Chapter 22

"Hi ate bait, Kuya Idol" bati nila sa amin, kumaway naman ako habang si Coltrane ang nakipag high five sa kanilang lahat. They are all close to him, habang ako ay kinikilala pa lamang nila.

Finollow up ko kay mama ang mga gamot at iba pang pwede namang maiabot sa kanila at sabi nya next week pa ang dating ng mga iyon.

Dumaan pa kami ng jollibee para mag take out ng kiddie meal and buckets of chickens. May dala dala rin syang boxes na hindi ko alam ang laman, he even used their hilux dahil walang mapaglalagyan sa kanyang sasakyan.

"Kuya idol, meron na ba yung bola ko?" tanong ni Buknoy, humalakhak si Coltrane at ginulo ang buhol ng bata.

"Andyan na ser, pero pila muna" agad agad naman silang pumila ng maayos. Ako ang nag abot ng kiddie meal habang si Coltrane ay mga laruan na sya palang wish ng mga bata.

He's really a great guy, and I know he'll be a great daddy soon. His smile melts me, enjoy na enjoy nya ang pakikipaglaro sa mga bata, at kakaiba ang awra nya kapag niyayakap sya ng mga ito para magpasalamat.

Drinibble dribble agad ni Buknoy ang bagong bola nya na may malaking check, kumikislap sa tuwa ang mata nito, lahat silang mga bata na may hawak na bagong bagong mga laruan.

"Maraming salamat ho ser, hindi ho namin sila kayang bilhan ng mga ganyang mamahaling libro" pasasalamat ng ina ni Lelay na nakatanggap ng educational book set.

"Walang problema nay, basta kapag may problema wag kayong mahihiyang lumapit"

Pinapanuod ko lang silang mag usap, silently thinking of ways kung paano ako makakatulong sa kanila.

He squatted right in front of me and pinched my nose.

"Anong problema mo dyan? Si Eros? Wag mo muna isipin" he smirked habang inaayos ng upo sa tabi ko.

"No, iniisip ko kung paano ako makakatulong sa kanila" umakbay sya at hinaplos ang buhok ko.

"Kahit presensya mo lang tulong na yun sa kanila, your presence makes them happy, and money can't buy real happiness. Well except food, because food is real happiness" napalakas ang halakhak ko sa sinabi nya, I suddenly felt awkward when I realized they are all looking at me, I pressed my lips together, mga ilang segundo lang ay humalakhak na silang lahat.

"See? You made them laugh. Kahit di nila naintindihan kung ano yung sinabi at tinatawanan mo" He ruffled my hair and pinched my cheek.

Tahimik lamang akong naghahanap online ng mga magagandang damit para sa mga bata habang si Coltrane ay nakikipag basketball sa kanila.

Sa gilid ko naman ay naglalaro sila Lelay at Sam, gamit ang bagong lutu-lutoan set na natanggap nila.

"Ulo! Ulo!" Nagpanic ako sa sigaw nila, huli na para makaiwas sa paparating na bola. Yumuko ako at hinintay nalang na tumama ito sa ulo ko, kesa naman sa mukha ko no!

I hate balls!

"Kuya Idol!" Rinig kong tawag nila, nag taas ako ng ulo at nakita sa Coltrane sa harap ko at hawak hawak ang kaliwang pisngi nya. Dinaluhan sya ng mga bata at tinanong kung okay lang ba sya, habang ako in state of shock pa din.

Nang matauhan ako ay lumapit ako sa kanya at humawak sa magkabilang pisngi nya.

"Okay ka lang?" nag aalala kong tanong. Humawak sya sa kamay ko at tumango.

"Ayieeeeee! Yun oh!" Kantyaw ng mga bata, natawa nalang kaming dalawa.

"Aray naman Azrielle, wala bang with love dyan?" umiiwas na sya nang magbalak akong idampi ulit ang yelo na hawak ko sa mukha nya.

"Tiisin mo kasi, hindi naman madiin eh!" pagsusungit ko sa kanya. "Sinusungitan pa ako, ihipan mo din kasi! Mahapdi nga" aniya. Lumapit ako, humawak sa pisngi nya at hinipan ang gasgas nya.

I sighed and blew his face again. His jaw clenched and he's avoiding my gaze.

"Thank you pala, baka kasi ako natamaan kung hindi ka humarang" tumango lamang sya. "Okay na yan, galos lang and bukol. Nothing to worry about"

"Halika na, uwi na tayo" aniya. "O daan pa tayo sa cliff?" Humawak sya sa kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan.

"Gwapo pa din ba Buknoy?" nag pogi sign sya sa bata, pero yumuko lang si Buknoy. "Sorry po kuya Idol"

"Anong sorry? Lika nga" kinarga nya ang bata, pinunasan nya pa ang luhang pumatak sa mata nito.

"Hindi ka dapat mag sorry, naglalaro tayo diba? Walang may gusto nun, okay lang si Kuya Idol, pogi pa din naman" humalakhak sya which warmed my heart.

