Chapter 59
"Wow" my jaw dropped and I got teary eyed while looking at the view. Ang ganda!
"Saan tayo mag stay?" Tanong ko kay Coltrane habang papunta kami sa tutuluyan namin. "Mykonos village" aniya.
Tumalon ako agad sa kama pagkapasok ng kwarto, I heard him chuckle after closing the door. Iisa lang ang kama so ibig sabihin share kami, I get to hug him while sleeping! To be honest, nights with him are more peaceful, kapag wala sya sa tabi ko ay hindi ako makakatulog ng maayos.
"What is our first activity?" Tanong ko habang nagaayos sya ng gamit. Sinilip nya ang relo nya at ngumiti.
"Sunset cruise" napabangon ako at sinilip ang oras sa phone ko. Oh my gosh! That's so romantic!
"Anong oras? I'm excited na!"
"Thirty minutes, now get ready doon na rin tayo magdidinner" he hugged me and kissed my head nang lumapit ako sa kanya. I tilted my head up and kissed him too.
Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako habang nakatingin sa sunset, its beautiful, no, its beyond beautiful.
Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Coltrane mula sa likod ko, I heard him sniff my head.
"Enjoying the view, future wife?" Cheeks heated up and I let our a soft chuckle. "Yes, future husband. Thank you for bringing me again to a paradise"
"A queen like you deserves the best." He planted a soft kiss on my head. What did I do to deserve this man?
"Love , thank you" tumingkayad ako at akmang hahalik sa pisngi nya nang lingunin nya ako, my lips landed on his smirking lips.
"Kanina ka pa thank you, ng thank you. Why not just kiss me?" He pulled my head up and crashed his lips with mine.
"Tingin mo ilan magiging anak natin?" I asked as he wrap his arm around me, nag bonfire kami at mags-smores.
He gently kissed the exposed skin of my shoulder and sighed.
"Sampo" he smiled at me dastardly. I scowled at him, he nuzzled his nose to the crook of my neck, his lips traced my neck. Damn it!
"No, love. Just three" he rolled his eyes and kissed my cheek.
"Four or five, baby. Final" I was about to protest when he kissed me on my lips softly.
"Don't worry about the kids, baby. We can manage to give them the life that they deserve, I'll work hard for it" I sighed and nodded my head.
"We will, tayong dalawa ang gagawa nun, not just you. Okay?"
Napatili ako nang buhatin nya ako ng bridal style, kumapit akong mabuti sa leeg nya at humalik sa panga nya.
"What's our activity for tomorrow?" Tanong ko habang buhat nya ako.
"Fishing. Paraw sailing and snorkeling" Napahikab ako nang ibaba nya ako sa kama pero bumangon pa rin ako para magpalit at mag brush.
"I'm going to take a shower" bulong nya nang yumakap sya mula sa likod ko habang nagba-brush ako.
"I won't mind if you'll joke me... joke lang!" Nag peace sign sya at bumelat.
Nalunok ko ang toothpaste nang maghubad sya ng damit sa harapan ko. My jaw dropped nang isunod nya ang shorts nya. Oh shucks! Ang laki.... ng shorts.
"Wala kang galang sa feelings ko!" Bulyaw ko ng ihagis nya sa akin ang hinagis nyang shirt at shorts!
"I love you, Azrielle" he said chuckling. Nagmumog na ako, I can hear the sound of the water dripping. Nasa iisang banyo lang kami, the shower part may frosted glass para hindi nakikita ang naliligo.
Bakit hindi clear glass? Joke lang! Si Coltrane kasi! He's such a tease!
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at naamoy ko ang mabangong pabango nya. Sa sobrang tagal nyang naligo nakaidlip na ako. I felt him kiss my shoulder and he pulled me closer to him as he positioned his self to bed.
"Baby" he whispered, he kissed my shoulder again and it made my heart flutter.
"Hmm?" Hinarap ko sya at humawak sa pisngi nya, his eyes are closed trying to get some sleep.
"Good night kiss?" He murmured. I smiled and pressed my lips on his cheek. Tumaas ang kilay nya at nagbukas sya ng mata.
"Seryoso yun, baby? Sa cheeks lang talaga?" Humalakhak ako na natigil dahil bigla syang gumalaw, in a blink ay nasa taas ko na sya. Oh shucks!
"Got you" he lowered his head, my heart is pounding. But I melted when he smiled sweet. "Just kidding, baby"
I'm not scared, maybe just nervous. Our wedding is fast approaching and I'll be his wife forever. I'm more than willing to give him my self, pero normal lang naman ang kabahan di ba?
