Chapter 14

Hindi ko alam ung bakit may kuryente bawat haplos nya sa akin, madikit lang ako sa kanya ay may kiliti akong nadadama. Hindi ko na din maintindihan kung bakit napapatigil ako sa ngiti, kindat at iba pang ginagawa nya.

I'm uncomfortable and comfortable at the same time. Basta ang gulo, siguro dahil ngayon lang ulit kami naging close pagkatapos ng ilang taon.

"Bakit ka nakatitig?" nakangiting tanong nya sa akin.

"Wala naisip ko si... Eros" I lied, the smile from his lips vanished, uminom sya sa tubig nya saka iyon shinoot sa nakauwang na sako ng basura. Syempre shoot!

"Three points, Montreal!" Aniya na parang announcer ng basketball game.

"May date ka na ba sa batch ball?" umiling sya. Naalala ko na tinanggihan nya si Imogen sa alok nitong maging date nya sa gabing iyon.

"Did Eros asked to drive you to the event?" Umiling ako.

"Then I'll fetch you, halika na hatid na kita para makapagpahinga ka na" he rested his hand on my waist as we walk towards his car. Damn, butterflies!

"Walang tao" nilabas ko ang duplicate key na nasa bag ko, baka nag grocery si Mommy at hindi ko lang nabasa ang text nya dahil nasa bag pa ang aking phone.

"Pasok ka, samahan mo muna ako please?" Tumango sya, ayoko mapag isa no! Ang duwag ko pa naman, unting kaluskos mapapatalon na ako.

"Gusto mo manuod ng tv?"

"Ako na bahala, mag palit ka na pawis pawis yang likod mo" ako naman ang tumango bago pumanhik pataas ng kwarto para mag shower ng mabilisan.

Masyado kong naenjoy ang aromatic and hot shower, halos thirty minutes rin akong nakababad. Agad akong nagpatuyo at nag blower ng buhok, rinig ko dito sa itaas ang tunog ng tv mula sa sala.

My lips quirk up in a half smile when I saw him sleeping in the couch, nainip ata. Kumuha ako ng throw pillow sa katabing upuan nito at dahan dahang inilagay iyon sa ulunan nya.

Kinuha ko ang aking cellphone para sana itext si Mommy kung asan sya.

From: Mommy

Azrielle, may pupuntahan kaming party ng daddy at ng mga tita mo. I-microwave mo na lamang ang niluto ko na nasa ref.

To: Mommy

Mommy, nagpasama muna ako kay Coltrane dito sa bahay. Be safe myy:*

Hininaan ko ang tv bago pumasok ng kusina, binuksan ko ang ref at nakita ang naka tupperware na Adobong manok.

Pinainit ko iyon at nag luto ng fried rice, yun lang naman ang isa sa mga alam kong lutuin. hehe

Pagbalik ko sa sala ay nakaupo na sya pero tulog pa din, pinilit nya sigurong bumangon kahit pa antok.

I can't help but stare at his beautiful profile, I mean Coltrane has really jaw dropping facial features.

His jaw clenched and before I could look away my eyes met his brown eyes. I hitched my breath while looking at those expressive eyes.

"Kanina ka pa? Nagluluto ka?" Putol nya sa katahimikan, napakamot sya sa kanyang batok habang may pilyong ngiti sa kanyang labi.

"Sorry nakatulog" nag peace sign sya habang nakangiti.

"Natagalan din ako sa shower, dito ka na kumain umalis sila Mommy kasama ang Mommy mo at ni Eros"

"May naluto na ba? Nagluluto ka?"

"Yup, nag iwan si mommy ng adobong manok. Nag luto lang ako ng fried rice. Tara na sa kusina"

Pinapasadahan ng daliri nya ang kanyang baba habang tinitignan ang fried rice na niluto ko, nagpipigil sya ng pilyong ngiti.

Okay, fail yung niluto kong fried rice.

"Sure ka bang marunong kang magluto?" ngumuso ako at lukot ang mukhang napaupo sa high chair.

Kumuha sya ng kutsara at tumikim sa niluto kong kanina, napangiwi ako habang pinapanuod ko syang nginunguya ang luto ko.

"Too salty, I can even taste magic sarap. Saka pag nagluto ka please low heat, mas nalulutong maigi. Come I'll show you" humawak sya sa bewang ko habang inaalalayan akong bumaba ng high chair.

Nag gisa sya ng bawang at sibuyas sa mainit na mantika, gaya ng sabi nya ay naka low heat lamang ang stove. Nag lagay sya ng beaten eggs sa separate pans, habang ako naman ang nag lagay ng kanin sa ginisang sibuyas at bawang, sya na ang naglagay ng soy sauce at kaunting magic sarap sa kanin.

"Ihalo mo na" utos nya nang maluto na din ang scrambled eggs, and I swear na mukhang disente ang sinangag na nasa harap ko. Dinagdagan nya din ng small slices of carrots.

"Okay ba?" Ngumiti ako dahil masarap ang niluto naming fried rice. Ang galing nya magtimpla, bat wala akong talent na ganun?

"Okay so let's eat" nakuryente ako sa pagkahawak ng kamay nya sa kamay ko, one small touch and his effect is unexplainable.

Nilagyan nya ang plato ko at ang kanya, nakangiti sya habang ginagawa ang mga iyon. I wonder kung anong nagpapangiti sa kanya ng ganon, dahil ba nakapagluto kami ng mukhang disenteng fried rice?

Well ako din naman ay masaya dahil nakaluto din ako ng maayos kahit fried rice lang.

