Chapter 28: Glimpse of the Past

“Social media platforms often create gossip. Kahit hindi naman totoo at tayo mismo dumaan sa ganoong turmoil during our early fights. Lahat ng kasinungalingan sinusulat kasi doon sila nabubuhay. Internet earns from creating website traffic. I’ve been in Digital Marketing Business and I know how social media manipulates humans,” tugon ni Brent.

“Iba pa rin ang nangyari sa atin. At sadyang wild talaga ang batang iyon kasi kung hindi bakit nasasangkot siya sa ganong usapin at talk of the town pa?” Shantal said.

“She might being misunderstood, kilala mo naman si Simon Yun, playboy nga diba? So expected na bawat galaw noon hinahabol ng mga gossipers,” Papasok na sa basement ang sasakyan nilang mag-asawa at kaagad nagpark si Brent.

“Hay naku, kahit ano pa ang sasabihin mo, Ivana Huo still involve in a scandal recently,”

“Halika na, bababa na tayo. Huwag na nating pag-usapan iyan masisira ang araw mo!” Brent held her hand and they went to his office.

Pagpasok nila ng opisina mabilis niyang hinanap ang folder na naglalaman ng report tungkol kay Reynold Huo.

“Love, pupuntahan ko lang si Ryan sa office niya may itatanong lang ako tungkol sa business,” paalam ni Brent kay Shantal.

“Okay, I’ll wait for you here. Tatawag lang din ako kay Martin. I will check my upcoming event and schedule next week dito sa Singapore,”

“Okay!” lumabas na si Brent at nagpunta sa office ni Ryan. Nadatnan niyang abala ito sa harapan ng computer.

“Ryan, ito naba yung last report ng agent natin sa China about sa Huo Group?” tanong ni Brent.

“Morning boss! Oo boss, last year ko pa binigay sa inyo po iyan. Di na ako nag-follow-up kasi po bayad na naman din po sa atin si Mr. Huo,” nag-angat ng ulo si Ryan.

“Nakalimutan ko na kasi ito eh. It is clearly said in this report that HUO Group had a new business venture in the Middle East. At nag-alok si Reynold ng share sa anak ko. Bumili si Brielle ng share sa HUO Group?”

“Yes boss, ang alam ko 30% po ang shares niya sa company ng mga HUO. Hindi po ba sinabi sa inyo ni Sir Brielle?” nagtatakang tanong nito.

“Hindi. Kaya ko lang naalala ito kasi binanggit ni Denise na namatay na si Reynold a few months ago,”

“Talaga? Walang binanggit sa akin ang anak kong si Harold, boss. Silang dalawa ang magkasama ni Sir Brielle,”

“I don’t get it. How come Mr. Huo found ways to talk to my son, knowing he hated me before?”

“Eh baka nangailangan din po siya ng alliance at nakita niyang malakas ang influence ng anak nyo sa buong Beijing,”

“Paimbestigahan mo ulit ang HUO Group kasi according to my daughter the person who became a successor of Reynold’s business is his relative and his daughter Ivana has been thrown out. Ang masaklap pa, she blackmailed my son to marry her after she succeeded to slept with Brielle,” Brent said.

“Huh, naku talaga naman ang mga kabataan ngayon pabigla-bigla,”

“Call our team and let them check HUO Group secretly. Masama ang kutob ko sa takbo ng pangyayaring ito,”

“Eh boss, dapat siguro pumunta kayo mismo ng Beijing at kausapin nyo si Brielle. siya lang makakasagot ng lahat ng agam-agam nyo,” Ryan suggested.

