Chapter 29

Hindi ako mapakali, I grabbed my phone and called him. Dalawang rings lang at sumagot sya agad.

"Hey, katatapos ko lang mag shower. Dito ka muna, magdadamit lang ako" namula ako nang marinig ang mahinang halakhak nya.

Basa nga ang buhok nya at may tumutulo pang tubig sa leeg nya. Buti nalang naka bathrobe sya! Oh sheez.

"Hindi, tatawag nalang ako mamaya"

"No, babalik rin ako agad." Aniya. Nakita ko sa screen yung ilaw ng kwarto nya, I suddenly miss sleeping there. Its the most comfortable room ever! Idagdag mo pa na ang bango bango ng unan at comforter nya, mabango rin naman yung akin but gosh I want that scent!

Ilang minuto rin at nakabalik sya, basa pa rin ang buhok na sinusuklay nya gamit ang kanyang daliri. Gwapo, sobra, napangiti nalang ako.

"Tatawag palang sana ako after shower, naunahan mo ako" he chuckled. Nakatitig lang ako sa screen ko, nakatitig sa kanya.

My heart feels happy, contented perhaps?

"May assignment ka ba?" Wala. Sabi ko sa isip ko. Hindi ko alam bakit parang ayaw ko mag function bigla, gusto ko lang tumingin sa kanya.

"Hey, Azrielle" bahala ka dyan. Gusto lang kitang panuorin, watching you makes me feel happy and kilig, I know this is weird pero ito ang nararamdaman ko ngayon.

"Lag ba? O di ka lang talaga nagsasalita?"

"Okay. Wait for me, pupuntahan kita dyan" he ended the call. Napakurap ako at naputol ang paga-admire ko sa facial features nya. Ano daw?

I tried calling him pero hindi na sya sumagot. Naweirdohan yata sa akin.

Humiga na ako at nag isip. Iniisip ko kung ano ba 'tong nararamdaman ko kasi nawi-weirdohan na rin ako ng sobra. Napabalikwas ako nang may kumatok, sunod sunod, parang nagmamadali.

Nagkamot ako sa ulo dahil naiinis ako sa paraan ng pagkakatok nya.

"Teka lang naman, sino ba yan bakit— Coltrane. Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Anong ginagawa nya dito?

"You called me, tapos nakatitig ka lang. May problema ba? Sinabi ko din sa tawag kanina na pupunta ako dito"

"Ha? May sinabi ka? W-wala akong narinig" he smiled at me. Hinawakan nya ang zipper ng jacket nya saka ang kamay ko.

"Bagay talaga sa'yo"

"Ano? Bagay tayo?" He grinned and ruffled my hair. Im glitching! Hindi ako si Azrielle, kinain na ng lupa si Azrielle.

"Sabi ko bagay sa'yo yung jacket ko." He paused and lick his lower lip, uhm. "But yeah, bagay tayo"

Nag init ang pisngi ko, dahil sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman na-itulak ko sya. He chuckled and ruffled my hair.

"Ano nakukupalan ka na naman sakin?"

"Oo, bwisit ka eh. Bakit ka ba nandito?" Pagsusungit ko.

"Kasi nga you called and you're just staring at me, nag alala ako kaya andito ako"

"Yun lang?" Gulat kong tanong sa kanya. Natulala lang ako sa screen, andito na sya agad?

"Syempre, baka may problema pala, dapat andito ako agad. Alam mo naman na lagi akong nandito para sa'yo, isang tawag lang at agad na akong dadating. Ganun"

Nag pigil ako ng ngiti, I thanked him kasi isang tawag at andito na sya agad. We all deserve that kind of a friend.

"Uwi ka na, gabi na. Okay lang ako."

"You sure?" Tumango ako. "Okay, I'll call."

Humakbang sya papalapit at binalot ako sa mainit nyang yakap. It felt so much like... home.

"Ingat ka"

"I will" tipid nyang sabi. Hinatid ko pa sya sa gate pagkatapos nyang magpaalam kay mommy.

