Chapter 21

Hinila nya ako sa gilid pati na din ang clutch bag ko na nasa table.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang sumusunod sa hakbang nya.

"Thought you wanted to go to the cliff? I was your first and last dance kaya pagbibigyan kitang pumunta sa bangin natin." my face lighted up, tila gumaan ang pakiramdam ko at naexcite.

"But first.... food" ngisi nya bago ginulo ang buhok ko.

"Sana pala nagdala ako pagbihisan, ang lamig dito" naiirita pa ako sa palda ko, nilalamig ako dahil sa slit nya.

"May dala akong p. e pants and shirt, nasa sasakyan. Gusto mo?" Tumango ako. "Close the door" aniya bago binigay sa akin ang susi ng kanyang sasakyan.

Nagtyaga akong mag bihis sa loob ng sasayan, kinuha ko rin ang puting shirt nya, God, his perfume is to die for. Siguro kung boyfriend ko sya ay lagi akong nasa dibdib nya o inaamoy ang kili-kili nya. Ang bango talaga!

Tahimik syang nakaupo sa set-up na ginawa nya, nakatuon ang atensyon nya sa city lights.

"Hey" bati nya nang lingunin ako. "Suits you well. Nilalamig ka pa din?"

"Hindi na masyado" inabot ko sa kanya ang suit nya pagkatapos kong umupo. "Mas kailangan mo yan" aniya, kinuha ko naman ulit at binalot ang sarili nya doon.

Suddenly everything became so peaceful. Masarap sa mata ang mga ilaw sa baba, pag tumingala ka naman ay mga bituin ang makikita. Its like having the best of both worlds.

"Why am I not allowed to drink beer? Ikaw ang magmamaneho ah? Sa'yo dapat bawal." kinuha ko sa ang beer in can na hawak nya na agad nya ring inagaw.

"Hindi pwede, Azrielle"

"Isa lang. Please?" Nag puppy eyes ako sa kanya saka sinandal ang ulo ko sa balikat nya, until I realized na ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa.

His scrutinizing eyes were observing me intently and they are beautiful. He lowered his face and the tip of his nose is touching my cheek, my heart beats accelerated and my stomach is twitching. His lips landed on my temples and he moved away.

"One beer only. Di masyadong gumana pagpapacute mo sa akin" he said smiling, habang ako gulat pa rin, hinahalikan nya lagi ang sentido ko bata pa lang kami pero may naramdaman akong kakaiba ngayon at hindi ko maipaliwanag kung ano yon.

Inabot nya sa akin ang lata ng bagong bukas na beer na syang nagbalik sa akin sa tamang wisyo, ilang minuto din siguro akong nakatitig sa kanya at nag iisip kung ano ba itong nararamdaman ko. I've never felt it before. Yung parang walang mapaglagyan ang puso mo dahil ang likot likot nya sa rib cage mo.

"Why do you like Eros that much?" Lumagok sya sa kanyang beer habang nakatingin pa din sa aming view.

"I don't know, siguro dahil I grew up admiring him. I think I have a hots for guys who are musically inclined"

"Would it fade?" I gave him a puzzled look. "Your feelings for him, would it fade away? Would you fall inlove with someone who's not Eros? Yung wala sa standards mo?"

"I don't know" I shrugged my shoulders. "Siguro?"

"Ikaw, do you have an ideal girl?" his turn to shrug his shoulders. "Kapag nagmahal ka, she'd suddenly became ideal, even if she's flawed. I'm only looking for someone who will love me for who I am, for all I am."

I suddenly felt jealous of that girl. Sumandal ako sa braso nya at bumuntong hininga.

"Kapag nagkagirlfriend ka wala ka ng time sa akin, saka wala na akong kasamang pupunta dito" nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ko. He chuckled and stretched his arm on my back.

"That won't happen. Priorities!" He said.

"Heh, syempre dapat ang girlfriend ang priority." Kumagat ako sa burger ko bago sumimsim ng kaunti sa aking beer.

