Chapter 32

"Tulaley?" Sabi ni Amerie nang madatnan akong nakatulala. Hindi ko alam kung ilang beses akong kumurap.

Simula kagabi nawala na sa maayos na takbo ang utak ko. Bawat pikit the memory of him nibbling my lip will play on my mind.

"Huy!"

"Ay passionate kiss!" Sabi ko dahil sa pagkagulat sa pagkalabit nya sa akin.

"Oh, Amerie. Andyan ka na pala" kinakabahan kong sabi. Tinaasan nya lang ako ng kilay saka sya humalukipkip.

"Tama ba yung narinig ko? Passionate kiss? Nag halikan kayo ni Eros?" Namula ako, hindi si Eros. Yung crush mo, si Coltrane!

"Ahhhm"

"Sino naghalikan?" Nakataas kilay na tanong ni Coltrane.

"Sila ni Eros?" Nanlaki ang mata ko sa kadaldalan ni Amerie. Oh my gosh, gusto ko siyang sabunutan!

His jaw clenched at nag iba ang aura nito. He gaped at me sternly and walked away.

"Halla, biglang umalis? Anong meron?" Gusto ko syang sisihin sa kadaldalan nya, pero bahala siya diyan! Nakakainis!

"Hindi kami nag halikan ni Eros, teka nga" pagsusungit ko, magsasalita pa sana sya nang nagmamadali kong kinuha ang gamit ko at lumabas.

Sinubukan kong hanapin si Coltrane pero hindi ko sya mahagilap, teka, bakit ko nga ba sya kailangan hanapin? To explain? What for? Do I owe him an explanation?

Pero bakit nagi-guilty ako? Bakit ang uneasy ko ngayon? Ano kayang iniisip nya? Baka iniisip niya malandi ako dahil nakipaghalikan ako sa kanya at kay Eros? Oh my gosh, that's so wrong! Maling mali yun!

I fished my phone and I saw a text from him.

From: Coltrane Montreal

We kissed yesterday, yan ba yung dahilan kung bakit sinabi mong mali yung paghahalikan natin? I'm sorry then.

Kasabay ng pagtapos kong basahin ang text nya, narinig ko ang tunog ng sasakyan nya, pag lingon ko sa parking papalabas na sya.

Oh shoot, nagalit yata!

Walang gana akong umupo sa may gutter dito sa may parking lot. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa, ang malas naman ng araw na 'to!

"Bakit ba ako affected? Hindi naman totoo? Saka bakit ko kailangan magpaliwanag sa kanya? Bakit ba may pakealam ko sa iniisip ng kupal na yun?" Tanong ko sa sarili ko, gusto kong sabihin na dapat wala akong pakealam pero gusto ko ring sabunutan ang sarili ko ngayon.

"Bahala na, bahala sya! Magkakabati rin naman kami, that's for sure! Makapasok na nga!"

Isang linggo na akong hindi pinapansin ni Coltrane, isang linggo ko na rin pero nararamdaman ko pa rin ang init ng halik nya sa akin.

Nababaliw na yata ako.

"Bakit ba hindi nya pa rin ako kinakausap?" Nakita ko ai Coltrane na naglalakad hawak hawak ang isang bola. "Baka busy, for sure he's not mad at you anymore. Wala naman syang dapat ikagalit" eto na naman ako at kinakausap ang sarili ko.

"Watch our practice game later okay? I have a surprise for you" sabi ni Eros, I smiled and nodded my head. Naexcite ako, and at the same time kinabahan. Andun din syempre si Coltrane.

Hindi na ako magch-cheer for Eros, dahil naalala ko yung sinabi ni Coltrane sa akin nung araw na nagha— nevermind.

Nasa kalagitnaan ng laro na ako nakapunta, hinintay ko pa si Amerie. Napatingin ako sa mga naglalaro, particularly kay Coltrane na focus na focus habang drinidribble ang bola.

Shoot. Three points.

Napatingin sya sa kinatatayuan ko, his jaw clenched, tumalikod rin sya agad para makihabol sa bola. Ang sungit!

Natapos ang laro, may hawak hawak na syang bouquet of roses. Lumapit sya sa akin, nagtilian pa ang mga tao sa nakita.

"Eros" aniya, nang maiabot sa akin, nilagpasan na nya ako, mali, binangga nya pa ako. Akala ko peace offering nya sa pagsusungit nya sa akin, hindi pala.

Lumapit sa akin si Eros na hawak hawak ang isang bola, his face turned red habang papalapit sa akin. He gave me the ball.

Be my girlfriend

Hindi iyon tanong, more like a command? Or hindi nya lang nalagyan ng question mark? Humawak sya sa kamay ko, my heart started to beat faster, he kissed the back of my hand and smiled.

"Please be my girlfriend, Azrielle. Say yes" my mouth went arid, napatingin ako kay Amerie, tumili sya at excited na tumango.

Everybody's expecting for my answer, parang kinurot ang puso ko dahil ngiting ngiti si Eros

"Y-yes o-of course" I answered, stuttering and feeling uncertain. Hindi ako ready, hindi ko nga alam kung ano itong halo-halong emosyon na nararamdaman ko!

Hindi ko nga rin sigurado kung nakangiti ba ako o nakangiwi.

