Chapter 27: Denise Confession
Malakas na sikat ng araw ang tumagos sa salamin ng malaking bintana sa master’s bedroom ang gumising kay Ivana. Lumingon siya sa tabi niya at nakitang tulog na tulog pa si Brielle habang ito ay nakayakap pa sa kanya. She planted a light kiss on his lips.
“Honey, tanghali na di ka ba papasok?” she whispered in his ear.
“Dumilat ang mga mata nito at tumingin sa kanya. Morning baby! Muah! Anong oras na?” anito
“Past 8 am na po. Bangon na tayo kasi tanghali na,” she said, and she quickly jumped out of bed.
Naiwang nakahiga pa rin si Brielle at bumalik ng tulog. She went straight to the shower room and took a quick shower. Pagbalik niya tulog pa rin si Brielle.
“Mister anong oras na, bumangon kana dyan! I will go downstairs first and prepare our breakfast,” she said, but before she could leave, Brielle quickly pulled her hand. She landed back into his arms.
“Hindi ako papasok, dito nalang muna ako sa bahay. I can work in my study room. I will ask my assistant to bring those important documents that needed my signature!” he lazily answered while hugging her tightly.
She pinched Brielle's face and said, “Bakit bigla ka yatang tinatamad pumasok? Dati sabi ni Yaya Santina halos tumira ka na sa company at bihirang nauwi sa lumang Villa nyo,”
“I wanted to extend my vacation. Anytime naman pwede akong magpahinga. And I wanted to spend more time with my wife,” he rains tiny kisses on her thin lips.
“Okay, kung yan ang gusto mong gawin ikaw ang bahala. Bumangon ka na at maligo. Maghahanda lang ako ng breakfast natin, hintayin na kita sa dining room she said and removed his arms that wrapped around her waist.
“Baby, hindi na ba masama ang loob mo?” bigla nitong tanong.
“Bakit naman sasama ang loob ko?” tugon niya habang nakahiga siya sa braso ni Brielle.
“I mean, doon sa mga naririnig mo na sinabi ng Mommy ko. Saka doon sa mga pambu-bully ko sayo noong maliliit pa tayo,” He said.
“Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Laging sinasabi ng Daddy ko noon na maging mabuti ako sa kapwa para ganoon din ang babalik sa akin. Sabi rin niya noon kapag may gumawa ng mabuti sa akin suklian ko ng higit pa, kapag ginawan ako ng masama tumalikod nalang ako at mag let go. I remembered he said too, choose a right battle, if you think you are fighting a losing battle, then simply walk away,” she said.
“Kaya ka ba umalis noon kasi pakiramdam mo you are fighting at the losing battle?” Brielle asked.
“Actually, hindi po! I am still young at that time. I asked my father to bid farewell before we left, but he said we are running out of time. When I arrived in Beijing, things are tough, my father used to leave home early every day. My nanny told me I should be an independent one so I could do things on my own. Noong umalis siya sa amin ang hirap para sa akin kasi hinatid lang niya ako sa London noon at sabi niya uuwi na siya ng Pilipinas. I live in a foreign country alone, and at that time suddenly I’ve met your sister Denise. Naging malapit kami sa isa’t-isa ulit. That was 3 yrs ago. Hindi ko alam kung bakit bigla akong pinaalis ng Daddy ko dito sa Beijing. I never question my Dad’s decision because I know he did it for my own good,”
“I see. You don’t regret leaving Singapore?”
“No, because that is not my country of origin. Saka wala pa akong gaanong maalala noon. Hindi ko rin gaanong natatandaan ang mga pambu-bully mo noon sa akin. Kahit nga memories ng Mommy ko, ang tanging nakapagpapa-alala lang sa akin ay ang mga videos na iniwan niya sa akin. Natatandaan ko lang na image ng isang ina ay ang Mommy Shantal mo nalang dahil madalas nga ako sa inyo noon,”
Brielle’s stomach growls, an indication that he is hungry. “Oops! Gutom na ako, sige na tama na ang kwentuhan natin. Maliligo lang ako at bababa na rin, mauna ka na sa kitchen, prepare a good breakfast for us!” anito.
