Chapter 18
"Sayang naman 'tong mga pagkain" nanghihinayang talaga ako dahil wala pang 1/4 ang nakain namin. Marami kasi talaga syang binili kahit pa sabi ko ay pang dalawahan lamang ang kunin nya.
"Hindi sayang yan" tinulungan ko sya sa pagliligpit ng basura naming dalawa. "Dapat sa susunod mag dala tayo ng sako para pagtapunan natin" suhestyon ko.
"May rumorondang garbage truck dito tuwing biyernes, pero sige magdala tayo para hindi makalat." aniya.
Nang makaligpit na kami ay nagpasya na din kaming umuwi, pero bago kami umuwi ay nagpaalam syang may lilikuan lamang saglit.
"Teka lang" paalam nya, hininto nya ang sasakyan saka bumaba. Napansin kong may nga ilang mga bahay at may mga ilang batang naglalaro. Gawa lamang sa pinagtagpi tagping mga yero at plywood ang mga bahay.
Kapag lumiko sa kanan ay papunta pala sa bangin at ang kaliwa naman ay papunta sa isang maliit na baranggay.
Bumaba ako para silipin ang ginagawa ni Coltrane, pinapapila nya ang mga bata at may matamis na ngiti sa kanyang labi. I've never seen him like this.
"Oh teka lang buknoy, pila ka muna, nahuli ka eh"
"Kuya idol di ako mauubusan ah?" Sabi ng batang si Buknoy bago pumwesto sa dulo ng pila.
Kaya pala hindi sayang, kaya pala ang dami nyang pinamiling pagkain. Para sa kanila pala.
Bawat bata ay inaapiran nya muna bago abutan ng pagkain, ang ilan ay may ginugulo nya pa ang buhok. His smile is genuine, katulad ng ngiti ng mga bata na tuwang tuwa dahil makakatikim sila ng masarap na pagkain.
Natunaw yata ang puso ko habang pinapanuod sila, I never knew na may ganitong side si Coltrane, na tumutulong sya sa iba.
"Kuya idol, kelan naman yung laruan namin? Saka kailan ulit ta'yo maglalaro ng bola?" Sabi ulit nong buknoy na inaalis ang wrapper ng burger nya.
"Sa linggo, okay ba yun? May lakad ako bukas eh" Sagot nya sa bata, nag squat sya para maging magkalebel sila dahil nahihirapan ang mga batang tumingala sa kanya.
"Okay po kuya idol!" Sabay sabay nilang sabi.
"Sya nga pala, may kasama ko" napalunok ako, sabay sabay silang tumingin sa akin.
"H-hello" awkward kong bati.
"Uyyyyy, si Kuya Idol may gelpren" asar ni Buknoy.
Nagpigil ng ngiti si Coltrane, hinila nya ako at pinakilala sa mga bata.
"Mga bata 'to si Ate Azrielle, kaibigan ni Kuya Idol. Kaya dapat maging kaibigan nyo din sya"
"Hello po ate na gelpren ni kuya idol!" Masayang sabi ni Buknoy, imbis na maasar ako dahil sinasabi nyang girlfriend ako ni Coltrane ay natutuwa ako dahil bulol sya at cute.
"Hindi ako girlfriend ng kuya nyo, best friend nya ako" paliwanag ko sa kanila.
"E diba ate sa best friend naman nagsisimula ang lahat? Napanuod ko kasi sa must be love!" Katwiran ng isa.
"Ikaw Lelay kung ano ano pinapanuod mo ah, best friend kami nito. Diba?" His eyes twinkled at me, I was mesmerized at how his eyes mirrored his genuine happiness. Inakbayan nya ako at saka kumindat sa mga bata.
"Uyyyyy!" Biro nila. Natawa nalang ako at tinanong ang mga pangalan nila.
Ilan lang si Buknoy, Lelay, Eka, Jessa, Estong at Gab sa mga batang nakilala ko. Sila kasi ang pinakamakulit at bibo.
Magkapatid si Buknoy at Estong, mas matanda ng isang taon si Buknoy. Pareho silang Grade 2. Si Lelay ay Grade 4 na, si Eka at Jessa naman ay kapwa Grade 1, si Gab ay Grade 3.
Nalaman ko na hindi lalagpas ng trenta ang pamilyang nandito sa lugar na 'to, dito daw sila pinunta ng gobyerno at binigyan ng lupa at pera para magtayo ng bahay. Pero dahil sa mga bagyo at baha ay unti unting nasisira ang mga bahay. Pero masaya pa din sila.
Pinamigay na lahat ang pagkain, tuwang tuwa sila lalo na yung mga pamilyang walang wala talaga. I never felt so happy, sobrang nakakatunaw ng puso ang mga ngiti nila. But Coltrane's smile was the brightest.
"Balik kayo ulit Ate Bait at Kuya Idol" Ate Bait ang tawag nila sa akin dahil daw mukha akong mabait, hindi nila mabigkas ang pangalan ko. Tuwang tuwa ako habang sinusubukan nilang sabihin ang pangalan ko pero lahat sila ay bulol ang pagkakasabi.
"Natuwa ka ba?" Tanong nya sa akin habang pabalik na kami. Masaya akong tumango sa kanya.
"Very happy. Sama ako kapag babalik ka ha? Bibili ako ng story books at babasahan ko sila."
"Magugustuhan nila yan"
"Pahinga ka ng mabuti, wag ka masyadong maexcite para bukas." sabi nya habang inu-unbuckle ko ng seat belt.
"I'll be here at 6pm tomorrow. Rest well, Azrielle" yumakap ako sa kanya nang walang pasabi, I felt him stiffen and heard him gasp.
"Thank you for today, sobrang saya ko dahil sa mga bata" sabi ko habang nakayakap sa kanya. He chuckled.
