Chapter 24: Pick Up her Personal Belongings

Hinintay ni Brent na matapos makipag-usap si Shantal kay Martin. Sumama ito sa office niya. Araw-araw itong pumupunta ng opisina niya kapag wala itong events. Titig na titig si Brent sa magandang mukha ng asawa niya. Tulad noon di pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan at habang nagmamatured ang edad nito lalong tumitingkad ang kagandahan nito.

A pleasant smile drawn in Brent’s handsome face. Matapos makipag-usap ni Shantal kay Martin, nahagip ng mga mata niya ang nakangiting mukha ni Brent.

“Baka matunaw na ako niyan, love!” Shantal said and walk over him.

“Bakit masama bang titigan ang asawa ko?” biglang tumayo si Brent mula sa upuan at sinalubong ang papalapit na si Shantal.

“Anong meron at nakangiti ka sa akin?” agad niyang tanong.

“Nagsend na ng message ang anak natin, si Brielle. Pauwi pa lang daw siya ng bahay niya,” he pulled her and hugged Shantal’s slender body.

“Talaga? Nag-usap kayo through instant messaging?” she wrapped her arms in Bren’t neck and raised her head to meet his eyes.

“Muah! Yes, nag-usap kami saglit!” Brent kissed her lips.

“Santillian bakit di mo agad sinabi sa akin?” sita ni Shantal sa kanya.

“Busy ka. Kausap mo si Martin, nahiya akong istorbohin kayo,” he drag her at the sofa.

“Anong sabi ng anak mo?” tanong ni Shantal matapos silang umupo sa sofa.

“Tatawag daw siya mamayang gabi. Masyado ka lang kasi nag-aalala sa mga anak natin. Ilang beses ko namang sinasabi sayo malalaki na sila at kaya na nilang gumawa ng tama!”

Biglang umasim ang mukha ni Shantal at tinitigan si Brent.

“Love, alam mo naman ang pakiramdam ng isang ina. Laging kinakabahan, kapag di mahagilap ang mga anak niya,”

“Oo na. Sus, ito naman ayaw pa rin tantanan ang mga anak niya kahit malalaki na. Hayaan na natin silang i-discover ang mundo ng adulthood para matuto silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Believe me, letting them do what they think is good for them will let them realize how to live a life of being an independent person,” he hugged his wife.

“Alam mo naman noon biglang nagbago ang ugali ni Brielle mula ng mawala si Ivana. He even underwent several speech therapy when he opted to become mute for almost 2 yrs. Brent nakita mo noon kung ano ang hirap na pinagdadaanan nating mag asawa,” Shantal said in a sad tone.

“Kalimutan mo na yun, okay naman na si Brielle. He is a full grown man now. He knows what is good for him. Ang pwede lang nating gawin suportahan sila ni Denise sa bawat desisyong gagawin nila in the future!” Brent tried to console his wife.

“Love, I maybe sound overprotective to my children but as a mother, I felt obliged to do it,”

“I love you! Tama na iyan masisira araw natin niyan. Halika samahan mo muna ako saglit sa meeting ko at pagkatapos nun, uuwi na tayo ng bahay. Tatawag si Brielle mamayang gabi,” he stood up and held Shantal’s hand heading to the conference room.

Tahimik na sumunod lamang ito sa kanya habang hila niya ang kamay nito.

In Beijing, Ivana’s Condo…

“Baby, baby, we are here now!” gising ni Brielle sa natutulog na si Ivana.

Dumilat ang bilugan nitong mga mata at tila ba hindi pa ito nahimasmasan. “Hon! What is it?”

Brielle stared at her face. “Nandito na tayo sa harapan ng condo mo!” deklara nito.

Mabilis na kumalas si Ivana sa pagkakayakap ni Brielle. “Bababa lang ako para kunin ang mga gamit ko sa taas,” aniya.

“Samahan na kita at tulungan magligpit dahil medyo gabi na rin. Nagugutom na ako!”

“Okay, halika na!” she held his hand and went out of Brielle’s car.

