Chapter 4
Nakapag bihis na ako at blower ng buhok, bumaba na ako dahil baka uuwi na sila Eros. Nakita kong naka white Tshirt sya at naka jogging pants, ang gwapo nya talaga kahit simpleng porma lang.
"Baka matunaw" sabi ng boses sa likod ko, hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino iyon dahil boses nya pa lang ay ikinainit na ng dugo ko.
Parang alam na ng sistema ko na isang kumag yung nagsalira.
Nilagpasan ako nung langaw, umiinom sya ng tubig, naka jersey shorts at itim na shirt. Ayoko ng umirap dahil baka mahanginan ang eyeballs ko at di na bumalik sa dati.
Pagod na rin ang mata ko dahil yung nakareserve na irap ko sa para sa buong taong ito ay naiirap ko na yata kay Kumag.
Bumalik sya ng kusina para ibalik ang baso. Napangiti naman ako nang kumaway sa akin si Eros para magpaalam.
Hinatid ko sya ng tingin na puno ng pagmamahal. Kinilig ako nang lumingon syang muli bago sumakay sa sasakyan nya.
"Sweet" bulong ng kumag na langaw sa likod ko, napaaray sya nang sikuin ko sya.
"Close tayo?" pagsusungit ko sa kanya nang akbayan ako.
"Hindi" napaharap ako nang higitin nya ang kamay ko, nahigit ko ang hininga ko nang pag harap ko ay isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.
"Yan, close na tayo" ngumisi sya at kumindat.
I was caught off guard, napatigil ako at kumabog ang dibdib ko.
Bakit ganun hindi ko magawang lumayo? bakit ganun yung tuhod ko, bakit parang ang hina? Bakit parang nakaglue ako dito?
Umalis na sya sa harap ko pero nakatigil pa rin ako at tulala.
"Alis na ako" muntik na akong mapatalon dahil sa pamamaalam nya. Bakit ako natulala? Bakit?!
Excited akong bumangon para pumasok, wala pa namang klase pero excited akong makita si Eros!
Nag salamin pa ako para tignan kung okay ba ang damit ko, nag off shoulder ako at tattered pants. Nginitian ko ang repleksyon ko at lumapit sa aking vanity table para magspray ng paborito kong pabango.
Same kami ng floor ni Eros, third floor, magkatabi rin ang rooms namin. Nakita ko na agad sya at agad na kumaway sa kanya.
Hindi nya pinapansin ang mga babae na nasa gilid nya at halos alisin ang mga eyeballs kakatingin sa kanya. Well I can't blame them, gwapo talaga si Eros.
Isa sa pinaka pinagpapasalamat ko sa araw-araw ay ang pagiging magkaibigan ng Mommy ko at ni Tita Yana, dahil kung hindi ay baka isa din ako sa mga babaeng hanggang tanaw lang kay Eros.
Hindi sya palangiti masyado, papansinin ka nya pero tango lang. But he's not a snob at all. Siguro dahil ganun lang talaga ang personality nya, reserved, tahimik.
Siguro iyon ang nagustuhan ko sa kanya, hindi katulad ng ibang lalaki na papansin at puro papogi ang alam.
Tulad nitong kumag na paparating.
Todo bati at ngiti sya sa mga babaeng nakakasalubong at nagpapacute sa kanya. Akala mo Mayor, akala mo kakampanya.
Akala mo din hindi nya tinakbuhan ang mga babaeng yan kahapon. Napaismid nalang ako.
Nang matanaw kami ay kunwaring nagsungit ang mukha nya at binilisan ang lakad.
Azrielle wag kang umirap! Paalala ko sa sarili ko, kota na ako sa irap kahapon.
Nag fist bump sila ni Eros saka nya marahang pi-nat ang ulo ko, agad kong sinampal ang kamay nya bago pa nya magulo ng tuluyan ang buhok ko.
Sinamaan ko lang sya ng tingin pero nginitian nya pa rin ako. Goal ata nito this sem na sirain bawat araw ko and its working!
Sabay sabay kaming naglakad papuntang... Di ko alam.
"San tayo pupunta?"
"May program sa Gym, orientation ng mga freshman" kinilig ako dahil si Eros ang sumagot ng tanong ko. Unang beses nya akong kinausap ngayong araw na to.
