Chapter 34: Don’t mind them

Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa school na magkahawak ang mga kamay. Pinagtitinginan naman sila ng mga estudyante.

Habang nakayuko si Ada at pinagmamasdan ang kamay ni Kent ay huminto si Ada at sinabi kay Kent. “Kent, pinagtitinginan nila tayo.” At pilit niyang inalis ang kanyang kamay sa kamay ni Kent.

Lumingon naman si Kent sa paligid. “Huwag mo silang intindihin.”

Pagkatapos ay muli siyang hinawakan ni Kent sa kanyang kamay at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa kanilang classroom. Lalong umigting ang bulong-bulungan na narinig ni Ada ng makapasok na sila sa classroom habang pinagtinginan sila ng kanilang mga kakaklase.

Agad na bumulong si Kent sa kanya, “Ignore them!”

Inihatid siya ni Kent sa kanyang upuan at hinintay siyang makaupo bago umupo sa kanyang upuan. Tahimik namang umupo si Ada sa kanyang upuan hanggang sa dumating na ang kanilang guro.

Nang kanilang break time ay sabay silang nagpunta ng canteen at patuloy pa rin silang pinag titingnan ng mga estudyante at pinagbubulungan.

Hindi na mapalagay si Ada sa ganitong sitwasyon, ito ang ayaw niya ang atensyon ng iba. Dahil sa nangyaring paglalahad ni Kent tunay niyang nararamdaman ay humaharap sila ngayon sa kung anong-anong tsismis sa school at ang pinakamalala pa dun ay ang tungkol sa pang-aakit niya kay Kent, na hindi naman totoo.

“Tinitingnan pa rin nila tayo.” Bulong ni Ada ng huminto siya saglit sa pagkain at tumingin kay Kent.

“Don’t mind them! Just eat! Masasanay ka din at hindi rin yan tatagal, okay.” Kasabay nito ang paghawak ni Kent sa kamay ni Ada.

Tumango naman si Ada at huminga ng malalim at tska nag patuloy sa kaniyang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam muna si Ada kay Kent na magccr, kaya pinauna na lang muna niya si Kent pabalik sa kanilang classroom.

“Ah, Kent mauna ka na, magccr lang ako.” Sabi ni Ada at bumitaw siya kay Kent.

“Ah, okay sige.” Tugon naman ni Kent at naglakad na si Kent papalayo.

Pumasok naman si Ada sa loob ng restroom at sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga estudyanteng nandodoon. Dahan-dahan naman siyang naglakad at hindi sila pinansin.

Ang mga estudyanteng naiinggit kay Ada ay hindi napigilang magparinig kay Ada, may iba pa na gustong saktan si Ada subalit hindi nila ito magawa dahil natatakot sila kay Kent, at alam nila kung paano magalit si Kent.

Nang makalabas si Ada sa restroom ay bigla na lamang na may humila sa kanya ng naglalakad na siya sa hallway at pabalik na sana sa kanilang classroom.

Nagulat siya ng makita ang taong humila sa kanya sa may sulok ng pader.

“Oh, Mark.” Mahinang sabi ni Ada.

Binitawan naman ni Mark ang braso ni Ada. “Let’s talk. Seriously, kayo na ba talaga ni Kent?” Agad na tanong ni Mark kay Ada.

“Oo, bakit?” Sagot naman ni Ada sa kanya.

“Ada, alam kong tinatakot ka lang ni Kent para sumama sa kanya, kaya layuan mo na siya.”

Umiling naman si Ada, “Hindi ako tinatakot ni Kent.”

Hinawakan ni Mark ang kamay ni Ada at sinabi ng mahinahon, “Ada, alam mo simula ng pagkabata, ay gusto na kita.”

Hinila naman ni Ada ang kanyang kamay at sinabi, “Mark, ‘di ba sinabi ko na sayo na hindi kita gusto. Iba noon at iba ngayon.”

“Ada, you are the only one in my heart, mula noon hanggang ngayon. Huwag mong kalimutan ang promise natin sa isa’t-isa!” Sinabi niya ito kasabay ang pagyakap niya kay Ada.

Nagpumiglas naman si Ada sa mga yakap ni Mark.

“Mark, bitawan mo ko!”

“Hindi, akin ka lang Ada.”

Sa pagkakataong ito ay nakita sila ni Kent na magkayakap, agad namang lumapit si Kent sa kanila at binigyan si Mark ng malakas na suntok sa mukha.

Agad na bumagsak si Mark sa sahig at dumugo ang gilid ng labi nito.