"Promise ko tutulong rin ako sa kanila. Magiging ate bait ako sa kanila" mas lalong lumakas ang tawa nya. I felt him kiss my hair or I'm just imagining things?
Kumalas ako sa yakap at awkward na ngumiti. Kumaway pa ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan at pumasok ng bahay.
Ano ba, bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
"Andito ka na pala anak, natawagan ko na yung kaibigan ko na mag-aayos sa'yo bukas. Mga alas dos ng hapon ay andito na sila. Makakatulog ka pa ng mahaba. Nakabili ka na pala ng damit mo?" Tumango ako kay mommy pagkatapos bumeso.
"Opo mommy, sinamahan po ako ni Coltrane" nginitian ako ni Mommy.
"Lagi kayong magkasama ah? Akala ko ba ay si Eros ang tipo mo?"
"My, best friend ko si Coltrane simula pa bata, si Eros po talaga ang gusto ko" nagkibit balikat naman sya. "Ay mommy, may nakilala po pala akong mga bata na kaibigan din ni Coltrane. Pwede po ba natin silang tulungan? Mga gamot po sana para sa kanila, mga pagkain, damit at kung ano pang kaya nating maiabot"
"Sige, sasabihin ko sa daddy mo para mabigyan kayo ng pera at stocks ng gamot. Mabuti yan at tumutulong kayo. Magpalit ka na at mag dinner na tayo"
Simple lang ang dinner namin nila Mommy, mas maingay pag meron si Kuya. Tahimik pag kami lang tatlo kaya pinapasama na namin ang mga house helps na kumain.
Alas otso na nang pumanhik ako sa kwarto, nadatnan kong naka on ang phone ko kaya tinignan ko ang notification.
5 missed call from Coltrane Montreal
2 message from Coltrane Montreal
1 message from Eros my love
Kinikilig ako habang inu-unlock ang phone ko. Una kong binasa ang text ni Eros.
From: Eros my love
See you tomorrow ;)
"Ahhhh!" napahiga ako sa kama, binasa ko ulit ang text nya at pakiramdam ko ay kinindatan nya ako ng harapan.
"Ano ba 'to? Ahhhh!" I squirmed on my bed while trying to stop my self from shrieking! Ahhh! Grabe yung kilig ko!
"Eros, hay ano ka ba!?" Nag type ako ng reply habang may malaking ngisi sa aking labi. Isesend ko na nang mag vibrate ang phone ko, dahil sa panginginig ng kamay ko mula sa intense na kilig ay nabitawan ko ito at bumagsak direkta sa mukha ko.
Aray!
Minasahe ko ang tungki ng ilong ko na syang natamaan ng aking cellphone, ang sakit! Tsineck ko ang ilong ko kung dumugo ba, mabuti naman at hindi dahil masasapak ko ang tumatawag sa akin!
"Hello! Sino ba to!" Sagot ko sa tawag. Tumawa ang caller sa kabilang linya. Si Kupal!
"Why are you mad, woman? Tumawag lang ako ulit kasi hindi ka sumasagot sa text"
"Kasi di ko pa nabasa, kumain ako! Masyado mo naman ako namiss wala pang tatlumpong minuto simula nung hinatid mo ako ah! Saka dahil sa vibration nabitawan ko cellphone ko, diretso sa ilong ko! Bwisit ka!" Talak ko sa kanya, ang sakit ng ilong ko! Naputol pa kasiyahan ko mula sa kilig na hatid ng text ni Eros!
Tumawa lang sya sa kabilang linya na kinainis ko lalo. Nako pag nakita ko talaga 'to bukas babangasan ko 'to! Kahit sa batch ball mismo!
"Pag nagkapasa 'tong ilong ko Coltrane, sinasabi ko sa'yo lahat ng parte ng mukha mo may pasa!" tawa lang ang sagot nya. "Cute mo talaga." yun lang ang sinabi nya.
"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko, umayos ako ng higa at kinuha ang remote sa gilid para paandarin ang aircon.
"I don't know what to wear tomorrow" napabuntong hinga ako sa inis. "Magkasama tayo kanina tapos hindi mo siningit sa usapan yan? Nako Coltrane masasapak na talaga kita!" He chuckled and I heared him open a door.
"I can't decide. I have a crap ton of suits here" humikab ako bago humiga sa kama. "Can we video call instead?" tanong nya.
"Okay, bilisan mo inaantok na ako"
Wala pang sampong segundo ay tumawag na sya sa facetime para mag video call.
"Oh asan na?" pagsusungit ko sa kanya. Inilipat nya sa back camera para makita ko ang wardrobe nyang may mga nakahanger na iba't ibang kulay ng suits. Mostly black.
"What do you have in mind?" Tanong ko pagkatapos humikab. Nakita kong may inabot sya sa damitan nya, mga ilang piraso ng suit na tingin ko ay top choice nya.
Nilatag nya iyon sa kama nya, oh the very comfortable bed, nawala sa isip ko ang malambot nyang kama nang pagtabi tabihin nya ang piraso ng mga pinili nya.
"White one" sabi ko, natigil sya sa pagdadagdag pa ng mga pagpipilian, the white one seems so elegant, classy. Iyon lang ang puting suit na pinili nya at nangibabaw ito kumpara sa ibang kulay gray at black.
"Okay. Thank you, Azrielle" inayos nya ang mga damit na kinalat nya, ako naman ay nilagay sa lazy pod ko ang cellphone at kinapa sa ilalim ng unan ang aking eye mask.
"Bahala ka na magpatay ng tawag ah, antok na ako" sabi ko habang nilalagay ang eye mask, I'm so sleepy to function, hindi ko nga alam kung narinig nya ba ang sinabi ko.
Umusal ako ng dasal bago naghikab at natulog.