Chapter 5
Nasa kalagitnaan na ng program nang makarinig kami ng tilian, nagulat ako nang may humablot ng bag ko at hinila ako patayo. Syempre sino pa ba?
"Coltrane ano ba? Lagi mo nalang ba ako isasama sa pagtakas mo sa mga babae mo? Aba hindi ako fit para sa marathon!" Sabi ko sa kanya habang kinakaladkad nya ako.
"Ikaw ang gusto kong makasama eh" rinig na ang hingal sa boses nya.
Ganito ba ang buhay nya araw araw noon? Hahabulin sya ng mga babae kapag nakita sya? Ganun ba sya kagwapo sa paningin ng mga fangirls nya?
"Get in" pinagbuksan nya ako ng pinto at nagawa pang alalayan akong umupo. Sumilip ako sa bintana at nakitang papalapit na ang mga naghahabol sa aming dalawa.
Mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan. Sinabihan nya pa akong ikabit ang seatbelt ko dahil hindi nya daw naikabit.
Hindi ko na maalala kung kailan ako unang sumakay sa unang sasakyan ni Coltrane, kung hindi ako nagkakamali ay labingtatlong taon palang ako noon at labinglima sya.
Lagi nyang kinakabit ang seatbelt ko, lagi ko ngang naaamoy ang mabango nyang pabango noon at gusto ko iyon.
Dahil makapangyarihan ang mga magulang nya dito sa amin ay binigyan sya ng lisensya, basta sinigurado lang na kaya nyang magmaneho at oras na mag over speeding sya ay babawiin ang lisensyang iyon.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makahinga na ng maluwag. Hingal na hingal sya kanina dahil sa hinaba haba ng takbo namin.
"Gutom ka na ba? Gusto mo mag lunch?" Pinasadahan nya ng kamay ang magulo nyang buhok. "Shit, nahablot na naman yung panyo ko" mura nya habang kinakapa ang kanyang bulsa.
"Eto na" binigay ko na lang sa kanya ang extra kong panyo, pawis pawis pa ang buhok nya mula sa pagtakbo namin.
Tinanggap nya naman iyon at pinunas sa kanyang mukha. Lumaki pa ang ngisi nya habang nagpupunas.
"Anong gusto mong kainin?"
"KFC nalang, yung spicy cheese chicken" tumango naman sya at binagtas ang daan papuntang kfc. Sya na din ang nag presintang mag order, ako nalang ang naghanap ng upuan.
"Tabi nalang tayo, usog ka dun" aniya habang dala dala ang tray. Sa pinakalikod na parte ng kfc ang pinili ko, sa mahabang upuan na magkakatabi ang table ang inuupuan namin.
Natuwa ako nang makita na ang favorite part ko sa chicken ang kinuha nya para sakin, iced tea na upgraded at sundae.
"Gusto mo pa rin ba ng adobong atay ng manok?" I nodded my head with a smile on my face, favorite ko iyon mula noong bata pa kami.
"Do you want me to cook for you? Inaral ko magluto ng ganun" alok nya habang nakangiti. Yung ngiti na para bang sobrang confident nya.
"Talaga? Turuan mo nga ako! Baka nagjojoke ka lang ah"
"No, trust me on this Azrielle. You'll love my adobo." naexcite naman ako sa sinabi nya, I smiled at him while chewing my food.
"Ano pa bang gusto mong pagkain? Para mailuto ko"
"Pinapataba mo ba ako ah? Saka surprisingly nago-offer ka sa akin ng ganyan. Gusto mo bang mag bati tayo at patawarin ko mga katarantaduhan mo sa akin, like for example yung pagsama sama mo sa akin sa pagtakas sa mga babae mo?" Humalakhak sya at uminom sa kanyang iced tea.
"No, I prefer us fighting over petty and nonsense things, Azrielle. Gusto lang kitang ipagluto"
I couldn't supress my smile kaya naman todo ngisi ako, atleast malilibre ako ng food.
"Sige, basta libre hindi ko tatanggihan."
Napatigil ako nang punasan nya ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang daliri.
"You're still a messy eater" he said smiling from ear to ear. Bumalik din sya sa pagkain habang ako natagalan pa ang pagbalik sa wisyo.
Dinala nya ako sa grocery para bumili ng mga gagamitin nya para sa pag luto ng Adobong atay ng manok, ako ang nagtutulak ng cart habang sya ang tumitingin.
"Do you want it spicy?" kumuha sya ng isang supot ng siling labuyo nang um-oo ako.
"Isasama ba natin si Eros pag tinuruan mo akong magluto?" Napatigil sya at napamewang.
