Chapter 33

"Kailan ka pupunta sa mga bata?" Tanong ko kay Coltrane, nilibre nya kasi ako ng lunch dahil wala syang kasamang kakain. Okay din naman na wala syang kasamang kumain no? Nalilibre ako.

"Saturday, sama ka?" Naexcite ako agad, tumango ako at agad kaming nag plano. From foods and reading books na bibilhin namin para sa mga bata. Plano ko ring bumili ng mini white board para magsusulat kami.

Inantok ako sa kabusugan, naghanap kami ng vacant na room at doon tumambay.

"Lapit ka, sleep ako saglit" inusog nya naman ang upuan nya. Sumandal ako sa braso nya at pumikit.

Umakbay sya sa akin, I landed on his chest. Napatingala ako sa kanya at napatingin na naman sa labi nya.

I suddenly got the urge to kiss those inviting lips, why do I feel this sudden need whenever I look at those lips? Bakit sa kanya lang ako may ganitong epekto?

Eros and I haven't kissed yet, sa cheeks lang. Siguro kaya ganun, Coltrane and I kissed, it was passionate and maybe that's the reason why I can't forget about it.

"Stop staring, sleep na" napapikit ako nang halikan nya ang noo ko at hinila pababa sa dibdib nya ang ulo ko.

Why does it feels so magical when he kisses my forehead?

Kinapa ko ang sarili ko para sagutin ang sariling tanong, pero wala. Hanggang sa ang antukin na ako mula sa malalim kong pag-iisip.

Inis na inis ako sa maingay na ringtone ko, hindi yung ringtone na pinili ni Coltrane, sinagot ko agad ang tawag, si Amerie.

"Happy Monthsary!" Napakamot pa ao sa magulo kong buhok at humikab.

"Ha? Anong monthsary?" Inaantok kong sabi. Sabado ngayon, lakad namin ni Coltrane.

"Gaga! Monthsary nyo ni Eros!" Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi nya. Oh my gosh! I forgot! Ngayon ba yun? Bakit hindi ko alam yung date?

"Ahh, oo pala. Eh kakagising ko lang eh." Pagdadahilan ko, pero nakalimutan ko talaga. Sabagay paano ko maaalala kung hindi ko matandaaan!

"So ayun na nga, happy monthsary! May plano kayo today?" Usisa nya.

"Wala pa nga eh" may lakad kami ni Coltrane!

Naalala kaya ni Eros? Gusto nya kaya mag celebrate ng monthsary? Or anniversary nalang?

I saw a text from him after the call with Amerie.

From: Eros my love

Good morning, Happy 1st;)

Walang I love you? Pero kahit na! Binati nya ako, napangiti nalang ako at tumipa rin ng reply sa kanya.

To: Eros my love

Good morning! Happy First monthsaryNaligo na ako at nagayos pagkatapos. Tinetext ko si Coltrane habang palabas ng kwarto, napaaray ako nang tumama ang ulo ko sa isang—tao, si Coltrane.

"Good morning" he gave me a beaming smile. He ruffled my hair and pulled me. He sniffed my head and smiled.

"Bagong ligo ah" siniko ko sya at bumaba na, naghuhurumentado na naman ang sistema ko.

"Nag breakfast ka na?" Tanong ko habang chine-check ang ref.

"Nakita palang kita busog na ako" he burst out laughing, I grimaced at him and rolled my eyes.

"Trip mo ba ako? Kupal ka!"

"Matagal na kitang trip, ngayon mo lang napansin?" Napatingin ako sa kanya, he glanced at me while drinking my water. His stare made me feel.... conscious.

"Bakit ganyan ka makatingin? Panget ako? Puyat ako eh"

"No, you look adorable that's why I'm staring at you" he winked.

"Doon ka nga, bwisit ka!" Bulyaw ko sa kanya, trying to conceal my redness! Why does he affects me that much?

Umupo sya sa pinakadulo ng dining table at nag cellphone, mabuti naman, para matahimik ako.

Tumunog ang phone ko at nag flash ang text nya.

From: Coltrane Montreal

Te ves deslumbrante

"Ano 'to? Bakit 'to?" Tanong ko bago uminom sa tubig ko, narealize ko na pinagbasuhan nya ang baso ko. Shit, indirect kiss.

Nagkibit balikat lang sya at sinuot ang headset nya at ang sunglasses nya.

I copied his text and translated it with google, namula ako sa nang makita ang translation.