“Boss, di na ako sasama sa inyo. Hintayin ko nalang po kayo dito sa parking area,” biglang sabi ni Harold pagbaba nila ng kotse.

Tumango lamang si Brielle at tahimik na silang naglakad papasok ng unit ni Ivana. Nasa ground floor lamang ang pinaka unit niya kaya mabilis silang nakarating. Pagbukas ni Ivana ng condo bumungad sa mga mata ni Brielle ang modern design ng buong silid.

“Oh, maganda pala ang unit mo, kumpleto ng gamit!” Brielle said.

“Salamat po. Regalo ito ng Daddy ko noong eighteenth birthday ko. Madalas dito ako tumutuloy noon kesa sa Villa namin dahil mas may privacy ako. Umiiwas rin kasi ako sa pamilya ng Uncle ko dahil tumira sila sa Villa namin,” kwento niya habang nakaupo na sila sa sala.

“Really? They live in your parent’s house?” Brielle asked.

“Yes, kasi sabi nila sila nalang ang karamay namin ni Dad. Matagal kasing naka-recover si Dad sa depression niya mula ng mawala ang Mommy ko,”

“I see! Kaya pala nagkaroon sila ng chance na paalisin ka sa bahay nyo mismo ng mawala na ang Daddy mo,”

“Yeah. Honey, dito ka lang. Kukuha ako ng maiinom mo at pagkatapos noon magliligpit na ako!”

“Tubig nalang ibigay mo sa akin. Nauuhaw na ako, saka gusto kitang tulungan magligpit para mapabilis tayo. Sabi ko nga sayo nagugutom na ako, gusto ko ng umuwi ng bahay at magluto!”

“Okay, saglit lang ikukuha kita ng tubig!” mabilis na tumayo si Ivana at kumuha ng tubig sa refrigerator. Pagbalik ng sala inabot niya kay Brielle ang bottled water.

“Thank you hon!” matapos nitong uminom inilapag na nito sa center table ang bottle. “Halika na, punta na tayo sa room mo para magligpit ng gamit!”

“Okay!”

She dragged Brielle into her room. At umupo ito saglit sa sofa na naroon.

“Nasaan na ang maleta mo? Ilabas mo na para makapag ligpit na tayo,” anito.

Tumalima siya at pumunta sa walk-in-closet at inilabas ang dalawang malalaking maleta niya. Kaagad itong kinuha ni Brielle at tinulungan siyang magligpit.

“Hintayin mo nalang ako rito, pipiliin ko lang sa closet ang dadalhin kong damit. Sabi mo nga hindi ko na kailangang dalhin lahat ng gamit ko!”

“Okay, ilapag mo nalang sa ibabaw ng bed mo, ako na ang maglalagay sa maleta mo!” anito.

She immediately picked up a few pairs of her formal dresses, casual dress and nightwear. Pagbalik niya pinatong niya lahat sa ibabaw ng kama at mabilis na inayos ni Brielle ang mga ito sa maleta niya.

“Ang dami na nitong dinala mo. Bawasan mo. Ibalik mo na ang iba sa closet. Halos mapuno na ang dalawang maleta mo eh! Tiyak ang mga pictures na nandito sa bedside table mo at sa sala dadalhin mo pa iyon,” paalala ni Brielle.

“Oo dadalhin ko ang pictures namin. Iyon na lang kasi ang memories ko with my parents,” she said.

Tumango lang si Brielle. Bumalik siya uli sa closet niya ng mahagip ng mata niya ang isang box na nasa pinaka ilalim ng cabinet niya. She never remember having it before. Kinabahan man mabilis niyang dinampot ito at binuksan. Napasinghap siya ng makita ang laman nito, puno ito ng alahas at may passbook na naglalaman ng ten million US dollars. She saw a small note and saw her Dad’s message on it.

“Baby, I prepare this money and some pieces of jewelry for you. I know that one day you will need it. Umalis ka ng Beijing at mag-umpisa sa Europe. Gamitin mo ang perang ito at mga alahas. Anak, I know napabayaan kita dahil di pa ako tuluyang naka-move-on sa pagkawala ng Mommy mo. I love you Ivana! Take care of yourself baby!” - Daddy!

