Chapter 17: The Gift
After dinner, Shantal pulled Brent's hand going to the pastry shop near the restaurant. Tahimik lamang sumunod si Brent sa kanya habang hila-hila niya ang kamay nito.
“Love, ibibili ko lang ng chocolate cake si Denise!” nilingon niya si Brent.
“Sure! I know mahilig ang anak natin sa ganyan, pareho kayong dalawa. Mahilig sa matatamis na pagkain,” he said.
Ngumiti lamang si Shantal at mabilis na in-order ng dalawang chocolate cake na napili niya mula sa naka-display. Matapos bayaran ang cake kaagad silang lumabas sa shop. There are still a few stores that are open during that time.
“Love, halika punta tayo doon!” sabay turo ni Brent sa isang jewelry store.
“Anong gagawin mo?” biglang tanong niya rito at inabot kay Brent ang dalawang box ng chocolate cake na tinangggap naman nito.
“I wanted to check if there is a new arrival of the diamond ring!” he said while pulling her hand towards the jewelry shop.
“Bibili ka?” she asked.
“Ibibili kita ng bagong diamond ring!” anito.
“Talaga? Eh wag nalang madami kanang binili sa akin na alahas,” she said.
“It’s okay. I just love to pamper my wife. Halika na!”
Hinila na siya nito papasok ng shop. Kaagad silang inasikaso ng staff.
“Good evening Sir Santillian!” bati ng isang staff.
Siniko ni Shantal si Brent. Tiningnan niya ito ng masama at halatang nagseselos ng makita ang sexy na staff na sumalubong sa kanila at nakangiti kay Brent.
“Santillian! Bakit ka kilala ng straff dito?” bulong niya rito.
Ngumiti sa Brent ng matamis at inakbayan siya. “Kaibigan ko ang may-ari ng shop. Aya Cruz is the owner of this jewelry shop. Kaya malamang kilala ako ng mga tauhan nila. I assumed you knew Aya personally, Erick's lovely wife!"
“Humph! Santillian umayos ka!” bulong niya ulit rito.
“Oo nga! Selosa kapa rin! Nakadalawang anak na nga tayo, bawas-bawasan mo iyan dahil masama ang tamang hinala lagi. Loyal nga ako sayo!” biglang humarap si Brent at pinisil ang pisngi niya.
“Sir Brent, may mga bagong dating po kami na alahas, ilalabas lang po namin!” sabi ng staff na bumati sa kanila at lalong lumawak ang ngiti nito dahil naririnig niya ang bulungan ng mag-asawa.
“Santillian, hindi mo maaalis sa akin ang pagiging selosa. Gwapo ka eh, saka lagi akong umaalis. Malay ko ba kung may kalokohan kang ginagawa kapag wala ako!” umismid siya rito.
“Anie, please bring the latest jewelries, I want to see it!” tugon ni Brent habang hinila siya sa sofa na nasa loob ng shop at kaagad nito inilapag ang chocolate cake na dala-dala nito.
“Umupo ka nga. Ang ligalig eh!" Sabi ulit ni Brent.
“Humph! Ayoko ng alahas, bag nalang bilhin mo sa akin!” biglang sabi niya.
“Maya na! Bilhan muna kita ng alahas nandito na tayo eh, nakakahiya namang wala tayong bibilhin dito. Kinukuha na nila ang mga bagong dating na jewelries. Tingnan mo muna tiyak may magugustuhan ka. Sige na! Umupo kana!” pilit siyang pinapaupo ni Brent at kinukuha nito ang bitbit niyang bag.
“Yung prinsesa mo nalang bilhan mo ng alahas tiyak matutuwa iyon!” tugon ni Shantal bago tumalima sa kanya.
“Okay sabi mo eh! Ikaw na pumili di ako magaling pumili ng alahas. Bibilhan kita ng bagong bag pagkatapos natin dito. Muah!” bigla siyang kinabig ni Brent at hinalikan sa labi.
Isaktong dating naman ni Anie na kitang-kita ang paghalik ni Brent sa labi niya. Namula ang pisngi niya ng makita ang gulat na reaksyon ng staff.
