Chapter 13
Breathe Azrielle, breathe. Pinapaulit ulit ko iyan sa sarili ko, magkatabi kami ni Eros habang naglalakad, I can even feel his skin touching mine!
Hindi ako prepared para dito, halos atakihin ako sa puso sa sobrang kilig kaninang umaga tapos eto agad? Practice for the dance agad agad!
God, thank you for all the blessings! Pakiramdam ko ay ang busilak ng puso ko dahil sa biyayang natatamasa ko ngayong araw na ito.
Ang hiningi ko lang naman ay makita si Eros ngayong araw na 'to, pero ganito ang ibinigay sa akin! Partner for the dance!
"So do you know waltz?" His question snapped me out of my reverie, hindi ako nananaginip ng gising, totoo sya sa tabi ko!
"Uhm hindi eh, pero fast learner naman ako so don't worry." I lied! Gusto ko syempre na tuturuan nya ako noh! Nag ballroom ako noon, alam ko ang waltz, jive, salsa at rhumba.
"Okay, good then" lumiko kami papasok ng malawak na avr room. Marami na sila sa loob, mga nasa twenty yata kami. Ten pairs then.
Umupo ako sa gilid at bumalik sa pagde-daydreaming, iniimagine ko palang na tinuturuan ako ni Eros kung paano ang waltz ng step by step ay tila may fireworks of emotion na sa loob loob ko!
"Hello, this is Azrielle. Please teach her how to dance, I'll be back with the other dancers" okay, ouch, asang asa kasi ako agad.
So hindi sya ang magtuturo sa akin mag waltz, walang sabi sabi din syang lumabas ng avr para sunduin daw ang mga iba pang kasama namin.
Okay I assumed too much, pero hindi naman mapapalitan nun yung katotohanang sya ang partner ko para sa opening dance. Swerte pa din!
"Okay so the basics are like this.." Panimula ng dance instructor namin. Kunwari'y wala akong alam, pero nakasunod rin agad.
"Very good sister!" Puri sa akin ni Kuya... Ate Maui.
"Eros, magaling itong partner mo ah. Very fast learner!" Napalingon ako at nakitang pinapanuod na pala kami ni Eros, his disheveled hair is distracting. So sexy.
I flushed when he offered a hand, oh my gosh sasayaw na kami! Isasayaw nya na ako! I hitched my breath when I felt the warmth of his hand. Just a touch and my heartbeats are unstable!
"Okay pwesto!" Pumalakpak si Ate Maui, inayos na rin nila kung saan kami dapat ni Eros. Nasa likod kami ng star dancer na si Angeline at Marcus, sila ang panlaban namin sa ballroom dancing.
"Very good, Eros." puri ni Ate Maui sa postura ni Eros, magaling si Eros at may pitik ang bawat galaw. Ayaw kong mapahiya sa kanya kaya sinisikap kong iayos ang sarili.
Pasimple lang din ang pag tingin ko sa kanya dahil nagwawala ang mga alaga ko sa tyan, amoy na amoy ko rin ang pabango nyang masarap sa pang amoy.
He's so gorgeous, his face is perfectly sculpted, his nose, his sexy, rubicund lips and damn those eyes.
Paminsan minsan ay nagtatama ang tingin naming dalawa at minsan ay ngumingiti sya. Tila nag jejelly ace ang tuhod ko kapag sumisilay ang ngiti sa labi nya.
Ang hirap pala mag pigil ng kilig lalo na at hawak ko ang kamay nya at ang isang kamay nya ay nasa bewang ko. Ang hirap pala kapag ganito kami kalapit!
Nakakahiya sa kanya kasi pawis na ang palad ko mula sa kaba at pagpipigil ko ng kilig.
"Pack up!" sigaw ni ate Maui "Bukas, magdala ang girls ng high heels, atleast three inches" aniya. Bukas ulit? Yes!
Excited na ako para bukas, hindi ko alam kung makakatulog ba ako nito ng mapayapa mamayang gabi!
I watched him comb his hair with his fingers, bakit ang gwapo pa rin kahit mukhang pagod na?
