Chapter 9

"Lahat ba ng babaeng sinasakay mo ng sasakyan mo sinusuotan mo ng seatbelt?" Tanong ko nang makasakay sya.

"Kaya naman nila mag seatbelt" sagot nya habang inaatras ang sasakyan.

"Same goes with me, kaya ko mag seatbelt" hindi na sya nagsalita pagkatapos non, diretso lang ang tingin nya sa daan at medyo may kabilisan ang takbo dahil walang masyadong mga sasakyan.

"Dahan dahan lang" saway ko sa kanya nang masobrahan nya ang bilis! Ganito ba sya magpatakbo kaninang natutulog ako? Gosh!

Humawak ako sa kamay nyang nasa manibela para pigilin sya sa pagpapatakbo ng mabilis. His jaw clenched before he sighed.

Humawak sya sa kamay ko bago humawak sa kambyo para mag change gear. Bumagal ang takbo ng ng sasakyan at katamtaman na lamang ang bilis.

"Gago ka! Paano kung naaksidente tayo?!" inis kong tanong sa kanya.

"I know what I'm doing, Azrielle. Masyado ka lang takot, tingin mo ipapahamak kita? Ang luwang ng daan oh" sagot nya sa akin. Humalukipkip lamang ako at hinayaan syang magmaneho, kung hindi lang ako thankful sa kanya dahil pinagaan nya ang loob ko ay baka kanina ko pa sya nabatukan.

Isang oras din pala ang byahe namin bago nakabalik, nakababa na ako ng sasakyan nang hilain nya ang braso ko.

"Bakit ba tingin mo sa akin madaming babae?" Napataas ang kilay ko sa tanong nya. Bakit? Hindi ba?

"Hindi ba? Saka sa dami ng babaeng naghahabol sa'yo daily wala kang pinatulan 'don?"

"I'm not a womanizer, Azrielle" seryoso nyang sabi. Nag igting ang panga nya.

"Hindi mo kailangan ng approval ko para mapatunayang hindi ka nga womanizer" humakbang ako pero hinigit nya muli ako.

"Ayoko lang na iyon ang tingin mo sa akin" seryoso nyang sabi.

"Anong gusto mong tingin ko sa'yo? Santo? Okay, hindi ka womanizer. Okay na ba?" Hindi na sya nagsalita pa, naglakad nalang sya papunta sa sasakyan nya.

Ano problema nun?

Naligo ako agad pagkaakyat ko ng kwarto, inaya pa ako nila mama na kumain pero tumanggi ako dahil busog pa ako sa dami ng kinain namin ni Coltrane kanina.

Naisip ko bigla na hindi ako nag thank you sa kanya, nainis ko pa nga yata bago sya umuwi. Kinapa ko sa bulsa ng aking bag ang cellphone ko para i-text sya.

To: Coltrane Montreal

Hoy, thank you pala. Saka sorry din kung nainis ka or what. Hehe. Peace out.

"Teka Bakit ba ako nagsosorry?" Buburahin ko sana ang text ko pero imbis na delete button ay send button ang napindot ko!

"Tss, hay hayaan na. Minsan lang ako magiging saint."

Nakahiga na ako nang mag vibrate ang cellphone ko dahil sa text.

From: Coltrane Montreal

Okay lang. Wag ka nang malungkot.

Di na ako nag reply, nag open nalang ako ng movie sa laptop para manuod at magpaantok.

Nasa kalagitnaan na ako ng cartoon movie na Trolls nang maisip ko si Eros. Agad na nanumbalik ang sakit na naramdaman ko kanina nang tanggihan nya ako sa aking alok.

"Am I not his type?" tanong ko sa sarili. Hindi ko na tuloy maimagine ang sarili ko na dadalo pa sa batch ball.

Para saan pa? Si Eros lang naman ang dahilan ko para pumunta sa ball na iyon.

Napasimangot ako lalo nang maalala kung magkano ang mandatory payment para sa event na iyon. Limang libo din iyon tapos hindi ako pupunta?

