Chapter 25: Call His Parents
“Talaga?! Nagustuhan mo ang niluto ko?” tila batang paslit na tanong ni Ivana at lalong nag ningning ang mga bilugan niyang mga mata.
“Oo naman. Seryoso at totoo ang sinabi ko. Hindi ko akalain na marunong kang magluto kasi pakiramdam ko spoiled brat ka lang at walang ibang ginawa kung hindi ay ang mag sayang lang ng pera,” tugon ni Brielle habang tuloy ang pagkain nito.
“Hmph! Hindi ah! Sa totoo lang libangan ko lagi ang pagdedesign ng iba’t ibang jewelry at pagluluto. Sumasama ako sa mga lakad ng barkada kapag niyaya pero nakikisama lang ako,” madamdaming sabi niya.
“Kumain kana. Kanino mo pala natutunan ang pagluluto?” anito.
“Doon sa katulong namin noon sa Singapore. She’s like my Mom, she taught me how to speak native Filipino language. She told me that life in the Philippines was so hard and everyone doesn't have an equal opportunity to earn enough for the family needs. Kaya sabi niya maraming OFW dahil nagbabakasakali na makapag padala ng malaking halaga pangtustos sa pangangailangan ng pamilya.” She seriously answered him, while chewing her food.
Huminto pansamantala sa pag subo ng pagkain si Brielle, saka nagsalitang muli, “Tanda mo ba ang pangalan niya?”
“Oo pero ang eksaktong address niya hindi ko alam. Bakit mo naitanong?”
“Gusto ko sanang hanapin siya, baka lang gusto mong magtrabaho siya ulit sa atin para may kasama ka lagi sa bahay tuwing wala ako!” Brielle said with concern.
“Huwag na Hon, kaya ko naman gawin ang lahat ng gawaing bahay!” she abruptly said.
“No! I hired a stay out helper, every weekend she came here to clean the house. You don't need to do the cleaning. Gusto kong mag-focus ka sa pag-aaral online. At mag-aalaga sa akin. Bilang asawa ko, ikaw na lahat ang mag-asikaso ng pangangailangan ko. Later, pag-akyat natin sa taas saka natin pag-usapan ang mga bagay- bagay!”
“Okay, sige sabi mo eh!” she shrugged her shoulder then silently ate.
Matapos ang masarap na hapunan namalagi muna sila sandali sa sala at nanood ng TV. Napansin ni Ivana, na nakapikit na si Brielle. Mabilis niyang nai-off ang TV at ginising ito.
“Hon akyat na tayo, inaantok kana eh!” she touches his handsome face.
Naalimpungatan si Brielle ng maramdaman niya ang malambot na kamay ni Ivana sa pisngi niya. “Baby, anong oras na? Tapos na ba ang pinapanood mong palabas?”
“Past 9 PM na, tulog ka na eh kaya in-off ko na ang TV. Akyat na tayo para makapagpahinga na tayo ng maayos,” anyaya niya rito.
Brielle stood up and held her hand. “May sasabihin ako sayo,” anito na tila tinatantya ang reaksyon niya.
She looks at him seriously and waited for his words. “Anong sasabihin mo?”
“Tatawag ako sa Singapore. Pag akyat natin sa kwarto, mag stay ka muna sa banyo kasi di ko pa nasabi sa parents ko ang status nating dalawa,”
“Bakit sa banyo pwede namang sa isang sulok nalang na di nila ako makikita. Gusto kong marinig ang sasabihin ng parents mo? Honestly, I miss them too but I am too shy to face them.”
“Baby--I don’t want to let you--”
“Hush! Please? Kahit anuman ang maririnig ko tatahimik po ako, Hindi ako magsasalita. Sige na, please? Hubby, sige na? Muah! Muah!” she wrapped her arms around Brielle’s waist.
“Sigurado ka huh? Tatahimik ka lang. Huwag na huwag kang magsasalita kahit anuman ang maririnig mo sa Mommy ko!” paninigurado ni Brielle.
“Oo pangako! Halika na, akyat na tayo!” hinila na niya ang kamay ni Brielle.
