Chapter 27
Finigure out ko ang nararamdaman ko kay Coltrane, siguro impluwensya lang ito ni Amerie kaya nakakaramdam ako ng ganito. Isang araw ko ring inaway ang sarili ko, syempre narealize ko na kaibigan lang talaga kami.
Pero a side of me says I'm just indenial.
Eto ako ngayon at ini-stalk si Eros. Kulang nalang maging puso ang mata ko habang nagba-browse ng picture nya. Ang gwapo!
Nainis lang ako dahil nagpo-post sya ng picture nila ni Angeline. Sila kaya? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Sana hindi.
Nag focus ako kay Eros, sa pagsstalk ko sa kanya. Mas lalo yata akong nainlove. Nagkakasama na kami ng madalas dahil nga laging nasa bahay ang mommy nya.
Si Coltrane naging busy. Hindi ko nga ba alam dun, biglang naging missing in action. I won't deny the fact that I miss him.
I miss his texts, calls, miss ko na kakupalan nya. I miss his smirk, his voice, his scent. I miss him!
"Azrielle" tawag ni Eros, nahihiya akong lumapit sa kanya at tumabi sa upuan na malapit sa kanya.
"Tara date?" Laglag panga kong tanong sa tanong nya. Teka biglaan.
"Date?" Ulit ko. Parang nabingi ang tenga ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Yeah, date. Me and you, do you want to watch a movie? Or do you want to eat, read books and enjoy our peace together?" Nakangiti nyang tanong. Mabilis akong tumango. Sounds fun.
Habang nagbabasa kami ng libro, naramdaman kong parang may kulang. Hindi ko masabi kung ano iyon. Siguro masyadong tahimik?
He handed me a sandwiched which he prepared for us. Nagpasalamat ako at kinain iyon.
Andito lang kami sa may pool area, hindi na kami lumabas pa dahil marami naman akong libro, iyong iba bagong bili pa.
Saka sabi nya mas okay kung dito kami magdi-date for our first date.
Napatigil ako nang hawakan nya ang mukha ko, pinunasan nya ang gilid ng labi ko.
"Messy eater" nakangiti nyang sabi, but I heard it the way Coltrane would say those words.
Nagkagulo ang mga paru-paro sa tyan ko, parang may welga, parang galit sila.
"Kumalma kayo, ano bang problema nyo?" I silently asked them while holding my tummy. Parang lalo silang nagalit!
Natahimik nalang ako at tinuloy ang pagbabasa ko, ganun rin ang ginawa ni Eros. Kahit papano naman masaya at nakakakilig ang date kahit pa simple lang.
"I'll go now, Azrielle." Paalam nya. Nabigla ako nang bumeso sya sa akin at kumindat.
"Movie date next time" he waved a hand before he rolled up his car window. Oh my gosh, another date!
Nasa library ako nang biglang may yumakap sa akin, the butterflies in my stomach went crazy as if they are excited because he's here. Si Coltrane.
Tumabi sya sa akin at nagpatong ng libro sa mesa.
"One week na walang paramdam ah?" Sabi ko sa kanya. He bit his lip and said sorry.
"Sorry, wala pa kasi si Coach Yuan, kaya ako muna coach ng team. Mabuti naman at dinadala mo na ang sasakyan mo"
"Wala ka eh" nahimigan ko ang pagkamiss ko sa kanya sa aking boses. Sumandal ako sa kanya, agad naman syang umakbay.
Kupal, miss kita.
"Sya nga pala, nagdi-date na kami ni Eros!" Balita ko sa kanya, his jaw clenched before he smiled at me.
"Really? I'm happy for you then. H-how was it? Masaya ba? Baka naman mas masaya yung dates natin" nakangisi nyang sabi. Ang yabang talaga nito!
"Its fun. Nagbasa kami ng books, ate sandwiches, and its peaceful"
"Ano bang date yan? Sounds boring. Alam mo pag nag date kami ng babaeng gusto ko, idadala ko sya sa cliff, tapos makikipaglaro kami kila Buknoy habang hinihintay na gumabi. Saka kami babalik sa cliff, manunuod ng stars, kakantahan ko sya. Mag eenjoy lang kami."
"Yung hilux ang dadalhin ko para i-oorganize ko yung likod, para doon kami matutulog. That's a date"nakatingin lang ako sa kanya habang pinapakinggan ang plano nya sa date na gusto nya.