"But you came first, therefore you should be on top of my list. Azrielle, ikaw lagi ang una para sa akin, kahit never akong magiging una para sa'yo" napatigil ako sa pag bahing, and its so annoying, pero mas namayani sa puso ko ang guilt sa sinabi nya. He cleared his throat and clenched the beer can.

"Sorry, pero di ba lagi naman tayong magkasama?" Tumango naman sya. "Don't overthink, Azrielle. It's a joke" he laughed but his eyes told me he's not really happy.

Natahimik kami ng ilang minuto, ako tahimik na kumakain at sya naman ay umiinom. I think I should stop him from drinking na, kasi kailangan pa nya magdrive mamaya.

"Tama na yan" pinigilan ko sya sa pag-inom, binigay nya naman kaagad. "Okay, boss ka eh" sabi nya. Pinagpag nya ang blanket na inuupuan namin saka sya humiga, tumingin sya sa akin bago tumingin sa ulap.

Hinila nya ako at napahiga ako sa tabi nya, ang mukha ko ay napasubsob sa kanyang dibdib. Tumingala ako at agad nagkasalubong ang aming paningin.

Nabigla ako nang may nakita akong shooting star. Napaayos ako ng higa at umunan ng tuluyan sa braso nya.

"Wow, ang ganda" sambit ko habang binibilang ang mga shooting star na nakikita ko.

"Maganda talaga" tumingala ako at nakita ko syang nakatitig sa akin habang nakangiti, he bit his lower lip before he looked up to watch the stars.

Hindi ko na alam kung nananaginip lang ako na hinalikan ako ni Coltrane sa pisngi bago nya ako pangkuhin nya ako para isakay sa sasakyan. I'm too sleepy kaya kumapit nalang ako sa leeg nya.

"Ang gaan mo, Azrielle. Pinapakain na nga kita ng marami ang gaan mo pa din" his words were not clear to me, my mind is fogged up and sleepy.

"Ha? Ano yun?" malat pa ang boses ko na nangtanong, ibinaba na nya ako at inayos pa ang seatbelt ko.

"Wala, baby" he chuckled before he planted a kiss on my forehead, sinara nya ang pinto ng sasakyan, nag hikab ako at tinuloy ang naudlot kong tulog.

Nagising ako na medyo may kirot sa ulo dahil siguro hindi ako sanay uminom ng alak, nakita ko ang water bottle at advil sa bed side table ko.

Nakita ko ang note na nagsasabing "Drink this for headache- CTM" at may pirma pa ni Coltrane, napangiti ako saka inabot ang tubig para buksan at inumin ang gamot.

Nang mainom ay kinapa ko ang cellphone ko, may mga text mula kay Amerie at Eros.

Ayan na naman si Eros, pinapaalala na naman kung anong nangyari kagabi, agad na tumabang ang mood ko pero binuksan ko pa din ang text nya.

From: Eros my love

Azrielle, I'm sorry for what happened last night. Babawi ako.

I chose to ignore his text, I think I should give myself a pat in the back for that.

From: Amerie Maia

Gaga, congrats! Batch ball king and queen kayo ni Coltrane. Huhu I'm jealous bakla!

From: Amerie Maia

Bakit feel ko crush ka ng crush ko? Huhu :(

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa text ni Amerie, si Coltrane? Magkakacrush sa akin? Impossible. May sinabi sya sa akin na may hinihintay syang babae, kaya imposible talaga.

Pero ang weird ng kabog ng dibdib ko kapag magkasama kami, siguro dahil masaya sya kasama, kahit pa minsan kupal talaga sya sa buhay ko. But I can't imagine my life, my childhood without him. Coltrane is a big part of my life kahit pa halos six years kaming hindi nagkasama. Two months na kami muli magkasama pero pakiramdam ko napunan na ang six years na yun.

I dropped my phone when my phone vibrated, Coltrane's calling. I cleared my throat before answering.

"Hello? Sunday ngayon ah, bakit ka napatawag?" I asked.

"Yup, Sunday. Hindi ka ba sasama? Dadalaw ako kila buknoy" I felt so energetic in an instant.

"Sasama ako!"