“Hindi ako pwedeng pumunta doon ng di kasama ang asawa ko. Alam mo namang masyadong selosa yun at tiyak na magdududa si Shantal kapag biglaan akong aalis,”

“Boss, dati kasi balitang balita na nagkasakit bigla si Mr. Huo, that was five months ago. Biglaan nga ang nangyari sa kanya. At ang tumatayong COO ng company niya is yong brother niyang si Hendric. Eh ang pagkakaalam ko clever iyon at maraming underground business na kinasasangkutan. Sabi pa nga, lihim na nakikipag-alyansa iyon sa mga YUN. Siguro naman alam na alam mo ito, kasi YUN Corp. ang isa sa mga kalaban nyo. Kamag-anak ng asawa ni Mr. Celso Chan. Old family rivals nyo ang mga Chan. At ang YUN Family is related to Mr. Celso Chan’s wife,”

“You mean to say, Celso Chan’s wife is related to YUN Corp.?” Brent asked.

“Hindi lang related boss, anak ng matandang YUN ang asawa ni Celso Chan,” tugon ni Ryan.

“Bakit ngayon mo lang binanggit?” Brent snapped.

“Eh Boss, nakakulong na ng habambuhay si Mr. Chan tsaka balita ko nasa Europe na rin ang asawa noon kasama si Mr. Mike Chan,” mahinang tugon nito.

Biglang sumakit ang ulo ni Brent sa mga sinasabi ni Ryan.

“Masyadong malihim ang anak ko, di man lang sinabi sa akin na nag-uusap pala sila ng father ni Ivana. Kung hindi pa nag-confide ang bunso ko today, hindi ko malalaman. Sumasakit ang ulo ko dito sa mga pinaggagawa ni Brielle,”

“Boss alam mo, feel ko ang main reason kung bakit nakikipag-usap si Brielle sa ama ni Ivana, Baka ito ay para makakapagtanong siya sa whereabouts ni Ivana. In love tiyak ang anak mo doon at takot na magsabi sa inyo, kasi alam nun galit si Ma’am Shantal sa mga HUO,”

“Nagpakasal sila ni Ivana ng lihim. Kaya sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa nilang dalawa. Saka bakit di mo rin alam ang galaw ni Harold sa Beijing? Assistant ni Brielle ang anak mo?” Brent asked.

“Eh Boss, naku silang dalawa lang nakakaalam sa mga galaw din nila doon. Ngayon pa lang mag-isip ka na ng idadahilan mo kay Ma’am Shantal, gulo ang aabutin nito,”

“Talaga itong si Brielle. Hindi man lang muna nag-iisip,”

“Sus, parang ikaw lang din iyon. Sobrang in love kaya nawawala sa sarili noon! Hahaha!”

“Tumigil ka nga dyan. Ang dami mong alam!” sita ni Brent kay Ryan.

“Birthday ng anak mo next month, lahat tayo pupunta doon. Saka mo nalang pagalitan, ngayon pa nga lang mag-isip ka na ng solusyon sa mga pinaggagawa ng anak mo. Manang-mana sayo iyon, mahina ang loob pagdating sa love! iniiyakan lang ng babaeng mahal niya ayon---”

“Haist, mag set-up ka ng video conference with Brielle. Kakausapin ko!”

Beijing at Brielle’s Villa…

Tunog ng sasakyan ang naririnig ni Ivana sa main gate nila. Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang sasakyan ni Harold. Tanaw niya sa pangalawang palapag ng sumilip siya.

Pasado alas-diyes na ng umaga. Tinawagan siya ni Brielle at pinapadala ang mga dokumento sa bahay nito. Ilang blocks lamang mula sa Villa nito ang office nila. Ayon dito mag-e-extend ito ng bakasyon. Harold knows that Brielle wanted to spend more time with Ivana.

Nag-abang sa living room si Brielle kay Harold.

“Morning sir Brielle! Sorry medyo tinanghali ako dahil may tinapos lang akong meeting with our marketing team!” said Harold.

“Dinala mo ba lahat ng documents na kailangan kong pirmahan?”

“Ah yes, sir Brielle,” inabot nito kay Brielle ang folder na naglalaman ng mga documents.

“Extend my vacation for one week. At yung sa dadaluhan nating auction, nakapaghanda ka na ba?”

