Chapter 19: His promise

8 am Shantal was awakened by Brielle’s kisses on her lips.

“Morning! Baby, bangon na! Tanghali na po!” Lambing nito sa kanya at pilit siya ginigising nito.

“Honey, inaantok pa ako. Late na tayong natulog kagabi bakit ang aga mong nagising?” she said and trying to cover herself with the duvet.

“Pinuyat mo ako kagabi pero mas maaga pa akong nagising sayo!” he smiled at her while showering tiny kisses on her cherry-red lips.

Pilit siyang bumabalik ng higa sa kama kahit hinihila na siya ni Brielle.

“Huwag mo muna akong hilahin sa higaan. Inaantok pa ako!” tinutulak niya ang kamay nito na humahawak bigla sa dibdib niya.

“Bangon na nga, nagluto na ako ng breakfast. Tanghali na! Kapag di kapa bumangon dyan, I will make love with you! Ano?” Brielle said with a naughty smile on his face.

“Nakakainis ka naman eh! Inaantok pa ako!” napilitan siyang bumangon at sumimangot. Magulo ang buhok niya ngunit sadyang maganda pa rin ang itsura niya kahit bagong gising.

Brielle grinned at her. “Akala ko ayaw mong bumangon eh. Muah! Hahaha! Halika na! Halika na! Dali na maghilamos kana at kakain na tayo ng breakfast so could we leave here,” anito sabay hila sa kanya pababa ng kama.

“Brielle Santillian! Bakit ang aga mong nagigising!” she exclaimed.

“I normally wake up early every day even though I only sleep a little!” he dragged her out of bed and bring her into the shower room.

She screamed louder when Brielle put her under the shower with warm running water. “Akala ko ba maghihilamos lang ako, bakit mo binuksan ang shower? Santillian, nakakagigil ka talaga!"

“Hahaha! Tanghali na eh! Liligo nalang tayo bago mag-agahan. Hirap mong gisingin!” he quickly removed their dresses and started to give her hot kisses on her lips.

“Ang aga naman nitong pinaggagawa mo! Ah! Brielle” she said while a slight moan skipped on her mouth.

“Sulitin na natin ang honeymoon natin! Bukas makalawa babalik na tayo sa sentro. Busy na ulit ang schedule ko daily!” he continued what he is doing and making his way down to her lower body.

She clung onto his neck and responded to his aggressiveness. They ended up having intimate lovemaking before they finish their morning shower. Pagkabihis nilang dalawa, mabilis silang pumunta ng kitchen. Brielle immediately serves the food that he prepared earlier. They eat silently together.

At that time in Santillian’s Mansion, Singapore….

Nagising na si Denise ng marinig niya ang boses ng Mommy niya na kumakatok sa pintuan.

“Denise! Open your door! Let’s have breakfast together! Naghihintay na ang Daddy Brent mo sa dining room!”

“Mommy susunod na lang po ako! Ang aga nyo naman manggising eh!” she shouted at her Mom.

“Bilisan mo dyan, naghihintay kami sayo. Tanghali na, sasama tayo sa Daddy mo sa office niya!” anito.

“Susunod na nga ako!” tugon niya at mabilis na dinampot ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. She quickly saw Ivana’s replied to her and a few photos she sent with Brielle. Napapangiti siya ng makita ang mga larawan ng dalawa. Denise was happy seeing her best friend with her brother. Kinabahan man siya sa mga kahihinatnan ng mga plano nila masaya pa rin siyang sumusuporta kay Ivana. She quickly type her reply for Ivana:

Denise replied to Ivana’s message in Wechat:

