Chapter 24

Ilang araw na akong inaaya ni Eros mag lunch, ganun pa rin, tahimik pa rin, not the usual maingay lunch that I'm used to with Coltrane, isa pa gusto ko talaga na magkatabi kami kumain.

"Oh, bakit di ka sa tapat ko?" tanong Eros nang tumabi ako sa kanya at may bitbit na sariling tray ng pagkain.

"Wala lang"

"Awkward ba pag magkaharap?" kunot noo nyang tanong. "O ayaw mo akong kaharap?"

"Ahhh, ehh, I like this spot kasi" palusot ko. Tumango lang sya at umakmang tatayo "Ako na lilipat" pigil ko sa kanya, binuhat ko ang tray ko at umupo sa tapat nya.

"Very well. Okay, eat your food now" he sounded so commanding, para akong bata na dapat laging susunod sa kanya.

Inisip ko tuloy na Eros will be a control freak kind of a dad sa nga anak namin, kaya sana maayos nya pa. Wow, anak agad, but syempre mangangarap ka na nga di pa lulubusin diba?

Hindi rin mawaglit sa utak ko yung tanong kung bakit gusto ko si Eros, kung bakit attracted ako sa kanya.

Nagpaalam sya nang makatanggap ng tawag, pumayag naman ako dahil sa totoo lang wala akong gana kumain.

May tumikhim sa likod ko, napanganga ako nang maramdaman kong dumampi ang labi nya sa pisngi ko, lalo na dahil andito na sya.

"Coltrane? Oh my gosh!" Yumakap ako sa kanya, at tumingala para suriin sya ng mabuti. Sya ba 'to? Si Coltrane na ba 'to?

"Kailan ka pa dumating?" Humalakhak sya at yumakap sa akin kasabay ng paghalik nya sa aking noo.

"Kaninang madaling araw, nag rest lang ako, andito ako para sunduin ka uwian mo na after this right? Nakipag lunch ka lang kay Eros" ngumuso ako at tumingin sa pagkain kong halos hindi pa nagagalaw.

"Kumain ka na ba? Sabayan mo ako kain, please?" Kunot noo syang tumango sa akin na para bang may gustong itanong.

"Sige, I'll just buy some food" tumango naman ako at pumwesto na sa aming table.

Ahhh, I'm so happy he's finally back, nilingon ko sya habang bumibili ng pagkain nya.

"Nakabalik na pala sya! Ang gwapo talaga ni Coltrane!" Rinig kong sabi ng babae sa kabilang table.

"Girl, I heard he's still single"

"We'll never know. Kelam ba natin nalaman na may dinate yan? Parang wala naman. Baka magaling lang magtago, ang swerte naman ng magiging girlfriend nya. Oh my gosh, nakatingin sya sa akin"

"Girl lalapit sya!" Kilig na kilig na sabi ng isang babae, napakapit pa sya sa kasama nya hmp!

Ngumuso lang ako habang pinapakinggan ang mga babae, nakakairita. Anong nakatingin? Anong lalapit? Sakin sya pupunta!

"Hi Coltrane" sabay nilang bati, he flashed his usual sardonic smile and said hi. Nagpacute din, kainis!

"May table ka na?" Alok nung isang babae.

"Yeah, thanks anyways" he winked making them giggle. Napairap ako sa kawalan at tinuon ang atensyon sa pagkain ko.

"Bakit ka nakasimangot dyan?"

"Wala, nakakairita yung mga taong pa cute" sabay irap ko. Umupo sya sa tabi ko at binaba sa table ang carbonara at wintermelon milktea nya.

"Bakit ka ba irap ng irap?" He blurted out after minutes of silence.

"Sila kasi eh! Pacute!" Napatahimik ako nang marealize na napalakas ang pagkakasabi ko. Nagpigil sya ng ngiti at umiling.

"Are you jealous?"

"Ako? Nag seselos? Ako? Ha? Asa"

"So bakit ka nga ganyan?" Pangungulit nya.

"Naiinis nga kasi ako!" humalukipkip ako at umirap. Kunti nalang talaga maiinis na rin ako sa kumag na 'to.

"Ano bang ginawa nila? Sino ba?"

"Wala. Bwiset!" humalakhak na sya na nagpakulo lalo ng dugo ko.

"Tinatawanan mo ba ako?" masungit kong tanong. "Hindi! Bakit ka nga nagkakaganyan?"

"Kasi nga nagpapacute sila sa'yo!" Mas lalong lumakas ang tawa nya, he suddenly wrapped me around his tight hug and snuggled his nose on my neck.