Sunud-sunod na patak ng luha ang umagos sa mga mata niya. Hindi niya aakalain na pinaghandaan na ng Daddy niya ang pagkawala nito. Itinapon man siya ng pamilya niya meron itong sapat na iniipon para sa kanya. Mabilis niyang ibinalik sa drawer ang box at ni-lock. Mas pinili niyang iwanan muna ito sa ngayon dahil hindi pa niya ito kakailanganin. Naniniwala siya sa sinabi ni Brielle na hindi siya nito pababayaan. Pagbalik niya sa kwarto, napansin niyang nakatingin si Brielle sa mga larawang naka-display sa ibabaw ng bedside table.

“Ahem! Hon, I think wala na akong kailangan pang bitbitin,” she called Brielle’s attention.

Lumingon ito sa kanya at kaagad nitong napansin ang namumulang mata niya.

“Baby, what happened? Namumula ang mga mata mo, umiiyak ka ba?” tanong nito.

Umiwas siya ng tingnan ni Brielle ng diretso ang mga mata niya. “May naalala lang ako! I--- I -- miss my Dad!”

Brielle walked over and pulled her closer inside his arms. “Emosyonal ka masyado. Sabi ko naman sayo nandito lang ako para tulungan at alalayan ka. Huwag ka kasing umiyak, lalong bibigat ang pakiramdam mo!”

She raised her head and said, “I can’t help it. Sorry honey kung dumagdag ako sa alalahanin---”

“Muah! I said that’s enough!” Brielle’s lips sealed her mouth. “Kunin mo na yong mga pictures na gusto mong dalhin sa bahay natin para makababa na tayo. Padilim na ang paligid,”

“Okay! Bitawan mo na ako para magawa ko na. Yakap mo pa ako eh!” she said.

Matapos nilang magligpit bumalik na sila ng kotse ni Brielle. Halos kalahating oras din silang nag biyahe papuntang Villa nito sa mismong city proper.

“Sir Brielle, ako na magbaba ng lahat ng gamit nyo po. Kaya ko na ito!” presenta ni Harold.

“Bibitbitin ko na ‘yong iba para mabilis tayong matapos. Gabi na rin para makauwi ka na!” Brielle says.

Harold nodded at kinuha ni Brielle ang dalawang maleta ni Ivana at inaya na siya nito papasok ng bahay. Pansin niya kaagad ang lawak ng Villa ni Brielle.

“Dito ka nakatira?” tanong niya.

“Oo, from now on ito na ang magiging bahay natin. Yung Villa kasi na pinag dalhan ko sayo last time ay sa parents ko iyon. Mas accessible rin kasi dito dahil fifteen minutes drive lang mula rito ang office ng business namin,” simpleng tugon ni Brielle at ibinaba ang maleta niya pagkatapat nila ng main door.

Pagbukas ng main door, namangha siya ng makita ang buong bahay. Mamahaling gamit na naroon sa loob. Magmula sa carpet at mga nakadisplay na furnitures. Naroon din ang maliit ang wine cellar. Sa ikalawang palapag may nakita siyang apat na malalaking kwarto.

Tahimik siyang sumunod kay Brielle. Mabilis na umupo sa sofa at inantay ang sasabihin nito.

“You liked everything inside our house?” Brielle asked.

Namula ang pisngi niya ng marinig ang sinabi ni Brielle. Ayon dito ito na ang bahay nila. Tumango lamang siya at ngumiti ng bahagya.

“Bakit parang nag-aalinlangan ka? May ayaw ka ba sa interior design? pwede naman nating papalitan ayon sa panlasa mo,” Brielle said while looking at her.

Bago pa siya sumagot pumasok na si Harold bitbit ang mga gamit nila.

“Sir Brielle dito ko nalang iwanan sa sala ang mga gamit po ninyo. Balikan ko lang ang natira pa!” anito.

