Chapter 23
"Alam mo feeling ko kupal ka masyado kaya hindi ka nya gusto" masungit kong sabi sa kanya, inuumpisahan nya na naman kasi ang pang aasar nya sa akin.
Binabawi ko na, malas magiging girlfriend ni Coltrane. Lakas mang badtrip.
"Feel ko din" humalakhak sya. "But she'll miss me for sure kapag nawala ako"
"Bakit? Aalis ka?" takang tanong ko sa kanya.
"Yep, for a week lang naman. I have to visit Mamita in spain."
"Mamita? Si Mami Lola?" Tumango sya. "Bakit?"
"She's sick. Wala pa si Tito Ronaldo so I have to check on her for a week" nalungkot ako bigla lalo na at close kami ni MamiLa, iyon ang tawag ko sa kanya. Mamita naman sa kanya.
"Can you kiss her for me?" he wiggled his eyebrows for his answer.
"San na?" Tanong nya.
"Anong saan?" nagtatakang tanong ko.
"Yung kiss na ipapasa ko kay Mamita?" Nag init ang pisngi ko sa narinig. Ngumuso ako at umirap.
Bumuntong hinga ako nang ilapit nya pa ang pisngi nya sa akin. Inangat ko ang ulo ko at nilapat ang labi ko sa pisngi nya.
Oh shit, that electrified me, made my heart thump harder and faster. Napapikit sya at tumingin naman ako sa malayo.
Babangon na ako nang bigla syang yumuko, tila tumigil ang mundo ko nang lumapat ang labi ko sa labi nya. My eyes widened in shock, maging sya ay nagulat din.
I lost it when he closed his eyes and carressed my face. This feels so weird, so wrong and right at the same time.
Napasinghap ako nang ang labi nya ay humalik sa noo ko.
"I guess thats you saying Ingat ako sa byahe" nagdilat ako ng mata and he's so... Red.
I didn't say a word, gulat pa rin ako anmt nahihiya. Tumayo na ako at tumayo na rin sya.
"Pasok ka na sa sasakyan, ako na bahala dito" aniya. Patakbo kong tinungo ang sasakyan. Minura ko ang sariki ko nang makasakay.
"Gaga, wala na first kiss mo" kinurot ko ang aking sarili at ilang beses na humugot ng malalim na hininga.
"Seatbelt" aniya. Para akong nabingi at wala sa wisyo. Ngumiti sya at lumapit sa akin, tumigil ako sa paghinga at tumambol ang puso ko.
Inabot nya ang seatbelt at kinabit iyon. Ang bigat ng pag hinga ko, hindi ko alam kung bakit.
Nagsimula syang magmaneho, pareho lang kaming tahimik, walang musikang tumutugtog sa stereo. Nakakagat sya sa labi nya, napakagat din ako? Hindi ko alam kung bakit?
"Good night" paalam nya sa akin, sa wakas tapos na rin ang pinakatahimik na byahe na naranasan ko sa buong buhay ko. Kulang nalang pati paghinga pigilan ko.
"Uhhh, good night din. Ingat ka" mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng gate.
Ano yun? Bakit ganito ang puso ko?
Pabaling baling ako sa kama, hindi ko alam kung sa kaliwa o kanan ako haharap. My lips feels so foreign, parang may labi pa rin na nakalapat sa labi ko. I still feel the warmth of his lips.
"Azrielle, ano na? Alas dose na!" Sita ko sa aking sarili, napamura ako nang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag sya. Tumatawag si Coltrane.
OH MY GOSH!
I cleared my throat and fanned my face. Whoo, ano ba 'to? Bakit ganito? Sinagot ko at pasimpleng bumuga ng hangin.
"Why are you still up, Azrielle?" Bungad nya.
"Eh kasi tumatawag ka!" pagsusungit ko, he chuckled on the other line. I can even imagine him laughing. Sinaway ko ang utak ko dahil naiisio ko syang tumatawan
"I just want to hear your voice before I get in the plane. Nag baka sakali lang, did I disturbed your sleep?"
"Aalis ka na?" Nahimigan ko ang lungkot sa aking boses. Ang bilis naman nya umalis.
