Chapter 28
Sinamahan ako ni Coltrane na kunin sa parmasya namin yung mga ipapamigay na gamot, naiwan na si Eros sa bahay kasi ayaw nya sumama. Kami nalang daw.
"For sure matutuwa sila Aling Nena dito sa mga gamot, lalo na sa mga vitamins para sa mga bata" aniya habang buhat buhat ang box ng mga gamot.
"Daan tayo sa mall ah? Bili tayo ng foods para sa kanila" tumango naman sya.
"Tingin mo pwede natin isama si Eros?" Agad syang umiling.
"This is not his thing. Isa pa, yung mga bata, parang mga anak nating dalawa yun eh. Tapos biglang may isa na namang tatay? Di pwede. Mga anak lang natin sila, period" namula ako sa sinabi nya, may mga anak kami! Pakiramdam ko tuloy mag asawa kami sa sinabi nya. Oh gosh!
"So may mga anak na pala tayo" tumango sya saka nya sinara ang pinto.
"Dadami ng dadami yung mga anak natin" namula ako sa sinabi nya, pinandilatan ko sya ng mata na nagpahalakhak sa kanya.
"I mean madami pa tayong matutulungan na mga bata"
"Ate bait! Kuya Idol!" Agad na nagsitakbuhan ang mga bata sa amin pagkababa palang namin sa sasakyan. Nakipaghigh five ako sa kanila habang si Coltrane binuhat si Buknoy.
"Oh ano kamusta? Naging mabait ba noong wala si Kuya?"
"Oo naman kuya, Idol. Kaso po lumambot yung bola" tinuro ng bata ang bola na nasa gilid.
"Di bale may dala akong pang bomba dyan saka pin. Pero mamaya na yan, bigyan muna namin kayo ng pagkain" agad na nagsaya ang mga bata at pumila. Inabutan rin syempre ni Coltrane ang mga magulang nila na nasa mga bahay bahay.
Ako naman tinipon ko ang mga magulang nila para bigyan sila ng libreng mga gamot, nga pang hypertension, vitamins para sa mga bata, at vitamins rin para sa kanila.
Coltrane was silently sitting beside me, watching and smiling at me kapag napapahinto ako at nahihiya sa mga kaharap ko.
Pinisil nya ang kamay ko nang matapos akong magbigay ng mga gamot.
"Thank you for helping me"
"No, thank you for letting me help you" sumandal ako sa braso nya, I felt him kiss my head and it made me feel giddy.
"Nobyo mo ba sya iha?" Tanong sa akin ni Aling Nena habang kinukuhanan ko sya ng blood pressure.
"Nako hindi po, magkaibigan lang po kami" sagot ko naman.
"Iba ang tingin ng batang iyan sa iyo, ngumingiti ang mata, parang masaya sya na andito ka. Espesyal ka sa kanya" she said smiling, watching Coltrane play with the kids.
"Espesyal din naman po sya sa akin, bestfriend po kami simula pa nung bata pa" nakangiti kong sabi.
"Hanggang doon nga lang ba? O takot lang aminin na may gusto kayo sa isa't isa?" Natahimik ako at napatingin rin kay Coltrane.
My heart flip flopped when he smiled and waved at me. All of a sudden I felt all of my butterflies in my stomach.
"Paano kung naghihintayan lang pala kayo?" Nilingon ko si Aling Nena na nakangiti sa akin. Nagpasalamat sya at naglakad na papasok sa bahay nya.
Huminga ako ng malalim at inalis iyon sa isip ko.
"Kaibigan. Kaibigan lang kami" I said, trying to convince my self. Pero bakit kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko? Ahh!
"Napagod ka ba?" He asked while packing our things. Nilagay nya ang lahat sa likod ng sasakyan, itinapon nya rin ang mga kalat.
Uuwi na kami, pero dadaan pa sa cliff. Syempre, I won't miss the sunset.
"Konti. Masaya naman, sobrang masaya." He ruffled my hair and opened his car door for me. He fixed my seatbelt bago sya nagpunta sa driver's seat.
"Ang ganda" sabi ko habang papalubog ang araw. Mataman akong nanunuod ng papalubog na araw
"Ang ganda nga" napatingin ako sa kanya, he's staring at me with a smile on his face. "Maganda ka"
Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya, I looked away and tried to compose my self. Ahh, kalma self!