"Kelan ka natutong mag luto?" Usisa ko sa kanya habang kumakain.

"Seven? Eight? Di ko maalala. Dad taught me the basics, nang gusto ko i-expand ang knowledge ko sa pagluluto nag enroll ako sa Enderun, para sa Certificate in Professional Culinary arts program ."

"How come I never heard of that?" Tanong ko sa kanya.

Nanunuya ang ngiti na nasa labi nya habang umiiling, what?

"Wala ka namang pake sa nangyayari sa buhay ko, nakaalis ka na rin nun papuntang Maynila, saka si Eros lang naman importante sa'yo noon" tumabang ang kinakain ko, nag iwas sya ng tingin at binaba ang kubyertos nya.

"Baka naman kasi hindi mo sinabi sa akin?" taas kilay kong sabi.

"Hindi mo na maaalala, that was two months after you left, no congratulations from you puro Kumusta si Eros. Wala man lang kumusta Coltrane"

I was offended, hindi dahil para akong batang pinagsasabihan ng magulang kung hindi dahil alam kong nainsulto ko sya nang mga panahon na yun. I feel so bad for making him feel that way. 

Kung ako iyon, paniguradong naoffend ako.

"Bakit mo ako tinititigan? Don't feel bad about it, its fine." he winked and faked a smile.

"I'm sorry" he ruffled my hair and tried to change the topic.

"Tapos ka na? Ligpit na natin 'to" Ang bigat bigat sa dibdib, kahit naman kumag sya sa buhay ko ay kaibigan ko pa din naman sya.

I grew up with him, and he's someone I can consider as my best friend. Also my best enemy.

Tahimik lamang ako habang nagliligpit sya ng pinagkainan namin, bakit ganun, dapat ako ang gumagawa nyan pero wala akong alam sa mga gawaing bahay. Nakakahiya talaga sa kanya.

"Tingin mo anong oras makakauwi sila Mommy?" tanong nya na bumasag sa katahimikan naming dalawa, sa sobrang tahimik ay naririnig ko na pati yabag ng kapitbahay.

"Hindi din sigurado ni Mommy, kila Tita Ylette daw sila nag punta, malayo doon diba?" tumango naman sya, nagpatuyo sya ng kamay gamit ang malinis na hand towel at tinuon ang atensyon sa akin.

His eyes are really expressive. Nakakalunod ang emosyon sa mata nya kaya ako na ang nag-iwas ng tingin.

Pinaandar ko ang tv at nag hanap ng magandang channel.

"Wala kang homework?" tanong nya, oh jeez! Buti nalang pinaalala nya! Sa PCal pa man din yun!

"Wait lang, kunin ko sa taas" alas otso na at wala pa akong nasisimulan, ayokong mapuyat para doon, kasi baka hindi ko matapos! Dapat pala hindi ako nagbabad sa banyo!

Bumalik rin ako agad at agad na binuklat ang libro, pinagana ko rin ang calculator para kapain ang formula na nasa libro, para malaman ko kung paano ko sya kukunin.

Absent ako kanina doon dahil nga na late ako, binigay lang sa akin ni Amerie ang pahina na dapat sagutan sa libro.

"Oh shit, paano ba 'to?" Bulong ko sarili. Kahit meron ang formula ay hindi ko naiintindihan kung paano kunin.

Nauhaw na ako kakaisip, tuyot na ang utak ko para sa computation. Bakit ba kasi kailangan pa ng math sa mga gamot?

Kumuha lang ako saglit ng pitsel ng tubig sa kusina, pagbalik ko ay hawak na ni Coltrane ang libro ko at may sinusulat sa papel ko.

Nang silipin ko ay nakita kong sinasagutan nya na ang assignment ko.

"Teka, naiintindihan mo ba? Magkaiba ang math sa course natin"

"May answer key every chapter, tama naman yung sagot ko. Kailangan mo lang i-figure out paano kunin sa formula, o mag derive ka mismo ng formula"

Jeez, genius nga pala sya.

"Gusto mo ng example?" Tumango ako at tumabi sa kanya.

"For example, If 12 tablets contains 3900 milligram of Aspirin how many contains 975 mg?" Basa nya sa problem number one.

"You multiply 12 to 975 then divide it with 3900. The answer would be 3 tablets. You just have to analyze the problem, formulate your own formula. May sagot sa likod to guide you. Nakuha mo ba?"

Nagliwanag yata ang mundo ko dahil na kuha ko ang tinuro nya, wala pang isang oras ay tapos na akong sagutan, syempre tinulungan nya pa rin ako.

"Yan lang ba?" Tanong nya nang isara ko na ang kwaderno ko, tapos ko na ang assignment ko at feeling ko ay may makukuha ako sa quiz sa isang araw!

"Yup, thank you!" His long fingers traced his lower lip, I can't help but stare at those lips. I flushed, I looked away and organized my things instead.

"Nag text pala mommy mo, asking if I could stay for the night. Takot ka daw mag isa" ngumisi sya at pinisil ang pisngi ko. "Baby girl pa din?" He teased.

"Anong baby girl? Big girl na ako!" Saway ko sa kamay nyang nakapisil pa din sa pisngi ko.

Kanina lang bati kami tapos nag aaway na naman kami.

"Uwi na ako?" Pinigilan ko sya agad nang akmang tatayo sya, I pout my lips and tried to look cute kahit pa cute na ako.

"Baby girl" aniya, pero sa ibang tono. It sounded like an endearment. My heart skipped a beat, and my stomach twitched.

Tumikhim ako at nag iwas sya ng tingin.