Chapter 40: Lost Star
Dumating ang araw ng graduation nila...
Masayang gumising sila Kent at Ada...
Habang nagbibihis ay nilapitan siya ni Dave at niyakap sa likod.
"Congrats Love!" Kent whispered and he gently kiss Ada at her cheek.
"Thanks! Same to you!" Ada said and she turn to Kent and smile at him.
"Kent, thank you for supporting me... Thank you for teaching me... " Pagkawika ay hinalikan niya si Kent sa mga labi.
At pagkatapos ay niyakap nila ang isat-isa.
"I love you!" Sabi ni Kent habang marahan na hinimas ang maamong mukha ni Ada.
"I will always love you Kent..." Sagot naman ni Ada habang matamis na ngumiti kay Kent.
Then they look at each other’s eyes.... then they kiss again so softly with full of love and promises...
~
At the School Ceremony...
Isa-isang nakapila at nag-martsa ang mga estudyante papunta sa kanilang mga upuan.
Masayang-masaya si Ada dahil sa wakas ay gragraduate na sila ni Kent... At iniisip niya kung ano ang magiging trabaho nila ni Kent pagtapos ng graduation...
Si Kent naman ay nakatingin lang sa upuan ni Ada, pinagmamasdan niya si Ada, habang nakasuot ng toga.
Napansin naman iyon ni Ada, na nakatingin si Kent sa kanya sa may ‘di kalayuan.
"What...?" bulong ni Ada.
"Nothing...” Sagot naman ni Kent at matamis na ngumiti siya kay Ada.
At tumugon din si Ada ng ngiti sa kanya.
Nang matapos na ang kanilang graduation, habang abala si Kent sa mga nagpapapicture sa kanya ng mga estudyante ay kinausap ni Mark si Ada.
"I'm so sorry for what happened... I hope you can forgive me...” Pagsusumamo ni Mark kay Ada.
"You are always be my childhood friend Mark!" Nakangiting sagot naman ni Ada.
"C-Can I hug you for the last time?" Marahan na pagtatanong ni Mark sa kanya.
"Sure!”
Masayang sinabi ni Ada at pagkatapos ay nagyakap sila ni Ada at Mark. Sa ‘di kalayuan ay napansin naman ni Kent ang pagyayakap ng dalawa. Hindi na siya nakialam sa dalawa, dahil mukhang seryoso ang dalawa sa kanilang pag-uusap.
Malungkot na nagpaalam si Mark kay Ada...
Kahit magkakahiwalay na sila ngayon, ay masaya naman si Ada dahil nagkaayos sila ni Mark. Kaibigan parin ang turing ni Ada sa kanya.
Kalaunan ay napansin ni Kent na hindi pa rin niya makita si Ada sa paligid na kanina lamang ay kausap nito si Mark.
Hinahanap na niya ito.
Nakita niya si Mark na nag papapicture sa mga kaklasemate niya.
"Hey, Mark. Nasaan si Ada?" Bungad na tanong ni Kent sa kanya.
"Ha? Umalis na siya... pumunta na siya sayo, akala ko kasama mo na siya?" Pagtataka naman ni Mark.
Naiinis na umiling-iling si Kent at tumitig ng masama kay Mark.
"Tsk! Nakita ko kayong magkausap kanina! Saan mo siya dinala?!" Galit na sabi ni Kent habang kwenelyuhan si Mark.
Nagulat naman si Mark sa ginawa sakanya ni Kent.
"Wait Kent... kanina pa kami natapos mag usap... Nawawala ba si Ada? Tutulongan kita maghanap!" Agad na sagot ni Mark.
Pagkatapos ay hinanap nila si Ada sa buong school, subalit hindi pa rin nila ito nakita.
Naisip nilang pumunta na sa Admin Office, para ipaalam ang nagyari. Agad naman silang hinarap ng taong nandoon at nakiusap silang tingnan ang CCTV kung saan nawala si Ada.
Sa hindi nila inaasahan na pangyayari, nakita nila kung paano nawala si Ada.
Habang naglalakad si Ada pabalik sa pwesto ni Kent ay biglang may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang mga bibig ng panyo.
Nagpupumiglas si Ada sa lalaking yumakap sa kanya subalit malakas ito at nalanghap ni Ada ang nakakahilong amoy ng panyo na nasa bibig niya.
Unti-unti siyang nanghina at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Pagkatapos noon ay binuhat siya ng lalaking nakabonet at isinakay sa itim na kotse.
Subalit ay hindi na nila nakita pa ang mga sumunod pang pangyayari.
Bigla namang nanlumo at magkahalong galit at kaba ang nararamdaman ni Kent ng mga oras na ito. Itiniklop niya ang kanyang kamao at malakas na sinuntok ang pader.
