Chapter 6

"Dyan ka lang" aniya nang akmang susundan ko syang umakyat sa second floor ng bahay nila.

"Eh titignan ko lang naman kung ano yung loob" ngumuso ako at nagpa-cute pero umiling lamang sya.

"Sa nanay ko nga di ko pinapakita" umirap ako at padabog na bumaba ng hagdan. Hay ang damot talaga.

"Sa kwarto ko ako pupunta, Azrielle. Gusto mo sumama?" Kunot noo nyang tanong.

"Hindi ah!" Defensive kong sagot. "Dun sa secret room anuhin ko naman yang kwarto mo" umirap ako at tinalikuran sya.

Si Suzette kasi e, ayan tuloy curious ako ng sobra kung ano bang meron sa kwartong iyon. Dumiretso si Coltrane sa totoong kwarto nya.

Sa anim na taon na hindi ako nakabisita sa bahay na ito ang secret room, mga ilang muwebles at pintura ng bahay ang nagbago. Lumawak rin ang pool area at garden nila.

"Tita, ano po bang laman nung kwartong iyon" usisa ko kay Tita Kaye, nasa may pool area sya at nagti-tea.

"There are things that I don't know about my son, hija. Kasama na doon ang kwartong iyon. He never allowed us to enter that room, sya na mismo ang naglilinis doon. Hindi nya iyon binubuksan unless doon sya maglalaro o matutulog"

"Its a part of his personal space." dugtong ni Tita pagkatapos nyang uminom sa kanyang tsaa.

"Hindi kayo nabo-bother tita? I mean baka kung ano ang laman ng kwartong iyon"

"Oh not at all, Azrielle. Ang nakikita ko lang na pinapasok nya dyan ay pagkain, sometimes beer and frames. Hindi rin naman sya nag uuwi ng babae dito" humalakhak sya bigla.

"Gusto ko na ngang magka-apo" biro nya, hindi ko alam kung bakit nag init ang pisngi ko. Siguro marahil masyado pang bata si Coltrane para magkaanak, at para maging ninang ako.

"Ma, luto na daw yung carbonara sabi ni Kuya" sabi ni Suzette na may hawak na baso ng ice cream. Natakam ako nang marinig ang carbonara dahil paborito ko iyon.

"Wow ang sarap, manang turuan mo naman ako magluto" umiling si Manang na nasa kaliwa ko, habang narinig ko naman ang tikhim ni Coltrane.

"Nako hija si Coltrane ang nag luto nyan." Nakangiting sabi ni Manang.

"Oo ate, Kuya cooks the creamiest carbonara ever." He patted Suzette on head bago ako tinapunan ng tingin. Tumingin rin ako sa kanya at ngumuso.

"Oo na, masarap yung luto mo" ngumisi sya habang umiiling. "Kumain ka pa" aniya saka bumalik sa pagkain.

Sa sobrang sarap ng luto nya ay hindi ko na nabilang kung ilang beses akong naglagay sa plato ko, pati ang garlic bread na prinepare nya.

"Busog lusog" aniya habang hawak hawak ang tyan, malaki ang ngisi nya habang nakatingin sa akin na kulang nalang ay lumobo ang tyan sa kabusugan.

Ahhh, bakit ang sarap nung luto nya? Kung hindi lang ako tinatamaan ng hiya ay baka kumakain pa rin ako ngayon.

Hindi ako marunong magluto kaya naman manghang mangha ako dahil ang sarap ng niluto nya.

Naglaro pa kami ng board game bago ako nag aya para umuwi. Nilingon ko pa ng isang beses ang secret room ni Coltrane bago kami lumabas ng bahay nila.

"Hindi mo talaga sasabihin sa akin kung anong laman nun?" Tanong ko ulit, hay, ayoko ng ganito! Sobrang curious ako.

"Soon, okay?" Napangisi naman ako. Soon malalaman ko din kung anong meron sa kwartong iyon.

"Tita, good evening po. Hinatid ko lang po si Azrielle" bumeso kaming dalawa kay Mommy bago ako nag mano.

"Salamat naman anak" ngumiti lamang si Coltrane.

"Wala si daddy?" Tanong ko.

"Bumiyahe papuntang Maynila para bisitahin ang kuya mo"

"Sige po tita mauna na ho ako para makapagpahinga na kayo" paalam ni Coltrane. Nilingon nya ako at tumango.

"Hatid na kita sa gate" Binaba ko ang bag ko sa upuan at sinamahan sya palabas.

"Kumag, thank you ha, sa pagkain" napasandal sya sa sasakyan nya habang humahalakhak. Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi natinag.

"Kumag? Sweet mo talaga" aniya nang mahimasmasan.

"Azrielle, matulog ka ng maaga wag mo ako masyadong isipin" umismid lang ako at tinulak sya papasok ng kanyang sasakyan.

"Isipin ka? Pogi ka? Kapal. Umuwi ka na baka bagyuhin bahay namin sa kahanginan mo"

"Alright, pasok na sa loob" nakangisi nyang sabi bago sinuot ang seatbelt. Umirap ako at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan nya. Yabang!

First day of class, kung gaano katamad ang mga estudyante ay siya ring itinamad ng mga prof na pumasok. Pangatlong subject ko na pero wala pa ding umaattend ni isa.

"Girl, labas tayo" aya ni Amerie sa akin. Inayos ko agad ang gamit ko at sinilid ang iPad sa aking bag.

