Chapter 17

Floral or tropical ang motiff ng batch ball kaya heto ako at busy sa paghahanap ng cocktail dress, ayoko ng masyadong mahaba, okay na ako sa knee length na haba.

Ang napili ko ay isang off shoulder na set, the color and design resembled autumn.

Nasa gilid si Coltrane at nag lalaro ng kanyang cellphone, wala daw syang magawa sa bahay nila kaya kinulit nya ako para sumama sa akin.

Pinangako nya na dadalhin nya ulit ako doon sa bangin na pinuntahan namin noong nakaraang mga linggo basta isasama ko sya ngayong araw.

"Eto okay ba 'to? Hanggang tuhod lang kasi ayaw ko ng mahaba" binaba nya ang kanyang cellphone at sinuri ang damit na hawak ko.

"Anything will suit you just fine, Azrielle" I felt giddy, pakiramdam ko ay magiging maganda ako bukas.

"Bolero ka, pero 'to na ang kukunin ko ah?" He moved his brows up and down and gave me a smile.

"But.. Isn't that too revealing? Ipatong mo nga" aniya, sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Makikita ang tyan ko dahil medyo cropped ang top part. Ngumuso sya at tumango.

Ngumiti nalang ako, lalo na dahil gusto ko talaga ang damit na yon dahil sa kanyang kulay at disenyo.

Nang makabayad ay naghanap na kami ng mapagbibilhan ng pagkain, naka akbay sya sa akin habang naglalakad kami. Ang bango nya, bakit pag sa lalaki nagtatagal ang pabango at mas bumabango pa?

"Saan dyan gusto mo?" Pinapili nya ako kung Mang Inasal, Pizza Hut, Jollibee, Chowking o Greenwich.

Ito ang pinakamahirap na desisyong gagawin mo sa buhay mo. Kung pwede mo lang sila piliin lahat.

He saw me frowning, he smirked and ruffled my hair.

"Confused ka na?" He asked, mahina kong sinuntok ang tyan nya. "Ang hirap" mas lalo pa akong sumimangot. Ang hirap hirap.

"Pasukin natin lahat, tignan natin kung anong magugustuhan mo" napangiti ako ng malawak sa suhestyon nya, hinila ko sya papasok ng Greenwich at inumpisahan ang pamimili.

"Kapit ka sa braso ko, wag kang lalayo" sabi nya, dami nyang bitbit na supot mula sa iba't ibang fast food chain. Libre niya lahat, kilig ako, ang swerte ko naman sa kaibigan ko kahit kupal sya minsan.

Madami kaming inorder, pakiramdam ko nga ay nasobrahan at hindi namin makakain iyon lahat. May carbonara, tatlong box ng pizza, lasagna, dalawang bucket ng chicken joy, yum burgers, mga fries, spaghetti at iba pa.

Nag presinta din naman ako magbuhat ng mga binubuhat nya pero kaya nya naman daw, mas mabigat pa raw ang mga binubuhat nya sa gym, wow nag gi-gym sya ha.

"Paano mo nalaman yung bangin na yun?" Tanong ko habang nagmamaneho sya, syempre as usual ay namimili ako ng kanta para patugtugin, para hindi naman yung tunog ng makina ang background namin. Nasa kalagitnaan na kami at medyo malapit na sa destinasyon.

"Nag drive lang ako noon, tapos napaliko ako doon, hanggang sa binalik balikan ko na. I find peace watching the city lights, and the place is peaceful."

"Lagi ka ba doon?" Tumango sya. "Kapag wala akong magawa, kapag trip ko lang, o kapag may iniisip ako."

"Pwede din ba ako pumunta doon? Kapag gusto ko?" Paalam ko sa kanya, ngumiti sya at tila nag isip. "Only if you are with me"

"Ang daya naman, paano kapag gusto ko mapag isa dito?" pinaglalaruan ko na ang aking seatbelt habang hinintay ang sagot nya.

"Then I'll stay in the car, hindi kita kakausapin o guguluhin. Hindi kita pwedeng hayaan na mag-isa dito, hindi natin alam kung safe ba dito o hindi"

"Eh bakit ikaw matagal ka ng pumupunta dito, hindi mo pa din alam kung ligtas dito o hindi?"