“Morning babe! I saw all the photos you’ve sent to me. I am so happy to see you both in a good relationship. Sabi ko naman sayo hindi ka kayang tiisin ng kuya ko. In-love sayo iyan, masyado lang pakipot. Basta babe, mag-ingat kayo lagi. Sa susunod na buwan babalik na po ako ng London. Nanghihinayang ako kasi mag-isa nalang ako doon, wala kana eh. Pag kaya mo pang bumalik sa pag-aaral sabihin mo lang kay Kuya Brielle baka sakaling payagan ka para magkasama tayo ulit! Umuwi na Mommy Shantal ko kahapon lang at iyun nga muntik na akong nadulas buti nalang biglang sumali sa usapan namin si Daddy Brent. Don’t worry babe, love ako ng mga ito kaya kahit mahuli man tayo ako ng bahala don. Basta manatili lang kayong masayang dalawa ni Kuya. One day, magsasabi rin sayo ng nararamdaman niya iyan. Kung anuman ang sumpong niyan huwag mong patulan, alam mo naman madalas bossy talaga iyan. Ska pressured din siya sa laki ng responsibility niya sa businesses namin. siya lang tumutulong kay Dad na mag-asikaso ng lahat. Take care of you both! Muah!”

Bumaba na si Denise sa dining room matapos maghilamos. Nadatnan niyang kumakain na ang parents niya.

“Morning, Mom, Dad! Muah!” humalik siya sa pisngi ng mga ito bago umupo sa lamesa.

Mabilis na lumapit si Yaya Santina at pinaglagay siya ng pagkain sa plato.

“Morning Yaya, anong oras po kayo dumating?’ aniya.

“Morning, princess! Mga madaling araw na ata. Delayed ang flight ko from China. Kain na!” tugon nito.

“Yaya umupo kana. Kaya na ni Denise iyan!” sita ni Brent sa Yaya nila.

“Okay lang Brent, sanay naman akong alagaan kayong lahat!”

“Hayaan mo na siya Yaya, malaki na iyan!” sabad ng Mommy niya.

Ngumiti lamang si Denise sa kanila at tahimik na kumain.

“Yaya, kumusta si Brielle?” tanong bigla ni Shantal na huminto sa pagkain.

Nasamid bigla si Denise at Yaya Santina ng marinig ang tanong ni Shantal.

“Si Brielle ba kamo? Okay naman siya, as usual busy naman parati ang anak mong iyon. Madalang umuwi sa Villa ninyo sa Beijing. Mas madalas tumitigil iyon sa sarili niyang bahay malapit sa company ninyo!” tugon ni Yaya Santina.

“Love, mamaya kana magtanong nasa harapan pa tayo ng pagkain!” sita ni Brent kay Shantal.

“Santillian, kinukumusta ko ang panganay natin dahil nandito na nga si Yaya Santina! Walang naiwan kay Brielle,"

“May panahon sa ganyan. masyado kang protective sa mga anak mo. Malaki na sila, huwag na tayong manghimasok sa ginagawa nila,”

“No way! They still need to be supervised. Lalo na si Brielle, nasa marrying stage na!”

Biglang napaubo ulit si Denise habang nakatingin sa Mommy niya. “Napaano ka, Denise? Ako may napapansin na sa mga kinikilos mo lately? May tinatago talaga ata kayong magkapatid sa amin!” biglang sabi ni Shantal.

“Si Mommy laging tamang hinala. Bakit ako ang tinatanong mo, galing akong bakasyon ng two weeks sa France hindi sa Beijing, anong malay ko sa ginagawa ni Kuya Brielle!” pagsisinungaling niya rito.

“Sa France ka kaya nagpunta? Umalis ka ng di nagpapapaalam sa amin. Nagugulat nalang kami sa mga pinaggagawa mo lately!” nagdududang tugon ng Mommy niya.

“Dad, paano mo ba natitiis ugali ni Mommy. Selosa at maldita! Bakit ito pinili mong pakasalan?” biro nito sabay tingin sa ina.

“Hahaha! Tanong mo sa Mommy mo at kay Yaya Santina!” tugon ni Brent at tumingin sa asawa niya na may kasamang ngiti ang maamong mukha nito.

“Aba, mahal na mahal ng Daddy Brent mo ang Mommy mo. Iniiyakan niya iyan noong araw!” nakangiting tugon ng Yaya nila.

“See! I told you, your father madly in-love with me!” pagmamalaki ng Mommy niya.

“Kung ako naman lalaki ayoko ng ganyan ugali, buti di ako nagmana sayo!” sambit niya sabay ngisi sa ina.

