Chapter 35
Its our third monthsary, so I planned to cook for Eros. Adobo lang naman, sana nga hindi palpak. Wala kasi si mommy na titikim kaya tsambahan ko nalang.
Its not my first time to cook for him, noong una chicken curry which I think nagustuhan nya naman, kind of.
So ngayon mas sasarapan ko ang lulutuin ko.
"Okay, done! Ligo time!" Pumanhik na ako sa kwarto at naligo, hay sana magustuhan nya!
Sa gym daw sya sabi nya kanina sa tawag, inter school na next week.
"Wait up!" Aniya sa mga kasama nang makita ako. I smiled at him and he ruffled my hair.
"Good morning" bati nya. Bumati rin ako, as usual wala pa kaming tawagan.
"I cooked for you, sana magustuhan mo" tinanggap nya naman and he thanked me.
Nakita kong nagdi-dribble ng bola si Coltrane malapit sa amin, nagkatinginan kami at agad na nag iwasan ng tingin. Hmp!
"Hanggang what time klase mo?" I asked. "7:30 pa" napa ahh nalang ako. Gusto ko lang tanungin kahit alam ko, baka kasi maalala nya na monthsary namin, hindi nya pa ako binabati.
"Sige, ingat ka mamayang gabi. Pasok na ako" he ruffled my hair again and bid goodbye.
Hindi nya talaga naalala.
I sighed deeply, last monthsary hindi na naman nya naalala. Siguro naman kapag anniversary maaalala nya? Hays.
Intindihin ko nalang siguro, kasi knowing the stress from school subjects, the council and basketball practice? Malamang makakalimutan nya.
Lunch time na, wala si Amerie kaya papunta akong garden. Papaliko na ako when I saw Coltrane holding my lunchbox, yung lalagyan na binigay ko kay Eros kanina.
"Hoy!" Lumingon sya, pero nagpatuloy sa paglalakad.
"Lunch box ko yan, hoy!" Hinarap nya ako at tinaas ang lunch box ko.
"Sa'yo 'to?" Nakataas kilay nyang tanong. Tumango ako at akmang hahabulutin ko ang baunan pero nilagay nya iyon sa likod nya.
"Akin na!"
"No, akin 'to eh. Parehas lang tayo" aniya.
"Tanga, mommy mo ba si Cristina? Mommy ko yun diba? May pangalan nakita ko!" Sinuri nya ang lunchbox, he chuckled when he saw my mom's name. He ruffled my hair, napatigil ako at napakurap.
Parang nabuhay lahat ng butterflies ko sa tyan, magsitigil kayo, mga peste!
"Ganun ba? Sorry, but this is mine now" tinalikuran nya ako at nagsimulang maglakad.
"Pero binigay ko yan kay Eros!" Napahinto sya sa paglalakad at ngumisi.
"Yeah, to your ungrateful boyfriend" may diin ang pagkakasabi nya ng salitang ungrateful.
"Muntik na 'tong nasa basurahan kanina, napigilan ko lang"
"Sinungaling! Bakit naman gagawin ni Eros yun?" He shrugged his shoulders.
"Don't ask me, I'm not Eros. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nya"
"Then stop lying, bakit na sa'yo ang lunch box ko?"
"Stop asking because you'll never believe me, Azrielle. Hindi kasi ako si Eros, you'll never choose me over that schmuck. Even if I feed you with truths, you'll always choose his lies" he said sardonically, my heart constricted and I was rendered speechless.
"Thank you dito, for once nalibre mo din ako ng lunch" hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. What lies is he talking about?
Nakatanga lang ako sa canteen for thirty minutes, iniisip kung ano yung sinasabi ni Coltrane. Napapitlag ako nang mag beep ang phone ko.
From: Coltrane Montreal
Your adobo tastes a litte bit salty, but A plus for effort;)
Nag tipa ako ng mensahe sa kanya.
To: Coltrane Montreal
Ibalik mo yung baunan, magagalit si mommy. Saka para masapak na rin kita!
Nagulat ako ng tumatawang tumabi sya sa akin. Naghurumentado ang sistema ko nang maamoy ang pamilyar nyang pabango.
"Miss me?" I gulped and stared at him, slowly processing the fact that he's here beside me. He smiled and pinched my nose.
"Aray! Azrielle, saglit!" Natatawa sya habang sinasalag ang bawat hampas ko.
Nahawakan nya ang magkabilang kamay ko at tumitig sa akin.
"Stop now, will you? Ang dami nang nakatingin sa'yo, yan yung mga humahabol sa akin. Grab your bag, pasimple tayong eexit bago pa nila tayo habulin"
"Heh bwi—" syempre nahila na naman nya ako sa marathon! Bwisit talaga! Hindi pa ako tapos kumain, saka hindi nya ba alam na nakaka-appendicitis ang pagtatakbo pagkatapos kumain?