"Azrielle, lalaki ako. I can fight back, ikaw babae ka, hindi ko sinasabing mahina ka, pero mas mabuting meron kang kasamang poprotekta sa'yo" sumandal ako sa pintuan ng sasakyan nya at humalukipkip.

"Bakit? May alam ka sa self defense?" Nanunuya kong tanong.

Napamura ako sa isip ko nang lumapit sya, his face is inches away from me, he gazed at my lip, my heart pounded louder when his gaze met mine.

I hitched my breath when I heard a click, seatbelt.

"I know pikiti, arnis, muay thai and a little bit of taekwondo." I inhaled his minty fresh breath.

"So you can protect me pala" may pilyang ngiti sa labi ko para pagtakpan ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

"I'd break my bones just to protect you." My stomach twiched, almost feeling like butterflies are attacking my system. Ang lakas ng epekto, kinikilig ba ako? Bakit ang init ng mukha ko?

"You are cute when you're flushed" he winked, inalis nya ang seatbelt nya at bumaba ng sasakyan.

Habang ako ay nakasandal pa din sa pinto at mabigat ang pag hinga. Oh my gosh, why am I acting like this?

Nagulat ako nang buksan nya ang pinto sa likod para kunin ang pinamili namin.

"Oh gulat ka dyan? Di ka pa bababa?" Takang tanong nya, nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at sinaway ang sarili ko.

"Kalma lang te" I chanted.

Nag inat ako at huminga ng malalim, walang bahid ng polusyon, sariwang sariwa ang hangin. Palubog na ang araw kaya ramdam pa din ang init pero naiibsan iyon dahil sa ihip ng hangin.

"Naranasan mo na bang sumigaw dito?" Umiling sya habang inaayos ang set-up namin. Tumulong ako nang kaunti saka kinuhanan ng litrato para sa instagram.

"Bakit ayaw mo sumigaw? Ikaw nga nag suggest na sumigaw ako dito eh"

"Gusto ko lang ng tahimik" Umusog ako sa tabi nya at tinignan isa isa ang mga pagkain, hindi nga talaga namin 'to mauubos.

"Pero alam mo ba stress reliever din naman yung sinisigaw mo yung problema mo, o kaya sinasabi mo kahit hangin lang ang makikinig sa'yo, nakakagaan kaya ng pakiramdam." sabi ko sa kanya, inabutan nya ako ng spoon and fork.

"But I prefer the silence. Kaysa isigaw ko pa lahat ng frustrations ko, sama ng loob ko, o kung ano mang sakit na yan. Shouting could damage my throat, e di nasaktan pa ako" nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"So bakit mo sinabing sumigaw ako?" Ngumisi lang sya. "Kasi alam kong iyon ang gusto mong gawin, nahihiya ka lang." katwiran nya. Kinuha ko ang isang yum burger at fries, saka yung chicken with spaghetti. Hay sarap.

"But you know sometimes silence is more deafening than any noise" natigil ang pagnguya ko sa sinabi nya, tama nga naman, nakakabingi rin ang katahimikan, ang lalim ng kaibigan ko.

"Pupwede mong isigaw lahat ng nararamdaman mo dito, walang pipigil. 'Tong lugar na 'to ay sa'yo na rin, dito ka kapag trip mong manuod ng sunset, gusto mong huminga o kapag gusto mo mag labas ng hinanakit. Basta lagi mo akong kasama. And if you want to visit this place because you want silence ayain mo ako, pwede kitang tabihan o pwede akong umupo sa malayo kung gusto mo talagang mapag-isa, because I, too, am fluent in silence."

Sinasabi nya iyon habang nakatingin sa papalubog na araw, napangiti ako dahil naaappreciate ko sya, kasi kahit naman ang tagal naming hindi nagkita ay ganito pa din katatag ang pagkakaibigan namin. Isa pa kahit pa naman kupal sya sa buhay ko hindi maiaalis ang katotohanang sya ang best friend ko simula pa nung bata pa ako.