Chapter 30: First Argument

“You say that you don’t want any arguments. Pero tinalikuran mo ako habang nagsasalita pa ako. Anong tawag mo doon? Hindi ba malinaw na pambabastos sa akin ang inasal mo? Kung sanay ka sa ganyang ugali dahil pakiramdam mo tama ka, hindi mo pwedeng gawin sa akin iyan,” lalong bumaon ang mga kamay si Brielle sa braso niya.

“Brielle, hindi kita binastos. Nabigla ako sa narinig ko. Ayokong may masabi akong hindi maganda sayo,” katwiran niya.

“So balak mong sumagot nga sa akin? Ngayon pa lang pinakita mo ang pangit mong ugali sa harapan ko. Baka nakalimutan mong ikaw ang may kailangan sa akin kaya dapat kang sumunod at irerespeto mo ako!” sumisigaw na si Brielle.

She immediately cried. “Bitawan mo sabi ako. Masakit ang pagkakahawak mo sa akin. Bumaon ang kamay mo sa braso ko. Kung may nagawa akong mali sa paningin mo hindi mo naman siguro ako dapat saktan agad,” aniya at pilit na tinatanggal ang kamay ni Brielle.

“Alam kong spoiled ka sa father mo pero sad to say wala na siya. Iniwan ka at walang tinira sayo. Kaya mo nga sinisiksik ang sarili mo sa akin dahil wala kang kakayahan na harapin ang mga taong sa tingin mo ay umaapi sayo. Ngayon iiyak ka? Iyan lang ba ang kaya mo?,” nanlilisik ang mga matang turan ni Brielle.

“Brielle please let me go!” She whispered in pain. “Hindi naman ako nagsalita ng hindi maganda sayo, kung mali man ang inasal ko humihingi ako ng patawad,” yumuko siya sa harapan nito at pinahid ang kanyang mga luha sa pisngi.

Tila biglang natauhan si Brielle. Nadala siya sa labis na galit na matagal na niyang kinikimkim. Biglang binitawan nito si Ivana ngunit nang akma na sana niyang abutin at yakapin, tumakbo ito pabalik sa itaas. Hindi na niya ito hinabol pa. Nanlulumong umuupo siya sa sofa.

“How stupid I am? Why did I react so much a while ago?” he silently asks himself.

Samantala si Ivana naman ay mabilis na pumasok ng kwarto at sinara ang pinto. Ni-lock niya agad ang pintuan sa takot na sumunod si Brielle. She wanted to call Denise to tell her best friend that she and Brielle had a fight. Ngunit Mas pinili na lang niyang sarilinin ang nararamdaman. Inisip niyang hindi mabuting banggitin niya kay Denise ang naging alitan nilang dalawa ni Brielle, baka mag-create pa ito ng di-pagkakaunawaan nilang magkakapatid.

Kinuha niya ang planner at nag pasiyang isulat dito ang kanyang sama ng loob. Kadalasan niyang ginagawa ito kapag nalulungkot siya.

“Today is another sad moment of my life. I had a big fight with Brielle. Napakaliit na bagay lang ang sinimulan ng pagtatalo namin na nauuwi sa pananakit. Nalulungkot ako dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa aming dalawa ang ganitong sitwasyon. Marahil nga nagbago na siya, hindi na siya ang dating Brielle na kilala ko. Ang dami ng nagbago, pero wala akong ibang matatakbuhan kung di siya lamang. Kailangan ko ang tulong niya dahil tulad ng sabi niya wala akong kakayahan. Ivana, be strong and things will be getting better someday,”

Masama ang loob niya at biglang napalitan ng malungkot na pangyayari ang ilang araw nilang masayang pagsasama. Nagugutom na siya ngunit pinili niyang tiisin ang nararamdaman dahil sa takot kay Brielle. Humiga nalang siya kama at pumikit hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Nawalan na ng gana si Brielle na kumain. He left his home and went to his office.

