Chapter 25

"Alam mo feeling Coltrane likes you" sabi ni Amerie habang nakapamewang

"Anong like ka dyan? That's so impossible, may gusto syang iba"

"And that's someone is you, I've never seen him like that, yung may binubuntutang babae, and the way he treats and look at you, wala kang nararamdamang espesyal doon?" Natahimik lang ako at sinubukang i-assess ang sarili ko at ang sinasabi nya.

"Kung ano anong sinasabi mo, Amerie, napapaisip tuloy ako. Coltrane and I are just friends. Prinomise nya sa akin na ipapakilala nya sa akin ang babaeng gusto nya."

"Bahala ka, Azrielle. Try to observe, wag lang si Eros ang lagi mong pansinin, pansinin mo rin yung taong laging andyan para sa'yo, baka mamaya hindi lang pala kaibigan ang turing sa'yo" umirap lang ako at humalukipkip.

"Sa'yo na. Alam ko naman nagseselos ka lang eh, magkaibigan lang kami. Period" pagkukumbinsi ko sa kanya, nagkibit balikat lang sya at di na nagsalita.

Ako? Magugustuhan ni Coltrane? Imposible!

Iniwan na ako ni Amerie dahil may klase na sya, nag headset ako at nakinig sa music. Papikit na ako nang may gumulat sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan ng tingin ang kupal sa buhay ko.

"Bakit ka mag isa? San na yung kaibigan mo, yung Mary?"

"Amerie" pagtatama ko sa kanya.

"Oh basta yung kaibigan mo, may klase?" Tinanguan ko sya. I looked at him intently, nagtaas baba ang adams apple nya. Pinilig nya ang ulo nya at tumitig din sa akin.

Parang nagkaroon ng rambol sa sistema ko. Parang may mga kung ano sa tyan ko.

He tucked a strand of my hair behind my ear, walang pasabing sumandal sya sa akin. Napasinghap ako at lumunok, my hear went crazy.

Hindi ko alam kung bakit ganito na ang nararamdaman ko, lagi namang syang sumasandal sa akin ng ganito pero bakit ngayon iba na ang epekto?

"Tara hanap ng vacant room, inaantok ako" tumayo sya at inayos ang mga gamit ko.

Huminga ako ng malalim para alisin ang awkwardness na nararamdaman ko. Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko? Hindi naman dapat!

Isinukbit nya ang kamay ko sa braso nya, nag-init ang pisngi ko habang naglalakad kami.

"Ano bang nangyayari?" I silently asked myself. Patago kong kinurot ang sarili ko, napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa braso nya, hinila ko iyon at nilagay sa likod ko.

"May problema ba?" Nag aalala nyang tanong, umiling ako at pumeke ng ngiti. Kinuha nya ulit ang kamay ko at sinukbit nya muli sa braso nya.

"Hawak ka lang, para payapa ako" hindi ko narinig yung huling sinabi nya dahil tumunog ang cellphone ko.

Nag text si mommy na baka gagabihin sila nila Tita Yana, magpasama nalang raw muna ako kay Coltrane. Tinignan ko sya na binabasa ang text sa kanya.

"Nag text mommy mo, samahan kita mamaya"

"No, kaya ko na. Nakakaabala na sa'yo eh" naningkit ang mata nya. Binuksan nya ang pinto ng room na bakante at pinaandar ang aircon.

"Never kang magiging abala sa akin." Umiling ako.

"Kaya ko na. Don't worry" he bit his lip and scrutinized me.

"Okay, call me if you need something then. Ihahatid kita mamaya para masiguradong safe ka."

"Okay." Maikli kong sagot. Yumuko ako sa desk at pumikit. Ano ba 'tong nararamdaman ko, bakit ba ganito?

"Sarado mo pinto, okay? Text me" paalala nya bago umalis. Sumandal ako sa pinto at bumuga ng hininga. Naihatid nya na ako dito sa bahay.

"Kainis kasi si Amerie, kasalanan nya 'to! Ano ba, Azrielle! Stop with the awkwardness!" Saway ko sa aking sarili. Nag inhale exhale ako saka dumiretso sa kwarto.

Pinainit ko lang ang pagkain na iniwan ni Mommy. Nanunuod ako sa sala habang kumakain nang makarinig ng mga kaluskos.