Umakyat sila ng master’s bedroom. Pagbungad niya namangha siya sa lawak nito. Puno ng mamahaling gamit sa loob at mayroong maliit na ref. Pagpasok niya sa isang pinto naroon ang king size bed na puno ng unan. Malinis ang buong kwarto ni Brielle.
“Wow, ang laki ng kwarto mo. Mas maganda ito compare doon sa kwarto ng dating Villa na pinagdalhan mo sa akin,” tugon niya.
“Umupo ka muna sa kama. Kukunin ko lang ang laptop ko at tatawagan ko ang parents’ ko.” Brielle picked up his laptop na nakapatong sa ibabaw ng working table niya. Binuksan niya ito kaagad at tumawag sa Facetime ng Mommy niya.
Maya’t maya pa bumungad sa kanya ang maamo at magandang mukha ng ina. Sa tabi nito ang Daddy Brent niya na nakayakap sa Mommy niya.
“Brielle! Babe saan ka galing? Bakit hindi matawagan ang cellphone mo?” sunud-sunod na tanong ni Shantal.
“Wala bang kumustahan muna? Agad mong binubungangaan ang anak natin?” Brent said and slightly pinch his wife chin.
“Santillian tumigil ka nga, kausap ko ang anak mo. Tinatanong ko saan galing, aba hindi na tayo naalala!”
“Mom hey! Chill! Nag-unwind lang ako saglit ng ilang araw. Naka off ang cellphone ko!” maikling tugon ni Brielle.
“Naka off talaga? Hindi ako naniniwala, ikaw huh may nilihim ka na siguro sa amin ano?” tugon ni Shantal habang iniiwasan ang halik ni Brent. “Santillian umayos ka nga kaharap ang panganay mo!”
“Hahaha, buddy huwag mo ng pansinin ang Mommy mo!” tukso ni Brent sa asawa.
“Yeah, Dad, I understand. You guys really love each other. Mommy, totoo ang sinabi ko nagbakasyon nga lang ako!” He takes a glance at Ivana who is now sitting silently at their bed and listening to their conversation.
“Hmm! Kayong mag ama wala ng ginawa kundi magtago sa akin? Kapag nahuli kong may kalokohan kayo, humanda talaga kayo sa akin?”
“Love, bakit naman ako nadamay sa sermon mo? Ikaw talaga napaka-maldita mo” Brent said.
“Ikaw ang puno, malamang ganoon din ang bunga!” Shantal sneered at Brent.
“Mom, believe me I don’t hide anything to you. Malaki na ako, hayaan mo akong mamuhay ng normal!” Brielle said.
“Brielle, masisisi mo ba ako sa pagiging overprotective ko sa inyo ni Denise? Anak ang hirap ng pinagdaanan namin ng Daddy mo noon. Hindi namin alam papaano ka pagalingin, bigla kang nagkaroon ng autism syndrome mula ng umalis si Ivana na hindi nagpaalam sayo?” biglang tugon ng Mommy niya.
Dinig na dinig ni Ivana ang sinabi ni Shantal. Hindi niya alam na nagkaroon ng ganoong karamdaman si Brielle. Hindi niya alam na dinibdib pala nito ang pag alis niyang bigla. She knew that autism syndrome is a kind of mental sickness that the patient chose not to talk.
Brielle felt nervous and he glanced at his wife who is now sitting in front of him. Kita sa mga mata nito ang mga tanong na gusto nitong sabihin sa kanya.
“Mommy, okay na ako! Gumaling na naman po ako!”
“Naku, anak huwag na huwag ulit magpapakita sa akin ang batang iyon baka may masabi akong hindi maganda,” Shantal said.
Biglang namutla si Brielle at umubo. Si Brent naman inawat si Shantal sa pagdadaldal nito.
“Love, tama na iyan, nakalipas na iyon. Saka okay na rin naman si Brielle, mag-let-go kana. Masama ang magtanim ka ng sama ng loob kay Ivana at sa father niya kasi hindi natin alam ang tunay na dahilan ng biglaan nilang pagbalik sa Beijing!”
“Brent hindi naman makatarungan ang ginawa nila. Noon kailangan nila tayo nandoon tayo para suportahan sila at itinuring na pamilya. Hindi ba pwedeng magpaalam man lang sila sa atin ng maayos, hindi ba pwedeng kinausap tayo ng maayos bago sila umalis?”
