Chapter 41: Mahal kita Kent
Habang, sa inabandunang imbakan…
"Sobrang nag-aalala ang asawa mo sa iyo! How sweet he is!" Sambit ni Joice habang dahan-dahang hinawakan ang baril sa tapat ng mukha ni Ada.
"Please... Joice, huwag mong saktan si Kent, nakikiusap ako sayo." Pagmamakaawa ni Ada kay Joice.
"Well, well… mahal mo ba talaga siya?" Tanong ni Joice.
"Oo, pwede bang huwag mo na siyang saktan. Gagawin ko ang anumang gusto mo! Please, huwag mo siyang saktan." Pagsusumamo ni Ada habang umiiyak.
"Okay, let me see... I want you to kiss my toes!" Sabi ni Joice habang nakangiti sa mukha ni Ada.
At pagkatapos ay pinakawalan siya ng lalaki na nakatayo sa gilid ni Ada.
"Come on, Ada! Kung mahal mo talaga si Kent... halikan mo ang mga daliri ng paa ko!" Sabi ni Joice.
Dahang-dahan na lumuhod si Ada sa harapan ni Joice habang umiiyak. Yumuko siya at hinalikan ang mga daliri sa paa ni Joice.
"Ha ha ha!" Tumawa ng malakas si Joice.
"Napakatanga mo!!!" Sigaw ni Joice at sinipa ng husto ang katawan ni Ada. Napasubsob naman si Ada sa maduming sahig at muling nakiusap kay Joice.
Lumuhod si Ada sa harapan ni Joice at nakiusap dito.
"Please Joice, huwag mong saktan si Kent. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. But please, nakikiusap ako sayo... don't hurt him please."
"Pag-iisipan ko. Ha ha ha!" Sambit ni Joice at tumawa ito na tila ba may binabalak na masama.
Takot na takot si Ada sa pwedeng gawin ni Joice para kay Kent. Hangad lang niya, na hindi na dumating si Kent.
"Don't come here Kent… don't come here please..." Bulong ni Ada sa sarili habang umiiyak.
~
Nang makarating si Kent sa lugar ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Dumampot siya ng kahoy sa mga nakakalat sa lugar.
Nakita niya ang isang lalaking nakatayo, pinalo niya ito sa may batok.
Meron ulit siyang nakitang lalake... nakipag sangbuno siya dito. Sinuntok niya ito subalit may kalakasan ito. Tutukan na sana siya ng baril subalit agad niyang sinipa ang kamay nito na siyang nagpatalsik sa baril na hawak nito.
Matapos ang maraming suntok ay napatumba niya rin ito. Kinuha niya ang baril nito na nahagis sa lapag. Duguan na din ang mukha ni Kent ng matapos ang pakikipagsuntukan sa lalaking iyon.
Dahan-dahan ulit siyang naglakad papasok. Pagdating niya sa loob ay nakita niya si Ada na nakaluhod sa harapan ni Joice na may mga sugat sa mukha habang umiiyak. Awang-awa siya sa kalagayan ni Ada at agad niyang binaril ang lalaking kasama ni Joice na nakatayo at nakabantay sa kanila.
Nagulat naman si Joice sa biglaang pagputok ng baril at pagtumba ng kasama niyang lalaki.
"Ada!" Sigaw ni Kent.
Lalapitan na sana ni Kent si Ada subalit tinutukan siya ni Joice ng baril.
"Opps, dyan ka lang!” Habang nakasabunot naman siya kay Ada.
"Ibaba mo yang baril mo!" Utos ni Joice kay Kent habang itinutok niya ang baril sa ulo ni Ada.
"Plese pakawalan mo na si Ada! Ako na lang ang pahirapan mo." Paki usap ni Kent.
"Ada! Ada! Si Ada na lang lagi ang nakikita mo! Paano naman kaming nagmamahal sayo Kent?" Galit na tanong ni Joice.
"Ahhh..." wika ni Ada habang nasasaktan.
"Please, pakawalan mo na siya Joice!" Muling pakiusap ni Kent.
"At bakit? Kapag pinakawalan ko ba si Ada, mamahalin mo na rin ako ha? Tsk!" Naiinis na wika ni Joice.
Wala namang masabi si Kent at nakatuon parin ang kanyang mga mata sa kaawa-awang si Ada.
"Alam ko… Si Ada pa rin ang pipiliin mo! Kaya mas mabuti pang mamatay ka na lang kaysa mapunta ka kay Ada!"
At agad na itinutok ni Joice ang baril kay Kent.
"‘Wag Joice...! Wag..!" Malakas na sigaw ni Ada.
Siniko ng malakas ni Ada si Joice at tumakbo papunta kay Kent.
Ipinutok naman ni Joice ang baril.
"Bang!"
At natamaan si Ada sa likod...
Nasalo ni Kent si Ada habang dahan-dahan silang napaupo sa sahig. Nagulat si Kent sa nangyare, hindi niya alam kung anong gagawin...
"Ada..." Umiiyak na sabi ni Kent.
Si Joice naman ay nabigla rin at hindi rin mapakali... nang mabaril niya si Ada.
"S-Ssorry..."
Pagkawika ni Joice ay akmang tatalikod na ito, subalit nagpupuyos sa galit si Kent.
"Aaaahhhhhh!" Malakas na sigaw ni Kent at sunod-sunod na binaril si Joice sa likod.
"Bang! Bang! Bang!"
Natumbang padapa si Joice sa sahig at namatay kaagad ito. Muling ibinaba ni Kent ang baril sa sahig at hinaplos ang mukha ni Ada, habang nasa kandungan niya ito.
"Kent, may sasabihin ako sayo..."
Mahinang wika ni Ada habang pilit na hinawakan ang pisngi ni Kent.
"Mahal kita Kent, Mahal kita Kent..."
"Mahal din kita Ada! Mahal na mahal..."
At hinalikan ni Kent si Ada sa mga labi...
"Mahal kita Kent..." wika ulit ni Ada.
"Ma.... hh-al."
Huling na wika ni Ada habang lumabas ang dugo sa kanyang bunga-nga at unti-unting bumaba ang kanyang kamay na humahaplos kay Kent...
"No! No!!! Ada!... "
Humagol-gol si Kent ng iyak habang niyayakap si Ada ng mahigpit...
"Hindi ko kaya Ada... please.. don’t leave me, please." Umiiyak na sabi ni Kent.
"Ada...!"
"Ada...!"
Umiiyak si Kent ng buong pagtangis habang binabangit ang pangalan ni Ada.
Tumingala si Kent sa langit at sumigaw ng malakas.
"Adaaaaaaaaaa!!!!!!"
-
-
-
-
-
"Bang!"
Ang huling putok ng baril na narinig ng gabing iyon.