“Hahaha! Tama na iyan, namumula na ang Mommy mo!” sita ni Brent at patuloy na kumain.

“Si Kuya Brielle, manang-mana sa kanya. Seloso, dominant and cold-hearted!” bulong ni Denise.

“Alam mo, iniiba mo ang usapan. Siguraduhin mo lang na wala kayong tinatago magkapatid!” tugon ni Shantal at tinititigan ang anak.

After breakfast, Brielle and Ivana had quickly leave at the rock formation house. Pagbaba nila pabalik ng Villa hawak ni Brielle ang kamay niya. Pasado alas nuwebe na ng umaga at halos mataas na ang sikat ng araw ngunit napakalamig pa rin ng simoy ng hangin.

Marami na ring tao na naglalakad sa dalampasigan at kamirahan sa mga ito ay may dala-dalang mga digital camera. The whole, Golden Phoenix Villas was exquisite and with modern facilities that serve as proof of extravagant lifestyle of rich people. Naroon ang dalawang yate na nakahinto sa dalampasigan at mayroon ding iilang tao na nagje-jet ski.

“Ganito ba lagi dito araw-araw?” tanong ni Ivana.

“Oo, kasi may dumarating dito na mga Villas owners with their respective guests. Saka sabi ko nga sayo kumpleto ng modern facilities ang buong lugar. Mamaya dadalhin kita doon, magbihis lang muna tayo ng komportableng damit,” turan nito.

“Sorry huh, masyado akong madaldal. Humahanga lang ako sa buong paligid!”

“Okay lang naman. Hayaan mo kapag may time ako ulit anytime pwede naman tayong magbakasyon ulit dito. Nakikita kong masaya ka sa mga nakikita mo sa paligid!” hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila pabalik ng Villa nito.

“Di naman kasi tayo pwedeng magbakasyon ng mahaba dahil sa dami ng trabaho mo sa company ninyo. Saka diba tutulungan mo pa ako sa mga plano ko? Nangako ka sa akin tutulungan mo akong mabawi ang lahat ng ari-arian ng Daddy ko!”

“Oo gagawin natin ang hiling mo sa tamang paraan kasi pakiramdam ko may mas malaking sekreto sa likod ng biglaang pagkakasakit ng Daddy mo. Ayoko muna humusga hangga’t wala tayong hawak na katibayan. Mahirap kalaban ang Uncle Hendric mo lalo na at di kapa marunong humawak ng business. Hindi ko rin pwedeng ipaalam sa kanya ang status nating dalawa dahil tiyak na magdadala ito ng mas malaking gulo sa atin,”

“Naiintindihan ko Brielle. Anuman ang plano na pwedeng nating gawin, iaasa ko sayo. Wala pa akong kakayahan na lumaban sa kanila,” malungkot na sabi niya.

Biglang huminto si Brielle at hinila siya sa loob ng mga braso nito at niyakap. “Huwag ka ng malungkot maaayos din natin lahat. Basta magtiwala ka lang sa akin, makukuha mo ang para sayo!”

She raised and clung her arms in Brielle's neck then pulled him closer to gently kiss his lips: “Thank you so much, hubby! I love you!” Muah!”

“masyadong emosyonal ang wife ko. O, baka umiyak kana naman huh? Ayoko ng drama sa mga panahong ito!” he gently touch the curve of her cherry-red lips.

Mabilis siyang kumalas sa yakap nito at dinukot ang cellphone sa maliit na bulsa ng suot niyang damit. “Honey, give me your most sweet smile, I will take another photos of you!” she encourages him with a sweet smile on her face.

“Akin na akong hahawak niyan, para tayong dalawa ang magpi-picture!” anito.

“Okay!” she walked closer to him and handed her cellphone to Brielle. They take several photos afterward. Kumuha pa ito ng maikling video nilang dalawa na humahalik sa labi niya.

“It all looks good!” she said happily.

“Let me see all of it!” anito at binabawi sa kanya ang cellphone.

“Teka lang, may password iyan eh! Finger password iyan di mo mabubuksan!” she replied.