I suddendly felt jealous, parang gusto ko iyong ganong klaseng date. Parang masaya, parang romantic.
Ngumuso ako at umirap sa kanya. Yung mga paru-paro ko sa tyan parang nawalan rin ng gana.
Natahimik lang ako at nagbasa ng libro, nakakainis, gusto ko tuloy ng ganong date! Iniisip ko palang parang goals yung ganung date.
"Magta-try out pala si Eros for basketball, papahirapan ko" kwento nya.
"Uy wag naman, saka parang ngayon palang sya magba-basketball right? Kasi chess sya dati?" Hindi kasi mahilig si Eros sa mga sports na pagpapawisan sya.
"Oo. Pero he said he'll try basketball for fun. Asa naman syang maagaw nya sa akin MVP title." Nakangisi nyang sabi.
"Oo na, ikaw na MVP." He ruffled his hair and a smile formed in his rubicund lips.
Nanuod kami ni Eros ng Hotel Transylvania, ako pinapili nya ng movie, tahimik lang sya habang nanunuod kami. Wala namang bago, lagi naman syang tahimik.
Naeenjoy ko ang movie, hindi ko lang alam kay Eros. Paminsan minsan ay ngumingiti sya kapag sinusulyapan ko sya.
Napatigil ako nang hawakan nya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Something in my stomach twitched.
The date went well, magkawak kamay parin kami habang papalabas ng mall. Bumitaw sya sa akin nang makita niya si Angeline na nasa may infinitea.
I heard him curse and sighed heavily. What's wrong?
Sinubukan kong hawakan ang kamay nya muli pero napamulsa sya.
"Oh hi, m-magkasama kayo" sabi ni Angeline.
"Y-yeah. We watched hotel transylvania"
"How was it? Gusto ko ring panuorin!" She smiled at us. Eros was... uncomfortable?
"Its cute."
"Sounds fun, okay I'll just buy a ticket" nakangiting sabi ni Angeline.
"Teka ako na" presinta ni Eros, agad syang tumalima at pumunta sa ticket booth.
"Eros is a great catch, Azrielle" sabi ni Angeline habang naghihintay kami kay Eros. Tumango lang ako at tipid na ngumiti.
"Here. Enjoy the movie" nakangiting sabi ni Eros. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, parang wala ako dito, parang panira ako sa eksena nila.
Umatras ako at pinanuod lang sila mag usap hanggang sa pumasok na sa cinema si Angeline. Eros smiled at me, I gave him an uncertain smile.
Nag aya na syang umuwi, pero dadaan pa sya sa bahay para sunduin ang mommy nya. Nagbonding na naman ang Tres Marias.
Nadatnan namin si Coltrane sa piano. Napatigil ako habang nakikinig sa pagtugtog nya. Ang dami ko na ngang hindi alam tungkol sa kanya.
Magaling pala syang tumugtog.
"Azrielle, andyan ka na pala." Napatigil si Coltrane at tumingin sa akin. Para akong nakuryente nang magtama ang tingin namin. Ngumiti sya at tumayo.
Bumeso ako kay Mommy at kila Tita Yana at Tita Kaye.
"Bakit ka tumigil? Tuloy mo" sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Napamulsa sya at tumingin sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko.
"Do you want me to play for you?" Ngumiti ako at tumango. Umupo syang muli, pinaupo nya rin ako sa tabi nya.
Tinugtog nya ang She was Mine ni Aj Rafael. Napasandal ako sa kanya habang tumutugtog sya. Para akong hinehele sa tinutugtog nya.
Kinamusta nya ako pagkatapos nyang tumugtog. Kwinento ko sa kanya yung nangyari sa date, tahimik lang syang nakinig, parang bored nga.
"Yun na yun? Boring naman pala ka-date ni Eros"
"Ano ka ba, marinig ka naman" saway ko sa kanya.
"Eh bakit totoo naman? Date na yun? Nanuod kayo ng movie, hinawakan ka sa kamay, yun na yun?" Hindi ko na sinabi yung part na umeksena si Angeline.
"He's not that romantic type of a guy" paliwanag ko. Umiling lang sya at nagtalumbaba.
"Tara kila Buknoy bukas, may lakad ka ba?" Ginapangan ako ng excitement sa katawan, pumayag ako agad at sinabi kila mommy ang tungkol sa mga gamot na hinihingi ko.