Chapter 7
Nagpaalam sa amin si Eros nang tawagin sya ni Angeline. Yung magandang President ng student council. Vice President lamang si Eros kahit pa sya naman ang dapat na Presidente.
"Paano ba yan beshy ayaw ng kadate ni Eros?"
"Pwede ko naman syang ayain diba? Pwede ko pa din naman subukan, wala namang masama" nagkibit balikat lang ako.
Ngumisi si Coltrane na para bang may nasabi akong joke. Umiling sya at sumandal sa backrest ng upuan nya.
"You already know the answer, but you still want to try?" Hindi makapaniwalang tinignan ko sya, anong mali sa kagustuhan kong sumubok? Hangga't hindi pa ako sinasampal ng "No" ni Eros ay may pag-asa ako.
"Bakit si Imogen? Sinusubok pa ring kunin ang "oo" mo kahit pa alam nyang hihindi ka? Walang masama sa pagsubok, Coltrane."
"Wala akong sinabing masamang sumubok. Iba ang kaso ni Imogen sa kaso mo. Harap-harapan na ngang sinabi na hindi nya kailangan ng kadate, pero gusto mo pa talagang marinig yung pag hindi nya sa'yo? Ridiculous." Seryos nyang sabi, he sighed deeply and bit his lip.
"Ano naman kasi sa'yo kung gusto ko? Gusto ko syang ayain, period. I wanna try my luck"
Nag iwas sya ng tingin at kinuha ang susi na sa gilid nya.
"Bahala ka, Azrielle. Tinanong ko na so I could stop you from trying and getting your heart broken. Gusto mo pa kasing apakan nya ego mo."
"Kumag" asar na sabi ko nang makalabas sya ng canteen.
"Uy pero ang bait ni Coltrane ha, ayaw ka nyang umasa. Hindi naman sya total kumag" side comment ni Amerie.
"Crush mo lang kaya mo pinagtatanggol" singhal ko.
"Hindi kaya, may point kaya sya. Hindi mo lang makita kasi akala mo umeepal lang sya sa'yo. Okay na yun ano para alam mo kung aasa ka o hindi para hindi ka masasaktan kapag nagtanong ka" pagtatanggol nya pa kay Coltrane.
"Aasa ako, Amerie. Malay mo di ba? Malay mo he'll change his mind"
"Hay nako girl, push mo yang pagiging martyr mo. Walang cry cry kapag nahurt hurt ha?" Umirap lang ako at sumipsip sa juice ko.
"Tanggapin mo kasi, he's got a point. Mabuti nang alam mo ang sagot, para hindi na masyadong masakit kapag magtanong ka"
"Okay, okay fine. But I won't say thank you, neknek nya" ngumuso lang akonat pinalobo ang pisngi ko
"Ako na lang magte-thank you para sayo" may halong kilig nyang sabi.
Umuwi ako ng maaga, nagpalit lang at ipinaalam kila Mommy ang sasakyan. Kailangan ko ng complete make over, magpapakulay ako ng buhok at magpapagupit. Manicure at pedicure na rin.
I want to look presentable and beautiful, yung mapapa-oo si Eros.
Nagpacurtain bangs ako dahil iyon ang uso ngayon lalo pa at nakikita kong hair style ito ni Kathryn Bernardo.
"Bagay na bagay sa'yo ma'am. Baka sambahin ka na ng nobyo mo" tukso sa akin ng nagservice sa akin sa salon. Kinilig naman ako just thinking of Eros admiring my beauty, hay Eros, nakakabaliw na talaga.
"Talaga? Do you think magugustuhan nya?"
"Aba syempre naman ma'am! Maganda ka na kanina pagpasok mo palang dito sa salon, mas gumanda ka lalo dahil sa new hairstyle and hair color mo!" Sang-ayon ng kasama nya.
"Thank you ha? Sobrang I like it!" bumeso ako sa kanya at binigyan pa sya ng tip na pwede nya i-share sa mga kasama nya.
Namili pa ako ng bagong sapatos at mga damit, syempre andito na rin naman na ako bakit hindi pa ako bumili. Kumuha na rin ako ng lip tints at lipsticks.
Excited akong umuwi, syempre para ipakita kila mommy ang bago kong look!
"Wow ganda ah" bungad ni Kuya, ako pa ang nagulat imbes na sila.
"Bakit ka andito kuya? Sinong magbabantay sa Manila?" Usisa ko, inabot nya ang mga bitbit ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Bakasyon muna ako dito sabi ni Daddy, nagpaiwan sya doon kasi inaasikaso nya mga papeles ng parmasya."
"Oh mga anak, Azrielle, nagpagupit ka? Nako bagay na bagay sa'yo anak ko!" Masiglang sabi ni Mommy, natuwa naman ako lalo na nang haplusin nya ang buhok ko na malimit nyang gawin noong bata pa ako.