Umubo ubo pa ako pagpasok sa loob ng sasakyan nya, palabas na kami ng school at hapong hapo ako kakatakbo. Hindi ko pa naubos yung cheesecake ko, ang mahal at ang sarap pa naman nun!
"May bottle water dyan sa gilid" aniya habang nagmamaneho, may kinuha sya sa bulsa nya at inabot iyon sa akin. Panyo nya.
"Buti nalang hindi nakuha" he chuckled.
Napalingon ako sa likod ng sasakyan nya at nakita ang bouquet of flowers at teddy bear, sumilip sya sa rearview mirror bago tumingin sa akin.
"That's yours" he tersed.
"Ha? Akin?" Tumango sya. "Peace offering?" I asked. He nodded his head, napansin ko ang pagkagat nya sa labi nya, nag-init ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin.
"Yung bear lang sana, but then that jerk forgot about your monthsary kaya ako na naman ang babati para sa kanya." He smiled sarcastically.
Natahimik ako at yumuko, I played with my fingers and pursed my lips. Tama naman sya eh, nakalimutan nya na naman.
Glad Coltrane remembered.
Inabot nya ang ulo ko at ginulo ang magulo kong buhok.
"Don't be sad and stop thinking about him. May carnival ngayon, gusto mo pumunta?" Mabilis akong tumango at ngumiti.
"Ayoko dyan, gusto ko pang mabuhay" hinihila ko sya sa ferris wheel pero ayaw nya, ayaw na ayaw nyang sumakay sa ferris wheel bata palang kami.
Natatawa ako habang hila hila sya papasok, wala na syang nagawa at napasakay nalang rin.
"Who are you calling?" I asked.
"Mom, para pag namatay ako alam nilang ikaw ang kasama ko" napahagalpak ako kakatawa. Ang oa talaga ng isang ‘to! Sasakay lang ng ferris wheel eh!
Napamura at napalipat sya sa tabi ko nang umandar ang ferris wheel. I held his hand and leaned on his shoulder.
"Relax, Coltrane" napa tss lang sya at umirap. Ang cute nya talagang umirap!
Tumingin ako sa view at napabuntong hinga. Ang ganda! Nasa pinakatuktok kami dahil naghihintay pa ng sasakay. Hindi na umiimik si Coltrane at malamig ang kanyang mga palad.
"Uy, buhay ka pa?" I jokingly asked. Umakbay sya sa akin at tumango.
"Bakit tayo huminto?" He asked. "Naghihintay pa ng pasahero, iilan palang ang may sakay." Tumango naman sya.
"Do you feel nauseous? Wag kang titingin sa baba" sabi ko sa kanya habang sinisilip ang baba, wala pang pasahero pero may nagbabayad na sa ticket booth.
"I'm good. But having you this close kills me"
"Ano yun? You know I hate murmuring" pagsusungit ko sa kanya, pag harap ko ay tumama ang ilong ko sa ilong nya. He smirked at nag iwas ng mukha.
"Azrielle, fuck this shit" he cursed, umaray sya nang paluin ko sya.
"Don't curse, saka ano ka ba mabubuhay tayo. Gumalaw lang ng kaunti yung reaksyon mo naman parang gumunaw ang mundo! " natatawa kong sabi. "Chill ka lang okay? Ten times lang naman ata iikot"
"Ten fucking times? Azrielle, papatayin mo yata ako" shock is written all over his face. Nakakatawa ang reaksyon niya, ang cute at ang funny talaga!
"No, just relax and enjoy" yumakap sya sa akin bigla nang umandar ang ruweda.
"Hug me, I'm scared"natawa nalang ako sa kanya at yumakap rin. I miss him and my heart, my heart is happy!
"Buhay pa tayo?" Natatawa ako habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan nya, sabog sya, lalo na nang bumilis ang ikot ng ferris wheel kanina. Nakaakbay sya saakin habang nakahawak ang isang kamay nya sa kanyang sentido, hilong hilo yata.
"Hindi, patay na tayo. Kaluluwa na lang natin 'to" I jest, sinamaan nya lang ako ng tingin.
"Ano kayang masasabi ng mga fangirls mo na yung crush nila takot sa ferris wheel?"
"Syempre crush pa rin nila ako, di naman nabawasan kagwapuhan ko" he assisted me and fixed my seatbelt.
Yabang! Kanina akala ko mahihimatay na sya sa sobrang putla, pero yun na nga, gwapo pa rin!
"Saan mo gusto pumunta?" Inayos nya ang seatbelt nya at pinaandar ang sasakyan, syempre saan pa ba? Sa the cliff! Halos dalawang buwan rin akong di nakapunta don no!