Biglang dumilim ang mukha ni Brielle. “Bakit ka naglalagay ng finger password sa cellphone mo? Ikaw lang naman ang laging may hawak niyan. May tinatago kaba dyan at takot kang malaman ko?”

“Wala naman, naglalagay lang ako for security reason! Baka biglang manakaw ang cellphone ko!” patay malisya niyang tugon.

“Tanggalin mo ang password nito!” sabay balik sa kanya ng cellphone.

“Ang bilis mong magtampo. Wala naman akong tinatago dito. Akin na i-a-unlock ko na!” mabilis niyang i-nunlock ang cellphone at mabilis niyang binura ang conversation nila ni Denise sa Wechat bago binigay kay Brielle pabalik.

Nakasimangot pa rin ito at tinangnan lahat ng laman ng cellphone niya bago binalik sa kanya.

“Mamaya bibili tayo ng couple cellphone. Palitan mo na ang cellphone mong iyan!” anito at hinila na siya papasok ng Villa nila.

She silently rolled her eyes then said: “Alam mo ang bilis mong magtampo. Feel ko tuloy, seloso ka at in-love kana sa akin!”

“In your dreams!” Brielle said abruptly at binitawan bigla ang kamay niya.

“Sabi nila kapag ang isang tao sobrang seloso ay mapagmahal daw. So ibig sabihin, mahal na mahal mo ako ano? Aminin?!” tukso niya rito.

Mabilis na hakbang ang ginawa ni Brielle at iniwan siya sa harapan ng Villa. Namumula bigla ang mukha ni Brielle at bumilis ang tibok ng puso niya. Ayaw niyang makita ni Ivana ang reaksyon niya sa sinabi nito.

“Hoy, hubby! Sandali lang, bakit ka nang-iiwan? Hahaha! Asar talo ka ano?” tila batang tukso niya sa asawa.

Papasok na ng main door si Brielle ng marinig niya ang sagot nito. “Ewan ko sayo para kang bata! Bilisan mo na diyan at tanghali na mag-iikot pa tayo!”

Naiiling na sumunod siya kay Brielle papasok sa loob ng Villa nito. Nadatnan niya sa master's bedroom si Brielle at nagbibihis na ito ng damit. Seryoso ang mukha nito at di siya nililingon. Lumapit siya rito at yumakap sa likuran.

"Bakit sensitive ka masyado? Biniro ka lang eh. Masama ang laging seryoso, tatanda ka ng maaga niyan. You are only twenty-three years old but you take things and situation seriously,"

"My parents had raised me well. They taught me to become a better and dignified person. Ano sa palagay mo ang magiging outcome? Hindi ko naman sinabing perpekto ako pero dapat siguro magseryoso kana rin dahil di kana bata. You are already an eighteen years old and I wanted to remind you, you chose to be my wife so act like one!" malamig na tugon nito.

Lumipat siya sa harapan nito at ngumiti ng matamis, "Sir Brielle Santillian, I promise I will do my best to please you all the time! How about we stay at home then, ahem---- make more productive things. How about doing excessive exercise to create our baby!" she whispered naughtily.

"Ayoko! Aalis tayo, ibibili kita ng gamit nga!" masungit nitong sagot.

"Okay, ikaw ang masusunod. May magagawa ba ako? Bihis lang ako, pero kiss mo muna ako!"

"Para ka talagang bata! Magbihis kana, bilisan mo!"

"Eh, kiss muna. Dali na nga! " she smiled at him.

Umiiling si Brielle at iniiwas ang mukha sa kanya. "Tsk, bilisan mo ng magbihis! Tanghali na oh!"

"Kiss mo muna ako! Dali na nga! Ang arte eh!"

Brielle held her into his arms and lowered down his lips then kiss her fiercely until they both run out of breath.

"That was so intense! I love it!" she smiled and winked at him then gently pulled herself away to change clothes.

Umiiling lamang si Brielle na sinundan ng tingin ang asawa. Naririnig pa niya ang mahinang pagkanta nito. He felt deeply move as he has seen Ivana's joyful reaction. He feel contented being with her.