Chapter 12

I brushed my teeth again bago sya inaya pumasok, tahimik lang kami buong byahe, ang tanging nag iingay lang ay ang kanyang stereo.

Sabay kaming paakyat ng classroom, second floor kami ngayon for second subject.

"Thanks sa ride!" He winked at me bago tumalikod. Sa kabilang parte ng building na 'to ang classrooms nilang mga Business administratiom students.

"Azrielle, wait!" Napalingon ako at nakita si Eros na mukhang kagagaling lang sa pagtakbo.

"Oh Eros? Good morning, anong sadya mo?" syempre hindi nawala ang pagpapacute ko pero slight lang kasi nakakahiya.

"Remember sa batch ball? I'll be your partner sa opening dance" I was stunned for a second, partner what?

May inabot sya sa aking invitation, ngumiti din sya bago tinapik ang balikat ko.

"Anyways, yun lang naman ang ipinunta ko. Mauna na ako" paalam nya, nakalayo na sya pero nakatitig pa din ako sa likod nya.

Oh my gosh! He's my partner for the opening dance! Oh my gosh take two!

Pigil kilig akong umupo sa tabi ni Amerie, binigyan nya ako ng makahilugang tingin siguro dahil nakita nyang kausap ko si Eros kanina.

"Ano yan?" Nguso nya sa invitation na hawak ko.

Nagpipigil ako ng tili, ang init init ng mukha ko dahil sa kilig! Lord, eto ba sukli ng pagiging mabait ko kay Coltrane? Ang sarap maging mabait, Lord!

"Eros is my date! Sya ang partner ko sa opening dance!" Nanlaki ang mata nya at niyakap nya ako, oh my gosh, nangyayari ba talaga 'to?

"Kaya pala mukha ng sasabog mukha mo sa sobrang pula! I'm so happy for you, oh my gosh!" Magkahawak kamay kami habang nagpipigil ng kilig!

Hindi ako makapaniwala, eto na yata yung sinasabi nilang para kang nasa cloud 9! Hindi lang ata cloud 9 ang nareach ko kundi maging gate ng langit!

I am so happy, and the fact that he's smiling while telling me the news? Nakakasaya ng puso!

Okay lang na hindi ko sya maging prom date basta kami ang partners! Kasi syempre ako ang unang sayaw nya, idagdag mo pa na may practice kami para sa sayaw na yun! Ilang beses ko sya makakasayaw, gosh!

My heart beats wilder than the usual. Just by thinking of his arm wrapped around my waist and the other one is holding my hand is making me electrified!

Natapos na ang dalawa kong subject pero abot langit pa rin ang ngiti ko, wala akong naintindihan sa mga itinuro pero walang paglagyan ang kasiyahan ko.

Am I in state of reverie? Nananaginip ba ako??

"Aray! Totoo nga!" Kinurot ko ang sarili ko para gisingin ako sa katotohanan, at totoo ngang nangyayari ang lahat ng ito!

Hay Eros, bakit ka ba ganyan? Bakit ka ba nakakabaliw? Para akong tanga ditong nakangiti sa kawalan habang nag didiscuss si maam tungkol sa mga klase ng dosage forms.

"So Ms. Rostana, what is the most popular opaquant used in the Pharmacy industry? It looks like you're in a good mood, smiling from ear to ear huh? I just hope you know the answer" napatayo ako agad at kunwaring nag isip

Pasimpleng binuklat ni Amerie ang notebook nya at nilinyahan ang sagot, pasimple ko din iyong binasa.

"Ma'am I think its Titanium dioxide" I flashed an anxious smile.

"Thought you were not listening at all, okay sit down Miss Rostana." so I answered it right?

"Thank you, b!" I whispered to Amerie, kumindat lang sya sa akin at binalik ang atensyon sa klase.

"Ang creepy mo kasi, nakangiti ka lang kanina ako na nangangawit sa'yo eh" nakalabas na kami ng classeoom, lunch break ko na at subject naman ni Amerie ang english literature, tapos ko na kasi iyon last year kaya hindi kami magkaklase.

"Hintayin kita sa canteen ha?" Paalam ko, I have two hours vacant kaya pwede ko syang hintayin para samahan sya kumain mamaya.

Naglalakad ako mag-isa nang may umakbay sa akin, syempre sino pa ba?

"Lunch tayo?" His eyes tantalizing, I was stunned for a moment and I felt my heart beat accelerates. Damn, why am I affected?

"Sabi ko lunch tayo, pero okay din naman sa akin na makipagtitigan sa'yo". He grinned.

"Bwiset!" tinulak ko sya at naunang naglakad sa kanya.

"Halla nagalit" rinig kong sabi nya.

Nahabol nya rin ako at umakbay muli, marami ng tao na sa canteen pagpasok namin. Marami na ring nakapila. Nasa likod ko sya at nakapila kaming dalawa, alangan namang sya na naman ang papipilahin ko diba?

"Ako na bibili ng pagkain mo, secure a seat for us" para akong kinukuryente habang nararamdaman ang hininga sya sa tenga ko.

"Mamaya na" maikli kong sabi.

"Dadami ang tao, mawawalan tayo ng upuan" his breath still fanning my ear. Napapikit ako at umalis sa pila para humanap ng mauupuan, at para ikalma tong sistema ko.

Normal na reaksyon lang iyon, may kiliti ako sa tenga kapag binubulungan. Kumbinsido ako na iyon nga lang iyon, na normal lang ang naging reaksyon ko sa pag bulong nya sa tenga ko.

"Bat mo ako iniwan dun?" Natatawa nyang tanong "Ako na pumili ng pagkain mo, hindi ka nagsabi eh. Here" aniya saka nilapag sa harap ko ang pagkain na binili nya.

Beef steak and slices of pineapple. Parehas kami ng pagkain. As usual magkatabi kami.

"Alam mo ba napapansin ko ayaw mo akong kaharap kumain" I blurted out.

"Mas payapa ako kapag katabi kita. Trip ko lang" he smiled playfully.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang sumulpot si Eros, my heart did a flip flop! Goodness gracious! My heart rate accelerated when he smiled.

"Can I borrow you for a minute?" He flashed a smile.

"Upo ka, Eros" Coltrane sounds so domineering, he looked at me and shrugged his shoulders.

"May practice tayo para sa sayaw, ngayon lang din ako nainform kaya tinawag kita kaagad."

"But can't she finish her food first?" Pasimple kong siniko ang katabi ko, what's with him? Dapat ay pinagtutulakan nya ako dahil sabi nya ay sinusuportahan nya ako kay Eros?

"Okay lang yun, busog na ako" kahit ang totoo ay hindi pa puno ang tiyan ko at gusto ko pang ubusin ang masarap na beef steak na nasa harapan ko.

"So pwede na tayo pumunta? Baka nagstart na sila eh" I flushed, literal na uminit ang pisngi ko sa kaba, sa excitement, at sa nararamdaman kong paru-paro sa tyan ko.

"Okay" Pinigilan ko ang ngumiti ng malawak dahil sa kilig lalo na nang ngumiti sya.

"Thank you sa lunch" pasalamat ko sa katabi ko, he flashed a sphinx like smile, yung tipong hindi mo alam kung anong iniisip nya sa ngiti nyang yun.

"Alright" maikli nyang sagot sa akin. Inayos ko na ang gamit ko, binaba ni Coltrane ang kubyertos nya at tumigil sa pagkain.

"Bye, Coltrane"

"Bye"