“You're asshole! Get away from my girlfriend!” Galit na sinabi ni Kent kay Mark habang dinuro niya ito.

“Tssk! Ako ang nauna kay Ada at nagpromise kami sa isa’t-isa na magsasama habang buhay!” Sagot naman ni Mark habang tumatayo.

“In your dreams!” Pagkatapos ay agad na hinawakan ni Kent ang wrist ni Ada at naglakad papalayo.

Subalit agad ding hinila ni Mark ang kabilang braso ni Ada at napahinto sila sa paglalakad. Matalim na tinitigan ni Kent si Mark.

“Ada!” Tawag naman ni Mark at kasabay ang paghawak nito sa kabila niyang braso.

“Ouchh!” Sabi naman ni Ada.

Tinitigan ng masama ni Kent si Mark at sinabing, “Bitawan mo siya!”

“You first!” Sagot naman ni Mark.

Umiling si Kent at dahil sa pagkaubos ng pasensya nito ay muli niyang sinuntok si Mark. Binitawan ni Mark si Ada at sumagot ng suntok kay Kent.

“Kent, huwag!” Sigaw ni Ada.

“Mark, stop!” Sigaw ulit ni Ada habang pinagmamasdan na nagsusuntukan ang dalawa.

Pero kahit anong sigaw at awat ni Ada sa dalawa ay patuloy na nagsuntukan ang dalawa kahit na gumulong-gulong na sila sa sahig. Agad namang nakaagaw ng atensyon ng mga estudyante ang pagsusuntukan nila Kent at Mark. At nag-umpukan ang mga esudyanteng nanunuod sa nangyayaring suntukan.

Samantala, hindi naman alam ni Ada kung paano aawatin ang dalawa, halos duguan na ang mga mukha nito.

“Kent!!! Please… stop!” Sigaw ni Ada.

Muli pang sinubukan ni Ada na umawat sa dalawa. Agad niyang yinakap si Kent sa baywang nito at naki-usap, habang nakahiga na sa sahig si Mark na duguan ang mukha at mga galos sa katawan.

“Kent, please… Kent please stop it!” Kasabay nito ang pagluha ni Ada.

Nang makita ni Kent na umiiyak na si Ada ay huminto na si Kent sa pagsuntok kay Mark at mariing sinabi dito.

“Next time, na lapitan mo pa si Ada, hindi lang yan ang aabutin mo! Tssk!”

Pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ni Ada at naglakad papalayo sa lugar.

Dahan-dahan namang tumayo si Mark at tinulungan siya ng ibang estudyanteng lalaki.

Samantala ay pumunta sila Ada at Kent sa clinic ng school at agad niyang tinulungan ang nurse na gamutin si Kent.

“Sige po, ako na lang po dyan.” Sabi ni Ada sa nurse.

“Ah, okay sige.” Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang bulak at gamot.

Maya-maya pa ay nakatanggap ng tawag ang nurse at lumabas muna ito saglit. Kinausap naman ni Ada si Kent habang ginagamot niya ang mga sugat nito sa mukha.

“Sana, hindi mo na lang pinatulan si Mark, alam mo naman ‘yun!” Sabi ni Ada.

“Sinabi ko na sayo, na huwag mo na ulit siya kakausapin!” Naiinis na sabi ni Kent.

“Bigla na lang niya ako hinila kanina at sumulpot sa harapan ko. Besides, kaibigan ko pa rin siya, alangman na hindi ko siya kausapin?” Sagot naman ni Ada.

“Tama ka, kaibigan mo. Your crazy friend!” Sabi ni Kent.

“Tssk!” Bulong ni Ada.

“Ayokong may ibang humahawak sayo, remember that!” Mariin na sinabi sa kanya ni Kent habang nakatingin ito sa kanya at hinahaplos ang kanyang pisngi.

Dahan-dahan na lumapit ang mukha ni Kent sa kanya at masuyong hinalikan si Ada sa mga labi. He kissed her softly and gently and then his tongue slips inside her mouth, gentle but demanding. Until it's deeper and deeper.

Kent stroke his other hand to embrace Ada's waist and full her closer to him.

Ada, suddenly stop and pushed Kent.

"Kent stop it, not here!" Pagsaway ni Ada dahil nararamdaman niya kung saan na naman papunta ang mga halik ni Kent.

"I just want to kiss you!"

Kasabay nito ang muling paglapit ng kanilang mga labi at marahan siyang hinalikan ni Kent na may pagmamahal.