Sabay na silang bumangon at bumaba na siya papuntang kitchen. She cooked a healthy breakfast for them. After an hour, Brielle went down, and they eat together.
9 am Singapore Time…
“Love, sasama kaba sa akin sa office?” tanong ni Brent sa asawa.
“Oo, hintayin mo na ako sa living room, magbibihis lang ako!” anito habang papalabas ng banyo.
“Dadaanan ko lang sa kwarto niya ang bunso natin!” Brent said and stormed out of their room.
Mahinang katok ang naririnig ni Denise sa labas ng kwarto niya. She heard his Daddy’s voice.
“Princess, Daddy will get inside!”
“Come in, Dad!”
Pagpasok ni Brent nadatnan niyang nakahiga pa sa kama si Denise. He walked towards her daughter and ask.
“Gusto mo bang sumama sa amin ng Mommy mo?” kaagad niyang tanong at umupo sa gilid ng kama nito.
Bumangon si Denise at umupo. “Dad, hindi na po. May gagawin ako today. Dad, may sasabihin ako sayo?”
Nagulat si Brent at biglang kinabahan ng makitang tila alanganin ang anak. “Okay, what is it?”
“Promise me first, you will not tell Kuya and Mommy?”
“Huh? I-- can you elaborate it to me? Kinakabahan ako sayo ah!” Brent said.
“Promise muna! Dali na Dad!” Denise acted like a spoiled brat.
“Okay... Okay... I promise! Now tell me straight!”
“Dad, did you remember Ivana Huo? Our childhood friend!”
“Yes! Why?” naguguluhang tugon ni Brent ngunit nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang sinabi ng anak.
“I had met her in London 3 years ago. We became close friends again, and we often hang out. But I never told you guys kasi alam kong hindi in good terms ang pamilya natin sa kanila after noong nangyari kay Kuya Brielle. Mabait naman po si Ivana at mag-isa lang din kasi siya sa London!” sunud-sunod na kwento ni Denise.
“Naiintindihan ko, pero anak alam mo naman na masama ang loob ng Mommy mo sa kanila at--”
“Dad, Ivana’s father, died a few months ago! And she needs our help. I know I can trust you, that's why I told you about her!”
Nabigla si Brent sa narinig mula sa anak. “Reynold Huo died? When?”
“Tatlong buwan na ang nakalipas. Bumalik na ng Beijing si Ivana at ---”
“What is it?” Brent immediately asked out of curiosity.
“Dad, I helped her to fulfill her plans!” biglang sagot nito
“Plans? For what?” naguguluhang tanong ni Brent sa anak niya.
“Tinulungan ko po siyang pikutin si Kuya Brielle,” mahinang tugon nito at nakayuko.
“Pikutin? You mean… Teka nga linawin mo, naguguluhan ako sayo,”
“Hush, Daddy ang lakas ng boses mo maririnig ka ni Mom!”
“Nagbibihis pa sa kwarto ang Mommy mo. Matagal matapos iyon. Ano ba yung sinasabi mong pipikutin?”
“Nang mamatay ang Daddy niya, bumalik po siya ng Beijing pero pinalayas siya ng mga kamag-anak niya at ninakawan. I mean, lahat ng properties na pag-aari ng Daddy niya napunta po lahat sa Uncle Hendric niya. Nakiusap siya sa akin na tulungan ko. Wala akong ibang maisip na pwedeng tumulong sa kanya kundi si Kuya lang. 3 weeks ago, noong nagkaroon ng Annual Event sa company natin, I told her to sleep with Kuya Brielle and forced him to marry her,”
“Ano ba iyang kalokohan na pumapasok sa isip ninyong dalawa. Masyado kayong mapusok. Sana nagsabi kayo sa akin ng maayos!” sermon ni Brent.