Napasinghap si Ivana at tahimik na pumatak ang luha niya ng marinig ang sinabi ng Mommy ni Brielle. Walang binanggit si Denise sa kanya kahit ano tungkol sa kuya nito noon. Mas pinili nitong huwag sabihin sa kanya ang pinagdaanan ng pamilya nila lalo na kay Brielle sanhi ng bigla nilang pag-alis mag ama.
“Tama na iyan ang mahalaga kausap natin ang anak natin. Di naman siya tumawag para pag-usapan ang nakalipas na. Kumustahan lang ang dapat na pag-uusapan hindi ang nakaraan!”
“Yeah, Dad is right! Mom, tapos na iyon!”
“Nag kakampihan talaga kayong mag-ama!” Shantal sneered at him.
Nag-aalala si Brielle na pasulyap-sulyap kay Ivana. He can’t comfort his wife right now because his parents’ still at the line.
“Hindi ah. Sinasabi ko lang na hayaan mo na ang mga anak natin. Malalaki na sila, kaya na nila iyan!”
“Mom, Dad! Don’t worry, I will look for someone to be my wife soon and grant your previous request. Bibigyan ko kayo ng maraming mga aalagaan na apo,” masiglang tugon ni Brielle habang sinulyapan si Ivana. He saw her face blushed, while she shed tears.
“Bago ka mag-asawa dapat kilala muna namin ang babae!” Mataray na tugon ng Mommy niya.
Relax! Hindi ako pipili ng hindi n’yo magugustuhan!” paninigurado ni Brielle.
“Dapat muna naming kilalanin bago ka magdesisyon na pakasalan ang kung sinuman! Karapatan naming kilalanin muna ang babae kasi makikisama siya sa amin. Magiging bahagi na siya ng pamilya natin at hindi ka basta-basta lang. You are one of the richest young men in ASIA,” Shantal proudly said.
“Mana sa akin ang anak ko, diba Love?” biro ni Brent sa kanya at akma na naman siyang hahalikan nito sa labi.
“Brent, tumigil ka nakakahiya sa anak mo. Ito talaga masyadong showy sa mga lambing niya!” She slightly pushed her husband.
“Sige na pagpahingahin mo na ang anak natin. Anong oras na oh!” udyok nito sa kanya.
“Mom, Dad, ingat kayo palagi diyan. See you soon guys!” biglang paalam ni Brielle dahil gusto na niyang lapitan si Ivana.
“Okay, kumain ka on time! Bye anak!” Shantal said and cut the video call.
As soon as the call ended, Brielle quickly stood up and strode over to Ivana. Patuloy pa rin ang patak ng luha nito habang nakatingin sa kanya na papalapit dito.
“Hush, tahan na. Sabi ko naman sayo hindi ka dapat nakikinig sa usapan namin kasi alam kong may maririnig kang hindi maganda. Ang tigas rin kasi ng ulo mo,” kaagad na sabi ni Brielle nung nasa tabi niya na ito.
Umupo si Brielle sa kama at hinila siya palapit dito at niyakap siya ng mahigpit. Ilang minuto na hinayaan siya nitong umiyak lamang hanggang sa mailabas niya ang sama ng loob.
Nag angat siya ng tingin at tiningala ang maamong mukha ni Brielle. Mabilis nitong pinahid ang mga butil ng mga luha sa mga mata niya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sayo? Hinayaan mo lang na itago sa akin ang dinanas mo noong umalis kami ng Daddy ko ng biglaan?”
“Ayokong balikan ang nakaraan kasi tapos na iyon. Nangyari na eh, tsaka nalagpasan ko naman. Masyado ko lang sigurong dinaramdam ang pag-alis mo noon, kaya mas pinili kong maging tahimik ng ilang taon,” madamdaming tugon ni Brielle.
“Galit na galit ang Mommy mo sa akin. Ramdam ko ang hinanakit niya ng marinig ko ang usapan ninyo kanina!” she replied.