“Okay, pagkatapos mo iakyat lahat ng bagahe namin, umuwi ka na rin. It’s past 7 pm na.”

“No problem boss basta ikaw, okay lang po ako!” tugon ni Harold at tumalikod na.

“Honey, ang laki ng bahay mo. Tapos ikaw lang mag-isa na nakatira dito?” she asked.

“Oo. Pero may taga linis naman dito every weekend. Hindi ako sanay na may ibang kasama sa bahay. But starting today, since we got married, I love to come home early,” he smiled at her naughtily.

She blushed immediately. “Hush! Ito marinig ka ni Harold, nakakahiya!”

“Bakit? okay lang naman sinabi ko ah. Wala namang masama. Advance lang mag-isip ang wife ko! Ahem! I akyat ko lang ang mga gamit natin para makapagluto na ako after nito,”

“Ako na magluluto!! Marunong naman ako!” she said immediately.

“Really? You know how to cook?” tila hindi kumbinsido si Brielle sa sinabi niya.

“Oo naman. Lumaki ako sa Europe, but I know how to cook. Hindi ba sinabi ni Denise sayo na madalas siyang pumupunta sa unit ko at nakikikain?”

Umiling si Brielle. “Hindi gaanong nagkukwento tungkol sayo ang kapatid ko. Saka busy rin ako parati, kaya madalang kami nag-uusap! Since mapilit ka, sige dumiretso ka lang at nandoon ang kitchen. Titingnan ko kung masarap nga ba ang luto ng asawa ko!” he winked at her then walked straight to the second floor with their luggages in his hands.

Pumasok siya sa kitchen at nabungaran niya ang mamahaling gamit ng pangluto. She quickly picked up some ingredients and started cooking. She prepared beef steak and creamy mushroom soup. She also made Italian caesar salad. Napansin niyang may nakadisplay na mamahaling wine sa wine cellar ni Brielle kaya naisip niyang gumawa ng beef steak.

Matapos ang halos kalahating oras pumasok na ng kitchen si Brielle at nadatnan niyang abala si Ivana sa paglalagay ng niluto nito sa serving plate. He watched her movements inside his kitchen. She wears an apron and Brielle couldn't help himself not to admire Ivana. Her hair messily tied up while preparing the food.

"I hope my wife's cooking skills will impress me!" he said.

Nag-angat ng ulo si Ivana at tumingin sa kanya. "I am sure you will like the food that I cooked,"

Brielle walked towards her and hugged her. "Talaga lang huh! Sige nga tikman ko kung masarap ba at kung pwede ka na bang maging housewife,"

"Hoy Brielle Santillian!! huwag mong maliitin ang kakayahan ko. Halika na, tulungan mo na akong mag-ayos ng dining table para makakain na tayo. Kanina ka pa nagrereklamo sa akin na nagugutom ka na!"

"Oo. Kasi naman isang beses lang tayong kumain maghapon,"

"Kasalanan mo, pinagod mo ako, kaya late na akong nagising. Saka ang haba din ng biyahe natin!"

"Sige na dalhin mo na doon sa dining table ang mga niluto mo, susunod ako at kukuha lang ako ng utensils," udyok ni Brielle sa kanya.

She immediately brought all the food she prepared for their dinner, Brielle followed. When they settled the dining table Ivana served him.

"Baby ako na, kaya ko na ito," pigil niya kay Ivana.

"Hindi, ako na. Sabi mo di ba pagbalik natin ako na naman ang magsisilbi sa’yo. This is my duty as your wife, so let me do it Hon!" she told him.

"Okay, if you insist then I will let you serve me from now on!"

He stared at her while she's serving some food in front of him.

"Kain na! Tikman mo na ang hinanda ko para sa atin" udyok niya kay Brielle habang nakatingin dito.

Brielle winked at her, "Excited to taste this food!" mabilis nitong tinikman ang beef steak na niluto niya.

Pigil hininga si Ivana at hinintay ang sasabihin niya. Mabagal na ninanamnam ni Brielle ang steak na sinubo niya.

"Hmm! It is so tender and tastes delicious!" he smiled at her.