Chapter 31
Sinilip ko siya habang hinihintay na mag green ang stop light. Nakatulog na siya siguro dahil nahilo sa impact ng bola kanina.
"Masakit pa ba?" Tumango sya. Andito na kami ngayon sa bahay nila, inalalayan ko sya pahiga sa kama nya. Pinaandar ko ang aircon at kinumutan sya.
"Nahihilo ka? May gamot ba kayo dyan? Do you want me to ask manang to cook soup for you?" Umiling sya, pero pi-nat nya ang espasyo sa kama nya. Umupo ako doon.
"Azrielle"
"Hmm?" Hinaplos ko ang pisngi nya para tignan kung mainit ba sya, he held my hand and kissed it. Ako yata ang lalagnatin!
"Dito ka lang, wag mo akong iwan" hindi naproseso ng utak ko ang sinabi nya, I lost my mind when he kissed my hand.
Yung puso ko nalaglag, nagimbal ang buong pagkatao ko. My heart is telling me something, but my brain denies it. Hindi pwede, siguro malambing lang sya kapag may sakit.
Hinila ko ang kamay ko pero hindi nya ito pinakawalan. Napasinghap nalang ako nang pagsalikupin ang aming mga daliri.
"Sasagutin mo na ba si Eros? Nasabi mo na ba?"
"H-hindi pa. N-nahihiya pa ako" nauutal kong sagot. Nadidistract ako sa labi nyang may sugat, namumula pa rin ito pero nagtigil na sa pag dugo.
"Pero nililigawan ka na nya, he told me" he smirked playfully, pero hindi ko nakita ang mata nya dahil natatakpan iyon ng braso nya.
"Do you really like him?" Kinapa ko ang sarili ko para sa sagot.
"Oo" natagalan akong sumagot dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
"Be happy, Azrielle. I'll beat the shit out of him if anything happens to you, always know that"
"Kahit alam kong mawawalan ka ng oras sa akin kapag naging kayo, lagi lang akong nandito." He smiled again, this time I can see his eyes but it was impassive, hindi ko alam kung anong emosyon iyon.
"F-for sure magiging busy ka rin sa g-girlfriend mo" I felt a lump in my throat, I gulped and bit my tongue.
The idea of him dating his girl crossed my mind, parang may pumitik sa loob loob ko. Parang may piniga. He didn't say anything, he squeezed my hand and closed his eyes.
"Si pudiera casarme contigo, estare feliz" my forehead creased while looking at him confusedly. Ano daw? Espanyol?
"Anong sinasabi mo?" He didn't say a word, pumikit lang siya at bumuntong hinga.
"I think I should go then" Just when I'm about to leave he grabbed my hand and pulled me. I landed on his chest and my lips touched his!
Second kiss ko!
Nagbukas sya ng mata at napatingin sa akin, his hooded eyes showed me such an intense emotion, namula rin sya, and he gulped!
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang paglunok nya, napatingin rin ako sa mapula nyang labing nahalikan ko kanina.
Napakagat ako sa labi ko nang hindi namamalayan.
"Damn it! Forgive me, baby" he murmured, he pulled my nape and claimed my lips. My heart raced and I didn't know what to do.
My eyes automatically shut off when I felt him nibbling my lips. Napahawak ako sa dibdib nya at humalik rin pabalik.
The kiss was mindblowing, habol habol ko na ang hininga ko habang humahalik sa kanya. I don't even know if I'm kissing him the right way, sinusundan ko lang kung paano humalik ang labi nya.
Namula ako at binaon ang mukha ko sa dibdib niya nang tumigil sya sa pag halik. Nagi-init parin ang mukha ko at parang nabubuhol ang intestines ko.
"Bakit?" Tanong ko sa sarili ko, gusto ko mag disappear bigla, nakakahiya!
I heared him clear his throat and I felt him kiss my head. Napatingala ako at humalik syang muli sa labi ko, dampi lang, making me want for more.
Damn it!
Hindi ako makapagsalita, tumayo na ako at hindi malaman ang gagawin. Umupo rin sya at minasahe ang kanyang sentido.
"Sorry, mali yun" iyon ang tanging nasabi ko.
"Mali yun?" Kunot noo nyang tanong. "It is, for you. Pero sakin? Hindi" he looked so offended, nagsisi ako agad na nagsalita pa ako.
"You kissed me back, Azrielle." Totoo! Nadala ako sa emosyon at sa halik nya! It was wrong but it felt so right!
"I'm sorry—
"No, don't be sorry, no harm done. Ginusto ko yun, ako yung humalik, and you liked it too so don't tell me its wrong when it felt so right." Kita ko ang inis sa mata nya.
"U-uwi na ako" nauutal kong sabi, hindi ko matagalan ang ganung tingin nya sa akin, may bahid ng inis, ng tampo. Minsan pinapahamak talaga ako ng bibig ko eh!
Pababa na ako ng hagdan nila nang magbukas sara ang pinto, napatingin ako sa kanya na inaayos ang kanyang puting shirt. Napatingin ako sa labi nya at naglaro sa isip ko ang nangyari kanina.
I can even feel him nibbling my lip, nag init ang pisngi ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"Akala ko ba nahihilo ka?"
"I'm good now. Ihahatid kita" he grabbed my hand and his keys on the table.
Torture. Yes, torture yung byahe nang ihatid nya ako sa bahay. Watching him drive while his finger tracing his lip, ayaw kong tumingin pero napapatingin ako and I hate it!
Para akong nakuryente nang tumingin sya sa akin, napaayos ako ng upo at napatingin sa daan, I just hope hindi nya naririnig ang pagtambol ng dibdib ko.
I cleared my throat and secretly pinched my hand, ano ba Azrielle?
"T-thank you sa pag hatid" pasasalamat ko sa kanya, buntong hininga lang ang tanging sagot nya, I tried unlocking the car pero nakapatong yung siko nya sa lock button.
"Napapatungan nung siko mo yung lock"
"I know" kaswal nyang sagot.
"Bababa na ako" but he didn't budge. "Ano ba? Bababa na nga ako!" Pagtataray ko na, I rolled my eyes and gaped at him.
"Okay, okay. No need to shout at me" Inangat nya ang braso nya at ngumisi.
I opened the door and moved down from his car, kakasara ko palang nang ibaba nya ang window ng sasakyan nya.
I saw him biting his goddamn lip while giving me taunting glance.
"I love your sexy lips anyway, thank you for today, Azrielle" he winked bago pinaharurot ang sasakyan nya. I was left there, nakanganga, and the memory of that passionate kiss haunts me.
What the actual fuck, Coltrane Tris Montreal. I hate you!