He was about get off me when I wrapped my arm around his neck and claimed his lips, he groaned and bit my lip.
"Baby, I won't be able to stop my self. So stop me before situation gets out of hand" he whispered in between our kisses. He shifted us again and now I'm on top of him, maybe giving me the control to stop him if ever he gets overboard.
His lips traced my jaw and gave me butterfly kisses there, before he went back to claim my lips.
"Stop me" he whispered as his lips landed on my neck. I hitched a breath when he chewed my lip.
"Love, I love you" napasinghap sya at yumakap nang mahigpit sa akin. He chuckled saka nya ako pinahiga sa side nya.
"I love you, baby. I'm sorry" he bit his lip and kissed my forehead. "Its okay, love. I know you can wait"
"Well yes, baby. Let's sleep na, sorry ulit baby" Ngumuso ako at ibinaon ang ulo ko sa dibdib nya. I sighed heavily and yawned.
Napasinghot ako dahil sa bango na naaamoy ko. Nag inat ako at unti unting nagbukas ng mata. Good morning world.
"Good morning, baby" bati nya habang inaayos ang pagkain sa mesa. My mouth watered and my stomach growled.
Lumapit ako at yumakap sa kanya, binuhat nya ako at inikot ikot. I can imagine my self walking to this kind of situation everyday, yung umaga palang buo na araw mo.
"Good morning, love" buti nalang naisipan kong mag brush bago lumabas ng kwarto, he kissed me deeply at nakakahiya naman kung hahalik ako na hindi pa ako nakapag brush.
"I ordered food for us" pinaghila nya ako ng upuan at sya na rin naglagay ng food sa plato ko, ako na rin ang naglagay ng kanya. Ganun dapat, suklian ng effort.
Tahimik kaming kumain and after that I took a bath kasi ngayon kami magfi-fishing!
"I don't know how to fish" sabi ko habang naghihintay kami ng isdang kakagat sa pain namin. He chuckled and held my hand.
"Just wait, baka gumana yung ganda mo sa mga isda" umirap ako at siniko sya. Dapat kasi nag snorkeling na kami agad, tirik ang araw at tinatawag na ako ng malamig at kulay asul na tubig.
I hitched my breath when someone pulled the strings, hinampas hampas ko si Coltrane na tinulungan naman ako.
"Yehey, I got a fishy!"
"Good job, wife" namula ako at kinilig. Aww, my future husband. I tiptoed and kissed his cheek.
Dahil naawa ako pinakawalan rin namin ang mga maliliit na isda na nahuli namin. It was a fun experience.
Nag bihis na kami ng snorkeling gear, Coltrane playfully fixed my goggles.
"Ready, baby?" I nodded and held his hand. Sabay kaming tumalon sa malamig na tubig, I felt him hug me under the water. That's the least he can do because we're wearing our oxygen masks.
Lumangoy langoy kami at nagpicture sa mga isda. May mga starfish at sea horse rin kaming nakita. Nang mapagod ay umahon na rin kami.
Nag swimming pa muna kami sa pool ng mykonos saka kami nagshower. Inantok ako dahil sa pagod at kapwa kami nakatulog.
"Love, saglit lang. Madadapa ako... Coltrane!" Tumili ako nang pangkuhin nya ako. Naka blindfold kasi ako at inaalalayan nya akong maglakad kanina.
"Hold tight, baby" I wrapped my arm around his neck.
Inalalayan nya rin akong umupo, napayakap ako sa sarili nang lumakas ang hangin, napangiti ako nang ipatong nya sa balikat ko ang coat nya.
"Pwede mo na tanggalin, baby" medyo blurry pa ang vision ko, pero as soon as I took my blindfold off narinig ko ang tunog ng fireworks, I rubbed my eyes and my jaw dropped when my vision became clear.
"Happy first anniversary, Azrielle" napaluha ako at yumakap sa kanya. Ang dami nya nang nagawa para patunayan kung gaano nya ako kamahal, his efforts are spendthrift, and unusual. His ways of showing his love for me is unfathomable.
"Love..." garalgal ang boses ko dahil naiiyak na ako, yumakap ako sa kanya at humalik sa labi nya.
"This is too much, love" he shook his head and kissed me. "You deserve all the efforts, my baby."
"Happy first year, Coltrane" bati ko, he kissed me and then we enjoyed watching the fireworks display.
"Give me your hand" inabot nya sa akin ang kamay nya. I opened my bag and search for the gift that I bought for him.