Napapansin kong nahahawi ang mga tao at nakatingin sila sa amin, particularly sa akin. Iniisip siguro nila kung sino ako at bakit kasama ko si Eros at Coltrane na nasa listahan ng "campus crush".
"Ano ba?" Singhal ko kay Coltrane nang ipatong nya ang braso sa balikat ko.
"Tss, showing too much skin" bulong nya sa sarili na hindi ko naintindihan.
Kumaway ako kay Amerie na nakatingin sa amin at nasa sulok ng gym. Nahihiya syang lumapit at ngumiti. Crush nya nga pala si Coltrane kaya siguro nahihiya.
"Hi Eros, .... Coltrane" nahihiya nyang bati. Ngumisi ako sa kanya dahil alam kong kunwari lang ang pagiging mahinhin nya.
Binati rin naman sya ng dalawa, namula sya ng ngisian sya ni Coltrane.
"I'll just get something on my car" paalam ni Coltrane. Aba englisero, at seryoso sya sa pagkakasabi nya.
"Hanapin ko lang ang mga kasama kong officers" paalam ni Eros. Nagpaalam sya sa amin at sa akin sya nakatingin! Oh my gosh, my heart flip flopped!
Nang makalayo si Eros ay tumili ng malakas si Amerie. See? Kunwari lang ang pagpapabebe nya sa harap ng crush nyang si Kumag! Para na nga syang sasabog sa kilig kanina dahil sa pamumula nya!
Niyugyog nya ako habang kilig na kilig pa din.
"Amerie ano ba? Pinagtitinginan ka na oh!" saway ko sa kanya. Kumalma naman sya at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kanyang kamay.
"Sabi ko na nga ba kilala mo si Crush! Ikaw ha, hindi mo sinabi sa akin! Nagulat nalang ako lumapit sya sa atin kahapon sa canteen pagkatapos ay hinila ka pa niya dahil hinahabol sya ng fangirls!"
Kilig na kilig sya habang ako nakahalukipkip na at medyo iritado.
"Hindi ko naman alam na si Coltrane ang tinutukoy mo."
"So kilala mo talaga sya?" Tumili sya at nagtatatalon! "I'm so lucky to have you Azrielle! Hindi man ako magugustuhan ni Coltrane ang mahalaga makalapit ako sa kanya!"
"Bestfriends ang mommy namin ni Coltrane at Eros kaya kilala ko sila." iyon lamang ang sinabi ko. "Hindi kami close" dugtong ko.
"Pero mukha ngang close na close kayo kasi kanina pinatong nya pa ang braso nya sa balikat mo. Grabe ang swerte mo girl!"
"Epal lang talaga yun. Saka alam mo naman na—"
"Si Eros ang ultimate crush mo!" Pinutol nya ang sasabihin ko at sya na ang nagtuloy. "Malay mo maging kayo ni Eros tapos kami ni Coltrane" tuwang tuwa nyang sabi. Kung pwede lang magsiliparan lahat ng hugis puso sa paligid nya nangyari na dahil sa sobrang kilig nya.
Natahimik sya habang nakatingin sa likod ko, lumingon ako at nakita si Coltrane na may nakasukbit na flannel sa balikat nya, he's even wearing his sunglasses na nakadagdag sa kapogian nya.
Okay I admit it.
Papalag sana ako nang ipatong nya iyon sa balikat ko pero nilapat nya ang isang daliri nya sa labi ko sabay bumulong.
"I don't like this" he murmured, kinunutan ko sya ng noo dahil halos kainin nya ang sinabi nya, hindi ko naintindihan maliban sa salitang I at don't.
"Takpan mo nga yan, ayaw ni Eros ng maitim na balikat" masungit nyang sabi .
Umalis sya agad kaya hindi ako nakapagpasalamat, pinanuod ko na lang syang maglakad habang ang kamay ay humihimas sa kanyang batok.
"Ano yun? Ang sweet naman sayo?" sumimangot sya at ngumuso.
"Hindi. Ayaw daw ni Eros na maitim ang balikat".
"Alam nyang crush mo si Eros? Hindi pa kayo close nyan ah" may pilyang ngiti sa kanyang labi. Umirap lang ako at umupo na sa bakanteng upuan.
Hinanap ng mata ko kung saan sya nagpunta pero hindi ko makita, hinanap ko naman si Eros na nakita ko sa stage at nag se-set up. Ang gwapo nya talaga!