"T-thank you. Alam ko naman yun no!" Nabubulol kong sabi. He grinned wickedly and looked at the sky.
"Yeah. You're beautiful just like the sunset."
"K-kupal ka talaga!" Pagsusungit ko sa kanya para itago ang pamumula ko, shit, kinikilig ako!
"Paano ako naging kupal? Sinabi ko na ngang maganda ka, sige binabawi ko na, panget ka!"
"Bwisit!" I rolled my eyes and sulked.
"Kita mo, para kang siraulo dyan. Pinuri ka na sasabihin mong kupal tapos galit ka din nung binawi. San ako lulugar?"natatawa nyang tanong habang ako nakanguso.
Umakbay sya sa akin at ang isang kamay nya ay ginulo ang buhok ko, psalamat sya hindi ako nag ayos ng buhok!
"Gags ka talaga! Ihuhulog kita dito sa bangin!"
"Sige nga? Baka ikaw pa maunang mahulog" he winked at me. "But best believe that I'm going to catch you when you fall."
Double meaning ba yun o assuming ako? Iwinaksi ko iyon sa isipan ko, kasi the more I think about it the more na magugulo ang utak ko.
Nagpalamig pa kami hanggang sa mag alas siyete. Inakbay ko ang kamay nya sa akin dahil nilalamig na ako sa hangin.
"May jacket ako sa kotse, saglit lang" tumayo sya at tinakbo ang distansya papunta sa kotse nya, agad rin naman syang nakabalik at inabot sa akin ang itim na hoodie nyang galing yata sa langit sa sobrang bango.
Its his perfume! And I love this perfume! Agad ko iyong sinuot, ahh, ang bango talaga!
Sumandal ako sa kanya nang maiayos ang pagkakasuot. He's my human pillow, ang sarap gawing unan ng braso nya.
"Lagi kang may dalang jacket ah?" Puna ko.
"Kapag kasi dinadala kita dito, ganyan mga suot mo, ginawin ka pa naman. Kaya naglalagay nalang ako ng jacket, just in case" naka tank top kasi ako.
I won't deny the fact na kinilig ako doon. He's really a great friend.
Tiningala ko sya habang tahimik syang nakamasid sa paligid. Wala syang pinipiling anggulo, gwapo kahit sideview.
Parang ang sarap mag slide sa ilong nya, ang haba ng mga pilik mata nya, yung panga nya. Ang gwapo ng taong 'to.
Nanlaki ang mata ko nang lingunin nya ako at tumama ang labi ko sa pisngi nya, oh my gosh nahalikan ko sya! Oh my gosh!
He bit his lip and smiled at me, napatingin ako sa mga labi nya. They are... interesting.
Humawak sya sa pisngi ko habang unti unting yumuyuko papalapit sa akin, parang nakalimutan ko kung paano gumalaw at magsalita, nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang gagawin nya kapag magkalapit na magkalapit na ang mga mukha naming dalawa.
Napapikit ako nang humalik sya sa noo ko, hindi ko alam kung bakit pero yung puso ko parang bumilis lalo yung tibok, isa pa, hindi ko alam kung bakit pero naluha ako.
Napahawak ako sa dibdib ko nang matapos ang halik na yun, habol habol ko ang hininga ko na parang naki-marathon.
He looked at the sky, while I looked away to hide my teary eyes and my flushed face.
"Pasok ka na sa loob. Hi mo nalang ako kay Tita" sabi ni Coltrane nang ihatid nya ako sa bahay.
"Okay. Thank you for today." Ngumiti sya st tumango. Binigay ko sa kanya yung jacket nya but he declined.
"Sa'yo na yan. Bagay mo. I'll probably call you later. Good night, Azrielle" pinanuod ko ang pag alis ng sasakyan nya bago ako pumasok sa loob.
Habang suot suot ko ang hoodie nya pagkatapos ko nag shower, lumipad ang isip ko sa kanya.
Iniisip ko kung bakit ganun yung epekto nya sa akin, hindi naman ganito dati. Epekto ba 'to ng sinabi ni Amerie? O nilalagyan ko ng malisya bawat galaw ni Coltrane?
Ahh, di ko na alam! Gusto ko sabunutan yung sarili ko sa inis.
Habang naaamoy ko yung pabango nya sa hoodie nya unti unti kong nare-realize na miss ko na sya agad. I really hate this!