“Eh, Daddy takot kami kasi alam mo naman galit si Kuya at Mommy kay Ivana,”
“At ngayon ba hindi na galit ang Kuya mo? Anong sitwasyon nilang dalawa?”
“Kasal na sila secretly!” biglang bulalas ni Denise.
“Kasal?! Paanong nangyari?” biglang tugon ni Brent.
“Pinikot nga ni Ivana. She blackmailed Kuya Brielle. And it was successful, they got married secretly. I mean, they registered as a couple in Beijing, legally.”
“Naku, ano ba itong mga kalokohan nyo. Bakit hindi naman binanggit ng Kuya mo kagabi? Tumawag sa amin ah!” Brent said.
“Aba, itanong mo sa kanya. Pero, Dad huwag mong banggitin kay Kuya na ako nag-suggest kay Ivana. Magagalit sa akin iyon, pati kay Mommy huwag mo ring sabihin!” she begged his father.
Napapailing si Brent. Ngayon lang niya naisip na malalaki na ang mga anak nila at may kanya kanyang desisyon na sa buhay. Ang ipinagtataka lang niya bakit naglihim si Brielle sa kanila.
“Ako naguguluhan din sa Kuya mo. Hay naku, kayo talagang dalawa ang daming kalokohan. Kaya nagagalit ang Mommy nyo. Alam nyo namang sensitive masyado iyon,”
“Sorry, Dad! But please don’t tell them. I don’t want to mess up with Mom and Kuya,”
“May magagawa ba ako? Wala naman diba? Nangyari na ito, tapos na kaya tikom nalang tiyak ang bibig ko pero sana sa susunod bago kayo magdesisyon magsabi muna kayo sa akin. Kahit sa akin nalang kung takot kayo sa Mommy nyo. Hindi nadadaan sa pabigla-bigla ang lahat ng bagay. Hindi nyo alam ang puno't dulo ng lahat ng bagay. I don’t know how can I ask your Brother about their situation. Masyadong complicated ang ginagawa ninyong tatlo,” mahabang sermon ni Brent.
“Hindi alam ni Kuya na kasabwat ako. Magagalit sa akin --”
“Talagang magagalit sayo iyon, lalo na ang Mommy nyo. Ginagawa nyo lang dalawa ni Ivana na laro ang lahat ng bagay ah!”
“Sorry, Dad!” she asks, an apology to her father.
“Brent, let's go now!” biglang pumasok si Shantal sa kwarto ng anak at nadatnan niyang seryosong nag-uusap ang mag-ama. “Santillian, bakit parang ang seryoso ata ng usapan ninyong mag-ama? Anong meron?”
“Love--I--I-- just give some advice to our princess!” Brent stuttered.
“Bakit nauutal ka? Kayo nahahalata ko na may tinatago kayo sa akin mag-ama. Mula sayo, kay Denise at Brielle. Parang hindi na ako aware sa mga pinaggagawa ninyong tatlo,” Shantal snapped at Brent and walked towards Denise's bed.
“Hindi, ito naman laging may duda. Sinasabihan ko lang ang anak mo na huwag alis ng alis dahil tiyak na sermon ang aabutin sayo,” hindi makatingin si Brent kay Shantal habang sinasabi ito. Na-gu-guilty siya at alam niyang magagalit ang asawa niya kapag nahuli silang mag-ama.
“My instinct told me, there is something wrong!” Shantal said again.
“Mali ang instinct mo!” mabilis na tugon ni Brent.
“Iwan ko lang, kapag kayo ay may tinatago sa akin, humanda talaga kayo sa akin. Halika na late na tayo. Denise, huwag kang umalis ng bahay!” bilin nito sa anak bago hinila na si Brent palabas ng kwarto nito.
“Bye, Mom, Dad!” nakahinga siya ng maluwag matapos makapagsabi sa ama. Batid niyang mahaba ang pasensya ni Brent sa kanila at kaya nitong pagtakpan ang ginagawa nilang magkapatid.