Noong una hindi ko pinapansin, nang may tumunog ulit napaayos ako ng upo at sinubukang wag pansinin muli pero nang biglang bumukas ang pinto sa guest room, napatayo na ako at kinalkal ang cellphone ko sa bag.

"Hello? I- I n-eed you here." Kinakabahan kong sabi. Ginagala ko ang mata ko sa paligid habang sumisiksik dito sa couch.

"Anong problema? Wait for me, are you okay?" Narinig ko ang pagsara nya ng pinto at pagpapaandar ng sasakyan nya.

"Azrielle, anong nangyayari?"

"May kumakaluskos eh, and the door from the second floor opened!"

"Okay, lakasan mo muna TV mo. I'll be there as fast as I can, don't drop the call, baby girl"

Nilakasan ko ang TV at niloudspeaker ang tawag, makalipas ang limang minuto namatay ang tawag, nataranta ako at tumawag ulit pero hindi na sya nakasagot.

Napatili ako nang marinig ang tunog ng nahulog na stainless basin. Naglakas loob akong tumayo at silipin ang kusina para i-check kung may nabasag ba o may natapon.

Lumunok ako at unti-unting sumilip sa kusina. Walang tao, wala namang kung anong magiging dahilan para mahulog yung basin, pinulot ko iyon at nilagay sa pinakagilid para hindi na muling mahulog.

Napatili ulit ako nang mapalingon ako at nakita si Coltrane na pinapasadahan ng daliri ang kanyang buhok.

"Anong nangyari? Are you okay? Are you hurt?" Sunod sunod nyang tanong. He cupped my face and checked on me.

My heart flip flopped when he hugged me. Natameme lang ako habang yakap yakap nya, parang nabura ng yakap na yun ang takot ko kanina.

"Stay here, libutin ko lang bahay. Here, hug this" inabot nya sa akin ang teddy bear na binigay nya sa akin noong tenth birthday ko.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa text ni mommy. Nagpasabi sya na hindi sila makakauwi dahil nasiraan sila sa daan at nasa talyer ang sasakyan.

"Your mom called me, do you want me to stay here? O sa bahay ka na ulit?" Saturday bukas, I can stay there.

Sinabi ko sa kanya na doon na lamang ako sa kanila. I can't stay here, natatakot pa rin ako. I packed my things at siniguradong nakasara ang mga pinto.

"Hey" hinila nya ang kamay ko. "Is there something bothering you? Tahimik ka masyado eh, kung yung nangyari sa loob wag mo na yun isipin, andito na ako okay?"

Humawak sya sa pisngi ko, at tumingin sa mga mata ko.

"Sana talaga hindi na ako pumayag na iwan kang mag isa kanina. I'm sorry for leaving, hindi na kita iiwan ulit, kahit pa paalisin mo ako, kahit pa awayin mo ako, I'll stay. Cheer up na please? Smile?"

Ngumuso sya at hinintay na ngumiti ako. I smiled shyly which made him smile too. Dumampi ang labi nya sa ulo ko at niyakap ako ng mahigpit.

The butterflies in my stomach went wild, hindi ko nga sigurado kung paru-paro ba yung mga yun? Hindi ko rin alam kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon? Its driving me insane!

Tahimik lang ako sa byahe habang sya naka focus sa pagdadrive. Susubukan nyang magsalita pero bigla din syang tatahimik.

"Hindi ako sanay na tahimik ka, so please magsalita ka naman, ano may problema ba tayo?"

"W-wala. Shocked pa rin ako, sorry"

"Hey, hindi mo kailangan magsorry okay? Sorry for leaving. Gusto mo ice cream, milktea, fries, burger? Tell me, anong gusto mo?"

Na matigil yung pag iisip ko na may gusto ka sa akin!  Iyon ang gusto ko! Pag nakita ko talaga si Amerie, sasabunutan ko iyon, pinollute nya utak ko. Kainis!

Hininto nya ang sasakyan sa tapat ng isang mall, humawak sya sa kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Breathe in" nag breathe in ako. "Breathe out" ilang beses naming inulit iyon hanggang sa napangiti nya na ako.

"Okay, so anong gusto ng pinakalove kong bestfriend, come on tell your pinakakupal na bestfriend" natawa ako sa sinabi nya at kunwaring nagisip.

"I want Ice cream... milktea... fries and burger" natawa nalang kaming dalawa bago sya nag maneho papasok ng mall para bilhin ang lahat ng gusto ko.