Chapter 10
Naputol ang pag iisip ko nang biglang sumulpot si Coltrane na sumisipsip pa sa big size yakult niya gamit ang straw. Nag pogi sign pa sya habang malaki ang ngisi.
Bumelat lang ako sa kanya at hinarap ang phone ko. Pumasok naman sya ng classroom namin at umupo pa sa tabi ko.
"Alone?" Tanong nya.
"Hindi actually may kasama ako, hindi mo lang sila nakikita" sarkastiko kong sabi. Rumihistro ang gulat sa mukha nya at nanlaki pa ang mata.
"Kaya pala..."
"Kaya pala ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, may tinuturo sya sa likod ko.
"May babae sa likod mo kanina, akala ko kaibigan mo." takot pa din ang emosyon na nasa mukha nya, napatili ako at napakandong pa sa kanya.
"Gago, takot ako sa multo!" I heard him chuckle before I felt him wrap his arm around me.
"I'm here, alright? Damn, girl" I felt him stiffen but he rubbed my back when he calmed down. Natakot din siguro sya, may third eye kaya sya?
"Let's get out of here" his deep toned voice sounded so sexy, pinatayo nya ako at siniksik ako sa tabi nya.
"Diba sabi nila haunted 'tong school natin? Isa lang ba nakita mo?" noong bata ako ay bangungot sa akin ang pag usapan ang mga multo, hanggang ngayon ay takot na takot pa din ako.
Parang pinipigilan nya ang pag ngisi, habang hinahaplos ang ulo ko. Sumilip sya sa classroom namin at umiling.
"Wala na. Umalis na" marahan ko syang itinulak dahil masyado syang malapit sa akin, close ba kami? Hay, di ko na talaga nanaisin pang mag-isa sa classroom na iyan. Nakakatakot!
Inayos nya ang nagusot nyang polo at tumikhim.
"Kumain ka na?"
"Bakit ba kapag nagkita tayo yan lagi ang tanong mo?" Nakangisi kong tanong. "Oo kumain na ako, pero kung libre mo gutom na ako ulit"
His laughter echoed through the hallway, he placed a stray lock of hair behind my ear which made me flush.
Hindi ko alam kung bakit nag init ang pisngi ko kaya tinalikuran ko sya at nag umpisang humakbang.
"Tara na, nagutom ako" sabi ko habang minumura ang sarili ko sa isip. Ano yun? Bakit ka namula?
Dahil malaki ang hakbang nya ay agad syang nakasabay sa lakad ko. Nakapamulsa sya at puno ng kumpyansa habang nag lalakad.
"Hi Coltrane" bati ng mga nakakasalubong naming mga babae, kung todo ngiti sila sa sa kasama ko ay pasimple naman silang umiirap sa akin.
Luh, ganda kayo?
"Ano ba naman yang mga babae mo? Ang susungit, 'di sila informed na kaibigan mo ako?" Umirap ako sa kawalan, nag halukipkip habang naglalakad pa rin.
"Mag susungit din naman ako kapag may kasamang iba yung crush ko, intindihin mo nalang" untag nya. Umismid ako bago kumuha ng tray para pumila, inagaw nya iyon at sya na nag presinta, pinapili nya na lamang ako.
Bata palang kami hindi nya ako hinaharap kapag kumain, gusto nya laging umupo sa tabi ko. Kaya awtomatiko na akong umusog nang nasa gilid ko na sya at binababa ang laman ng tray.
Tahimik kaming kumain, iyon na yata yung pinakatahimik naming pagkain na magkasama.
Hinatid nya ako sa classroom pagkatapos, magkita na lang daw kami mamayang lunch kapag nagkataon.
"Gutom ako" sabi nya habang binubuksan ang bottled water ko. Syempre inagaw nya na naman, pero papalitan nya rin yan mamaya.
"Saan ka ba nagsususuot? Hindi ka nag lunch?" Usisa ko naman. Vacant ko kaya andito pa ako sa canteen.
"Inutusan kasi ako nung prof ko sa faculty, trip lang yata ako. Nag titigan gaming lang naman kami, saka nya sinabing I can go pagkatapos ng halos isang oras" aniya pagkatapos lumagok ng tubig.
"Ang benta mo talaga sa mga babae, alam mo pwede ka sa auction, isa ka sa items, baka may bumili sa'yo. Date for a night, ganun" natatawa kong sabi. He cocks his head to the right and faced me with a serious face.
"I'm priceless, Azrielle" Ngumuso ako at marahang tinapik ang mukha nya.
"It was just a joke, silly" ngumisi siya at binalik ang atensyon sa pagkain.
"So, sinong makakaafford sa'yo? Sa oras mo? For a date?" tanong ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"I'm always free if my girl needs me. I will only date the woman I like, Azrielle. I'm not for everyone. I'm priceless" he looked at me in the eye and I felt my stomach muscles twitch. I gulped.
"Not for everyone pala, eh di you're not for anyone? Tatanda kang binata. Celibate" I joked, he winced while shaking his head.