“Yes boss! Sabi ng informant natin, Simon Yun has been prepared Five Billion Dollars for the said auction. Mukhang gustung-gusto niya talagang makuha ang Night Swan Necklace,”

“I know. So bring a higher amount that day. I will buy that pearl, no matter how much it costs,” Brielle said seriously.

“Okay, ihahanda ko po ang halagang kakailanganin natin. Nasaan ang little wife nyo?” biglang tanong nito.

“Nasa taas nade-design!” maikling tugon ni Brielle.

“Mukhang energetic ka boss. Nag-extend kapa ng bakasyon mo. Iba talaga kapag in love!”

“Anong in love?” Brielle snapped.

“Hindi nga ba?” tanong nito.

“I need Ivana to warm my bed and as bait. I know how Simon Yun courted her!” makahulugang sabi ni Brielle.

“Ibig sabihin po gagamitin mo siya laban kay Simon?” nabigla si Harold sa narinig.

“Ano nga ba ang papel niya sa buhay ko? Diba yun lang naman? siya ang lumapit sa akin. Hindi ko nakuha ang company ng Daddy niya noong nabubuhay pa ito dahil masyadong matalino ang matandang iyon,”

“Boss, kawawa naman si Ivana. Wala naman siyang ginawang mali sa--”

“Walang ginawang mali? I’ve never forgotten the moment she left me. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, at kusang gumawa ng paraan ang tadhana!” mariing sabi ni Brielle.

“So, ibig sabihin boss pinaglalaruan mo lang siya?” anito.

“Hindi ba pareho lang kami? May kanya-kanyang dahilan at interest. Kailangan ko ng tagapagmana. Alam kong vulnerable siya at kailangan niya ang tulong ko. After she gives birth, I will send her away. Inform my lawyer to prepare a divorce agreement,”

Biglang nalungkot si Harold ng marinig niya ang lahat ng sinabi ni Brielle. Hindi niya akalain na may sarili itong plano.

“Sige po masusunod Sir Brielle. Sana isipin mo rin muna ang magiging kahihinatnan ng lahat. Pakiramdam ko naman mabait si Miss Huo at sincere po siya sayo?” Harold said.

“Ke mabait or hindi si Ivana, she needs to pay for what she has done to me. Hindi ako nakakalimot sa sakit na binigay niya noon sa akin! Kusa siyang lumapit sa akin at hihintayin kong mahulog ang loob niya ng sobra sa akin bago ko iwanan!”

“Sige po sir ---” naputol ang sasabihin nito ng tumunog ang cellphone nito. “Hello! Dad! What is it?”

“Tell sir Brielle to come online, his father wanted to talk to him!”

“Okay Dad, I will tell him!” Harold hung up his phone.

“Sir Brielle, video conference daw po, asap. Naghihintay ang Daddy nyo.

"Video conference? Bakit biglaan naman ata?" nagulat si Brielle sa sinabi ni Harold.

"Di ko alam eh!"

"Halika umakyat tayo sa study room!" Brielle stood up and went straight to his study room.

Mabilis na sinara nila ang pinto at binuksan ang laptop niya. Video conference started and he saw his father's gloomy face.

"Brielle, bakit hindi ka nagsabi sa amin ng Mommy mo?" kaagad na bungad ni Brent sa anak.

"Anong sasabihin ko Dad?" naguguluhang tanong nito.

"C'mon Brielle, I know that you made the wrong decision. You even hide it from me? I know that you got married to Miss Huo!" Brent said immediately.

Hindi nakaimik si Brielle. Ilang minuto bago siya sumagot. Si Harold naman ay tahimik lang na nakikinig sa mag-ama.

"Dad, I know what I did, Trust me. I can fulfill your wish to have a grandchild,"

"Brielle, alam mo naman na galit ang Mommy mo sa mga Huo. Bakit si Ivana pa?"

"Dad, listen. I will not take it seriously. Ivana will not be my future wife. She's only a bait, so I can get their company," Brielle said directly.