“Love, nakatingin ang mga staff!” she whispered beneath his lip.
“So what! Nahihiya ka? Selosa ka kaya para maalis iyan, kahit sa harap ng ibang tao hahalikan nalang kita para walang duda at wala ng magtatangkang umaaligid sa akin!” I love you!” Brent exclaimed.
“Ahem! Ahem! Sir Brent, here’s the different kinds of jewelry!” singit ni Anie sa kanila at inilapag ang mga alahas sa harapan nila.
“Thank you Anie!”
“Welcome, sir Brent! Don’t worry, we will give you a 15% discount as your privilege being our loyal client and as Ma’am Aya’s friend!”
“Oh, thank you!” Brent said. “Love, sige na tingnan mo na ang mga iyan. Choose the best one for our daughter!”
“Okay!” Shantal checked each piece of jewelry. Nakapili na siya ng diamond ring na may magandang cut. It was elegant because the tiny cut of pink diamond around the big one symbolizes purity as she thought.
Matapos makapili ng alahas, binayaran agad ito ni Brent. They went straight to LV Shop near the shop where they bought Denise jewelry. Pinagtitinginan sila ng mga naroon at ilan sa mga staff ng shop nakiusap sa kanya na magpa-picture. Napapailing na lamang si Brent ng buong giliw na sumunod ang asawa niya. He knows that his wife is still one of the most popular ramp models and anywhere they go, often people disturb them to get his wife photos or sometimes autograph.
Pagkatapos ng ilang oras nilang paglilibot mag-asawa umuwi na sila ng bahay. Nadatnan nilang nanood ng movie si Denise.
“Hi! Princess! Muah!” bati ni Shantal sabay halik sa pisngi ng anak.
“Hi Mom, Hi Dad! Muah! Muah!” mabilis itong tumayo mula sa sofa at humalik sa pisngi nilang dalawa.
“Ilang ulit mo ng pinapanood ang movie na iyan until now pinapanood mo pa rin!” sabi ni Brent ng mapansin ang palabas.
“Okay lang Dad! Gusto ko lang talaga ang palabas na iyan. How’s your date guys?” she aks.
“Happy! Here, your Dad bought new jewelry for you!” sabay abot ni Shantal sa paper bag na naglalaman ng jewelry box.
“Wow! Thank you, Daddy!” Muah! Love you!” masayang tugon nito.
“Mommy Shantal mo pumili niyan hindi ako. Saglit lang, dadalhin ko lang sa kitchen ang chocolate cake, at ipaghahanda kita ng meryenda!” mabilis na tumayo si Brent at iniwan ang mag-ina niya.
“Thanks, Dad!” anito. “Wow! Ang ganda Mom. Thank you so much!” sabi nito sabay yakap kay Shantal.
“I know you will like it! Actually, your father bought me a new bag too!” she informed her daughter with a wide smile on her face.
“He really pampered us! You know, I always pray I could find someone like Dad and become my future husband!” pilyang ngumiti ito at tumingin sa kanya.
“Your father is a rare species in the human tribe! Hahaha! I don’t think there is someone like him nowadays!” proud na sabi ni Shantal.
“Brother Brielle is like Dad! Hmmm! He is already married!” biglang nadulas ang labi ni Denise at nasabi niya ang lihim nila ni Ivana.
“What? Pardon? Sinong kasal na? Ang kuya mo?” biglang tanong ni Shantal at naghihinalang tumingin kay Denise.
Isaktong lumabas naman si Brent mula sa kitchen at bitbit ang tray na may lamang juice at dalawang platito ng chocolate cake.
“Princess, you said your brother was married?” Brent asked.
“Denise, may tinatago ba kayong magkapatid sa amin ng Daddy niyo?” seryosong tanong ni Shantal sa bunso nila.
Hindi makasagot agad si Denise at biglang natameme ng ma-realized na nadulas siya.
“Joke! Hahaha! Bakit ang seryoso nyong dalawa? Biro lang! Tanungin mo si Kuya Brielle, bakit ang sama ng tingin mo sa akin Mom?” tanong ni Denise sa ina na pilit na pinapaniwala ang ina na nagbiro lamang siya.
