Chapter 11
Song: Bulletproof Love by Pierce the Veil:)
"Tita!" Masigla nyang bati sa mommy ko, yumakap pa sya at humalik sa ulo ng mommy ko. Wow anak na anak sya ah? Tinalo pa ako.
Humalik ako sa pisngi ni Mommy at pasimple siyang siniko pagkatapos.
"Tita hinatid ko lang po si Azrielle, alis na rin po ako" aniya.
"Hijo, salamat sa paghahatid sa anak namin ha? Tamad mag dala ng sasakyan yan gusto pa mag tricycle" eh kasi naman mahal ang diesel ngayon.
"Wala yun tita, hahatid ko sya sa susunod na araw tita. Kahit pa araw-araw" masigla nyang sabi habang nakayakap pa rin kay mommy. Close na close talaga sila.
"Bro, dito ka na kumain" sulpot naman ni Kuya, pawis na pawis ito at tila galing sa work out
"Oo nga, hijo. Nagluto ako ng ginataang gabi saka ng sisig. Request ng Kuya Niel mo" Tinapik ni Kuya ang balikat ni Coltrane nang tumango ang katabi ko. So I guess I'd spend more time with this kumag.
"Taas lang ako, magpapalit" paalam ko sa kanya. Pumanhik ako sa taas at nag hanap ng damit na pang tulog. Nag shower ako saglit para maibsan ang init, nagpalit din ako agad pagkatapos ko sa banyo.
"My, san sila?" Tanong ko habang pinupunasan ang tuyo kong buhok, sinusuklay ko na rin.
"Andyan sa may kabila, sa may court naglaro ng basketball. Tawagin mo na nga nang makakain na" tumalima naman ako agad.
Rinig ko na ang kantyawan at tawanan nila habang naglalaro. Rinig ko na din ang nakakarinding tunog ng pag spike ng mga sapatos nila.
"Kuya!" Tawag ko, pinasa ni Coltrane ang bola sa kalaro nila at pumamewang. His fingers traced his lower lip and he look so disapproving. He scurried towards me and sighed inwards.
"Seryoso ka? Lumalabas ka na ganyan ang suot mo?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Naka loose na t-shirt ako at natatakpan nito ang aking short.
"Anong problema mo sa suot ko?" Pagsusungit ko.
"Lahat, puro kami lalaki dito Azrielle, tingin mo hindi nila titignan yang legs mo? Mukha ka ng hindi naka short sa suot mo eh" hinigit nya ako sa braso, kumawala ako at padabog na naglakad pabalik ng bahay.
"Galit ka na naman? Ayaw ko lang mabastos ka" hindi ko sya pinansin dahil sa inis. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, siguro dahil napahiya ako kasi pinagsabihan nya ako sa harap ng maraming tao.
"I never wanted to put you in that situation, telling you about how you dress, pero di ako pwedeng mag laro lang dun habang pinagpyepyestahan ng mga mata nila yang legs mo. Azrielle ano ba?" Hinigit nya akong muli, I was caught off guard mabuti nalang ay nasalo nya ako kung hindi ay baka napaupo ako sa daan.
"Nakita ko kung paano sila napatigil noong nakita ka nila, alam ko na agad takbo ng isip ng mga yon. Azrielle, stop walking!"
"Kainis ka talaga" bulalas ko
"O sige mainis ka, kesa hayaan kitang mabastos don diba? Pwede ka mag short, di kita pinipigilan, pero yang ganyan kaikli tapos lalabas ka ng bahay?" Umiling sya.
Nagegets ko yung punto nya, pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis. Bumuntong hinga ako at pumikit para pakalmahin ang sarili ko.
"Kakain na" sabi ko bago nag martsa papasok ng bahay. Umupo ako sa kusina at agad na uminom ng tubig para lumamig ang ulo ko.
Naghila sya ng upuan sa tabi ko, pero napawi na ang galit ko. Naiintindihan ko naman kasi kaya lang ayaw ko lang na maraming nakakita sa eksenang iyon.