You look ravishing

I felt giddy and I blushed. Kunwaring uminom ako para itago ang pamumula ko. Kinikilig ako!

I flinched when my phone rang, si Eros. Sinagot ko agad at tumikhim.

"Hey, good morning. I have meeting with the council today, sorry if we can't have our date to celebrate our first monthsary together." Hingi nya ng dispensa. Wala rin pala kaming term of endearment, siguro dahil its not his thing.

"Ano ka ba? Its okay. Uhm, sasama pala ako kay Coltrane, remember the kids? Pupuntahan namin sila"

"Okay, just be careful. Happy first monthsary, Azrielle." Napatingin ako kay Coltrane, nahihiya kasi ako. Siguro naman hindi nya naririnig no?

"H-happy first monthsary din, ingat ka"

"Alright. Bye" paalam nya bago nya patayin ang tawag.

Tumayo si Coltrane at lumapit sa ref, he grabbed my water glass saka doon nagsalin ng tubig.

"Hoy baso ko yan!"

"Para tipid ng uurungan" hindi ako nakapalag dahil nakainom na sya.

"Monthsary nyo pala" napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi nya, narinig nya pala.

"But sadly he's not here to celebrate your first month together" he smirked. "Wala ring I love you's. Sweet nyo" nanunuya nyang sabi. Tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan ko, naiirita na rin kasi ako.

"Its fine with me, saka first month palang naman namin and nahihiya pa rin ako sa kanya."

Nakahalukipkip sya at parang may malalim na iniisip nang matapos akong mag ligpit.

"Tara na, excited na ako!" Yaya ko sa kanya, nagpaalam pa kami kay mommy bago tuluyang umalis.

"Hintayin mo na ako dito" paalam nya, nag park sya sa harap ng isang flower shop. Ano namang gagawin nya dito?

Nilakasan ko ang music nya at pumikit, inaantok na ako nang bumukas ang pinto at sumakay sya. May hawak syang bouquet of tulips na agad nyang inabot sa akin.

"Para kanino 'to? Ang ganda" I sniffed the flowers and smiled. Ang bango, fresh na fresh pa.

"Its yours, happy first monthsary" hindi pa ako nakakabawi sa pagbati nya sa akin, ay dumampi ang labi nya sa pisngi ko.

"Kunwari ako nalang muna si Eros" he gave me a sphinx like smile. Anong klaseng ngiti yan?

"Thank you dito" I said while he's driving. I can't stop my self from smelling these lovely flowers. Hindi ko na ide-deny pa ang kilig na nararamdaman ko, it was surreal, eto pala yung feeling ng may ka-monthsary, kahit pa hindi siya si Eros.

"No problem, monthsary nyo eh, kaso may inunang iba yung boyfriend mo" nanunuya nyang sabi.

"May council meeting raw eh"

"Maghapon ba ang meeting na iyon? No. Usually its just an hour and half. And its easy to send flowers and foods too, may delivery naman" Napalunok nalang ako sa sinabi nya.

"Eh baka nga kasi dahil hindi malambing si Eros, he's not the clingy type of—

"Bullshit. Kahit pa you're not the clingy type of a boyfriend, ano lang naman yung surpresahin mo yung girlfriend mo sa espesyal na araw nyo?"

"Teka e bakit ka nagagalit?" Kunot noo kong tanong.

"Wala. Ang sinasabi ko lang, he should atleast exert an effort. Wala man lang I love you? Ano yun? Unang buwan nyo palang walang ng kasweetan? Tss" nalungkot ako sa sinabi nya, because it was all true.

"Okay lang naman yun sa akin—

"But you deserve better." He paused and sighed. "Bahala ka, afterall its Eros. Yung lagi mong pinipili." Nahimigan ko ang tabang sa sinabi nya. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela at medyo mabilis ang patakbo nya. Mga ilang minuto lang ay tila kumalma na sya.

Nag bago ang mood nya nang magsilapit ang mga bata. Isa isa syang nakipag high five sa mga ito, at binuhat syempre ang pinakamakulit na si Buknoy.

"Buknoy, halika dito." Tawag ko, pawis na pawis na kasi ang malikot na bata. Lumapit naman sya at pinunasan ko gamit ang panyo ko.

"Ate, basahan mo kami ulit ng kwento sa susunod" sabi ng bata, katatapos ko lang silang basahan ng tungkol sa Prodigal son.