“Kayong dalawa huh, di porket malalaki na kayo maglilihim na kayo sa amin!” nagdududang sagot ni Shantal.
"Daddy paano mo natiiis ang ugali ni Mommy na ganyan, maldita, selosa at tamang hinala!" biglang ngisi ni Denise sabay baling kay Brent.
"Denise Santillian!" Shantal screams at her daughter.
"Joke lang! Totoo naman ah!" mahinang bulong nito na may halong pilyang ngiti.
“ Hahaha! Love ko lang talaga ang Mommy mo. Tama na iyan baka magtalo pa kayong dalawa. Saka, okay lang naman na mag-asawa si Brielle. Lagi naman nating sinasabihan iyon na bigyan na tayo ng mga apo!” sabad ni Brent at inilapag sa harapan nila ang hinandang meryenda.
“Santillian, dapat bago mag-asawa ang panganay natin kilalanin muna natin ang babae,” biglang sabi ni Shantal at tumingin sa anak na kasalukuyang kumakain ng meryenda na nilapag ni Brent sa harapan nito. “Denise, magsabi ka nga ng totoo sa amin ng Daddy mo, nag-asawa naba ang Kuya mo?”
“Si Mommy, tanong ng tanong sa akin. Biro nga lang. Tanungin mo pa si Kuya. Saka kahit naman mag-asawa iyon okay lang ah, kasi stable naman na siya, saka tiyak pipili ng matinong babae iyon. Sa sungit mong iyan, palagay mo kaya dadampot ng kung sino lang na babae iyon at ihaharap sa inyo?” mahabang litaniya nito. “Diba Dad, tama sinabi ko!” sabay baling nito kay Brent.
“Yes! Ah may point of view ang sinabi mo princess!” sambit ni Brent at nakangiti sa anak.
“Brent Santillian, ini-spoiled mo talaga ang mga anak mo!” inirapan ni Shantal si Brent.
“Love, malaki na sila hayaan mo na. Gawa nalang tayo ng baby ulit!" Tugon ni Brent.
“Daddy! Ano ba iyan, naririnig ko huh, anong gagawa kayo ng baby ulit? Huwag na, ako lang dapat ang bunso nyo!” biglang sabi ni Denise.
“Hahaha! Sorry princess! Nabigla lang ang Daddy!” tinapik niya sa ulo ng anak na abala sa pagkain.
Namula ang pisngi ni Shantal sa sinabi ni Brent. “Humph! Puro ka talaga kalokohan, sa harapan pa ng anak mo!”
“Hahaha, seryoso ka masyado eh! Hayaan mo na, tiyak naman di gagawa ng maling desisyon ang panganay natin. Parang di mo naman kilala si Brielle, matino ang panganay natin!” tugon ni Brent.
Si Denise naman biglang nakahinga ng maluwag ng mapansing tumahimik na ang ina. Nadulas ang dila niya at nabanggit ang pag-aasawa ng kapatid. Mula ng kinasal si Brielle at Ivana, di pa sila nagka-usap ni Brielle. Tanging silang dalawa lang ni Ivana ang nag-uusap ng lihim. Di rin alam ni Brielle na siya mismo ang nag-udyok kay Ivana na pikutin ang kuya niya. Gusto lamang niyang tulungan ang best friend niya na malutas ang problema nito. Ilang sandali lang nagpaalam na sa kanya ang mga magulang.
“Denise! Aakyat na kami sa kwarto ng Daddy mo. Pagkatapos niyan matulog kana!” bilin ni Shantal.
“Yes, Mom! Goodnight you both! Love you!” tugon nito na di tumingin sa kanila.
Hinila na siya ni Brent paakyat sa kwarto nila. Mabilis na dinampot ni Denise ang cellphone at nag-type ng message sa Wechat account niya para kay Ivana.