"Naguguluhan na ako sa mga desisyong pinaggagawa mo. Kakasabi mo lang bibigyan mo kami ng apo. Tapos ngayon sinasabi mo pain lang siya? Ano ba talaga ang balak mo?"

"Dad, I will divorce her after she gives birth. I will give her a huge amount of compensation after she signs the divorce agreement. I need Ivana's signature for asset transfer because she's the sole successor of Mr. Huo!"

"Anak alam mo ba ang ginagawa mo? Sisirain mo ang buhay niya?" nag-aalalang tugon ni Brent.

"Did she not destroy my life the time she left Dad?" Brielle snapped.

"Brielle, hindi mo alam ang sinasabi mo. Ivana has nothing to do with his father's decision,"

"Dad pwede siyang gumawa ng sarili niyang desisyon para sana lingunin man lang tayo, pero hindi niya ginawa. Bumalik siya para gamitin lang ako. Para bawiin ang kayamanan ng father niya. I grabbed this opportunity to take my revenge," mariing sabi ni Brielle.

"Anak, masama ang gumanti. Nakita mo naman ang naging buhay namin ng Mommy mo noon bago kami nagkasundo, uulitin mo pa ba?" tanong nito.

"Dad, as I said, alam ko ang ginagawa ko. Let me do what I think is right. Ivana couldn't harm me anymore. She had no one to run to!"

"I will tell you something. Reynold Huo suffered so many trials before and people behind him are turning back against him. Nakiusap siya sa akin noon na tulungan ko pero tumanggi ako dahil sa mga maling balita about him. Hindi natin masisisi si Reynold kung bakit pinili niyang umalis sa Singapore at lumayo silang mag-ama," Brent said.

"Dad, as I said I can make my own decision. I know what I am doing! Ivana and I are not the same young children who could easily patch up things that we didn't agree with,"

"Then why did you marry her?" Brent asked.

"She asked? Mom and you often told me to give a grandchild. Ivana came at the perfect time. As a businessman should I refuse a good opportunity?" Brielle replied.

"Alam mo bang malapit na magkaibigan si Denise at Ivana? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng kapatid mo?"

"Dad, my plans and business have nothing to do with my sister. They can be friends forever if it's what they want,"

"Sasama ang loob sayo ng kapatid mo. Pagsisimulan ito ng away ninyong dalawa,"

"And should I be afraid, Dad? They are just both spoiled brats. As I said I will compensate Ivana Huo a huge amount after the divorce,"

Napasinghap si Ryan na nakikinig lamang sa usapan ng mag-ama. Hindi nito lubos maisip na may mga planong paghihiganti si Brielle laban sa mga Huo.

"Sana lang hindi ka magsisisi sa gagawin mo. Sometimes we value someone if they have already gone in our lives. Kung final na ang desisyon mong iyan wala na akong magagawa pero sana hindi darating ang time, na mahuhulog ang loob mo kay Ivana. I think she is a good woman and she's strong enough,"

"She's weak Dad, otherwise, she will not going to use me to get his father's will. Nagkataon lang naging pabor sa akin ang tadhana,"

"Sasabihin mo ba sa Mommy mo ang tungkol sa inyong dalawa?" lihis na tanong ni Brent.

"No. I don't want Mommy to get upset. Of course, I will control Ivana. I will let her pretend as my employee. Just be silent Dad!"

Napapailing si Brent ng marinig lahat ng sinasabi at plano ni Brielle.

"Ikaw ang bahala. Alam mo na ang ginagawa mo Brielle. Pero sana anak, maisip mong may damdamin din si Ivana. Pakiramdam ko mahal ka ng batang iyon kasi ikaw ang naisip niyang takbuhan at hingan ng tulong!"

"Dad, ayoko ng sentiments. I wanted to take what I think I need to take. If I could hurt her, I will pay her. Money works some magic in everyone's life,"

Hindi na umimik si Brent hanggang sa matapos ang mahabang katahimikan at natapos ang usapan nilang mag-ama.