Chapter 26

"Coltrane, kelan mo ipapakilala sa akin yung babaeng gusto mo?" He smirked and bit his lips.

"Siguro malapit na."

"Nag uusap ba kayo madalas?" Tumango sya.

"Chat, text, personal." Kaswal nyang sagot, nag isip pa ako ng itatanong.

"Is she from our school?" He shrugged his shoulders. Ah, masikreto ha.

"Sinong mas maganda sa aming dala—

"You" napanganga ako sa sagot nya, pinalobo ko ang pisngi ko para maibsan ang pagiinit ng pisngi ko.

"Syempre bestfriend kita, pero mas maganda talaga sya" nahampas ko sya sa bigla nyang pagbawi, kainis!

"Pero ipapakilala mo sya sa akin diba?" Tumango naman sya, inayos nya ang pagpark nya sa loob ng garahe nila at pinagbuksan ako ng pinto pagkatapos.

"Ate, diba sa kwarto ka ni Kuya matutulog?" Tumango ako habang kumakain kami ni Suzette ng mga pinamili namin. Si Coltrane nagsa-shower sa taas.

"Tabi tayo, kuya never let me enter his room, I'm jealous" natawa lang ako at pumayag.

"Teka, bata, bakit ka papasok dyan?" Nagtatakang tanong ni Coltrane nang bumubuntot sa akin si Suzette, mag-aayos na kasi ako ng gamit, sya may mga bitbit na unan dahil tatabi nga sya sa akin.

"Eh sabi ni Ate magkatabi kami" sagot nya, bumelat pa ang bata saka nagmadaling pumasok sa kwarto ng kuya nya.

"Hayaan mo na, nagseselos yata sa akin kasi ako pinapasok mo sa kwarto mo" wala na syang nagawa pa, sinabihan nya nalang ang kapatid nya na mag behave at wag akong kulitin, pinaalalahan nya rin na matulog ng maaga. He's a great brother.

Natulog na si Suzette ng maaga, katulad ng paalala ng kuya nya. Ako naman bumaba para sana magtimpla ng gatas.

Nadatnan ko si Coltrane sa kusina na nakaupo sa high chair at may kaharap na bote ng isang alak.

"Oh, bakit ka umiinom?" Tanong ko, kumuha ako ng baso at kumuha ng gatas sa ref nila.

"Wala lang, bored ako." Plain nyang sagot. Kumuha pa ako ng isang baso at nagsalin ng tubig.

Nilagay ko iyon sa harap nya, tinignan nya iyon bago tumingin sa akin.

"Tama na yan. Inom ka ng tubig baka madehydrate ka." Ininom ko na ang gatas ko at umupo sa high chair, kaharap nya.

I held his hand and gazed at him. Napatingin rin sya sa akin at pinagsalikop ang mga kamay namin.

It felt so right.

Ngumiti sya at ininom ang tubig na ibinigay ko. 

Niligpit nya na ang iniinom nya at hinugasan ang mga baso.

"Matutulog ka na ba?" I asked.

"Manunuod pa ako ng tv, ikaw matulog ka na." Aniya. Kinuha nya ang remote at naghanap ng channel na maganda.

Tumabi ako sa kanya at yumakap sa throw pillow. Gusto ko yung papanuorin nya, Dark Shadows ni Johnny Depp at Eva Green.

Humikab ako sa kalagitnaan ng movie at sumandal sa braso nya. Umakbay sya sa akin at inabot ang throw pillow na malapit sa kanya at pinatong iyon sa hita nya.

"Do want to finish the movie?"

"Yeah, hindi pa ako inaantok" inaantok kong sabi.

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako, nakaunan na ako sa unan na nasa hita nya at magkahawak kamay kami.

Nakatulog na rin sya at nakasandal lang sa backrest ng couch.

I stared at him, as if memorizing every detail of his facial features. Mas gwapo sya kapag tulog. I found myself smiling, napatingin rin ako sa magkahawak naming kamay.

Parang ayaw kong bumitaw. Kasi sabi ng mga paru-paro sa sistema ko, kumapit lang ako.

Marahan kong tinapik ang pisngi nyanpara gisingin sya, ako ang nahihirapan sa posisyon nya habang nakatulog. Mga ilang tapik lang nagmulat na sya ng mata.

He smiled and caressed my face with his free hand.

"Sorry, nakatulog na rin ako" aniya. "Akyat na tayo" inalalayan nya akong tumayo, pinatay ang tv at ang ilaw sa sala.

"Good night" sabi ko. Papasok na ako nang hilain nya ako at halikan sa ulo.

"Good night, Azrielle" nanatili akong nakatayo hanggang sa makapasok sya sa kabilang kwarto. Yung puso ko, nalaglag yata.

Hindi ko pa nakita si Coltrane ngayong araw na 'to. Wala lang, bigla ko lang syang naisip kanina habang nagka-klase. Ayoko naman syang i-text kasi baka busy rin.

Tumambay muna ako sa garden, mas malamig kasi dito. Maganda na 'tong garden na 'to, kulang lang ng kubo o kahit anong pwedeng pahingahan.

Nakikinig lang ako ng kanta na BRB ni Bazzi habang nagbabasa ng libro. Pumikit ako at naisip ang nakangiting mukha ni Coltrane. Damn it!

"Okay, focus!" Pinalitan ko ang kanta, Constantly ni Nina.

"I knew it was there

Though I tried to hide it

But the feeling just kept on shining through

Haven't known you that long

So I try to deny it

But the feeling was much too much too strong

Could this be love

Deep down inside

Tearing me apart

I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind

Thinking 'bout you all the time

I can't sleep no matter what I do

I just keep on thinking 'bout you"

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa lyrics ng kanta, bakit ba kita naiisip? Nakakainis na!

"Ahh, ayoko na. Ayaw na kitang isipin."

"Sinong iniisip mo?" Napaayos ako ng upo at nakita si Coltrane na nakapamewang. He sat beside me and asked me the same question.

"W-wala"

"Si Eros? Bakit ko pa nga ba tatanungin diba?" He grinned. No, Ikaw yung iniisip ko, ewan ko ba kung bakit.

"Bakit ngayong ka lang nagpakita?" Tanong ko.

"Galing ako faculty, pinagtripan na naman ako ng prof ko. Crush yata ako" napairap ako at napahalukipkip.

"Pinagbibigyan mo kasi! Kainis!"

"Whoa there, mad woman. Hindi kasi ako maka-hindi. Isa pa tumulong rin ako mag ayos sa faculty" umirap lang ako at hindi na umimik. He smirked and wrapped an arm around my shoulders.

"Are you jealous?" I flushed, mabilis akong umiling at siniko sya.

"Ako? Magseselos? Asa ka pa!"

"Sabi mo eh. Alis muna ako balik ako doon tutu—

"Hep! Dito ka lang! Kukutusan kita" I wrapped my arm around his arm. Walang aalis! Ngumisi sya at humawak sa nakayakap kong kamay sa kanya.

Pinadausdos nya ang kamay kong iyon pababa sa kamay nya, he entwined our hands together and smiled at me.

"Possessive"

"Ano yun? You know I hate murmuring!" Pagalit kong sabi sa kanya, I don't know what's happening to me!

"I said I'm hungry. Let's buy some food baby girl"

"Okay" naging wild ang puso ko sa "baby girl". Kinalma ko ang sarili ko at sumabay sa paglalakad nya.