"Mommy malapit na ang batch ball, kailangan ko ng dress para 'don"
"Sinong escort mo? Si Coltrane?" Tanong ni Kuya, kumunot ang noo ko saka ko sya tinaasan ng kilay.
"Ayoko nga, epal yun" umismid ako.
"Anong epal? Bagay naman kayo ah?" Tukso pa ni Kuya, e kung pag untugin ko kaya sila?
"Anong bagay? Si Eros ang gusto ko" walang pagaalinlangan kong sabi. Napatigil sila at tinitigan ako. What?
"Akala ko si Coltrane? Kayo ang laging magkasama" usisa ni Kuya, kumuha sya ng isang pitchel ng tubig at pinuno ang baso nya na agad kong kinuha at ininuman, sinamaan nya lang ako ng tingin pero kumuha nalang din sya bago nyang baso.
"Kuya, na kay Eros ang lahat ng katangian ng lalaki na gusto ko"
"Ingat dyan sa mga katangian na yan. We are likely to fall in love with the total opposite. Sa umpisa lang talaga yang ideal man, pero kapag nainlove ka your man becomes ideal even if he's flawed, even if he's not the one that you've been dreaming of" napanganga ako sa sinabi ni Kuya at pinilit ko iyong iproseso sa utak ko.
"Ano yun? Ang lalim" tukso ko kay Kuya.
"Nabasa ko lang yan sa school dati, sa bulletin board" natatawa nyang tugon.
"Baka, hugot mo lang yan eh." Pang aasar ko sa kanya.
"Oo na sige, kasi ang hirap mainlove sa taong akala natin perfect, sa akala natin mabait, akala natin nasa kanya na lahat. Mas okay sumugal sa taong pinapakita kung ano yung totoong sya"
"Mas maganda ma-inlove sa tao na nahulog ka sa buong pagkatao nya kaysa dahil lang sa pisikal na katangian. Fall in love with his heart and soul instead"
"Kuya, nakakatakot na yang paadvice mo ha? Papa Jack is shaking!" Biro ko.
"Makinig ka sa kuya mo, Azrielle. May pinupunto ang kuya mo" sabay tapik ni Mommy sa balikat ni Kuya. Hindi ko naman tinatanggi na may punto si Kuya.
"Sige na my, kuya, iakyat ko lang 'tong mga 'to sa itaas." Tumango naman sila pareho.
"Baba ka rin agad anak ha, nagluto ang kuya mo ng paborito mong chicken curry" napangiti naman ako.
Magaling ang kuya ko sa pagluluto. Pumasok kasi sya ng TESDA noong pagkatapos nyang makapasa sa boards.
Ako din, balak ko this coming summer na pumasok sa TESDA, gusto kong matuto magbake.
Inayos ko agad ang mga pinamili ko, pinili ko na rin kung anong isusuot ko para bukas.
Bumaba na rin ako para makakain, marami pa kaming napagkwentuhan nila Mommy bago ako nagpaalam para matulog. Kailangan ng beauty rest!
Maaga akong gumising para maligo at blower ng buhok para hindi hassle kapag kinulot ko ang dulo ng buhok ko.
Excited ako habang naglalagay ng kaunting make up sa mukha ko, kaunting eyeshadow sa mata, hindi syempre mawawala ang kilay. Liptint lang ang nilagay ko sa aking labi.
Kaunting spray ng paborito kong pabango, ikot dito, ikot doon habang sinisipat ang sarili sa salamin.
"Amerie!" Tawag ko sa kaibigan ko nang akmang lampasan nya ako.
"Uy... Azrielle? Oh my God!" gulat ang ekspresyong nakapaskil sa mukha nya. Hinaplos nya ang buhok ko at inikutan pa ako na para bang tsine-check ang bawat detalye ng pagkatao ko.
"Ano ka ba? Nagpagupit lang ako" saway ko sa kanya, sinukbit nya ang kamay sa braso ko at sumabay sa paglalakad ko.
"Aayain ko si Eros" puno ng kumpyansa kong sabi habang paakyat kami ng second floor, kahit pa deep inside me ay may pangamba na baka umuwi akong sawi.
"Girl naniniwala ako sa power ng kagandahan mo, pero narinig mo na ang sagot kahapon, gusto mo pa rin bang ulit-ulitin?"
"Saka ko lang tatanggapin ang pag reject nya sa akin kapag sinabi nya iyon sa akin ng harapan." ngumiti ako sa kanya, na agad ding napawi nang makita ko si Eros na mukhang seryoso. Pababa na sya ng kabilang hagdan kaya nagmadali ako para mahabol ko sya.