"Tara na, gutom na rin ako." palabas na kami ng room nang sakto namang dumaan si Eros at Coltrane.

"Azrielle and..." Pumitik pa si Coltrane habang iniisip ang pangalan ni Amerie, sasabihin ko na sana pero sumenyas lamang sya na manahimik ako. Syempre dito na magsisimula ang irap counter.

"Amerie!" namula ang katabi ko nang marinig na alam ng crush nya ang pangalan nya.

"Saan kayo punta, Eros?" Tanong ko.

"Sa canteen. Kayo?"

"Si Eros ka? Feeling Eros" umirap ako sa pangalawang pagkakataon.

He mumbled something na mas lalong kinainis ko. He knows that I hate mumbling!

"Sumama na kayo" aya ni Eros, nag umpisa na syang maglakad kaya sumunod na kami.

Eros, sasama talaga ako sayo kahit hanggang sa future. I giggled silently habang sumusunod sa kanya.

I can't help but admire his back. Katamtaman lang ang body built nya. Mas maganda siguro kung haharapin nya ako diba? Tapos magkakatinginan kami hanggang sa maghawak kamay. Tapos aakbayan nya--

"Azrielle mukha kang tanga dyan" nagulat ako lalo na nang mapagtantong nakatigil ako habang ang kamay ay nasa ere na tila inaabot si Eros na ngayon ay nakapasok na ng canteen.

Binaba ko ang kamay ko saka lumunok. Oh jeez, I look like a fool! Mabuti nalang at hindi ako nilingon ni Eros. Namula ako sa hiya.

"Stop daydreaming" iritadong sabi ni Coltrane.

"Heh! Sungit!" Nilagpasan ko sya at hinabol nalang si Amerie at Eros na ngayon ay nakapila na.

Nakapamulsa si Coltrane nang lingunin ko, may kausap syang babae at nakakunot ang noo nya.

"Batch ball? Hindi ba masyadong maaga para ayain mo akong maging escort?"

"Please Coltrane, last year wala ka and the other year you declined"

"Hindi tayo magkabatch to begin with. I am a sophomore"

"Kahit na, Juniors can date sophomores" pamimilit ng babae.

"I already said no. May date na ako" yumuko ang babae at nag taas baba ang balikat nito.

"Look Imogen, I don't have to be your date. I mean we can dance, come on cheer up. Baka mamaya isumbong mo ako kay Ninang"

Oh, How can I forgot about Imogen? Ang pagkakaalam ko ay kinakapatid sya ni Coltrane. And she has the biggest crush on Coltrane.

"Kelan ka ba o-oo sa akin? Am I not good enough for you?"

"Coltrane!" Tawag ko, hindi ko alam kung bakit nakikialam ako sa usapan nila.

"Oh Azrielle" nahihiyang bati ni Imogen. Lumapit ako at agad namang pinatong ni Coltrane ang braso nya sa balikat ko.

"Tara na order?" Alok ko sa kanya, pinandilatan ko pa sya ng mata. Ngumiti lang sya at inakbayan pa ako. Wow, abusado!

Tumingin si Imogen sa braso sa balikat ko at napabuntong hininga. Sinipat nya ang kanyang wristwatch at binalik ang tingin sa amin.

"Una na ako" saka sya tumalikod at naglakad palayo.

"I saved you, douchebag" bulong ko sa kanya sabay siko nang mawala na sa paningin namin si Imogen.

"Wow for the first time" may mapanuyang ngiti sa kanyang labi.

"Such a heartbreaker" umismid ako at bumalik sa pila.

"She's giving me the authority to break her, Azrielle. But I kept on declining. Saan doon ang pagiging heartbreaker?" Aniya, napatigil ako at nag hanap ng sasabihin.

"Hindi ba mas magandang humihindi ako kaysa umasa sya?"

Hindi na ako umimik pa. Hindi ko na din sya pinansin kahit pa sinisiksik nya ako sa upuan namin ngayon.

"Eros, kailan ang batch ball?" Tanong ng katabi ko pagkatapos nya uminom sa kanyang soda.

"Earlier than the usual. Diba dapat ay sa susunod na buwan pa pero na-move iyon next next week"

"Bakit daw?" tanong ko. Last year ay hindi ako nakadalo dahil nagkasakit ako kaya excited ako for this year, aayain ko si Eros!

"Hindi ko pa alam kung bakit, pero utos ni President Sevilla."

"May kadate ka na Eros?" tanong ni Coltrane, hindi ko alam kung nangaasar ba sya o gusto nyang malaman ko kung dapat ko pa bang ayain si Eros o hindi.

Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi natinag nginisian pa ako ng loko!

"I don't need a date" simpleng sagot ni Eros, natagalan pa dahil hindi sya magsasalita hangga't di nya nalulunok ang kinakain nya.

"Paano kapag may nag-aya sa'yo?" He sighed and wiped his mouth with a table napkin.

"I'll turn them down. Isa pa maraming dapat ayusin dahil isa ako sa mga officer, masyado na akong busy baka hindi ko maasikaso ang muse ko. Pero pwede ko naman sila isayaw"

Napanguso ako at medyo nabawasan ang pag-asa. Pero gusto ko pa din syang ayain, baka sakaling mapapayag ko sya at pagbigyan nya ako.

Bukas paghahandaan ko ang pag-aya ko sa kanya sa batch ball. Sana mapapayag ko sya, magpapaganda ako bukas!