"Pero seryoso pala yung kanina, diba yearly may auction ang school? Benta kita" humalakhak ako habang sya umiling ulit.
"Wag na baka magselos ka" Its my time to wince at him. "Asa ka pa, si Eros, bibilhin ko sya kapag in-auction siya" bumalik ang tingin nya sa pagkain at sumubo, ngumiti sya sa akin bago lumunok.
"Sige, pautangin kita" alok nya.
"Sure mo yan ha?" tumawa ako at pinagpatuloy ang pagkain at pag gawa ng reviewer
Naglalakad kami papuntang science garden para magpababa ng kinain, Mag aalas cuatro na ng hapon at paniguradong mahangin na doon.
"Ang tahimik dito ano? Sariwa pa ang hangin dahil sa mga puno. Tapos meron pa 'tong mga ibon na 'to" nagpapakain ako ng mga ibon habang sya ay nakatayo lamang sa gilid, I can feel him staring at me as if checking if I'm feeding the birds correctly.
May alaga kaya akong ibon noon, actually kaming dalawa, binigyan namin si Eros noon pero hindi nya naalagaan at namatay.
"Sayang yung mga alaga nating ibon noon no? Matanda na kasi kaya namatay na." daldal ko sa kanya. Humakbang sya papalapit at humingi ng biskwit na hawak ko para sya naman ang magpapakain sa iba pa.
"Gusto ko ng madaming pets, I want to pet a guinea pig or a hedgehog. Balak ko nga din bumili ng samoyed dog kapag nabuo yung ipon ko, mahal kasi" tahimik pa din sya habang nagpapakain kaya tumahimik nalang din ako.
I sighed nonchalantly and watched as the water fall from the top of the man made falls. Isa ito sa features ng science garden.
Nainitan ang batok ko kaya naghanap ako ng panali ng buhok, nag suklay muna ako bago ko sinubukang i-braid ang aking buhok.
"Nakakangalay" pabulong kong reklamo.
"Ako na" papalag sana ako pero hawak nya na ang kamay ko, marahan nyang brinaid ang buhok ko.
"Coltrane, ayusin mo ha? Hawak ko buhay mo" banta ko sa kanya. Mahina syang humalakhak habang inaayos ang buhok ko.
"Saan ka natuto?" Tanong ko habang pinapanuod syang brinebraid ang buhok ko mula sa repleksyon nya sa kamera ng aking cellphone.
"Kuya ako eh, I used to braid Suzette." He stated matter-of-factly.
"Salamat" ayos ang ginawa nyang braid sa akin, kamukha ko na si Chichay! Umupo sya sa tabi ko at sinandal ang ulo sa braso ko, pinagbigyan ko na dahil masyado syang mabait sa akin ngayon.
50% saint sya ngayong araw dahil walang bahid ng pagkakumag nya ang araw na 'to.
I glanced at his tousled hair and an idea crossed my mind, I pulled him making him seat beside me. I grabbed my comb and tied his hair.
"Magpagupit ka na, mahaba na sa harap" naramdaman ko ang pagtaas baba ng ulo nya habang tinatali ko ito gamit ang isang maliit na sanrio.
"Gusto mo na umuwi? Hatid kita" Tanong nya sa akin, halos isang oras din kami dito sa science garden.
"Mamaya, maaga pa." I rested my head on his broad shoulder, ganito kami noong bata pa, nag aaway but after a long and tiring day I'd lean on his shoulder.
"Hindi ka kumag ngayong araw na 'to"
"Hindi mo ako inirapan ngayong araw na 'to" balik nya sa akin, kita ko ang pagngisi nya nang tinagilid ko ang ulo ko. Umirap ako sa kawalan at napangisi din.
"Tingin mo may gustong babae si Eros?" I asked him out of the blue.
"Hindi ko alam, ganun naman sya, mahirap basahin ang pagkatao. Hindi mo alam kung gusto ka nya o hindi" napangiti ako.
"I like that about him, misteryoso" nilingon nya ako, stern faced.
"Mas misteryoso ako" nanunuya ko syang inirapan.
"Ayan, inirapan mo na ako ngayong araw na 'to" umirap ako ulit.
"Kasi kumag ka na ulit. Tara na nga!" Aya ko sa kanya, isinukbit ko ang chain ng aking bag sa aking balikat.
"Pahiram phone mo" sabi nya bago ako bumaba. Tumaas ang kilay ko bago ko kinuha sa aking bag ang aking cellphone.
Kinuha nya ang iba at nakita kong may sinend syang file. Hinayaan ko lang sya at tinuon ang pansin sa paglalakad.
"I'll call randomly at night" tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Mang iistorbo ka pa tuwing gabi ha"
"Syempre para maasar kita lagi" mahina kong sinuntok ang braso nya bago sumakay sa sasakyan nya, kinabit nya ang seatbelt ko bago sinara ang pinto para sumakay sa driver's seat.