Chapter 36
Happy third monthsary, baby. I love you
Hindi mawala sa isip ko iyon, parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang mga salitang iyon.
The huskiness and sweetness in his voice, the way he calls me baby. I almost lost my sanity when he whispered I love you!
The way Coltrane told me "I love you" was way magical than the way Eros did. It was sweet and genuine, it made me feel loved
Yung pakiramdam na parang naki marathon at parang gustong sumabog ng sistema ko!
Dalawang araw na ang nakaraan pero nasa utak ko pa rin sya, parang musika. Impokrita na ako kapag dineny ko pang kinikilig ako hanggang ngayon. Ang swerte ng magiging girlfriend nya, kasi kahit pa kunwari lang iyong pagbati nya sa akin, naramdaman ko agad ang pagmamahal.
Naputol ang pagi-isip ko nang tumunog ang phone ko, tumatawag si Eros.
"Yes?" Hindi ko pa siya kinakausap tungkol doon sa nangyari noong monthsary namin, hindi pa rin ako okay doon, sinayang nya ang effort ko. Buti pa si Coltrane naappreciate nya yung effort ko, at nagsabi sya ng totoo tungkol sa luto ko.
"Cold ah" sabi nya, minasahe ko ang sentido ko at hinintay syang magsalita. "Are you okay?"
"Yeah, I'm just reviewing. Saan ka?" Binaba ko ang ballpen ko at hinintay ang sagot nya.
"Lalabas kami nila Angeline, is it okay with you?" I rolled my eyes, sinara ko ang notebook ko. Of course its NOT okay with me.
Buti pa si Angeline nayayaya mo lumabas ng sundays. Kapag niyaya kita ng weekends laging busy ah?
"Sinong kasama?" He paused for seconds. "Si Angeline, Keith, Yuan at Jacko"
Hindi mo ba ako aayaing sumama?
"Saan kayo pupunta?"
"Whoa, daming tanong, Azrielle. Sa mall lang na malapit" napabuntong hinga nalang ako. Nagtatanong ako kasi girlfriend mo ako at nagpapaalam ka sa akin, I have to know the details!
Fuck! Nagproprotesta ang mga alaga ko, parang gusto nilang manapak at si Eros ang gusto nilang sapakin.
"Masama magtanong? I'm just asking Eros, I don't see anything wrong with asking where you're going and who's with you. Hindi mo man lang ako tanungin kung gusto ko sumama, pero di naman ako nagalit."
Natahimik sya sa kabilang linya, I heared him sigh.
"You have time to be with your friends, pero hindi ko naalala na noong nilutuan kita monthsary natin" he cursed on the other line.
"I'm sorry, busy lang talaga, Azrielle" naalala ko ang sinabi ni Coltrane sa akin about him being so busy.
"Yeah, twenty four hours kang busy eh. And for the record Eros, we never celebrated our monthsary, you're always with Angeline. Twice mo na ring nakalimutang monthsary natin." Marahas kong pinahid ang luha ko at ang mga nagbabadyang pumatak. I'm so disappointed. Gusto ko na ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya
"I admired you for being a part of the council, I admire that you're responsible. Pero paano naman yung responsibilidad mo sa akin?"
"Azrielle" rinig ko ang inis sa boses nya, hindi man lang lambing.
"Fine. Have fun" pinatay ko ang tawag at pabagsak na humiga sa kama. Hinayaan kong tumunog ang phone ko, nang tatlong beses ng tumawag saka ko sinagot.
"Anong problema mo?" My voice cracked.
"Hey, what's wrong? Why are you crying? I'll be there in ten minutes" sinilip ko ang screen at pangalan ni Coltrane ang nakita ko. Three missed calls all from him.
Alam nya agad na umiiyak ako at pupuntahan nya agad ako kahit pa hindi ko sinabi at kahit hindi ko siya pinilit pumunta rito. Nahimigan niya lang ang lungkot sa boses ko and he’s ready to go here to check on me.
Natigil ako sa pag iyak nang bumukas ang pinto at sumilip siya, wala pang ten minutes.
"Hey" he sat beside me and cupped my face, pinunasan nya agad ang luha ko at pilit akong pinatahan.
"We had a fight. Nagtanong lang naman ako kung sinong kasama nya at saan sya pupunta" sumbong ko sa kanya.
"Do you want me to break his neck?" Natatawa akong suminghot at hinampas siya. "No, he's still your friend"
"You mean, he's still your boyfriend" he tersed and rolled his eyes, I hugged him even tighter and tried to calm my self.
I feel safe.
"He's with Angeline" he rolled his eyes.
"He's always with her, do you think its normal? Tingin mo ba dapat mag selos na ako?" He looked at me sideways.
"You have all the rights to be jealous, Azrielle." He answered. Napabuntong hinga nalang ako at pinalobo ang pisngi ko.
"What would make you feel better? Tell me" ngumuso ako at nag isip, ano nga ba? I want to watch movies.
"How about movie marathon?" Nilingon nya ang remote ng tv sa may bedside table at saka kinonnect sa laptop.
First movie, Trolls.
"Ako na" aniya nang may kumatok, pumasok si Mommy na may dalang tray na may pagkain.
"Nanunuod lang po kami tita" mommy smiled at him, kinuha ni Coltrane ang tray at pinatong iyon sa may study table ko.
"Medyo malungkot po eh" rinig kong sabi ni Coltrane kay mommy nang lumabas sila ng kwarto. Sinong malungkot? May problema si Coltrane? O ako yung tinutukoy nya?
Kumuha ako ng fries at kumain.
Nakikita ko ang sarili ko kay Poppy, na may crush kay Creek. Kasi kahit pa may kasalanan si Creek pinipili nya pa rin si Creek. I also like Branch. Sino kayang Branch sa buhay ko?
The movie ended, hindi pa bumabalik si Coltrane. Kinuha ko ang pitsel at lumabas para kumuha ng tubig at pagkain, para na rin hanapin si Coltrane.
I saw him talking to mom and dad, my forehead creased because they seem to be talking about something serious.
"Ano meron?" I asked, nagtinginan silang lahat sa akin habang pababa ako sa hagdan. Coltrane smiled and shook his head.
"Business" maikli nyang sagot. "Are you done watching?" He asked, tumango ako at lumapit sa may water dispenser.
"Alis kami ng dad mo, Azrielle. Babalik kami mamayang gabi, kung hindi man baka bukas na kami makauwi. Kila Coltrane ka na lang muna kapag nagkataon" sabi ni mommy, that explains the backpacks.
"Ang anak ko, Trane" tinapik sya ni dad sa balikat, tumango naman sya.
"Aalagaan ko po ang anak nyo" my heart went wild when he winked at me, napasalin nalang ako ng tubig sa baso at uminom.
"Napansin ko Trane tawag ng iba sa'yo, should I start calling you like that?" Tanong ko habang naglalagay ng cheese powder sa fries.
"No, I like it when you say my name." Nang lingunin ko sya'y nakahalukipkip sya sa may ref at nakatingin sa akin.
"Your name is unique, paano kaya naisip nila Tita yun no?" He shrugged his shoulders, kinuha nya ang pitchel ng tubig at umakyat na kami.