Chapter 30

Coltrane had been very busy with the basketball team, ako naman sa acads, kunwari. Ang hirap kasi ng sem ngayon, lahat major.

Eros and I are dating. Ilang beses na ba kaming nag date? Hindi ko na mabilang. Mahal ko na sya, siguro? I'm still confuse? And I don't even know why.

Kapag kasama ko sya parang may kulang, parang may hinahanap ako, yung mga paru-paro sa tyan ko. Parang lagi silang may welga, hindi ko alam kung kilig ba yun o ano?

"Wag masyado" speaking of paru-paro, para silang nabuhay nang maamoy ko ang pamilyar na bango ni Coltrane.

"Pawis na pawis ka ah" kagagaling nya lang sa laro dahil naka jersey sya.

"Yeah, nanakaw na naman yung panyo ko" aniya. Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at pinunas iyon sa mukha nya.

"Itago mo kasi, yang mga fangirls mo nakakainis, buti nga hindi na tayo nasasangkot sa marathon"

"Nanunuod sila sa laro, ikaw, I want you to watch me too" tinignan ko yung mga sandamakmak kong hand outs.

"Ang dami kong nirereview" ngumuso ako.

"You're also busy with Eros" I felt guilty, kasi kahit busy sya may time sya sa akin tapos ako wala.

"Mmm, pinapaguilty mo ako eh. Sige na nga, I'll watch. Next week after ng quizzes na 'to"

"Yes! Thank you!" He hugged me tightly, making my heart beat faster than the usual.

"Kupal ka talaga" I whispered.

"Your favorite kupal" I heard him snickered, yeah, my one and only kupal.

"Nag basketball na rin si Eros no? So, sino sa kanilang dalawa ang ich-cheer mo?"

"Syempre both! Ano ka ba? Kahit naman Eros and I are dating, magkaibigan kami ni Coltrane. Isa pa, he's the school MVP remember? Lahat tayo magch-cheer para sa kanya" tumango naman si Amerie, mabuti naman at tumahimik na sya, baka kasi mamaya guluhin nya na naman feelings ko.

Lumapit si Eros sa akin at inabot sa akin ang bottled water nya, practice game palang pero marami nang nanunuod. May mga banner pa para kay Coltrane, ang benta talaga ng bestfriend ko!

Isa talaga sya sa mga ia-auction ko!

Nagsimula na ang practice game, nagpaulan agad sya ng tres, he's really good! Hiyawan mga fangirls nya, naiirita ako, ano ba yan?

"Go, Coltrane!" Sigaw nila, hinanap ko kung saan yung sumigaw, nakakairita!

"Huy, bakit ganyan ka makatingin? Mag cheer ka rin kasi! Whooo! Go number twenty five! Go Montreal!" Umismid lang ako. Nakakainis!

"Cheer mo si Eros, gaga ka!" Sabi ni Amerie!

"Go, Larrazabal!" Pagchi-cheer ko, napatingin si Coltrane sa pwesto ko at hindi nakita ang paparating na bola, holy shit!

Agad akong bumaba para puntahan sya, marami ring nakiusyoso at lumapit.

"Tabi nga dyan" tinulak ko ang mga nakaharang hanggang nasa harap na nya ako. He looked at me while biting his bloody lips.

"Okay ka lang?" I asked, I cupped his face, he groaned in pain.

"Halika na, samahan kita sa clinic" he closed his eyes and nodded his head. Sinubukan nyang tumayo, pinaakbay ko sya sa akin para alalayan sya.

"Where's your gym bag?"

"Lockers, balikan na lang natin mamaya" tahimik lang sya habang inaalalayan ko sya palabas ng gym, may mga nag offer na tumulong pero he declined.

"Nakakadistract ka kasi" aniya. Ngumuso ako, paanong naging ako?

"Hinihintay kitang i-cheer ako, pero iba chineer mo" napatingin ako sa kanya at agad ring tumingin palayo.

"Ang dami na kasing nagchi-cheer para sa'yo" pagdadahilan ko.

"But I only want you to cheer for me, ikaw nga lang gusto kong andun eh. Kaso you'll never cheer for me, andun si Eros eh" he smiled bitterly. Inupo ko sya sa monoblock chair at hinanap ang nurse, pero may nakalagay na sign na "Lunch break", wrong timing.

Nakialam na ako sa gamit nila, para na rin makaiwas sa sinabi nya. Paano ba 'to? Bakit ba ako nagi-guilty? Ahh!

Nag hila ako ng monoblock chair at inabot sa kanya ang ice bag, nag lagay ako ng kaunting alcohol sa cotton ball para linisin ang sugat nya sa labi.

Napatingin ako sa labi nya at naramdaman ang pag iinit ng pisngi ko. I can't do this! Damn it!

I exhaled roughly before patting the cotton ball to his cut, napamura sya at nag iwas.

"Mahapdi, dahan dahan lang." reklamo nya.

"Tiisin mo, saglit lang 'to lilinisan ko lang" napabuntong hinga sya at napakapit sa kamay ko.

"Sige humawak ka lang, it will sting a little"

"Anong a little? Ang sakit—aray!" Natawa nalang ako sa kanya. Pinagsalikop nya ang mga kamay namin, napatingin ako doon at napalunok.

Yung mga alaga ko sa tyan nagpapa-party yata, hindi ako mapakali, bumibigat na rin ang pag hinga ko!

Tinapos ko na lang ng mabilisan at hinayaan na sya. Natahimik kami pareho, tanging ang tunog ng elisi ng electricfan ang naririnig.

"Dito ka lang muna" hinigit nya ang braso ko at pinaupo ulit ako, ibabalik ko lang sana ang mga nagamit ko at itatapon ang mga kalat.

"Nahihilo ka ba? Do you want water?" Tumango naman sya.

Ayaw ko syang makatabi, nagkakagulo ang sistema ko, kaya tinagalan ko ang pag aayos ng mga nagamit at mga kalat. Nakakagat sya sa labi nya ng makabalik ako at may hawak hawak na tubig.

"Stop biting your lip!" Suway ko sa kanya, baka kasi mas lalong mamaga. Hinila nya ako papalapit at yumakap sa akin.

"Uwi na tayo, medyo nahihilo ako" aniya. Yumakap rin ako at sinuklay ang buhok nya gamit ang daliri ko.

I don't know why but I kissed his head, namula nalang ako nang marealize ko ang ginawa ko, humiwalay ako sa yakap at tumalikod para itago ang pamumula ko.

"Tara na, ako na magmaneho" aya ko sa kanya, nauna na akong mag lakad para pagalitan ang sarili ko! Bakit ko ginawa yun? Anong ibig sabihin non?

"Trane, wait, yung bag mo kinuha ko na" rinig kong sabi ni Jaz, yung teammate nya.

"Thanks, kayo kayo muna, uwi muna ako naalog yata utak ko" pabiro nyang sabi, nagawa nya pang tumawa!

"Sige, nice may magandang nurse. Ingat, man!" He winked at his teammate, he grabbed me by the hand and wrapped an arm around my waist.

"Alalayan mo ako, nahihilo nga ako diba?" He grinned.

"Parang di naman, ang laki nga ng ngisi mo, dun ka nga! Kupal ka talaga!" Bulyaw ko sa kanya sabay tulak. He pouted his swollen lips, naawa ako sa kanya kaya hinila ko rin sya agad para alalayan.