“Aaarrrhhh!!!” Malakas na sigaw ni Kent habang nasuntok ang pader habang nagpupuyos sa galit.
Nagulat naman si Mark at lumapit kay Kent.
“Huminahon ka Kent, mahahanap din natin si Ada. Sa ngayon, kailangan natin ireport sa mga pulis ang pagkawala ni Ada.”
Pagkatapos ay agad na tumawag ng pulis ang admin ng school at ipinakita din nito ang kuha sa CCTV.
Agad na umaksyon ang mga pulis at kasalukuyang hinahanap ang itim na kotse na nakita sa CCTV. Sumama din sila Kent at Mark, para mabalitaan kaagad nila ang improvement sa paghahanap kay Ada.
Habang naghihintay sa labas ng opisina ng pulis, ay minabu ni Kent na ipaalam ang nangyari sa parents ni Ada. Agad naman silang nagpunta sa prisinto na sinabi ni Kent.
“Kent, anong nangyare?” Agad na tanong ng Mommy ni Ada habang tumabi ito sa upuan ni Kent.
“Mom… may dumukot po kay Ada.” Naiiyak na tugon ni Kent.
Sa mga oras na iyon ay sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya naprotektahan si Ada. Feeling niya ay wala siyang kwentang asawa, dahil hindi niya naalagaan at naingatan si Ada.
Umiyak kaagad ang Mommy ni Ada ng marinig ang sagot ni Kent sa mismo nitong mga bibig.
“Oh no!” Hindi makapaniwala ang Mommy ni Ada na bigla na lamang itong nawala.
“Baka nandun lang si Ada sa school, hinanap niyo na ba siya?” Tanong naman ng Dad ni Ada.
Umiling-iling si Kent at hindi na siya makasagot.
Si Mark na lang ang sumagot.
“Tito, hinanap na po namin si Ada sa buong school, pero wala po siya. Nakita po namin sa CCTV na may kumidnap kay Ada.” Pahayag ni Mark.
“What?!!!” Gulat na tanong ng Daddy ni Ada. “At sino naman ang kikidnap kay Ada? Hindi naman kami Adaman tulad ng iba?” Pagtatakang tanong nito.
“Hindi ko rin po alam, pero ayon po sa nakita namin, parang plinano po nila yun pagkidnap kay Ada.” Sagot ni Mark.
“Anong sabi ng mga pulis?”
“Wala pa rin pong balita. Hindi pa rin po nila nakikita ang kotseng pinagsakyan kay Ada.” Malungkot na sagot ni Mark.
“Oh no! Ang anak natin… Ano na kaya ang nagyayari sa kanya ngayon?” Umiiyak na sabi ng Mommy ni Ada.
Humingang malalim ang Daddy ni Ada at nagpasama kay Mark sa loob ng himpilan ng pulis para makausap ang mga ito.
Samantala, hindi malubos maisip ni Kent na mangyayari ito kay Ada, kaya naman ay agad niyang tinawagan ang Daddy niya para sa agarang paghahanap kay Ada, dahil sa mga koneksyon nito.
Agad niyang kinuha ang phone sa kanyang bulsa at tumayo at lumayo ng kaunti sa Mommy ni Ada na nakaupo sa upuan.
“Hello Dad, I need your help.”
“Oh, Iho, bakit? May problema ba?” Tanong ng Daddy niya sa kabilang linya.
“Dad… si Ada, nawawala. May kumidnap kay Ada.” Sagot ni Kent.
“What? Paano nangyari yun?” Tanong ng kanyang Dad.
“Pagkatapos ng graduation namin, hindi ko na siya makita. Nang chineck namin yun CCTV, nakita namin na may kumuha sa kanya.”
Pagkatapos ay ibinigay pa ni Kent ang iba pang detalye na nalalaman niya sa kanyang Daddy at nangako itong tutulong sa paghahanap kay Ada.
“Salamat po Dad.”
“Hayaan mo, makikita natin si Ada. Kokontakin ko lahat ng kilala ko na makakatulong sa atin.” Sabi ng kanyang Daddy.
“Okay po.”
Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinaba na ni Kent ang phone at nanatiling nakatayo at sumandal sa pader, habang iniisip kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanila ni Ada.
~
Samantala, sa abandonadong imbakan ng mga gamit.
Si Ada ay nakatali sa upuan.
Nagising siya at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Nang maramdaman na sumasakit ang ulo niya at parang nahihilo siya. Hindi siya makakita dahil nakablindfold ang kanyang mga mata.
Narinig niya ang tunog ng takong ng sapatos na papalapit sa kanya...
"Oh, gising ka na!"
Pamilyar na pamilyar ang boses ng babae, tila narinig niya ito kung saanman.
Inutusan niya ang lalaking nagbabantay kay Ada na alisin ang kanyang piring sa mata.