"Kung gusto nyang sumama then why not"
Kung ano ano pa ang nilagay nya sa cart, siguro para na rin sa stocks nila sa bahay. Sya na ang nagtutulak dahil mabigat na at tinatamad na ako magtulak.
Tahimik lang sya habang nilalakad namin ang daan papuntang parking lot, pinagbuksan nya ako ng pinto and this time sya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko.
"Nagbago ka ng pabango?" Tanong ko sa kanya pagkasakay nya.
"Yup. Gusto mo ba yung dati kong pabango?"
"Wala, napansin ko lang" binalik naman nya ang atensyon sa pagpapaandar ng sasakyan.
Dumiretso kami sa bahay nila, namangha ako agad dahil bumungad ang flower garden ni Tita Kaye na ilang taon ko ring hindi nakita.
"Wow, sunflowers"
"You can pick flowers if you want" aniya pero umiling lamang ako.
"No, I'll just let them be." hinaplos ko nalang ang mga bulaklak at ilang beses lumingon bago pumasok ng kanilang bahay.
"Oh you're here, Azrielle" lumapit sa akin si Tita at humalik sa aking pisngi. May hawak syang tray ng cookies na agad nyang inalok sa akin.
"Hi ate Azri" bati sa akin ni Suzette, ang bunso nila. Binigyan nya ng makahulugang tingin ang kanyang Kuya na pinisil naman ang magkabilang pisngi nya.
Tumabi ako kay Suzette at yumakap sa isang throw pillow. She scooted closer saka nya itinuro ang isang kwarto sa itaas. Itim ang kulay ng pinto nito na naiiba sa ibang kwarto na puti.
"That's Kuya's secret room" aniya. May chismis agad.
"Ha? Secret room?" tumango naman sya at humarap pa sa akin.
"Hindi pa ako nakapasok dyan ate, walang nakakapasok dyan"
"Do you know what's inside?" Usisa ko sa kanya. Curiosity hit me, ano kaya ang nasa loob nun? Baka yung parang red room ni Mr. Grey! Gosh!
"Tanong mo sya baka sabihin nya sayo" sabi nya sa akin. "Sabihin mo sa akin pag alam mo na ha ate?" ngumisi sya at uminom sa lemonade nya.
Kaya pala dinaldal nya sa akin, gusto nyang malaman kung anong mayroon doon. Wais din 'tong batang ito ah.
"Suzette, ginugulo mo na naman ang Ate mo" sabi ni Coltrane na kakababa lang mula sa kanyang kwarto, nakapalit na sya ng white shirt at jersey short.
"Hindi kuya nagkukwentuhan lang kami, besides ngayon lang kami nag kita after years." ngumisi sya sa akin at kumindat. Aba ang batang ito.
"Azrielle, 'lika dito" tawag sa akin ni Coltrane sa kusina. He handed me freshly baked cookies.
"May sinabi sa akin si Suzette yung tungkol sa room sa itaas" sabi ko bago uminom sa tubig na bigay nya
Binuksan nya ang ref at nilagay doon ang mga pinamili namin.
"Katulad ba yun nung sa red room ni Christian Grey?" Sinara nya ang ref, sumandal doon at humalukipkip.
"Kung ano ano ang pinapanuod mo, Azrielle" ngumuso ako at pinagpatuloy ang pagkain ng cookies.
"I'm eighteen I'm allowed to watch those kind of movies"
"Kahit na, you're just eighteen" kita mo 'tong kumag na to akala mo thirty years old na kung makapagsalita. Mas matanda lang sakin 'to ng dalawang taon!
"As if you don't watch R-18 movies. So ano nga yung kwarto sa taas? Doon mo ba dinadala mga girlfriends mo?"
"Hindi ako nagdadala ng babae dito sa bahay, its only you"
"Hinohotel mo lang?" Biro ko sa kanya, he just smirked and crossed his arms. His muscles flexed and his facial muscles tightened.
"I'm not a womanizer, Azrielle."
"Oh please, Coltrane. Kilala na kita simula pagkabata pa tayo and I saw you with numerous girls around you." he grinned and walked towards me.
"Naririnig mo ba sarili mo? You sounded so jealous" nakapaskil pa din sa labi nya ang malawak at mapangasar na ngisi.
"Asa ka pa, kay Eros lang ako noh" ngumisi lamang sya lalo at tumalikod.
"Eros" bulong nya. Nagtaas baba ang balikat nya bago dumiretso papunta ulit ng ref, kumuha ng chocolate na inihagis nya sa akin.