"Azrielle" tawag sa akin ni mommy. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Si Eros ba talaga ang gusto mo anak? Bakit si Coltrane ang lagi mong kasama? Bakit iba ang tinginan nyo sa isa't isa" I was caught off guard, mnapalunok ako at kinapa ang sarili ko para maghanap ng sagot, pero wala. Paano ako sasagot kung ako mismo hindi alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Lumaki kayong tatlo ng sabay, at kung may gusto man akong maging nobyo mo syempre isa sa dalawang iyon. Pero kung ako ang papipiliin, kay Coltrane ako anak. He annoys you most of the time but I can see that he's sincere, inaalagaan ka, hinahatid, alam kong safe ka sa kanya."

"Eros is a great guy too, anak. Pero isa lang ang gusto ko para sa'yo. But it's still up to you, Azrielle. Ask your heart, consult your brain. Matulog ka na" she kissed my cheek and said good night.

Prinoses ko lahat ng sinabi ni Mommy, he likes Coltrane for me? Why? Anong nakita nya sa amin ni Coltrane?

She said he's sincere, pwede. Inaalagaan at hinahatid? I'm safe with him? Yes, I feel safe whenever he's around, na para bang walang mali, walang mangyayaring masama. I'm happy with him.

Umakyat rin ako pagkatapos ng ilang minuto. Mas lalo akong naguguluhan ngayon.

I answered his call, nanunuod yata sya ng basketball. Bakit nga ba may tawagan kami sa gabi?

"Coltrane, hindi mo ba tatawagan yung babaeng nililigawan mo?" He smiled saka sya umiling. Anong klaseng sagot yun?

"Don't drop the call, Azrielle. Subukan mo lang, kung gusto mo lang naman na dyan ako matulog" saka sya tumawa ng mahina. I rolled my eyes, kung pwede lang babatukan ko sya eh.

"Tell me about the girl that you like"

"Bulag sya, yun lang" maikli nyang sagot.

"Harsh mo naman, anong bulag? Di talaga sya nakakakita?"

"Oo eh, hindi nya ako nakikita kahit nasa harap nya na ako, laging yung taong nasa paligid. Iniisip ko tuloy na baka multo ako kaya hindi nya ako makita, or I just don't stand a chance with her, baka hanggang tingin lang talaga ako"

"Baka kasi hindi mo sinasabi sa kanya na gusto mo sya?" I asked.

"If efforts are not enough to make her feel my love for her, then what made you think words will? It will always be actions over words, Azrielle. Marami dyan sasabihing mahal ka, pero hindi ipapakitang mahal ka." Ang lalim naman non, pero may point rin naman.

"Paano kung gusto nya ng assurance? Ang dami din dyan na papakitaan ka ng sweetness tapos wala naman palang meaning yun? Ang hirap magbigay ng malisya, ang hirap mag assume. Assumption is the mother of all fuck ups."

Natahimik sya sa sinabi ko, ako rin naman natahimik sa sinabi nya bago ako nakasagot. Nakita kong pinatay nya na ang TV at humiga sa malambot nyang kama.

"Kapag sinabi mo na kay Eros na gusto mo sya, saka ko sasabihin sa kanya." Hamon nya.

"Consider the fact that I'm afraid she'll avoid me if I tell her about my feelings, I'll just enjoy my time with her, saka ko itataya lahat."

Nakatitig ako sa kanya, para kaming magkatabi pero sya ay nasa screen ng ipad. Pumikit sya at yumakap sa unan.

"Antok ka na?" I asked. Himala hindi pa ako inaantok ng ganitong oras, dati kasi kapag nahanginan na ako ng aircon pagkatapos ko mag shower, makakatulog na ako.

"Medyo, pagod sa basketball. But you sleep first, ako magbabantay sa'yo"

Hindi awkwardness ang naramdaman ko, kundi assurance na magiging masarap ang tulog ko.

"Goodnight, Coltrane. See you tomorrow"

"Sweet dreams, my Azrielle" pumikit na ako at natulog