habang nakahawak sa tiyan nito, gunggong na gunggong ang dating.

Ano ba kasing nakakatawa sa sinabi ko?

Nakita nitong lalong sumama ang tingin ko rito kaya tumigil na rin naman ito kapagkwan.

"Hindi naman kasi si Miks ang sinasabi kong itabi mo, e. Hindi si Miks, okay? Kundi si Zelle. Uy, ikaw, ah! Napaghahalataan ka, Lexy. Yie!" nakangising turan nito.

Kaagad na nag-init ang mukha ko sa sinabi nito.

Bwisit. Malay ko ba na iba pala ang ibig nitong sabihin? Ang sarap tapukin ng lalaking 'to.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Mikey na ngayon ay parang nangingiti na rin habang hinihilot pa rin ang noo.

Kaasar. Pakiramdam ko ay napahiya ako at ang assume-ra ko. Argh.

Nanlisik ang mata ko. "Abnoy ka ba? Bakit kasi hindi mo nililinaw kung sino ba sa kanila? Kasalanan mo!" paninisi ko.

"Lahat naman sa iyo hindi malinaw. Kahit na nasa harapan mo na, hindi mo pa makita," makahulugang tugon ni Cloud.

Bwisit. Read between the lines pa ang gusto.

Lumapit ako rito at walang pasakalyeng binatukan ito.

Kaasar.

Napadaing ito sa ginawa ko, "Aw naman!"

"Ano? Nakakita ka ba ng stars na abot kamay mo lang? Malinaw ba?" taas kilay na tanong ko.

"Kaasar. Ang sadista. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sa iyo. Tsk," reklamo nito.

"Sipain pa kita, e," tugon ko bago umirap.

"Buti na lang hindi kita naging girlfriend talaga. Kung hindi baka battered husband na ako sa iyo ngayon."

"Battered husband? 'Tsura mo, ah. Ikaw pa ba? E, hindi ka magpapaapi sigurado. Saka kung naging tayo, sana ang tino mo ngayon, gago!" asar kong sabi.

Tumikhim bigla si Mikey kaya napatingin kami pareho ni Cloud rito.

Ngumisi si Cloud. "Woah. Nandiyan ka pa pala, Miks? Sorry, ah. Alam ko naman na ex ka niya... pero gago ka pa rin naman kahit na naging kayo, 'di ba?"

Argh. Gago talaga.

"Tumahimik ka na nga! Sasapukin ulit kita, gusto mo?" pagbabanta ko.

Ngumisi ulit ito. "Ganda mo talaga. Sexy pa. Kalma na, aalis na rin ako. Tumatawag na si Mommy," sabi nito bago lumakad palabas at sinagot ang tawag.

Napatingin ako kay Mikey na nakatingin din pala sa akin.

Ang awkward.

"Ipagtimpla na kita ng kape," seryosong sabi ko at dali-daling pumunta sa kusina.

Kainis. Hindi ako mapakali basta nasa paligid ito.

Naramdaman kong sumunod ito sa akin pagkalipas ng ilang sandali at umupo sa silyang naroon.

Napapikit ako nang mariin at naghanap ng lakas ng loob para humarap.

Binitbit ko na ang kape at inilagay sa harap nito. Naupo ako sa upuan na hindi gaanong nalalayo rito.

Tahimik lang kaming dalawa at ang tunog ng paghalo nito sa kape ang maririnig sa kusina.

Dumaan ang mahabang katahimikan.

"Bakit, Alexena?"