Chapter 19
Nagising ako dahil sa alarm clock, sinilip ko ang orasan at alas nueve na ng umaga. Nagulat ako nang makita ang natutulog na Coltrane sa screen ng phone ko.
Hindi nya pinatay ang tawag!
Natigilan ako nang gumalaw sya, bakit kahit tulog ang gwapo nya? Hindi din sya nag snore, ako nga yata ay humihilik pag pagod.
He's so cute, para syang batang natutulog. Pinindot ko ang screen capture sa phone ko, ipopost ko 'tong picture kapag birthday nya.
O kaya ibenta ko sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya? Magkano kaya?
I laughed at my own thought, pero sigurado akong may bibili ng picture na 'to, ialok ko lang. Hehe
"Azrielle" he murmured, narinig nya marahil ang tawa ko. I pressed my lips together to stop my self from laughing.
Pinatay ko na ang tawag at nag inat na, inayos ko na ang kama ko at dumiretso sa banyo. Plano ko mag jogging muna around the subdivision kahit hanggang sa may playground lang.
Para magkasya damit ko mamaya, ang dami kong nakain kagabi. Hehe.
Nang makauwi ay agad akong naghanap ng tubig sa ref at tumingin ng pagkain. Bacon and eggs ang nasa mesa at may note galing kay mommy na namalengke sila ni Ate Tinay, ang househelp namin.
Nag ready na ako for breakfast para mamaya ay makaligo ako ng maaga, mahirap magpaayos ng buhok kapag basa pa ito.
My heart started to pound again just by thinking of Eros, how warm his hands are, the way he guides me with the dance steps and his strong effect on me.
Hindi ko nga alam kung paano ko napipigilan ang sarili ko kapag magkasayaw kami. Siguro dahil natatameme ako kapag nasa harap ko sya.
Napapangiti nalang ako habang kumakain, pascroll scroll lang din ako sa twitter para makasagap ng mga nakakatawang tweets.
Nag huhugas na ako ng pinagkainan nang dumating sila Mommy, balak nya raw mag luto ng patatim para sa lunch. Ugh, another favorite! Kailangan kong magbigay ng espasyo sa tyan ko para sa masarap na patatim.
Can't stop eating!
Ala una na nang lumabas ako ng kwarto, nakatulog ako pagkatapos kong mag blow dry ng buhok. Sakto namang naghahanda sila mommy para sa lunch.
"Oh hija, mabuti naman at nagising ka na. Andito na mga mag-aayos sayo, nasa may pool area lang" tumango ako kay mommy at pumwesto na ng upo para makakain, mga ilang saglit lang ay kasama na ni mommy ang mga tinutukoy nyang mag aayos sa akin.
Si Inay Melvin ang syang mag mi-make up sa akin at ang kasama nyang si Ate Denisse, Denisse pag wala si Tatay, Adonis pag meron si Tatay.
"Patingin nga ng damit mo bebe" sabi ni Inay Melvin, nagpaalam akong papanhik sa taas para kunin ang mga gamit ko.
"I like this" nagpalipat lipat ang tingin nya sa akin. "Simple lang ang hair at fresh lang ang make up look mo. Kasi autumn ang design ng damit mo, dapat fresh fresh lang."
"Okay, I trust you Inang" ngumiti sya sa akin at pumalakpak. Hindi ako nabored habang inaayusan nila ako, paano ba naman ay ang dami nilang baon na jokes.
"Dapat may matibay na primer para hindi lapotchi" aniya, lapotchi is lapot or para hindi mapawis.
"Susunduin ka naman ba ng Prince Charming mo?" Usisa nya sa akin habang nilalagyan ako ng blush. Umiling ako ng bahagya.
"Busy sya, isa sya sa organizer kasi officer sya eh" nagtaas sya ng kilay at napanguso.
"No one is too busy for the one you love anak, you make time for them"
"Eh inang hindi naman kami, crush ko lang sya"
"Ay bongga mamang, partner ang crush nya!" Tili ni Ate Denisse. Kinilig ako sa reaksyon nya, bongga talaga yung pagkakataon na makasayaw mo ang crush mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko the moment na maghawak kamay kami!