“Sir Brielle, akala ko po hindi kayo papasok?” nabigla si Harold ng makita siya.

“Bring me a cup of coffee!” he said and ignored Harold’s question.

“Okay!” tumalikod na ito at iniwan siya. Ilang minuto lang bumalik na ito dala ang kape niya.

He decided to stay in the company until midnight.

Nagising si Ivana at nakitang alas-dose na ng madaling araw at di pa umuuwi si Brielle. She jumped off from bed and kept her planner. Kinuha niya kaagad ang cellphone at tinawagan si Brielle ngunit hindi ito sumagot. Bumaba siya ng dining room at kumain na lamang mag isa. Pagkatapos kumain ay bumalik siya ng kwarto at nagbihis ng pantulog.

Pasado ala-una ng madaling araw ng magmulat ng mata si Brielle. Nakatulog na siya sa adjacent room na nasa loob ng office niya. Bumangon siya at dinampot ang cellphone. Nakita niya ang ilang missed calls ni Ivana. He took a deep breath and stormed out.

Ilang minuto lang nasa bahay na siya. Tahimik na ang buong paligid. Umakyat siya ng kwarto at nadatnan niyang tulog na si Ivana. He just went to the bathroom and took a shower. He changed His clothes and lay down beside her carefully. Nilingon niya ang natutulog na si Ivana. Hindi siya nakatiis at niyakap niya ito. He wanted to ask for an apology but it is against his will, so he decided to keep silent.

“Hmm! Brielle, where have you been?” biglang nagmulat ng mata si Ivana ng maramdaman niya ang mga braso ni Brielle.

“Hush, don’t talk. I want to sleep now. I’m tired!” anito at pumikit na.

“Honey, I’m sorry, I know I made a mistake. Can we not fight again?”

“Matulog na tayo, ayokong pag-usapan,”

“Kumain kana? Ipaghahanda kita ng pagkain kung gusto mo,” tanong niya.

“Ang kulit mo rin talaga. Sige na nga, nagugutom ako!” bigla itong bumangon at hinila siya pababa ng kama.

She pulled him back and hugged him. She planted a light kiss on his lips. “ Sorry na! Galit ka pa ba sa akin?”

“Nabigla lang din ako. I will try my best not to harm you next time. Let’s go downstairs to have dinner. Nagugutom na ako!” Tiningnan niya ang braso ni Ivana na may bakas ng daliri niya at namumula pa ito.

“Halika na. Nagugutom na rin ako, akala ko hindi ka uuwi, nag-aalala na ako sayo,” she said.

“Namumula ang braso mo. Let’s put some cold compress on it after our dinner,”

“Huwag na Brielle. Okay na ako,” mabilis niyang tugon.

“Ivana, hindi ko sinadya na saktan ka at--”

Tinakpan niya ang bibig na Brielle. “I said, I’m okay. I know, na nabigla ka lang,”

“Okay, halika na!” hinila na siya ni Brielle palabas ng kwarto.

Matapos ang hapunan, they went back to their bedroom. Brielle wanted to touch her but he was so guilty of what he had done to her early today. Tahimik lang din na humiga si Ivana at nakikiramdam lang din kay Brielle. Naninibago na siya sa mga ikinikilos nito ngunit hindi na siya nagtanong pa.

Kinabukasan ng magising siya wala na sa tabi niya si Brielle. Mabilis naman siyang bumangon at naligo. Pagbaba niya ng dining room, nakita niya ang breakfast na iniwan ni Brielle sa kanya. She eats breakfast and cooks food for lunch then quickly leaves the house. Pumunta siya sa puntod ng father niya.

“Daddy how are you? I miss you Dad. Daddy, I married Brielle Santillian. He promised to help me. Sorry po na ganito ang ginawa kong desisyon, wala akong ibang malalapitan sa ngayon. Daddy, alam kong masaya ka na kasi kasama mo na si Mommy sa heaven. Please Guide nyo ako parati sa bawat desisyon na gagawin ko. Dad, I will always remember all the things that you’ve taught me. Gagalingan ko at babawiin ko po ang pag-aari ninyo, hindi ko hahayaan na mawala sa akin ang pinaghirapan po ninyo. Babalik po ako ulit dito sa mga susunod na araw!”

