Chapter 41

"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung anong laman ng room na yun?" Nginuso ko sa kanya ang black room, andito kami sa kanila dahil andito sila mommy. Medyo hesitant pa akong pumunta dito kanina dahil paniguradong susulpot si Eros.

"Soon, kapag sinagot mo ako" he winked before he went upstairs.

Busy ako sa pag twitter nang may umupo sa tabi ko, oh gosh I hate this day.

"Kids, kain na" aya ni Tita Kaye, tumayo ako agad at pumunta sa kitchen. He sat on my right, and Coltrane sat on my left. The heck!

"So Azrielle, kumusta naman kayo ng anak ko" tanong ni Tita Yana, napaubo ako sa tanong nya, Eros handed me a glass of water, Coltrane secretly squeezed my hand under the table.

"We're fine mom, right babe?" I glared at him, he smirked. What the hell? Babe? Kelan pa kami nagkaroon ng term of endearment? Saka sa pagkakaalala ko wala nang kami!

"Really, Eros?" Coltrane asked sardonically. Nagpalipat lipat ang tingin ni Mommy sa aming tatlo. I wish I could disappear now!

I gulped and looked at Coltrane, he looked at me like he's encouraging me to tell the truth. Magsasalita na sana ako nang may sabihin si Eros.

"We're actually celebrating our fifth monthsary today" umakbay sya sa akin at niyakap ako. Kumalas ang pagkakahawak ni Coltrane sa akin saka sya nagpaalam na tapos ng kumain.

Damn it!

"Excuse me"

"Babe we're not done yet" sabi ni Eros umismid lang ako at sumunod kay Coltrane. This day is the worst day of my life!

I saw him dived in the water, umupo ako sa sunlounger at pinanuod sya sa ilalim ng tubig.

"Fuck it!" Mura nya. Napalingon sya kinauupuan ko at tumitig sa akin. Lumangoy sya pabalik at umahon.

Inabot ko sa kanya ang towel sa tabi ko na agad nya namang tinanggap. Umupo sya tabi ko at binalot ang sarili sa twalya.

"I was waiting for you to deny it." Napayuko ako at niyakap ang tuhod ko.

"I'm sorry, I was caught off guard" he interlocked our hands and sighed.

"My mom knows about us, and your mom too. I don't want them to have bad impressions about you." I bit my lip and looked down.

"We'll figure your way out of the situation. I won't let him use you to cover up his mess" tumango ako. He held my chin and kissed my forehead.

"Wait for me, I'll just change and I'll drive you home"

Nagpaalam na ako habang hinihintay si Coltrane. Mag stay muna si Mommy dito dahil hinihintay niya si Daddy at Tito Ralph, ang daddy ni Coltrane.

"Eros, I think you should drive Azrielle home" sabi ni Tita Yana, napakunot ang noo ko at inilingan si Eros. Kung dati baka tuwang tuwa ako, but I'm annoyed right now.

"Actually I already asked Coltrane to drive me home, Tita Yana." I heard his footsteps and the clink sound of his keys.

"But Eros is your boyf—

"Let's go" aya ni Coltrane, tumango ako at humawak sa kanya. Sinamaan ko ng tingin si Eros na ngumisi lang sa akin.

"Thank you for choosing me" aniya habang nagmamaneho, inabot nya ang kamay ko at marahang pinisil.

Of course this time I'd choose you.

"Madaya ka na" naglalaro kami ng snake ladder, dinadaya ko lang naman sya ng very light, eh kasi kanina pa sya nananalo!

"Ehh, kanina ka pa nananalo eh. Ikaw ang madaya" I rolled the dice saka ako bumilang ng anim, whoops, a snake bit me.

"Kainis naman" iritado kong sabi. He rolled the dice, I rolled my eyes because he won again.

"Ayoko na yang larong yan" he chuckled and ruffled my hair. Nag labas sya ng cards, uno cards. Hindi naman halatang marami syang dalang cards at board games.

"Change color to blue, plus four" nakangisi iong sabi, napakamot sya ng ulo at pumili ng apat na cards.

"Why are you so good at this?" He asked, I shrugged my shoulders and traced a line on his forehead with a powder.

Mapupuno ko na ang mukha nya, habang ako dalawang linya palang sa cheeks.

Muntik pang mailipad yung cards namin nang humangin ng malakas, natawa nalang kami at pinulot ang mga ibang kumalat. Nasa cliff kami ngayon at nag chill, katatapos lang ng finals. Sembreak na!

"Say ah na" humalukipkip ako at umiling. "I'm not a baby" sabi ko.