Lumapit ako sa aking bag para hagilapin ang kikay kit ko, kailangan ko ding mag ayos ng sarili dahil batid ko ay mukha na akong haggard.
Napalinga ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. I saw a pair of scrutinizing eyes, it was Coltrane!
He cocked his head to the right and playfully winked at me. Dinala ko ang aking bag at lumapit sa kanya.
"Hindi ka pa umuwi? Anong ginagawa mo dito?" Sumandal sya sa poste at naghalukipkip, bumakat sa manggas ng kanyang shirt ang kanyang muscles.
"Nanunuod" simpleng sagot nya.
"Kanina ka pa?" Tumango sya. "May hinihintay ka ba sa loob?" Tanong kong muli.
"Ikaw" napasinghap ako lalo na when he licked at bit his lower lip. I gulped and looked away.
Napalingon ako sa likod at nakita si Eros na nakikipagbiruan na naman kay Angeline. What's with her?
"Tara na sa office?" Rinig kong aya niya kay Eros, tumango naman ito sa kanya at sinabayan siyang lumabas ng avr. Yun na yun? No Goodbye Azrielle?
Sabagay, baka hindi nya ako mahagilap dahil kausap ko itong si Coltrane.
"Ikaw may hinihintay ka pa ba?" I shrugged my shoulders and started walking.
Yung hinihintay ko may kasama ng iba.
"Wala ka sa mood? Mukha ka lang tuwang tuwa kanina habang nagsasayaw kayo?"
"Pagod lang. Bakit ka pala andun?" Usisa ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Wala, just watching you two dance. And to fetch you up dahil hindi mo dala ang sasakyan mo" pinagbuksan nya ako ng pinto. As usual ay ikinabit nya na din ang seatbelt ko, sinuway ko sya noong isang araw pero parang wala syang narinig. So I'll just let him be.
"So you watched us, ano okay lang ba? Magaling ba ako?" Tanong ko habang pumipili ng kanta sa ipod nya.
"Always. Bakit mo sinabing hindi ka marunong sumayaw?"
Nasa daan ang focus nya kaya marahil hindi nya nakita ang reaksyon ko, narinig nya pati yun?
"Ano ka ba? Syempre the moves, saka para turuan ako ni Eros!" I explained, totoo naman yun para may dahilan si Eros na turuan ako sumayaw!
"Pero hindi nangyari. Mas magaling ka pang sumayaw kay Angeline, dapat ikaw ang gitna"
"Bolero ka!" Humalakhak ako, ngumiti din sya.
"Kilala mo si Angeline?" Usisa ko, plinay ko ang kantang 214 sa ipod nya.
"Oo, kasama na dati ni Eros yun dahil sa council. They're close friends, hindi mo pa ba naobserba? Isang taon ka na sa university ah?"
I shrugged my shoulders, last year kasi ay nahihiya pa ako kay Eros dahil nga sa tagal naming hindi nagkita. Saka ko lang din napansin na close sila ni Angeline nung second sem na. .
"Tingin mo ba magugustuhan ako ni Eros?" He licked his lip again and made a long pause. What's with the lip licking?
"Yep" maikli nyang sagot.
"Wow pinagisipan mo talaga ha, ganun kahopeless?" Pinalobo ko ang pisngi ko at umirap.
"Um-oo nga ako diba?" ngumiti syang parang nanunuya bago tinabi sa isang isawan ang sasakyan.
Oh my gosh, street foods!
"Ang dumi mo talaga kumain" ngumiti sya ng malawak habang may kinakapa sa bulsa nya. "Shit, wala na naman yung panyo ko"
I pressed my finger to his lips, kumakain kami tapos nagmumura sya? Bad!
Hinawakan nya daliri ko at binaba, ang daliri nya naman ang dumampi sa gilid ng labi ko. He made stroking motions with his thumb, trying to clean up my face.
Tila nag init ang paligid, idagdag mo pa ang usok galing sa lutuan ng isawan ni ate.
Nang marahil malinis na ang mukha ko ay tumigil na sya sa pagpunas, I smiled shyly habang kumindat naman sya sa akin. Damn, that affected me.