Pagkatapos niyang maglaan ng ilang oras sa puntod ng Daddy niya nagpasya siyang dumaan sa mall. Pumasok siya sa isang Department store at pumili ng necktie for Brielle. She suddenly bumped into someone. It was her cousin Samantha Huo.

“Look who is here? Ivana, buhay kapa pala?” anito ng mapansin siya.

“Samantha! I don’t want to create a scandal in public,” she said.

“Ah, talaga? Pero sikat na sikat ka sa internet. Tsk, tsk, hindi mo tinitingnan ang social media account mo? Kahit man lang ang Instagram mo? Ang daming namba-bash sayo ng malaman nilang hindi ka na ang dating prinsesa at tagapagmana ng HUO Group!”

“I don’t care what people say against me. Hindi naman ako magnanakaw at babawiin ko ang nararapat sa akin?” mataray na tugon niya.

“Are you implying that we grab your wealth?” Samantha grabbed her arm immediately.

Mabilis siyang pumiksi at itinulak ito. Kaagad na napansin ng mga clerk na naroon sa loob ng shop. Napansin ang komisyon na nagaganap at kinunan pa sila ng live video.

“Please stop taking us videos!” aniya ng mapansin ang ginawa ng ilang staff. Nagtawanan ang mga ito at halos matunaw siya sa hiya. She felt humiliated at bago pa siya makatakbo, mabilis na hinila ni Samantha ang buhok niya at sinampal siya nito.

“That slap is for insulting me!”

Pumihit siya at sinampal rin niya si Samantha. “I won’t let someone like you will bully me. Wala kang karapatan!” tumakbo na siya palabas at sumakay ng taxi.

Pagdating ng bahay, doon lamang bumuhos ang masaganang luha niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga taong umaapi sa kanya.

Ilang oras lang, kalat na sa buong social media ang nangyaring insidente sa kanilang dalawa ni Samantha. People who saw it mocked at her and some of them commented that she was desperate and frustrated. Maikling video lamang ang nakadownload sa social media at halos lahat ng tao ang tingin sa kanya ay masama.

Nabasa niya ang lahat ng sinasabi ng mga tao ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang. After two hours, she heard the sound of Brielle’s car. Hilam ng luha ang mga mata niya ng nadatnan siya nito sa master’s bedroom.

“Ivana, bakit kalat na kalat sa social media ang pakikipag-away mo kay Samantha?” kompronta nito sa kanya.

Nag-angat siya ng ulo at agad nitong nakita ang namamaga niyang mga mata. “Brielle, wala akong kasalanan. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko,”

“Umiiyak ka na naman? Ipinagtanggol mo ang sarili mo? Eh kitang kita doon sa naka-upload na video na sinampal mo siya, tapos wala kang kasalanan?” bakas sa boses nito ang galit.

“Hindi ko ginustong sampalin siya at makipag-away. Kung ayaw mong pakinggan ang mga paliwanag ko, I think I’d rather shut my mouth up,” mahinang tugon niya.

“Ganyan ka ba ka war freak? Lahat ng kilos mo hindi mo pinag-iisipan? Nasa public place kayo, hindi mo ba naisip iyon? Kahit siguro may galit ka sa kanila dapat inisip mo ang magiging consequences ng gagawin mong aksyon,” Brielle scolded her.

“Kahit ba inaapakan na ang pagkatao ko Brielle mananahimik pa rin ako? Diba sabi mo sa akin lumaban ako kapag may nang-aapi sa akin? Hindi mo alam--”

“Shut up! Stop making excuses. You are wrong at this time,”

“Ako ang mali?” she screamed. She felt humiliated by his words. “You easily judged me without asking my side. Brielle, hindi ko ugaling makipag-away, hindi ko rin ginustong magpang-abot kami. You were just saying mali ako? Alam mo ba ang ginawa niya sa akin? Ininsulto niya ako, pinahiya at sinampal. Gumanti lang ako!” bumubuhos na naman ulit ang luha niya.