Tinapunan kami ng makahulugang tingin ni Kuya. Alam kong alam nya na nagbangayan na naman kami.
"Kain na" pumalakpak si Mommy. Ngumiti ang katabi ko pati si Kuya.
Nagpaalam na si Coltrane pagkatapos ng tahimik at awkward naming dinner, mommy gave us suspicious looks but she didn't say anything at all.
"Balik ka ha, salamat ulit sa pag hatid sa anak ko"
"Wala yon tita, thank you din po sa dinner" bumeso sya sa mama ko at nag fist bump sa kapatid ko.
Hindi ako umimik pero sumama ako sa kanya palabas, tahimik lang din naman sya kaya okay lang.
"Dyan ka nalang" basag nya sa katahimikan, tinignan nya ang damit ko at naintindihan ko agad kung anong gusto nyang ipahiwatig.
I sighed deeply and held his hand, tinignan nya ang kamay kong nakahawak sa kamay nya.
"Sorry kanina" nahihiya kong sabi. Tumaas ang Saint levels ko, 55% saint!
"Alright, I'm sorry naginit ulo ko" he run his fingers through his disheveled hair. Napansin nyang nakatingin ako sa buhok nya na kanina'y tinalian ko.
"Naputol" ngumiti syang parang bata, ngumiti din ako pabalik.
"Sige na, ingat ka." I waved my hand before I closed the gate.
"I breathe you in with smoke in the backyard lights (backyard lights)
We used to laugh until we choked into the wasted nights (wasted nights)
It was the best time of my life, but now I sleep alone (sleep alone)
So don't, don't, don't wake me up, 'cause my thrill is gone (say I'm wrong)
In the sunset turning red behind the smoke,
Forever and alone, yeah!"
Kinapa ko ang cellphone ko sa kama, istorbo ng tulog, saka wala naman akong ringtone na ganun ah?
Nakita ko ang pangalan ni Coltrane sa screen, nakita ko din ang oras kaya napaupo ako agad. Damn, head ache!
"Hello?" I sounded so sleepy.
"Good morning" I can even hear him flash his playful smile. "Get up, and get ready for school. Its nine already"
"Teka you changed my ringtone?" Tanong ko, humikab pa ako bago tuluyang tumayo sa aking higaan.
"Not at all, only when I call" rinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linta.
"Okay, sige na mag aayos na ako. Bye"
Nagmadali akong pumunta sa banyo para maligo, I'm late! I'm an hour late! Paniguradong nag klase na sila for Pharmaceutical calculations! Napasarap kasi ang tulog ko dahil sa lamig ng kwarto ko
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, napatigil ako nang makita si Coltrane sa may pool area at may juice na kaharap.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka, you're thirty minutes early for your second period" he flashed a sardonic smile.
I pouted my lips "Halika na, inumin mo na yang orange juice mo"
"Not until you eat your breakfast. Skipping breakfast causes stress hormones, slows down your metabolism and could cause heart related disease" napapaatras ako dahil humahakbang sya papalapit sa akin habang nilelekturan ako.
"Oh, kelan ka pa naging health concious?" ngumisi ako, binaba ang bag at binaliktad ang nakataob na plato. "Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ng pagkain sa plato.
"Oo kanina sa bahay, hinanap ka sa akin nung kaibigan mo. Ano na nga pangalan nun? Mary?"
"Amerie" Pag tama ko sa kanya. "Crush ka nun e" bulgar ko.
"Alam ko, yung tingin nya sa akin, ganun yung tingin mo kay Eros"
"Paano ko ba tignan si Eros?" I pouted, kasi kung parehas kami ni Amerie ng paraan ng pagtingin sa crush namin e di mukha pala akong tanga?
"Your eyes sparkles, as if you saw the sun for the first time." He gave me a faint smile, nag iwas sya ng tingin at tumikhim, ang lalim naman nun.