Tahimik na nagmamaneho si Brent ng sasakyan papuntang opisina ngunit ang isipan niya ay puno ng alalahanin. Ngayon lang niya naisip na sadyang pinagtagpo si Brielle at Ivana ngunit sa maling pagkakataon. Simula ng gumaling si Brielle, hinihinto na niya ang pag-iimbestiga kay Reynold Huo at natatandaan niya na may huling report na binigay sa kanya si Ryan tungkol dito pero hindi na niya ito pinag-aksayahan pa ng panahon na basahin. Nagulat siya ng malaman mula kay Denise na ilang buwan na pa lang namatay si Reynold.
"Love, are you okay?" biglang tanong ni Shantal na nasa tabi niya.
"Yeah, I am okay, Love!" tugon ni Brent.
"Bakit ang lalim ng inisip mo ata?"
"Wala. Naisip ko lang bigla ang pamilya ni Reynold!" tugon ni Brent.
"Reynold Huo?" Shantal asked.
"Yes. Ang tagal na kasi nilang di natin nakausap. Bigla ko lang naalala na--"
"Enough! Brent, I don't want you to talk about them. We helped him during the time of his trouble, but they left without considering us!" she snaps at him.
"Brielle had recovered, and maybe it's about time for you to let go!" he suggested.
"Brent, madaling sabihin eh, pero ang hirap tanggapin. I saw how my son suffered at that time. Ilang beses kang pabalik-balik ng Beijing noon para kausapin siya at ipahiram man sana muna si Ivana, para lang gumaling ang anak natin, pero he never listen to you nor gives you a chance to talk on him!"
"Shantal, if you only know how hard on his part to recover too, baka maintindihan mo rin siya," mahinang tugon ni Brent.
"Pagtatalunan ba natin ito, Brent?" mataray na tugon nito.
"Hindi naman ako nakikipagtalo sayo, ang sinabi ko lang mag let-go kana. Okay na ang anak natin. Ilang taon na rin ang nakalipas,"
"Ibaba mo nalang ako sa tabi, ayokong marinig ang sasabihin mo. Baka lumala pa ang pagtatalo natin at mauwi sa mahabang pagtatalo!"
"Hey, love! kumalma ka nga. Malapit na tayo sa company. Ang init ng ulo mo, okay titigil na ako sa pagbubukas ng usapin tungkol sa pamilya Huo! ang tapang talaga ng asawa ko!"
"Santillian, sinasabi ko sayo madali akong mainis," nakasimangot niyang tugon sa asawa.
"Oo na. Ayaw kong makipagtalo sayo kasi hahaba lang ang usapan natin. Laging tama ang misis ko, kaya tikom na ang bibig ko. Manang-mana sayo ang bunso natin," anito.
"Hmph! Ewan ko sayo. Pakiramdam ko kasi outcasted na ako at may mga nililihim kayo sa akin," she sneered at him.
"Isip mo lang iyan. Sabi ko naman sayo hayaan mong magdesisyon sa mga sarili nila ang mga anak natin, lalo na kay Brielle. Alam mo ang ugali noon, kapag ginusto niya, kesehodang papayag tayo o hindi wala tayong magagawa!" he smiled at her.
"Kinakampihan mo kasi silang dalawa kaya ganyan. Saka bakit nasali sa usapan ang mga Huo?"
"Sabi ko nga naalala ko lang sila. Brielle and Ivana have a strong connection during childhood. Hindi magkakaganon ang anak natin kung hindi siya attracted sa batang iyon,"
"Santillian, I said, let's not talk about it. Kahit ano pang sasabihin mo, against ako sa kanila. Intindihin mo nalang ako. Kahit attracted o hindi si Brielle kay Ivana, ayokong maging bahagi ulit ng buhay natin ang pamilya nila. Hindi mo ba alam, kalat na sa buong internet na nakikipag date siya sa playboy na si Simon Yun. I'm sure updated si Brielle at kung maghahabol siya kay Ivana, haharangin ko," she said.