Nabigla si Brielle sa narinig niya. Bigla siyang natauhan ng marinig niya ang sinabi ni Ivana. “Sinampal ka niya?” Tsaka lamang napansin ni Brielle ang namumulang pisngi ni Ivana.

Bago pa siya tuluyang bumigay, tumakbo na siya palabas ng bahay at dinampot ang handbag niya. She decided to leave Brielle’s house and went straight to her condo.

Hindi na hinabol ni Brielle si Ivana, sa halip tinawagan niya ang Assistant niyang si Harold.

“Harold, ask the Pacific Mall CCTV footage. I wanted to see what had happened earlier,”

“Yun po bang insidente na naganap sa loob ng department store sir Brielle?”

“Yes, I will wait in thirty minutes to get a copy of that CCTV footage,” he ended the call.

After he called Harold, he dialed Ivana's number but she didn't pick his call. He sent a message.

"Come back home. I am hungry, I haven't eaten yet"

Ivana received Brielle's message, nagdadalawang-isip siyang sumagot sa message nito ngunit alam niyang magagalit ito lalo kapag hindi siya sasagot. She replied.

"I already cooked food , check at the kitchen. Gusto ko lang huminga. Ayokong magkagalit pa tayo lalo, hayaan mo muna akong pagsisihan ang kasalanang nagawa ko,"

"You said, you never done wrong? Bakit ngayon inamin mo na?"

"Para matapos na Brielle,"

"Just come home, I will not be going to scold you again,"

"Let me breathe and allow me even for a few hours to have a peace of mind,"

"Where exactly are you? I will pick you up!"

"Huwag na, uuwi rin ako kapag gumaan na ang pakiramdam ko.

"Hindi ako galit sayo. Gusto lang kitang paalalahanan na mag-ingat sa bawat kilos mo dahil masyadong mainit ang mata ng mga tao sayo,"

"I know Brielle, kaya nga nagsisisi ako sa pabigla-bigla kong reaksyon, pero hindi ko kasalanan. Kung maniwala ka man o hindi,"

"Ivana, just come back home!"

Hindi na siya sumagot sa message ni Brielle. She wanted space and she wanted to breathe.

Brielle went to the kitchen and he saw a few dishes that Ivana had cooked. Masarap ang hinanda nitong pagkain ngunit nakakalungkot ang katahimikan sa buong bahay. Ngayon lamang niya naranasan ang ganitong pakiramdam.

"Brielle, don't fall for her. You need to focus on your plans," He told himself silently. Pagbalik niya ng living room he received a message from Harold. The video footage of the entire incident that happened between Ivana and Samantha. Malinaw sa kuha ng CCTV na unang hinablot ni Samantha si Ivana. Dinig na dinig din ang mga maaanghang na salita na binibitawan nito laban kay Ivana.

Brielle had realized that Ivana is telling the truth. Nagtataka lamang siya bakit bigla nitong inamin na may kasalanan ito gayong malinaw sa video na pinagtanggol lamang nito ang kanyang sarili.

He quickly picked up his phone and called her again but Ivana did not answer his call. Inisip niya kung saan ito pumunta at ang unang pumasok sa isipan niya ay ang condo unit nito. He grabbed his car key and drove his car to Ivana's condominium. Ilang minuto lang nasa harapan na siya ng unit nito. Sunud-sunod na katok ang ginawa niya.

"Ivana! Ivana! Open the door!"

Biglang bumangon mula sa kama si Ivana ng marinig ang boses ni Brielle sa labas ng pintuan. Hindi niya akalain na matunton nito ang lugar na pinuntahan niya. Inisip niyang galit pa rin ito sa kanya kaya mas pinili muna niyang umalis. She walked toward the door and opened it.