Denise We chat Message to Ivana:
“Hi babe! How are you and my brother? I miss you! Alam mo may kasalanan ako sayo. Nabigla ako tonight, nabanggit ko kela Mom and Dad na kasal na si Kuya. But don’t worry I able to remove their doubt by telling them that I was only making a joke. Whew! Kinabahan ako babe, hahaha! Akala ko mahuhuli na tayo. Hey, basta kahit anuman ang mangyari huwag mong sabihin sa kanila plano ko lahat ang kasal ninyo ng Kuya ko. Lagot ako sa Mommy ko, alam mo naman iyon masyadong sensitive at maldita. Babe, mag-ingat ka sa bawat ikikilos mo. Hangga’t maaari tapusin mo muna lahat ng plano mo bago kayo magsabi sa parents namin. Take care always! I love you dear sister-in-law!”
Di pa rin mapakali si Shantal ng mga sandaling iyon at nasa isipan pa rin niya ang sinabi ng bunso nila.
“Love, a penny on your thoughts!” Brent said and hugged her behind.
“Love inisip ko ang sinabi ni Denise kanina. Palagay mo kaya biro lang iyon?” pumihit siya paharap kay Brent at tumingin sa mga mata nito na tila ba tinatantya ang isasagot ng asawa.
“Forget it. I am sure Brielle will tell us immediately if he decided to get married. Ilang beses na tayong nagsabi sa kanya na mag-asawa na siya. Ilang beses na rin akong nagtangka na ipakilala siya sa mga anak ng business partners ko. Wala namang napili ang anak natin,” tugon ni Brent habang yakap sa beywang si Shantal.
“Santillian, alam natin pareho na labis na nasaktan si Brielle noong umalis bigla si Ivana na hindi nagpaalam sa atin. I think our son still looking for that woman. She had hurt our son. We both witnessed how Brielle suffered from a sudden disappearance of Ivana,” she said in a worried tone.
“May reason tiyak sila Renold bakit bigla silang bumalik ng China. Honestly, I tried to talk to him but his assistant keep telling me that he had a busy schedule. Hindi ko naman mapilit dahil alam ko naman marami siyang inaasikaso noon,”
“Ayoko lang masaktan ang anak natin. Simula kasi ng mawala si Ivana bigla siyang nag-iba. Hindi na siya ang dating Brielle na masayahin. Our son exist in this world but he became aloof and distant. Bigla siyang naging tahimik na kagaya mo noon!” nag-aalalang turan niya.
“Huwag mo ng isipin iyon. Sabi nga ni Denise biro lang ang sinabi niya. Kung mag-aasawa man si Brielle tiyak kong pipiliin niya ang babaeng magugustuhan natin at mahal niya ng totoo,”
“Ewan ko ba, di ako mapakali. Next month bisitahin natin si Brielle sa Beijing pagkahatid natin kay Denise sa London. Malapit na ulit pasukan ng bunso natin, dapat tayo mismo maghatid sa kanya doon ulit!” biglang sabi niya.
“Oo naman, ihahatid natin siya doon at tingnan din natin ang titirhan nila ni Yaya Santina. For now, kalmahin mo ang sarili mo at magpahinga na tayo. Or baka gusto mo mag-exercise tayo ulit!” pilyong ngumiti si Brent at kinabig siya at hinalikan sa labi.
“Hmmm! We did it kanina. Huwag na bukas naman, magpahinga na tayo!” sabay hila niya rito sa higaan.
“Isa lang! Sige na?” Brent flipped his body up over her and started kissing her passionately.
“Santillian, sobra mo talaga akong namiss!” she told him and pulled him closer to kiss him back.
“I miss my wife so much!” he whispered in her ear while his hands went under her dress touching all over her body.
She smiled at him and a slight moan came out in her mouth giving Brent an invitation to continue what he is doing. They both miss each other and often she wanted more from him. They made love eventually before sleeping. Sa kabila ng busy nilang schedule they never miss any chance to still have an intimate contact often. She knew Brent was a very loving and loyal husband to her. Kahit parati niyang pinaparamdam dito ang pagiging selosa niya hindi pinapatulan ni Brent ang mga tantrums niya. For Brent, his wife is normally a spoiled brat during their young age. Madalas pa niyang naaalala ang sinasabi ng Daddy nito na unawain niya ang ugali ni Shantal dahil lumaki itong spoiled sa kanila at nag-iisang anak lang din. Brent giving all the love and respect to his wife and even pampered her often.