"You have to close your eyes din, love. Don't peek! Babangasan kita!" He chuckled and covered his eyes with his free hand.
"Daya! Tumitingin ka!" Humalakhak sya at hinila ang kamay ko at dinala sa labi nya.
"Alright, behave na ako" I opened the box and unscrew the bracelet that I bought for him, actually for us. Its the love bracelet from cartier. I also bought a watch for him, nakita ko kasi sa search bar nya sa cellphone na naghahanap sya ng rolex watch.
"Its cold" aniya nang isuot ko sa kanya ang relo.
"Okay na, love" he playfully squinted his eye, napangiti sya nang malawak nang makita nya ang regalo ko.
"Locked." Sabay pakita ko ng love bangle ko.
"Cool pick, baby. Kilala mo na talaga ako" he pinched my cheek which made me giggle. "All yours" aniya sabay pakita ng suot nyang love bangle.
Nagsimula nang mag serve ng food, I enjoyed everything. Actually kahit pa sa isawan lang kami kumain, I'd still enjoy it. Lahat naman, basta kasama si Coltrane maeenjoy ko.
Tumawag pa sila mommy, mom nya at mom ni Eros kanina para mangumusta. May kausap silang wedding planner and inaayos na nila ang mga details for catering service and the venue.
I thanked him while we're slow dancing, and talked about our future. Masaya lang talaga and I hope na maging successful ang married life namin. Amen!
"One week nalang" bulong ko. Ang bilis talaga ng oras, parang kahapon lang nasa Balesin kami. Ngayon one week nalang before our wedding!
"Excited ka na?" He asked as he ruffle my hair. Dalawa lang kami ngayon sa bahay nila dahil busy ang mga tao, nagawa na kasi namin ang part namin for wedding preparations kaya naman nagpapahinga na kami.
"Yes, but I'm also scared. I might disappoint you"
"We may disappoint each other pero gagawa tayo ng paraan para maayos lahat ng problema, we can handle it baby." Prente nyang sagot.
"Hoy, Coltrane. Naalala ko pala, ikakasal na tayo at lahat 'di ko pa napapasok yung black room mo" napakamot sya sa ulo at inaya akong akyatin ang room.
"Password?" Excited kong sabi.
"Your birthday" kinakabahan ako while typing my birthday. Nakakainis, dapat sinubukan ko na noon pa na hulaan yung password nya eh, madali lang pala! Birthday ko lang pala!
I opened the door and the scent of my perfume filled my nostrils. Napanganga ako nang makita ang mga pictures ko sa walls, pictures namin. Some are paintings pa, with his signature. Ang ganda!
"Gawa mo?" Tumango sya, naluha ako at yumakap sa kanya. He's so good at everything, pati painting! Nakakainis na ha, he's so gifted!
"Bwisit ka, patay na patay ka talaga sa akin" I joked while crying. He chuckled and kissed my head.
"Patay na patay na patay" nilapitan ko mga drawings nya, some are our pictures sa phones namin, yung iba solo ko lang.
"First painting ko 'to" turo nya sa nasa gitna. It was us, nakayakap sya sa likod ko at nakasandal ako sa kanya. Kung tama ako ng hula, noong nasa high school palang kami nito.
"That was when I finally admit to my self that I love you" natawa ako nang mamula sya. Lumapit ako sa painting at may nakitang nakasulat.
"You're all I ever wanted love to be" yumakap ako sa bewang nya at pinunasan nya ang luha ko. Ahh, I'm so blessed to have him!
I only asked God for a man who would make me happy and love me, pero sobra sobra ang ibinigay nya in the form of Coltrane! Kahit kupal 'to, sobrang mahal ako.
"Si tan solo pudiese casarme contigo estare feliz" basa ko ulit sa nakasulat sa picture ko na nakatingin sa kawalan. "What is it, love?"
"Hmm" pinilig nya ang ulo nya at nag isip. "If I could only marry you, I'd be happy" his eyes twinkled. Gusto ko sana syang yakapin pero nasa gilid sya nakaupo at ako tumitingin ng paintings. Kainis 'to, mamamatay na ata ako sa kilig! Di pala ako pwede mamatay kasi ikakasal ako sa kanya, baka maagaw! Excuse me!
"Paano kung hindi pala tayo nagkatuluyan, sayang mga 'to! Ang dami!" Hindi ko na nga inisip pang bilangin eh.