Pinanuod ko lamang sya habang nag uusap silang dalawa, nang tumahan na ang bata ay binaba nya na ito at pinauwi. I faced him and tapped his shoulder.

"You'll be a great dad" he smiled at me and ruffled my hair. "You think so?" He asked, I nodded my head.

"Mahapdi pa?" Sabay hawak ko sa galos nya, he flinched and tried to avoid my touch. Masakit pa nga.

"Thank you ulit" I closed my eyes when he suddenly pressed his lips on my head. I heard nothing but the loud sound of my heart beats.

"Diba sabi ko sa'yo poprotektahan kita?" napangiti ako sa kanya at sumandal sa braso nya.

"Eh paano kapag si Eros ang nanakit sa akin?"

"I'll break his bones" he cracked his knuckles. I winced and slapped his arm. "Bakit? E sinaktan ka eh, alangan apiran ko sabihan ko Good job?" Umirap ako kahit hindi nya nakita.

"Eh paano kapag ikaw nanakit sa akin? For your information lang naman sir, ikaw lang nagpapasakit sa ulo ko simula bata pa lang tayo, kupal ka ng buhay ko eh"

"Hindi ko alam, baka hindi ko mapatawad sarili ko. Saka yung pagkukupal ko sa'yo wala naman yun, nagpapapansin lang ako sa'yo, saka ganun na ako simula bata tayo di ka pa nasanay"

"Do you see yourself without me? Yung walang kumukupal sa'yo?" Bigla nyang tanong, napaisip ako hanggang sa napakibit balikat.

"Hindi ko sigurado, di ba nga six years din naman tayong di nagkita." He sighed "Okay lang naman na hindi tayo magkita, basta yung friendship natin andun pa rin. Syempre kapag naging kayo nung girlfriend mo for sure mas madami kang time sa kanya, pag nagkaroon na tayo ng sariling pamilya e di mas focus tayo dun" Ngumiwi ako para mag isip pa ng senaryo.

"Saka kapag nagmature na tayo ng sobra baka di na tayo ganito kaplayful, di ka na kukupal sa akin ganun. Baka jokes nalang" tumikhim sya at umakbay sa atin.

"Tingin mo sinong mauuna sa ating mag asawa? Feel ko ikaw" Humalakhak sya sa sinabi ko, his laughs were like music to my ears.

"Sabay tayo" aniya, nilingon ko sya at agad din naman syang tumingin sa direksyon ko.

"Talaga? Do you think its possible? Hindi kaya sukob?" Mas lumakas ang tawa nya, he sniffed my hair and looked at me again. "Its possible, sa iisang simbahan lang tayo ikakasal"

"Sige!" His eyes beamed as he smiled, maganda ang idea nyang double wedding! Tipid kasi yun syempre.

Tumikhim sya at hinaplos ang buhok ko, pinahiga nya ako kanina at pinaunan sa hita nya. I'm watching the night sky habang sya ay ang view sa baba ng cliff, ang city lights.

"Sa tingin mo, mafafall out of love ka kay Eros?" Tumingin ako sa kanya na na ngayon ay nakatingala sa at pinagmamasdan ang mga bituin.

"Siguro? Ewan? Baka? Ang daming pwedeng mangyari, itong nararamdaman ko kay Eros bawat araw umuusbong pero wala pa man nasasaktan na ako, crush palang to ang sakit na"

"Paano kapag may iba si Eros?" napalunok ako, at naghanap ng salitang sasabihin. Paano nga ba?

"Di ko alam, e di congrats? Wala naman akong karapatang magselos" bumaba ang tingin nya sa akin at ang pisngi ko naman ang hinaplos.

"Lahat ng nagmamahal may karapatang magselos, wala ka nga lang karapatang umangkin" he chuckled.

"Bakit hindi mo kasi ligawan?" Tanong ko sa kanya. lumabinsya at bumuntong hininga.

"Kahit anong pagpapapansin ko hindi ako nakikita eh, kahit ako yung nasa harap nya, kahit ako yung kasama nya sa iba pa rin sya nakatingin"

Bumigat ang dibdib ko at naramdaman ang frustrations na nararamdaman nya. I reached for his cheek and caressed it, he lowered his head and close his eyes as I touch his skin.

"Sana balang araw makita nya rin ako" he whispered. "Sana makita nya rin na ako yung nasa harap nya, ako yung nasa tabi nya" he said those words while looking at me, his gaze felt like its piercing my heart.

"Mahal na mahal mo ano?" Tanong ko. Kumislap ang mata nya at ngumiti sya nang bahagya

"Sobra. Matagal na" my heart constricted. I feel like she's so lucky to have someone like him, yung pagkislap ng mata nya nung sinagot nya ang tanong ko? Nakakapanghina. Parang sobrang mahal nya nga ang babaeng iyon.

Minsan kung sino pa talaga yung kupal sa totoong buhay sila yung grabe magmahal.