Simple lang talaga ang ginawa nila sa akin, but I liked it ng sobra. Nakaponytail ang buhok ko at may curls sa dulo. Fresh fresh naman ang make up.
"Oh, pak! Bulag ang crush mo pag hindi sya nagandahan sa'yo!" Napangiti ako sa kanilang dalawa saka ko tinitigan ang sarili ko sa salamin, ang ganda ko, mukhang fresh na fresh ako.
"Thank you Inay, Ate!" Beso ko sa kanila. "Oh halla panhik na sa itaas at makapagbihis na. Five thirty na!" Agad akong tumalima pataas sa kwarto para maghanda.
Nag spray ako ng pabango sa katawan ko at sa damit ko. Nag apply din ako ng body lotion, wag lang sana magbasa ang kamay ko mamaya, dahil kapag naglolotion ako ay nanlalamig ang kamay ko at namamasa, lalo kapag kinakabahan. Hindi kasi ako sanay mag lotion.
Dahan dahan kong sinuot ang damit ko, ilang beses ko sinipat ang sarili sa aking life sized mirror. I look so pretty!
Naghanap ako ng accessories sa drawer ko, kahit rings at earrings lang. Naghanap ako ng simple at iyon ang sinuot ko. Pumili din ako ng clutch na babagay sa damit ko.
Naglagay ako ng pang retouch na pressed powder, tint, hanky, small sized na perfume yung nasa atomizer lang saka bills sa aking clutch. Pinagkasya ko na sila kasama ang aking phone.
Nagulat ako nang paglabas ko nang pinto ay nakahalukipkip si Coltrane sa may Hand rail ng hagdan.
Damn.
He look so dapper with his get up, pero hindi sya sinuot ang puting suit na pinakita nya kagabi.
Pero bagay nya ang suot nya ngayon, ang gwapo nya sa paningin ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
"I told you yesterday that I would fetch you, wala namang maghahatid sa'yo. I won't allow you to ride uber or grab or taxi either"
Kita mo 'to? Daig pa ang tatay ko. Napangisi lang ako at bumaba na sa hagdan, habang sya ay nasa likod ko at nakasunod.
"Damn, Fuck Montreal" hindi ko marinig ang maigi ang binubulong nya sa likod ko. Is he humming?
"Anong binubulong mo dyan?" Walang lingon likod kong tanong, baka mahulog ako sa hagdan lalo pa at ang taas ng takong ko.
"Just chanting, beautiful lady" my heart pounded, eto na naman po sya, eto na naman yung hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
"Oh akala ko ba hindi ka masusundo ng date mo? Ang pogi anak ah, pwede mo kami ipakilala?" Sabi ni Inang na nasa lanai at may kinakaing sandwich.
"Sya na ba ang mister right na icing sa ibabaw ng cupcake mo? Taray!" Baklang bakla na sabi ni ate Denisse. I heard Coltrane chuckled from my back.
"No, he's my bestfriend lang. This is Coltrane, Kupal, this is ate Denisse and Inang Melvin"
"Ay mamang tinanguan ako ng pogi! First time!" Pumalakpak pa sa tuwa si Ate Denisse at nakipaghigh five pa kay Inay.
"Nako pagpasensyahan mo na anak, walang napatol dyan kay Denisse na fafabells. Pero bestfriend lang talaga kayo? Sure na ba yan? Laban o bawi?" pangungulit ni Inay.
"Bestfriend talaga. Diba?" Siniko ko sya at tiningala, he's already staring at me and it made me feel uncomfortable, kaya umiwas ako.
"Ay parang hindi naman! Kaloka kayo, sige na punta na at iuwi ang Batch Ball King and Queen ha!" Nag smile lang ako at bumeso ulit sa kanila.
I was caught off guard when he slid his hand on my already bare waist. I felt the warmth of his hand and it made me feel warm inside, my butterflies started to attack me again!
"I hate it when you're showing some skin" he whispered, nang matanaw nya si mommy ay giniya nya ako sa direksyon nito. "Tita alis na kami" bumeso sya sa mommy ko at yumakap.
"Sige mga anak, iuwi mo ng maaga si Azrielle, Coltrane ha?"
"Opo, iuuwi ko ng walang labis at walang kulang" kumindat pa sya kay mommy!