"Sino nagsabi sa'yong di tayo magkakatuluyan?" Nakataas kilay nyang sabi. Ang hambog talaga. "I had doubts, yes, pero mas naniwala akong tayo sa huli"
"I also have a surprise for you, pero that's after the wedding" tumango ako at lumapit sa kanya, holding my favorite painting na gawa nya. It was our first kiss.
"I love you, Coltrane. Sorry ah, hindi ako artistic." He kissed my forehead and hugged me.
"Don't apologize, okay? You don't have to be artistic, or whatsoever to show me how much you love me. Presence mo lang, yung kislap ng mata mo lang, your hugs and kisses are enough for me. Choosing me to be your husband is more than I could ask for."
Thank you, Lord! Thank you for my Coltrane!
"Kalma ka lang 'te! Wag kang iiyak! Yung eye liner mo! Kukutusan na kita eh!" Amerie did my make up while a stylist did my hair. This is the day! I can hear the wedding bells ringing and the deafening sound of my heartbeat! Gusto nya kumawala sa dibdib ko dahil sa excitement!
After the day na napasok ko ang black room ay hindi na kami nagkita ni Coltrane, even video calls! Pinagbawalan kasi kami dahil sa pamahiin! Naiinis tuloy ako, I miss him so much and every day without him near ne feels so incomplete!
I'm reading his love letter for me kaya naiiyak ako. It was short pero tagos talaga siya nga kumare!
"Azrielle, I've been dreaming about you walking down the aisle ever since I found out I'm in love with you. It's finally happening! I can't wait to show you my surprise and to spend the rest of my life with you. Future wife, I love you and it will always be you. Love, Coltrane Tris Montreal, your kupal future husband"
"Wag kang iiyak sabi na eh!" Ngumuso ako at tumingala para pigilan ang luha ko. Kainis 'tong si Amerie, panira ng moment!
We heard knocks and I saw Eros with Angeline enteting the room. May dala siyang bulaklak na agad nyang inabot sa akin.
"From Coltrane. He's on the way to the church, dinaanan ko si Mommy kaya pinadaan nya 'to" kainis talaga, ikakasal na nga kami para pa din syang nanliligaw, sabagay according to him he'll court me everyday! Hindi kaya maging cause of death ko 'tong kilig at kalandian ni Coltrane? Naiiyak talaga ako! Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagpa-eye liner!
"Where's my future daughter-in-law?" Rinig kong sabi ni Mommy Kaye, iyon na ang tawag ko sa kanya. I smiled at her while fixing my veil.
"Thank you for making my son happy, Azrielle." She whispered while hugging me. "Open this after the wedding, okay?" Tumango ako at nilagay iyon sa clutch ko na hahawakan ni Amerie.
After some pictures, and for the video footage of the wedding, inalalayan na nila akong sumakay sa bridal car. Mom and Dad are holding my hand.
"Anak, okay lang kay mommy magka-apo agad" sabi ni Mommy, namula ako at napaubo.
"Actually I thought about it too, lalo na nang pumunta tayo sa bahay nila Roberta at nakita ang mga apo nila. Napaka-cute na bata! Kaya anak, bigyan mo na agad ako ng apo. Mukhang matatagalan pa ang kuya mo, nabasted na naman kasi"
"Daddy..." angal ni kuya na nasa passenger seat.
"As soon as possible, anak ha?" Pahabol ni Daddy, napatango nalang ako kahit hiyang hiya ako sa sinasabi nila tungkol sa pagbubuntis.
Pinalobo ko ang pisngi ko while watching kuya rush inside the church para pumwesto sa tabi ni Coltrane. Sila ni Eros ang best man, Angeline and Amerie are the maid of honor. Dalawa nalang kasi di kami makapili.
"Lord, sana di ako madapa" usal ko habang pinapanuod silang luminya sa harap ng simbahan. Rinig ko na rin ang instrumental ng Just the Way You are ni Billy Joel.
Huminga ako ng malalim at kumapit kay Daddy pababa ng sasakyan. Okay, this is it. Sinara nila ang pinto at nagsimula na ang pagmartsa nila Buknoy kasunod ang mga abay.
Azrielle, breathe. This it. Sinukbit ko ang braso ko kila mommy at daddy at ilang beses na huminga ng malalim habang hinihintay na bumukas ang pinto.
The loud thud of my heartbeats filled my eardrums, my palms became sweaty and my knees are wobbly.
Napatigil yata ang pag hinga ko nang bumukas ang pinto. A tear fell on my cheeks when I saw him, my Coltrane, my future husband patiently waiting for me.
Ito na talaga, the moment we've been waiting for. He waved his hand and my heart flipped flopped when he winked. Aww future husband.