"Yes, anong gusto mong pasalubong?" Lumambing ang boses nya sa kabilang linya. Rinig ko na rin ang pag sasalita ng captain ng eroplano nila.
"Anything" simple kong sagot. "Ingat sa byahe"
"Alright, I have to go now. Ingat ka dyan, sorry I can't fetch you this morning. Dalhin mo muna kotse mo, okay?"
"Okay"
"Good night, Azrielle" he ended the call. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakalabi. Walang kukupal sa akin bukas, I should be happy right? But I feel so sad.
"Oh te, ba't parang pinagkaitan ka ng mundo? " nakatalumbaba ako sa table habang antok na antok.
"Wala naman. I'm just sleepy" yumuko ako sa desk at nag attempt na matulog.
"Hmp. Hindi ko pa nakikitang dumaan si Coltrane" napaangat ako ng ulo at simangot. Bakit nya pinaalala sa akin ang kupal na yun? Amerie, bakit?
"Wag ka nga maingay, puyat ako" sita ko sa kanya.
Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog na pala ako, buti nalang at nag bigay lang ng research assignment ang prof namin.
Pupungas pungas pa akong lumabas ng room, napatigil ako nang tumama ang ulo ko sa dibdib ni Eros.
"Eros?"
"Tara lunch?" Napanganga ako lalo na nang he flashed a smile. Pero teka, inaaya nya akong mag lunch?
"Lunch?" ulit ko. He nodded his head and turned his back on me, pero agad nya rin akong nilingon muli.
"Tara na, Azrielle" ngumiti syang muli at nagsimulang maglakad. Hanggang sa canteen ay hindi pa rin ako makapaniwala, totoo ba 'to? Inaya ako ni Eros mag lunch?
"Eros, may nakain ka ba?" Tanong ko, kasi kung oo araw araw kong ihahain ang pagkain na yun sa kanya.
"Wala pa nga eh, I'm so hungry" nakangiti nyang sabi. Ngumingiti sya! Hay, Lord!
Kaharap ko syang kumain, it felt so awkward, parang hinanap ko tuloy ang katabi ko kapag kumakain. Si Coltrane. Isa pa ang tahimik ni Eros, matagal na syang ganito pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap kumain nang kami lang.
"So kamusta naman?" I broke the awkward silence. Matagal bago sya sumagot dahil ngumunguya pa sya.
"Okay lang naman. Finish your food and we'll talk" he smiled, pero hindi ko naramdaman ang sinseridad sa ngiting iyon.
I sighed and stuffed my face with food, ang tabang ng panlasa ko, ang tahimik naming dalawa. God, this is so awkward. Nilingon ko ang tabi ko at napanguso, I wish he's here, sana kinukupal nya ako.
"Oh kamusta? Kumain ka ba ngayon? Hindi ka ba nalate?" He video called me, its 7 am in Spain, mukhang kakahilamos nya lang.
"Okay lang, Eros, he asked me for lunch" kwento ko, he licked his lips and brushed his hand through his tousled hair.
Naalala ko na naman ang labi nya, ahhh!
"Ang saya saya mo siguro, nakapagpigil ka ba ng kilig?" mapangasar syang ngumiti at umupo sa table.
"Uhh, yeah. Kamusta si MamiLa?" Nakita kong naglagay sya ng milk sa cereal nya. "Bakit cereal lang?"
"Hindi ako nagpaluto for breakfast, Mamita is fine, baka makauwi na sa isang araw." napangiti ko lalo na dahil nagsasalita sya habang kumakain.
The lunch with Eros went fine but silent, hindi na rin naman kami nag usap kahit pa sabi nya ay mag uusap kami, natahimik nalang ako hanggang sa mahatid nya ako sa classroom.
"Wala kang klase?" napatingin ako sa phone ko nang magsalita syang muli, umiling lamang ako, isang oras pa bago ang klase ko, wala kasi si Mrs. Gallo.
"Okay sige, kukupal muna ako bago ako pupunta kay MamiLa" he smiled at me and it warmed something inside me. God, I miss my kupal.
"Sige na, may klase na ako, yung kiss ko kay MamiLa ha? Wag mong kakalimutan, tell her I'll pray for her and I miss her"
"Alright, ingat ka habang wala ako" he waved his hand before I ended the call.