Chapter 34
Tahimik lamang ako habang pauwi. Narealize ko na mali ang nangyari, yes pakiramdam ko tama iyon pero mali pa rin. I'm with Eros now, and kissing Coltrane is considered cheating.
"Distracted by thoughts?" Tumango ako. "Tell me" I exhaled and gulped.
"Yung nangyari kanina, hindi na yun pwede maulit. Boyfriend ko si Eros, and I don't want to cheat on him" his smile faded and his jaw clenched. Tumango sya at nag focus sa pagmamaneho. His silence is torturing me, but I don't know what to say.
"Ingat" paalam ko sa kanya, he nodded his head and looked away. Bumaba na ako ng sasakyan nya, pagkababa ko palang ay pinaharurot na nya ang sasakyan nya.
I felt like something is pinching my fragile heart, nagaalburuto rin ang mga alaga ko sa tyan.
I flinched when someone held my waist, si Eros. He smiled at me and greeted me. Napatingin ako sa collar nyang may lipstick stain.
"What's this?" Turo ko.
"Sinamahan ko kasi sa mall si Angeline saglit, she watched lipstick and aksidenteng naipunas nya sa damit ko" he showed me his hanky with lipsticks.
Kasama nya si Angeline ngayong monthsary namin, sabagay kasama ko rin si Coltrane kanina.
"How was the kids?" Tanong nya, umupo kami sa swing at doon nagpahangin.
"Masaya, masaya sila. Nakakapagod makipaghabulan sa kanila but I enjoyed it" kwento ko. Natahimik ako nang maalala ko yung nangyari kanina sa cliff, kumabog ang puso ko nang maalala iyon.
I felt so guilty, hindi na talaga dapat maulit pa iyon.
"Ikaw? How was the meeting? And yung pagma-mall nyo ni Angeline?" He smiled.
"It was fun" hindi ko natanong kung ano yung "fun", yung meeting o yung malling nilang dalawa.
I suddenly felt jealous, pero parang kanina lang may kahalikan akong iba, nangibabaw ang guilt na naramdaman ko. I'm sorry, Eros.
I'm really really sorry, Coltrane.
Ilang linggo na akong malungkot, iniiwasan kasi ako ni Coltrane. Ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan pero laging yung operator ang sumasagot sa akin.
"The subscriber's cannot be reach, please try again later" sabi ng operator.
"Hindi ikaw ang gusto kong marinig! Letche!" I tossed my phone at pabagsak na humiga sa kama. Oh God, I miss him!
Ano bang pwede kong gawin para magbati na kami? Ahhh this is so frustrating!
Busy rin si Eros with basketball and the council. Lagi silng magkasama ni Angeline and it irritates me.
Mas may time pa nga sya kaysa kay Angeline. Kapag kasama ako ang bukambibig si Angeline. Kapag ka-text, Angeline pa rin! Nakakairita!
I tried calling him to say goodnight pero number busy, si Angeline na naman siguro! Wow kahit ganitong oras council pa rin pinaguusapan nila? Ugh!
I rolled on my bed and reached the switch of my lamp. I uttered a short prayer and dozed off to sleep.
"Lately di kayo nagpapansinan ah" nginuso ni Amerie si Coltrane na palabas ng canteen habang umiinom sa milktea nya. Napabuntong hinga nalang ako at napayuko.
Isang buwan na nga nya akong hindi pinapansin! Kahit pag nasa bahay sya iniiwasan nya ako, kaya minsan nagkukulong nalang ako sa kwarto.
Bahala sya! Bahala sya sa buhay nya!
Hindi ko na pinansin si Amerie, mabuti nalang at tumahimik sya. Sinubukan kong umidlip para hindi ko sya maisip. Kupal talaga!
"Kain lang kayo" sabi ko sa mga ibon. Pauwi na sana ako kaso napadaan ako sa garden, nakita ko yung mga ibon. Naalala ko na may biscuit pa ako sa bag.
"Siguro namimiss nyo na lumipad no?" I asked, kahit pa alam kong hindi sila sasagot. "Ako rin eh, may nami— eh, kupal sya!"
"Kung pakawalan ko kaya kayo?" Nakanguso kong sabi
Umismid ako, umupo sa bench at pinanuod silang tinutuka ang binigay kong tinapay.
"Oops" rinig kong sabi ni Coltrane, papasok sya ng garden pero napaatras nang makita ako.
"Hoy, kupal!" Tawag ko, I grabbed my bag at hinabol sya.
"Hoy, di mo ba ako papansinin? Kainis 'to oh, ano bang kasalanan ko?"
"Just stay away" sabi nya ng nakatalikod. Napatigil ako sa paghabol sa kanya at napabuntong hinga. Okay. Stay away? Bakit? Ano bang kasalanan ko?
Ayoko lang naman lokohin si Eros, at ayokong gamitin siya! Mali bang itama ang pagkakamali?
"Okay" I looked up and bit my lip to stop my tears from falling. Kupal talaga, bakit ba ako naiiyak?
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, humarap akong muli dahil naalala ko doon pala ang daan papuntang parking lot.
Nakahalukipkip sya at nakasandal sa puno. Stay away diba? O di stay away. Nilagpasan ko sya nang biglang hilain nya ako sa braso. Jerk!
I scowled at him, his face was impassive.
"Bitawan mo ako" hinila ko ang braso ko, he pulled my hand and cupped my face.
"You told me to stay away, kaya pwede ba!?" Bulyaw ko. His jaw clenched, he wiped my tears, umiiyak na pala ako dahil sa gagong 'to!
"You have to stay away from me, Azrielle" my heart ached after hearing him say those words.
"Because everytime you're near I no longer have my fucking sanity" napalunok ako sa nakikitang galit mula sa mga mata nya, sa akin sya galit? Bakit?
"Kapag ganito ka kalapit sa akin gusto kita hawakan, gusto kitang yakapin. Gusto kitang halikan! Pero hindi pwede diba? Because you have Eros. So lets just avoid each other"
"W-what?" My lips quivered, nanlabo ang mata ko dahil sa mga pesteng luha.
"Stay away from me, Azrielle. Just please stay away" he left me after saying those words. I gulped and blinked to stop my self from crying.
Pesteng kupal! Bwisit talaga.
"Azrielle, anak. Kumain ka na ba?" Tanong ni mommy pgkadating ko. Itinakip ko sa mukha ko ang mga buhok ko dahil alam kong bangag ako kakaiyak dahil sa pwesteng ipis na yun.
"Yes mom, akyat na po ako" muntik pa akong madapa dahil sa nagmamadali akong pumanhik at nakatakip pa ang buhok sa mukha ko.
Dumapa ako sa kama at doon bumuntong hininga. It hurts me so much, I don't even know why.
Uncertainty is the most stressful feeling! I don't know what I'm feeling right now, isa lang ang sigurado ko, nasasaktan ako.
Nag babad nalang ako sa shower to de-stress my self. Gusto nya akong lumayo? Fine! Akala nya naman! Masyado syang feeling pogi!
Well he's really pogi— pero kupal! Napakakupal!
Nahimasmasan naman ako at nabawasan ang inis pagkatapos ko mag shower, I blowdried my hair saka ako humiga.
"Lord, inner peace lang po talaga" dasal ko. "Saka pakipitik po si Coltrane, isa lang po!" I smiled wickedly and closed my eyes to sleep.