"Miss ko kayo!" Sabi ko habang nakatanaw sa view at sa papalubog na araw, humangin ng bahagya na para bang sinasabing miss rin nila ako.
Nilingon ko si Coltrane na nakahalukipkip at nakasandal sa sasakyan nya, he smiled at me making my heart flutter. Napangiti rin ako at inaya sya sa tabi ko.
"Tingin mo ilang monthsary nyo pa kaya na ako yung kasama mong magse-celebrate?" Ngumuso ako at sumandal sa kanya. Atleast I get to celebrate it with him, my best friend slash enemy.
"He's just busy with council" pag depensa ko sa kanya. He’s still my boyfriend.
"Yeah, para bang twenty four seven syang busy. Save the excuses, Azrielle. If someone is important, you'll make time for them" natahimik ako sa sinabi nya, tama naman.
No one is too busy, you always have time for the things you put first.
I'm busy with school too, but I always make time to text, call, and I even cooked for him, na hindi nya man lang na-appreciate.
"Yung niluto ko pala para kay Eros, bakit nasa'yo?" Tumitig sya sa akin at pinilig ang ulo.
"Why not ask him now about what he thinks about your adobo?" My forehead creased and I paused for awhile before grabbing my phone.
To: Eros my Love
Hi, kumusta yung luto ko?:)
Nakikibasa naman si Coltrane sa text ko. We waited for his reply, matagal kasi magreply si Eros, minsan mabilis.
"I bet he doesn't even know its adobo" he said smirking. Ibig sabihin hindi man lang sinilip ni Eros ang laman ng lunchbox?
"Baka naman kasi kinuha mo talaga?" I scowled at him.
"Why would I do that? I can cook for my self Azrielle, bakit pa ako mangunguha?" I sighed in frustration.
"Ayaw ko lang na tinatapon ang mga bagay na pinaghihirapan"
"What do you mean? Tinapon ni Eros?" He shrugged his shoulders. My heart sank and I felt betrayed and sad. Yung adobo ko, I know it wasn’t perfectly cooked but I cooked it with all my heart.
Nag vibrate ang phone ko at nag flash sa screen ang pangalan ni Eros.
From: Eros my Love
Sarap, best pork adobo ever.
Liar.
Hindi nya nga tinignan man lang yung niluto ko. Paano nya nagagawang magsinungaling?
"Hey don't cry"
"Heh, di ako iiyak no!" Kumurap kurap ako para pigilin ang luha ko. "Tell me, what happened?"
"Would you believe me? O baka naman after you comfront Eros about this, mas paniwalaan mo sya?" He was skeptical. But I will believe him, knowing Eros lied to me about my adobo. Its adobong manok!
"Of course I'd believe you, he lied about my adobo!"
"Talaga? You'd choose me over Eros? Wow, that's the first" he beamed.
"Anong first? Noong monthsary namin ikaw ang kasama ko"
"Because he's with Angeline" balik nya sa akin. I scowled at him, he grinned.
"Bwisit! Now tell me what happened" iritado kong sabi.
"Muntik na nya itapon, I stopped him. Kinuha ko yung lunch box at ako ang kumain. End of story" nahimigan ko ang irita sa boses nya, naiirita sya kay Eros for sure.
"Bakit nya sinubukang itapon?" I asked, hindi ako ready sa sagot pero bahala na. I'm disappointed right now, pero okay yung isang bagsakan nalang.
"I'll teach you how to cook, okay?" Aniya, na-gets ko na. Dahil hindi masarap ang luto ko, ibig sabihin hindi nya rin nagustuhan noong mga naunang beses na nilutuan ko sya.
Sana sinabi nya nalang, hindi yung itatapon nya nalang yung niluto ko. Nagising ako ng maaga at nag effort para dun, hindi pa ba sapat yun para pahalagahan yung niluto ko?
I cursed silently when I felt hot liquid falling to my cheek.
"Don't cry, baby. I'm here" he cupped my face and wiped my cheeks. "That asshat doesn't deserve your tears"
"Ehh, don't curse him" saway ko sa kanya, he rolled his eyes and kissed my forehead.
"Sinaktan ka nya, mumurahin ko sya hanggang nabubuhay sya. I promised my self that I'll protect you, physically, mentally and emotionally." Sumandal ako sa kanya, naramdaman ko ang init ng yakap nya.
"Quiero que seas mío para siempre" he whispered.
"I like your spanish accent." Nakangiti kong sabi. "But can you please translate it for me?" Naramdaman ko ang pag-iling nya.
"I'll teach you basic spanish soon" I felt him kiss my head, napapikit ako at dinama iyon. Mas humigpit ang yakap nya sa bewang ko at humalik muli.
"Happy third monthsary, baby. I love you"