Dahan-dahang itinaas ni Ada ang kanyang mga mata.
Hindi pa siya makakita ng malinaw at malabo ang kanyang paningin. Ang kanyang estado ng pag-iisip ay magulo at siya ay tila ba walang lakas. Habang nakikita niya ang isang babaeng nakatayo sa harapan niya.
Ang babae ay nakasuot ng red fitted dress at nakaayos siya pati ang kanyang buhok ay bahagyang kinulot. Iba talaga ang hitsura niya kapag nasa paaralan siya.
Laking gulat ni Ada habang tinitingnan kung sino ang nasa harap niya.
"Ikaw???"
Hindi makapaniwala si Ada kung sino ang taong kumidnap sa kanya.
"Oo, ako nga!" Proud na sagot ni Joice.
"Joice bakit mo ginawa ‘to? Pakawalan mo na ko please!" pakiusap ni Ada.
"Hahaha... Ada! Ada!...” Sabi ni Joice habang nakacross ang mga braso nito. “Hindi mo ko maid na pwede mong utusan at sunod-sunoran na lang sayo!"
Pagkatapos ay malakas na sinampala niya si Ada. Agad namang namula ang pisngi ni Ada sa malakas na sampal na iyon ni Joice sa kanya.
"Joice, magkaibigan tayo! Bakit mo ginawa sakin to?!" Nagtatakang tanong ni Ada.
Lumapit si Joice sa kanya at marahas siyang sinabunutan sa buhok.
"Kaibigan? Hindi kita kaibigan! Dahil ang kaibigan ay hindi nang aagaw ng taong mahal niya!" Gigil na sinabi ni Joice habang sinasabunutan si Ada sa buhok.
"Joice... wala akong inaagaw sayo. Pakawalan mo na ko!" Sigaw ni Ada.
"Wala? Sigurado ka?" Tanong ni Joice habang hinigpitan pa lalo ni Joice ang pagsabunot sa kanya.
"Aaahhh!” Napangiwi naman si Ada sa sakit na nararamdaman.
"Masakit ba? Kulang pa yan! Sa tulad mong mang-aagaw!" Galit na sigaw ni Joice at malakas ulit na sinampal si Ada.
Dumugo na ang gilid ng bibig ni Ada sa lakas nito.
"Wala akong inaagaw sayooo!" Sigaw din ni Ada.
"Inagaw mo ang pinakamamahal ko! Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa alam, ha? O nagtatanga-tangahan ka lang?” Sabi ni Joice habang hinawakan naman niya ang baba ni Ada.
“Simula sapol, sinabi ko na sayo na may gusto ako kay Kent! Pero anong ginawa mo Ada?"
Tumingin naman si Ada sa kanya.
"Akala mo ba... hindi ko alam na kasal na kayo ni Kent?"
Nagulat naman si Ada sa narinig...
"Ha ha ha... akala mo siguro hindi ko malalaman, noh? Kung tinuturing mo talaga akong kaibigan, bakit hindi mo man lang ako inimbita sa kasal nyo? Hhmm? O hindi mo man lang sa akin sinabi?"
Paglalahad ni Joice ng kanyang saloobin.
"Hinintay kitang magsabi ng totoo... hanggang graduation natin, pero hindi... hindi mo ko tinuring na kaibigan Ada! Kaya hindi rin kita ituturing na kaibigan!" Mariing sabi ni Joice.
Pagkatapos ay lumapit si Joice sa nakatayong lalaki na bantay ni Ada at hiniram nito ang baril at malakas na sinampal si Ada ng maraming beses gamit ang baril.
"S-sorry... hindi ko alam..." Sabi ni Ada habang umiiyak at duguan na ang mukha niya.
"Sorry?! It's too late Ada!" Taas noong sabi ni Joice.
"Ipaparanas ko sayo, kung gaano kasakit mawalan ng taong minamahal!" Galit na sabi ni Joice sa kanya
Pagkatapos ay tumawag si Joice sa cell phone.
"Hello!" Sagot ni Kent sa kabilang linya.
"Alam kong hinahanap mo si Ada... Pumunta ka dito, pero ikaw lang! ‘Wag ka magsasama ng pulis... Kapag nagsama ka, wala ka nang aabutan!"
At pagkatapos ay ibinaba na nito ang cell phone.
Tinext niya ang address kung nasaan si Ada.
Dali-dali namang umalis si Kent...
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ng Mommy ni Ada.
"Hahanapin ko po si Ada..." Sagot ni Kent.
Pagkatapos ay nagmadali na siyang pumunta sa lugar na tinext sa kanya.
Iba naman ang naging kutob ng Mommy ni Ada, dali-dali niyang sinabihan ang kanyang asawa na umalis si Kent at agad nila itong sinundan.