"Kagaya ng sinabi ko sayo, tapos na iyon. Meaning to say, I don't give any damn care about it. Sinabi ko naman sayo na dapat pumasok ka muna sa banyo kasi alam ko ang sasabihin ng Mommy ko. Masyadong overprotective sa amin iyon. Hindi mo naman siya masisisi dahil lahat ng ina ay ganon sa mga anak nila,"
"Brielle, nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung dapat pa ba tayong magsama dahil alam mo namang ayaw sa akin ng Mommy mo," she said sadly.
"Ivana, ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Mommy has nothing to do with my own life and business. Saka na natin isipin iyon kapag nandoon na tayo sa point na haharap tayo sa kanila. Mawawala rin ang sama ng loob noon lalo na kapag may nakita na siyang apo," he said and wink at her.
"Palagay mo ganun lang kadali na magpatawad ang Mommy mo? Ang tapang kaya noon!" she snap at him.
"Makikinig iyon kay Dad, kahit maldita ang Mommy ko, kayang palambutin iyon ng Daddy ko. Kaya huwag muna nating isipin ang mga bagay na ito,"
"Si Denise wala ring sinabi sa akin na dumanas ka ng karamdaman noon. Sorry, hon! Di ko rin alam kung ano ang dahilan ng Daddy ko noon na umalis bigla ng Singapore na hindi nagpaalam sa inyo. Maybe he had a deep reason behind it," turan niya.
"Oo, tiyak na may dahilan ang Daddy mo. Sometimes, being into a big responsibility mostly if it concerns your business it is hard to make the right decision, mostly if it will affect your business future,"
"Sobra ang depresyon na dinanas ng Daddy ko noon kaya siguro nahihirapan na siyang balansehin lahat ng bagay. Noong umalis kami ng Singapore, tanda ko nagmamadali kami at sabi ng Daddy ko hindi na namin kailangang magpaalam pa sa inyo dahil babalik din kami kapag may pagkakataon,"
"Hindi tinupad ng Daddy mo ang pangako niya sayo. At siguro may mali din sa akin kasi masyado akong naging dependent sayo noon. Lagi kong iniisip na kasama kita at may kalaro ako. Noong una kitang makita sa hospital, you are still young, around 3 yrs old. Hindi ka nagsasalita, umiiyak ka lang at kaya ka tumahan dahil binigyan kita ng candy,"
"Hindi ko na gaanong natatandaan ang araw na iyon. Kahit noong panahon na kasama namin si Mommy, I vaguely remembered her face. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga videos na sadyang kinunan niya para sa akin. Siguro ramdam na niya na hindi na siya magtatagal," she cried again.
"Huwag ka nang umiyak papangit ka niyan," biro ni Brielle.
"Ang sama mo. Hindi naman ako sobrang pangit ah!" tila batang paslit na reklamo niya rito.
"Ngumiti ka na at ayusin mo na ang sarili mo. Hayaan mo gagawin ko ang lahat para gumaan ang galit ng Mommy ko. Sabi ko nga sayo bibigyan natin ng apo para di na magalit sayo," he smiled naughtily.
"Alam mo, puro iyan lang ang laman ng utak mo talaga,"
"Hahaha! Normal sa newly-wed couple's iyon. Alangan naman tititigan lang kita para naman akong sira-ulo niyan!"
"Umayos ka nga! Hindi ko lubos maisip na may taglay ka palang kalokohan. Noong mga bata pa tayo pinapaiyak mo ako lagi kapag nakikipag-laro ka. Ang lakas mong mang asar lagi sa akin,"
"Natutuwa ako kapag nakikita kong napipikon ka sa akin, kasi kapag inaabutan kita ng candy ngumingiti ka na agad, nawawala na ang galit mo sa akin!"
"Ah ganon? Napaka-bully mo talaga kahit kailan,"
"Sayo lang naman ako nakikipaglaro ah, kasi alam kong kahit aasarin kita, susunod at susunod ka pa rin sa akin!"
He smiled at her.
"Ewan ko sayo!"
"Nawala na ang sama ng loob mo? Di ka na iiyak huh? Halika na sabay na tayong maligo para makapag- exercise na tayo!"
Binuhat siya kaagad ni Brielle patungong banyo. They spent almost two hours in the bathroom. Making love endlessly and going straight to their bedroom afterward. They sleep soundly cuddling each other.