"Ang cute mo magselos, sa'yo lang naman ako basta akin ka lang"

"Anong sa'yo? Anong akin? Ulol ka" humalakhak lang sya nang kumalas ako sa yakap nya. Humawak sya sa ulo ko at humalik doon.

"Cute mo, kain nalang tayo." Kumain ako ng mabilis para makaalis na sa canteen na 'to, daming nakakairitang tao.

"Yehey, akin talaga 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa nike cortez na dinating nya, alam na alam nya ang size ng paa ko.

"Kanino pa sana?"

"Aray naman" hinawakan ko ang noo kong pinitik nga. Kung baugin ko kaya 'to?

"Sa nililigawan mo?"

"Nabigyan ko na" he answered nonchalantly.

"Talaga? Wow ano binigay mo?" Perfect fit sa akin ang sapatos na binili nya, ang galing talaga ng Coltrane ko, kaya best friend ko 'to e.

"Sapatos. Nike cortez"

"Ay parehas kami? Ano color nung kanya?" I pouted, ayaw ko kasi ng may kaparehas.

"Mas maganda yung iyo, plain lang yung kanya. Don't feel sad about it, alam kong ayaw mo ng may kapareha, nasa nag susuot naman yan"

"Talaga lang ah? Bolero ka talaga, pero thank you dito ha? Love na love mo talaga ako. Pa kiss nga" shock was written all over his face when I kissed his cheek.

I took a picture of my new shoes and posted it on my instagram. I even tagged Coltrane.

"Uy ano na? Naestatwa ka dyan? May masakit sa'yo?"

"U-uhh w-wala. Tss"

"Coltrane, kailan mo ipapakilala sa akin yang love of your life mo?"

"I don't know. Bahala na, basta isang araw you'll meet her."

"Bakit? Natatakot kang sabihin ko na wag kang sagutin ano?" He carresed my head and wrapped me into a hug.

"No, baka mag selos ka eh. Lika na, I'll drive you home"

"Girl, narinig mo na ba yung usap usapan? Nag halikan daw kayo ni Coltrane?" Kakaupo ko palang may chika na agad si Amerie, saka ano daw? Naghalikan kami ni Coltrane? Freak!

"Ano? Nahihibang na ba nag sabi nyan? Saang kalye nila nakuha?" Nagulat pa ako nang sipatin ako ni Amerie pagkadating ko, saan ba nila nakukuha yang mga balitang yan?

"Noong nakaraan, noong dumating si Coltrane. Hmmp, selos ako!"

"Gaga! Sa'yo na noh! Di yan totoo. Chika lang" Umupo ako at nag soundtrip muna sa aking phone.

"Yun si Coltrane oh" turo ni Amerie sa paparating na kupal

"wait lang, Amerie"

"Hoy Montreal, halika nga dito saglit" kinawayan ko sya ng pagalit. Tinuro nya ang sarili nya na parang tinatanong kung sya tinatawag ko. Chupol ba 'to?

"Ako ba tinatawag mo ha, Azrielle?"

"Tarantado ka ba? Ikaw lang naman Montreal sa daan ah" niyakap nya sa akin ang isa nyang braso nya at ginulo ang buhok ko gamit ang isa nya pang kamay.

"Omg girl, confirmed! Sila nga yata, balita ko nag halikan daw sila sa school" rinig kong tsismis ng babae malapit sa amin, sinipa ko si Coltrane dahilan para mapalayo sya sa akin habang tumatawa.

"Ikaw! Sinong nag sabi sa'yo ng tsismis na yan? Etong lalaking 'to? Hahal--

"Yep, we kissed. And so? I love how her mouth tastes." Nagpumiglas ako sa pagtatakip nya sa bibig ko, anong pinagsasabi nitong kupal na 'to? Ahh, naiinis na ako!

"Joke lang, but I just want to let you know ano naman kung nag halikan kami diba? Its none of your business, get a life and back off!"

"Hoy di kami nag halikan!" Sigaw ko nang matanggal ko ang kamay nya sa bibig ko. Humalakhak naman si Coltrane, siniko ko nga.

"Yang mga fangirls mo ah"  ngumisi lang sya.

"Hayaan mo lang, hindi naman totoo eh so just shrug it off."

"Its so easy for you to say that, lalaki ka kasi. It would never be an issue for you"

"Issue din sa akin yon, kasi nai-issue ka. Pero lilipas rin yan, bukas may bago na naman silang tsismis"

"Sige na, pasok na ako. Naalibadbaran lang ako sa pagmumukha mo" pagsusungit ko sa kanya.

"Pa kiss nga" hirit nya. Oh my God, naalala ko na! Ako yung humalik sa kanya ng araw na yun bilang pa-Thank you sa kanya! Ngumisi sya at ginulo ang buhok bago ako tinulak papasok ng classroom.