"Yes you are. You're my baby, now say ah dali na" ngumuso ako at sinubo ang lasagna, iisa lang kasi yung kutsara na naibigay ng fastfood na nabilhan namin. Nagugutom pa naman ako.

"Nice, iisa lang rin yung straw" napailing nalang ako, I opened the cup at doon na sumimsim ng soda.

"Ayaw pa ng indirect kiss" natatawa nyang sabi, siniko ko sya at uminom muli sa soda ko.

Pinahid nya ang powder sa mukha ko saka nya pinisil ang mga pisngi ko. Pinalis ko kaagad ang kamay nya, humalakhak lang sya at pinisil muli ang pisngi ko.

"Kaya tumataba pisngi ko eh!" Saway ko.

"So? More to love, baby. Its cute" he nuzzled his nose to my cheeks before he planted a soft kiss, nag init ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"Do you know how to count?" He asked out of the blue.

"Of course, hindi naman ako aabot ng college kung hindi" he snickered and ruffled my hair.

"Okay, good. Then let me ask you something"

"Okay, spill" wala pa man yung tanong natatawa na sya, I pursed my lips together to stop my self from chuckling, natatawa kasi ako sa itsura nya.

"Hey, be serious! Ano nga?" He cleared his throat and gazed at me.

"Anong susunod sa I love you one?" Natawa nalang ako at pinisil ang pisngi nya.

"Buti cute ka" natawa lang sya at sinalag ang hampas ko.

"Paano kapag one day may bumili ng lupa na 'to tapos nagpatayo ng bahay?" Tanong ko, he shrugged his shoulder.

"Eh di hahanap tayo ng ibang mapagtatambayan, hindi nga natin sigurado kung kanino 'tong lupang 'to eh" he chuckled.

"Ang dami na nating memories dito" tumango siya. "First accidental kiss" natatawa nyang sabi, naalala ko iyon.

"Paano mo nalamang gusto mo ako?" Curious lang, kasi ang tagal na naming magkaibigan, ever since nasa tyan yata ako nakatakda na kaming maging friends.

He exhaled roughly and played with my hand.

"At first I was indenial, akala ko kasi dahil nga kuya ako kaya lagi akong nakaalalay sa'yo, lagi akong nakabuntot sa'yo. Pero kay Suzette nga na kapatid ko mismo hindi ko ginagawa yung pag-aalaga na ginagawa ko sa'yo eh. Naiinis ako everytime hinahanap mo si Eros sa akin, si Eros, lagi nalang si Eros" he uttered while looking at the orange sky.

"Naiinis rin ako kapag lumalapit sa'yo mga pinsan ko, mga anak ng kaibigan nila mommy tapos kinakausap ka. Naiinis ako kapag ngumingiti ka sa kanila, kasi ako, you love to roll your eyes on me, but every eye roll makes me crazy. Weird right? Hanggang sige na nga, inaamin ko na, I like you. I even consulted google, nag search ako kung paano malalaman kapag gusto mo yung tao, lahat check eh." Natatawa nyang kwento, my heart skipped a beat when he chuckled, pinanuod ko syang nakangiti.

Maybe I should consult google too.

"Do you want me to show you my world?" Tanong nya bigla.

"Bakit taga saang planeta ka ba?" Ngumuso sya at kinuha ang cellphone nya. He opened the cam and took a photo of me.

"Ayan, that's my world." Napangiti nalang ako habang tinitignan ang picture ko sa phone nya, why is he so cheesy today? Kupal!

"Here" sabay abot ko sa kanya ng hoodie nya. "Sa'yo na yan" binalik nya sa akin ang hoodie, nanguso ako at inabot sa kanya muli.

"Pang apat na jacket mo na yan sa akin, wag na nakakahiya" he handed me his jacket and smiled.

"I want to give you all my jackets to keep you warm on cold days and nights. Saka para kapag miss mo ako, para na rin kitang yakap yakap." I exhaled roughly and told him to wait.

"Ayan, para patas" hinihingal kong sabi nang makabalik ako galing kwarto. I gave him my oversized hoodie, my favorite hoodie.

Nakangiti nyang tinignan ang pambabaeng hoodie na nasa harap niya, kulay puti iyon na may pink.

"Pasok ka na sa loob" tumango ako, patalikod na ako nang ikulong nya ako sa yakap.

"I'll call when I get home" tumango ako at nagpaalam na sa kanya. That hug, felt like my home.

To: Coltrane Montreal

Drive safely. Shower lang ako, I'll text you after.

Wala pang isang minuto may reply na agad sya.

From: Coltrane Montreal

Okay, baby girl. I'll drive safely;)