"Punta na lang kaya ako para sa pagkain? Tapos siguro naman papayag naman syang sumayaw kami diba?" Bumuntong hinga ako at napayakap sa unan.

Bahala na, may isang linggo pa ako para pag-isipan ang pag punta.

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako kagabi, nagising na lang ako na lowbat na ang laptop na nakalimutan kong isaksak kagabi habang nanunuod.

"Oh, kumusta kahapon?" Usisa ni Amerie habang pinababa sa upuan ang shoulder bag nya. Nagkibit balikat lamang ako dahil ayaw ko ikwento ang nangyari, masasaktan lang ako ulit.

"As expected" sabi nya bago bumuntong hininga. "Ano ba kasing meron kay Eros at deads ka dyan? Oh okay, he got the looks pero hindi ko kasi makita yung nakita mo sa kanya maliban sa gwapo sya"

"Hindi ko din alam, basta I realized ba gusto ko sya. Saka ano ka ba? He's THE Eros Vander Larrazabal!" She rolled her eyes and looked at me sarcastically.

"Support mo nalang ako, Amerie."

"Support mo din ako kay Coltrane" ngumisi syang abot hanggang tenga, ako naman ang umirap sa kanya.

"No way, he's a jerk Amerie"

"No he's not. I've never seen him with girls kahit pa todo habol sa kanya ang mga babae dito sa campus" I looked at her confusingly.

"Last year ka lang kasi dumating dito sa university, pero yung six years na crush ko sya at ng buong campus never naman nabalita na may babae syang nagustuhan. But unlike your Eros ay medyo approachable naman sya."

Suddenly I felt like I judged Coltrane way too much. Gago kasi sya sa akin noong bata kami, five years na nga pala kaming hindi nagkita. Marami ding nagbago.

Siguro I will never cross that line again, I will stop labelling his as a womanizer. Kahit konti naman ay may kabaitan din ako sa katawan. 50% saint!

Nagpaalam si Amerie sa akin na magbabanyo kaya naiwan ako mag isa sa classroom, dalawa lamang ang sumipot na prof namin ngayong araw at wala nang kasunod pa kaya nagsiuwian na ang iba.

Wala pa ako sa mood umuwi dahil paniguradong magmumukmok lamang ako sa bahay.

Napalingon ako nang may marinig na pamilyar na boses, nakita ko si Eros na kausap si Angeline, ang ganda pa ng ngiti nito at tila kumikislap ang mata.

Ano kayang pinaguusapan nila at masaya sya? Bihira ko kasi syang makitang ganyan, yung nakangiti habang kinakausap ang isang tao, yung naniningkit yung mata dahil sa abot tengang ngiti.

"See you next week, agahan mo ah? Mag aayos pa tayo" rinig kong sabi ni Angeline, lumipad ang tingin ko sa kamay nitong nasa braso ni Eros.

Napasinghot ako, uy hindi ako umiiyak, wala lang gusto ko lang suminghot.

Bakit ganun? Ngiting ngiti sya sa babaeng yon? Parang wala namang nakakatawa sa usapan nila? Saka next week? Mag aayos? Baka sa batch ball. Anong masaya sa topic na yon?

Para tuloy pumapasok sa utak ko si Justin Bieber habang kinakanta ang ultimate heartbreak song nyang That Should be Me.

That should be me making you laugh.

Sa tanang buhay ko ilang beses ko lang nakita si Eros na kumislap ang mata dahil sa tuwa, una dahil natutunan nya ang Moonlight sonata ni Beethoven. Pangalawa noong nasa Greece sya for his birthday tour. Pangatlo habang tinetrain nya ang samoyed dog nyang si Kira. Tapos ngayon.

Ilang taon rin kaming hindi nagkita pero hindi sya nawala sa isip ko, nagchachat naman kami dati at minsan dumadalaw sila ni Tita Yana sa Manila kapag nagagawi sila doon.

Siguro may nakakatawa lang na nangyari sa office nila. Siguro joke time sila habang nagpreprepare for batch ball.

Sana yun lang. Sana wala ng ibang dahilan.