Chapter 15

"Wala nga lang akong susuotin bukas para sa school, wala ding kasama si Suzette. Gusto mo ba sa bahay na lang? Pwede ka sa guest room, o sa kwarto ko tapos ako sa guest room"

Teka bakit kasama ang kwarto nya sa choices? Kwarto nya iyon, nakakahiya naman kung doon ako tapos sa guest room sya.

"I'll take the guest room. Teka kuha lang ako ng gamit ko" pumanhik ulit ako sa taas at kinuha ang mas malaking bag para pagkasyahin lahat ng pagbibihisan ko bukas.

Hindi ito ang first time na makikisleep over ako sa kanila, kapag wala pareho sila mommy at daddy ay sa kanila kami nakikitulog ni Kuya dati.

Kinuha ko rin syempre ang gamit ko para sa school bukas, dadaan nalang siguro kami ng maaga para ihatid ang gamit ko bukas.

Its already nine in the evening, nasa daan na kami papunta sa kanila. He called their house helps to prepare the guest room for me.

Nakangiti sya habang nagmamaneho, ano kaya iniisip nya?

May kalokohan ba syang binabalak? Siguro ipa-prank nya ako!

"Hoy, ayaw ko yang ngiti mo ah? May binabalak ka ba sa akin? Siguro tatakutin mo ako ano?" Sabi ko sa kanya. He bit his lip and shook his head.

"Why would I do that, Azrielle" he chuckled "I'm not up for pranks, its already past your bed time"

He maneuvered his car to park inside the garage. Nangapa ang mata ko sa dilim, ilaw lang sa dashboard nya ang nagbibigay liwanag sa sasakyan.

Pinatay nya ang makina kaya mas lalong dumilim ang paligid, rinig ko ang pag hinga nya dahil sa katahimikan. I unbuckled the seat belt and clamber down his car.

"Your first subject will be at nine am right?" nagulat ako dahil alam nya ang oras ng pasok ko. "Hiningi ko sa registrar yung schedule mo"

Ako nga hindi ko alam ang buong schedule ko? Saka bakit kailangan nyang hingin ang schedule ko?

"Hi ate!" Tumayo si Suzette at lumapit sa akin para bumeso, anong oras na ah? Bakit hindi pa tulog ang isang 'to?

"Nag-stalk ka na naman siguro ng crush mo kaya hindi ka pa tulog?" Biro ni Coltrane, he ruffled her hair and kissed her head.

"Kuya naman, 'di ko nga crush yun. He's just a basketball player, alam ko namang gusto kong matuto mag laro diba?" Sumimangot pa ang kapatid nya lalo na dahil gulong gulo na ang buhok nito gawa ng kuya nya.

"Sus, lalayo ka pa sa akin? I can play better than that guy, hayaan mo tuturuan kita. Dadahilan ka pa para pagtakpan pagkakaroon mo ng crush ah" ginulo nya pa lalo ang magulong buhok ng kapatid.

"Kuya, kainis! Yung buhok ko!"

Ang sarap nilang panuorin, maganda ang samahan nilang magkapatid. Sa totoo lang wala kaming ganitong moments ng kuya ko, madalas kasi ay libro ang hawak ni Kuya at ako naman ay may sarili ring mundo.

Kung hindi pag stalk kay Eros ay nakikipag laro ako kay Coltrane, nang nasa Manila na kami ay mas naging busy si Kuya.

"Ate, are you going go sleep here?" Napukaw ang atensyon ko sa tanong ni Suzette, tumango ako at ngumiti sa kanya. Nilinga ko sa paligid si Coltrane, papalabas na sya ng kusina at may hawak na baso ng tubig.

"Yup she'll sleep here. Ikaw, matulog ka na at maaga ka pa bukas. Tara na sa taas"

"Pero sila Mommy?" Tanong ni Suzette.

"Hindi uuwi sila Mommy, kaya nga andito ang Ate Azrielle mo kasi wala sila Mommy ngayong gabi. Tara na Suzette, ipagpabukas mo na ang pag stalk mo" pang aasar nya pa rin sa kapatid.

Nakasandal lang ako sa hamba ng pintuan habang inaayos ni Coltrane ang magiging kama ko ngayong gabi, abala sya sa pag aayos habang ako ay abala sa pag oobserba sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong panuorin ang bawat galaw nya, kung paano bumabakat sa manggas ng damit nya ang biceps nya, kung paano nya pasadahan ng kanyang mga daliri ang buhok nya, kung paano nya ayusin ang kama ko.

I can even smell his manly scent even from a distance. Hindi ko na rin alam kung bakit ko siya pinapanuod at kung bakit pati anoy nya ay hinahanap hanap ng ilong ko.

"Bakit di ka na lang kasi sa kwarto ko? Maa s malaki doon at kumportable?" humiga sya sa kama na para bang tinitignan kung tama ba ang lambot nito.

"Kwarto mo kasi yun"

"Its fine with me. I can take the other room" iyong kwarto ba na may itim na pinto ang tinutukoy nya?

"Ako na lang kaya doon?" He chuckled bago pinitik ng marahan ang ilong ko. "Ano akala mo? Mauuto mo ako?" aniya.

"You won't be comfortable here. Halika na" pinatay nya ang bed side lamp at hinila ako palabas ng guest room.

"Saan mo ako dadalhin? Ano ka ba, okay na ako sa guest room!" Nasa likod ko sya, ang mga kamay nya ay nasa balikat ko habang tinutulak nya ako papunta sa kwarto nya.

"Don't worry my room is safe" he said with a wicked grin. Binuksan nya ang pinto and I swear it was cleaner than my room. It is more organized, wala nga yata ni isang kalat.

I inhaled his usual sexy scent when I entered the room, a king sized bed in the center which is neatly made. The pillows are black, well even the comforter is black. A small bed side table with books on top of it, and a bed side lamp.

The room was dimly lit, pwede mo timplahan kung gaano kaliwanag ang ilaw. May computer table sa gilid at may nakapatong na macbook sa tabi nito.

"Will you be comfortable here?" Tanong nya sa akin. Umupo sya sa swivel chair nya at pinagsalikop ang kanyang mga daliri.

"Sa guest room na lang ako" sabi ko sa kanya.

"The bed is not comfortable." his eyes are trying to convince me to stay here.

"Okay." I surrender, ayoko na makipag away pa dahil antok na ako. Ngumiti naman sya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Binaba ko ang bag ko sa gilid ng kama at umupo na, his bed is really comfortable.

Paalis na sya nang maalala ko yung nangyari kanina sa bahay, kailangan ko palang bumawi don.

I grabbed his hand, stopping him from exiting the room. Napatigil naman sya at humarap sa akin.

"Yes? May kailangan ka pa?" Tanong nya, umiling ako. Yumakbang ako papalapit sa kanya at yumakap.

Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan kung anong pakiramdam ang naramdaman ko sa yakap na iyon. Napapikit ako at mas humigpit ang yakap sa kanya nang yumakap sya pabalik.

"I'm sorry for making you feel that I don't care about, sorry kung late na pero congratulations, Coltrane. I'm proud of you and your achievements" Tumingala ako at humalik sa pisngi nya, ewan ko kung dahil ba sa ilaw iyon o namula sya. Cute.

"Thank you, Azrielle" yumakap syang muli bago ako pinakawalan at lumapit sa pinto para lumabas na.

"Good night, Azrielle"

"Good night" and he closed the door.