I felt someone watching me, napalingon ako at nakita syang umiinom sa water bottle nya, looking sternly at me.

Sa kanya lang ako nakatingin, hindi ko na namalayang niyakap na ako ni Eros at nagkakatilian na.

Bakit parang gusto kong umalis sa pagkakayakap ni Eros sa akin at habulin sya? Damn it!

Pinanuod ko siyang lumabas ng gym, ni hindi ko na napansin na nagka-kantyawan na pala. I want to follow him and talk to him, pero nakakulong ako sa yakap ni Eros. Bahala na!

"Hoy" tawag ko sa kanya. Aba! Tatlong linggo na nya akong hindi pinapansin! Andito sya sa bahay ngayon dahil andito ang mommy nya.

"Hoy ka din, may pangalan ako" nakaismid nyang sabi. Aba! Nagde-kwatro sya at nilipat ang pahina ng librong binabasa nya.

"Hindi mo ako pinapansin! Galit ka ba?"

"Galit ba ako? Saka bakit kailangan pansinin pa kita? Kulang ba pansin na binibigay ni Eros sa'yo?" Napalunok ako sa sinabi nya. Sana pala hindi ko na sya kinausap, ang harsh nya sa akin!  Ako na nga itong nakikipagbati kahit hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin!

O baka busy na rin sya sa babaeng nililigawan nya? O pinapalayo sya ng babaeng nililigawan nya sa akin?

"Ang sungit mo naman. Namimiss ka lang naman, dyan ka na nga! Kupal" nag walk out na ako at pumunta sa pool.

Pinaypayan ko ang sarili ko at tumingala, why am I crying? Gaga, tumigil ka nga! I slapped my face and sighed heavily. Sayang ang luha.

Nag dive ako sa pool, at lumangoy langoy hanggang sa napagod na ako. Nabawasan naman ang bigat na nararamdaman ko.

"Looking for this?" Sabay taas nya sa bathrobe ko.

"Akin na nga yan! Bwisit!" Hinablot ko iyon pero itinaas nya. "Ano bang problema mo?"

"Wala" napapikit ako ng ibato nya sa akin ang robe ko.

"Bastos!" Bulyaw ko sa kanya, ngumisi lamang siya.

"Magpalit ka na, may nakabakat e" napatingin ako sa t-shirt ko, nakabakat nga ang bra ko!

"Manyak" he smirked and walked away. Bwisit ka talaga!

Nagshower ako at nagpalit, paglabas ko ng pinto nakasandal sya sa railings ng hagdan. Inirapan ko nga at nilagpasan, but in a swift move nakakulong na ako sa yakap nya.

Yung mga paru-paro sa tyan ko nabuhay yata.

"I missed you too, I miss you so bad" I teared up and hugged him back.

Sa wakas bati na kami!

"Hi, sorry late" yumakap sa akin bigla si Eros, pinutol nya ang usapan namin ni Coltrane.

"Bro" walang ganang nag fistbump si Coltrane kay Eros.

"Kumain ka na?" He whispered, tumango lang ako at ngumiti. Coltrane excused himself, halla nagku-kwentuhan pa kami!

"Date tayo? Let's watch a movie" naexcite naman ako. Nagpaalam akong magbibihis lang, sabi naman nya ipapaalam nya ako kay mommy.

"Sama ka" aya ko kay Coltrane, umiling sya.

"Maybe next time. Ingat" aniya saka sumakay sa kotse nya.

Nanuod nga kami ni Eros, enjoy naman. Magkatext rin kami ni Coltrane, I asked him about the kids. Sabi nya magkakasama sila, he sent me a picture. Nainggit tuloy ako.

"Please turn off your phone for awhile, Azrielle. Magkasama tayo" Eros said through gritted teeth. Nag sorry ako at nilagay sa bag ang phone ko.

The date was sweet, but we don't hold hands in public, ayaw kasi ni Eros kasi PDA daw. But its fine with me, nahihiya rin kasi ako.

"Come here" tawag nya sa akin nang nasa parking kami.

"Why?" He hugged me and kissed my head, nag init ang pisngi ko sa ginawa nya. Sa three weeks namin, dalawang beses nya palang iyon ginawa. Hindi sya clingy na boyfriend, chill lang.

Hindi rin sya ma-i love you. Siguro sa isang araw isang beses lang din. Nangangapa pa siguro kasi kami sa isa't isa.

Nagulat ako nang tumawag si Coltrane mga alas dos ng madaling araw. I heard a strumming of guitar, a familiar song by Janno Gibbs.

Akala ko mag-gigitara lamang sya, my heart fluttered when I heard him sing, this is the first time that I heard him singing.

"Our little conversations

Are turning into little sweet sensations

And they're only getting sweeter every time

Our friendly get-togethers

Are turning into visions of forever

If I just believe this foolish heart of mine

I can't pretend that I'm just a friend

'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be

I think I'm fallin', fallin' in love with you

And I don't, I don't know what to do

I'm afraid you'll turn away

But I'll say it anyway

I think I'm fallin' (Fallin') for you

I'm fallin' (Fallin') for you"

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko. It was beautiful. He sang it beautifully.

"Good night, baby girl" he uttered before he ended the call.