Chapter 8

"Azrielle saglit lang" sigaw ni Amerie na batid kong humahabol din sa amin.

Marahas kong hinigit ang braso ni Eros, hingal na hingal ako at paniguradong 'wa poise na.

"Azrielle, anong meron? Mukhang hingal na hingal ka" nasabi ko na bang gwapo sya kahit nakakunot ang noo nya? Mukha syang alalang alala sa aki, hindi ko maiwasan ang kiligin lalo.

"E.. eros" habol ko pa rin ang aking paghinga, ramdam ko ang butil butil ng pawis sa noo ko, at ang mga kamay ko ay nasa aking tuhod.

"P.. pwede ba tayong mag usap?" tanong ko nang sa wakas ay medyo okay na ako.

"Okay, ano yun?" Taas kilay nyang tanong.

"In private. I mean hindi dito" luminga ako at nakitang madaming tao at madami pang dumadaan.

"Sige. Bilisan lang natin, I have a meeting in ten minutes" oh my God! Nag handa pa naman ako ng one hour speech bago ko sya alukin for batch ball! Joke lang.

Tahimik lang naming tinahak ang daan papuntang science garden, gustong gusto ko ang ambience sa garden na iyon kasi bukod sa maraming bulaklak, uri ng paru-paro at ibang ibon ay tahimik rin ang lugar.

"Ano kasi Eros..." Panimula ko, ginapangan ako ng hiya at kaba lalo na nang magtaas siya ng isang kilay.

"Last year nagkasakit ako dahilan para hindi ako naka-attend ng batch ball, kaya ngayon lang ako makakapunta at gusto ko sanang..."

Napatigil ako nang humalukipkip sya at nagtaas lalo ng kilay. My knees are trembling at tila tambol na rin sa lakas ang bawat tibok ng puso ko.

"Eros pwede ka bang maging escort sa batch ball?" buong tapang kong tanong sa kanya.

He gave me a smile kaya lalong tumaas ang kumpyansa ko na papayag sya na maging date ko sa batch ball.

"Azrielle, sorry pero masyado akong busy sa event para makipag date, isa pa kailangan maaga ako sa araw na iyon dahil marami kaming aayusin...." Marami pa syang sinabi pero tila nabingi ang tenga ko.

Tila gumuho ang mundo ko noong narinig ko ang pag sorry nya.

Akala ko pinakamasakit na feeling sa mundo ang umasa, mas masakit pala ang mareject ng harapan.

Azrielle, they warned you about this. Alam mo nang hihindi sya diba? Kaya dapat hindi ka nasasaktan ngayon!

Bakit pakiramdam ko may malaking hiwa sa puso ko at binubudburan iyon ng asin?

"Pero okay lang naman sa akin Eros, okay lang na maaga tayong pumunta kasi.."

"Azrielle, its a no already. Tingin ko naman malinaw na iyon kahapon pa, narinig mo naman di ba?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko, ayokong makita nya akong umiiyak, hindi dapat.

Ayoko rin namang pumayag sya dahil lang nakikita nya akong umiiyak.

"Kailangan ko ng umalis, late na ako sa meeting" aniya. Walang lingon likod nya akong iniwan mag isa dito sa science garden.

I already know this would happen, bakit kasi ang taas ng kumpyansa ko? Ang sakit sakit lumagapak sa masakit na reyalidad.

Sobrang taas kasi ng kumpyansa ko kahit pa alam kong malaki ang posibilidad na humindi sya.

Kinalma ko ang sarili ko, ilang beses akong huminga ng malalim at pinaypayan ang sarili gamit ang aking kamay.

"Damn it!" Mura ko nang nag init ang sulok ng mata ko. Hindi ako iiyak, hindi ako iiyak!

Umupo ako at kunwaring pinagmamasdan ang mga paru-paro at minumura ang sarili sa isip ko.

That's what you get, Azrielle! Ipinilit mo eh! Ang taas kasi ng lipad mo!

Ilang minuto rin akong makatayo at paulit ulit na binilang ang mga paru-paro nang maisipan kong umalis na at umuwi na lang.

Sumama ang pakiramdam ko at tumabang ang mood ko. Gusto kong matulog nalang kaysa dibdibin ang sakit na nararamdaman ko.

Napaatras ako sa gulat dahil nasa likod ko lang pala si kumag at seryoso ang tingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong.

"Tambay." walang buhay nyang sagot. Lumapit sya sa kulungan ng mga ibon at naglagay ng biskuwit doon.

"Nandito ka ba para pagtawanan ako?" Naghalukipkip sya at tinaasan ako ng kilay.

"Bakit kita tatawanan? Mukha ba akong natatawa?"