"Sige ba, tapos bibigyan ko kayo ng pwede nyong basahin na abakada. Para matuto kayo"

Nagpasalamat sa akin ang bata pagkatapos ko syang punasan, pinauwi ko na rin muna para makapagbihis dahil pawis pawis ang kanyang damit.

"I'm all sweaty too" nakangising sabi ni Coltrane, umupo sya sa tabi ko at sinuklay ng daliri ang kanyang basang buhok.

Ibinaliktad ko ang panyo ko para sa malinis nitong parte para punasan rin sya. I held his face, saka ko sya pinunasan.

"Mahal na mahal ka ng mga bata" sabi ko sa kanya ng nakangiti, he smiled too.

"Mahal ko din naman sila, mahal din naman kita" napatigil ako sa sinabi nya. I gulped and acted like nothing happened.

Pwede namang mahal nya ako bilang kaibigan diba? Pero bakit ganito ang kabog ng puso ko?!

"Pula ng ilong mo" he pinched my nose and ruffled my hair. He caressed my cheek and looked at my eyes.

"I really love your eyes." He whispered breathilly. He pinched my nose again. "I also like your nose"

I got nervous and gulped when his stares landed on my lips, napatingin rin ako sa labi nya.

Magaling na ang sugat nito, and its so red. So sexy. I've never been so interested with someone's lip the way I am with his. Its like I'm in a trance whenever I gaze at those rubicund lips.

"Your lips are.... captivating" napapikit ako ng unti unti syang lumapit.

"Ayieeeeeee" para akong nagising sa panaginip, napaiwas ako ng tingin at pinalobo ang pisngi ko.

Shit, muntik na naman!

Nagpaalam na kami ni Coltrane sa mga bata, humalik sila sa pisngi ko at niyakap naman sila isa isa ni Coltrane.

Dadaan daw muna kami sa the usual place, its awkward! Kinalikot ko ang ipod nya at naghanap ng magandang kanta.

"Settle down with me

Cover me up

Cuddle me in

Lie down with me, yeah

And hold me in your arms

And your heart's against my chest

Your lips pressed to my neck

I'm falling for your eyes

But they don't know me yet

And with a feeling I'll forget

I'm in love now

Kiss me like you wanna be loved

You wanna be loved

You wanna be loved

This feels like falling in love

Falling in love

Falling in love"

His voice sent shivers down to my spine, para akong hinele. Damn, bakit ngayon ko lang nadiscover ang boses nya? Naalala ko na kinantahan nya rin ako ng nakaraan, he's so good at everything.

"I like your voice" I said

"I like you, everything about you" he said smiling. Wait what?

"Ha?"

"I mean, I love you... for being dense" my heart raced when I heard him say I love you pero nainis ako sa katuloy.

Umirap ako at bumaba sa sasakyan nya at umupo sa damuhan. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng sasakyan nya, he sat beside me and grabbed my hand.

Naghurumentado na naman ang sistema ko habang minamasahe nya ang kamay ko.

"Liit ng kamay mo" aniya saka sinukat ang kamay namin. He intertwined our fingers together, making me blush.

"Smooth" I heard him whisper. I saw a smile formed in his rubicund lips.

"Ganito nalang, act as if I'm Eros, its our first monthsary. Para masaya naman yung monthsary nyo" he said with a half smile.

His eyes glint, but his eyes showed me something else. Sadness.

"Why are you sad?" I asked. He bit his lip and tucked strands of my hair behind my ear.

"This hurts" he placed my hand on his chest. He faked a smile, caressed my face, leaned towards me and kissed my forehead.

"Now I'm happy" I looked into his eyes and it twinkled. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa ngiting iyon.

"Happy first monthsary, baby girl" he whispered breathily. My heart sommersaulted, my lips quivered. Iba yung epekto sa akin, kung kanina yung kay Eros parang normal lamang ang naramdaman ko.

"I love you, Azrielle" napalunok ako, and I got teary eyed. Nabuhay lahat ng paru-paro sa tyan ko. He made me feel so loved, so special.

He held my face and kissed the side of my lips, napapikit ako at dinama ang halik na iyon. To be honest, it wasn't enough for me. I want his lips, and I've never felt this strong urge to kiss someone.

He looked at me softly, I closed the distance between our faces and kissed him. Fuck, this is wrong but it feels so right!

"Coltrane" I called his name after that passionate kiss. He smiled and kissed my cheeks.

"Thought you're gonna call me Eros" he smiled triumphantly.

"But you're Coltrane" Eros and I never kissed.

"Good." He claimed my lips again and drove me crazy with his soft and sweet kisses again.