"Oh c'mon Coltrane, alam kong kanina ka pa nandyan at baka kanina mo pa ako tinatawanan dahil tama ka, Eros rejected me. Happy?"

Nag igting ang panga nya pagkatapos magtaas baba ng adams apple nya. Damn, bakit ba pati iyon ay napapansin ko?

"Ano? Sabihin mo na sa akin ngayon na tama ka, na you told me already, kasi mukhang iyon ang ipinunta mo dito. Ang ipamukha sa akin na tama ka!"

Napatigil ako nang haplusin nya ang pisngi ko, doon ko napagtanto na sumabog na pala ako sa inis, na umiiyak na pala ako.

He looked at me seriously before he sighed heavily.

"Tara nalang labas, libre ko" hinatak nya ako papalabas ng garden, na ilang milya lang ang layo sa parking lot.

"Tahan na, baka isipin nila pinaiyak kita" pinunasan nya ang mukha ko ulit nang nasa harap na kami ng kotse nya.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag at bakit gusto kong sumama. Siguro dahil libre? O dahil sa lumanay ng boses nya. Baka rin dahil gusto kong mawala sa isip ko ang nangyari.

Kahit malungkot ako ay naaattract pa din ako sa libre. Masyado akong malungkot para makipagtalo pa.

"Saan mo gusto?" papalabas na kami sa gate ng school. Nagkibit balikat lamang ako bilang sagot, bahala sya.

Inayos ko ang upuan at tumalikod sa kanya para matulog, para pasimple ring punasan ang luha ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nasilaw pa ako sa sinag ng araw nang magmulat ako ng mata.

Isang cute na elephant blanket ang nakabalot sa akin, saka ko lang napansin na ang lamig sa loob ng sasakyan ni Coltrane.

Nilingon ko sya at nakitang payapa nang nakatulog. Inayos ko ang upuan, nakita kong nasa gitna kami ng cliff na kita ang buong siyudad sa baba.

Napasinghap ako sa ganda lalo pa at palubog na ang araw.

"Wow!" puno ng pagkamangha kong sabi. I grabbed my phone from my bag saka ako bumaba ng sasakyan.

Nakailang click pa lang ako nang marinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan, lumingon ako at nakita si Coltrane na pinapasadahan ng daliri ang buhok.

Napatigil ako habang nakatingin sa kanya, ang gwapo nya kapag magulo ang buhok at kagigising. Gwapo talaga ng kaibigan ko.

Binalik ko ang atensyon ko sa view, para tuloy gusto kong sumigaw ng malakas, parang ang sarap ilabas dito lahat ng feels ko!

"Kanina ka pa gising?" Tanong nya, nang lingunin ko sya ulit ay naglalatag sya ng blanket sa lupa.

Napansin ko rin sa gilid ang mga plastic bag na may mga junk foods, meron pang water bottles sa kasama.

"Hindi, kakagising ko lang din." sinilip ko ang aking phone at napasapak sa noo ko dahil dalawang oras akong nakatulog!

"Hindi kita magising kaya ako nalang pumili ng pagkain para sayo" aniya nang umupo ako sa tabi nya.

Isa isa nyang nilabas sa plastic bag ang nga pinamili nya, meron pang lasagna galing sa isang sikat na restaurant!

"Mas maganda dito kapag gabi, pero kailangan kita iuwi ng maaga hindi tayo nakapagpaalam sa magulang mo"

Nahihiya akong kausapin sya dahil kanina lamang ay sa kanya ko inilabas ang frustrations ko kay Eros, tapos eto ako ngayon sa tabi nya, sa harap ng napakagandang view at kumakain ng pagkain na binili nya.

"Busog ka na? Meron pa dyan" aniya habang nililigpit ang kanyang pinagkainan.

"Hindi na, I'm full" nahihiya kong sabi inabutan nya ako ng tubig bago binuksan ang kanya para uminom din.

"Sigaw ka lang kung gusto mo" sabi nya nang matapos ayusin lahat ng kalat namin at pinagpag ang blanket na nilatag nya kanina.

Tumikhim naman ako bago humugot ng malalim na hininga. Humarap ako sa view at sumigaw.

"EROS MAHAL KITA!" I felt a sharp pain in my throat but also felt satisfied. Napapitlag ako sa malakas na pagsara ng pinto at nakita si Coltrane na nakasandal sa kanyang sasakyan.

"Tamis ah. Sorry naisara ko ng malakas" nag peace sign pa sya saka ngumisi.

"Uwi na tayo" aya nya. Tumango naman ako, agad syang tumakbo papunta sa passenger side para pagbuksan ako ng pinto at para suotan ako ng seatbelt.