Chapter 35: Ang Plano ni Charm at Mark

Pagkatapos ng isang linggo.

Habang naglalakad ang grupo nila Charm ay nakita nila si Mark at tinawag nila ito.

“Mark!” Sigaw ni Charm.

Lumapit naman si Mark sa kanila.

“Oh, bakit?” Kunot-noong tanong ni Mark kay Charm.

“Nabalitaan ko na may gusto ka daw kay Ada, totoo ba yun?” Tanong ni Charm.

“Oo, bakit?” Tanong muli ni Mark.

Lumapit ng bahagya si Charm sa kanya at bumulong.

“Gusto mo bang tulungan kita para mapasayo si Ada?” Bulong ni Charm sa kanya.

“Talaga? Paano?” Curious na tanong ni Mark sa kanya.

Ngumiti si Charm sa kanya habang nakacross ang dalawang braso nito. “May plano kami, para sakanya. Ang kailangan mo lang ay makicooperate.”

Tumango naman si Mark at ngumiti din. Pagkatapos ay lihim nilang pinagplanuhan ang balak nila kay Ada.

Pagkatapos ng kanilang klase ay agad na inayos ni Ada ang kaniyang mga gamit, si Kent naman ay hindi pa bumabalik simula ng kinausap sila ng kanilang Coach.

“Ada, may nagpapabigay sayo.” Sabi ng kaklase ni Ada at ibinigay sa kanya ang maikling sulat at binasa niya ito.

"Ada, please help me...

I got into an accident in the stock room. Please help me, hurry up - Mark!"

Agad na nagpunta si Ada sa stockroom para puntahan si Mark at tulungan ito.

Nang makarating siya sa stock room ay agad niyang binuksan ang pinto at hinanap sa loob si Mark sa loob ng stock room. Puro mga kagamitan ng school at mga pang sports ang naroon. Medyo may kadiliman din ang lugar at tanging sinag lang ng araw ang tanging ilaw na nagmumula sa dalawang maliit na bintana.

Dahan-dahan siyang pumasok at naglakad sa loob.

“Mark… Mark…” Tawag ni Ada kay Mark.

Binuksan ni Ada ang ilaw at tinawag ulit si Mark.

“Mark, nasaan ka?... Mark…” Tawag ulit ni Ada.

“Ada.” Mahinang sabi ni Mark.

Nakita naman ni Ada si Mark na nakaupo sa may gilid at nabagsakan ang mga hita nito ng bakal.

“Mark! Anong nagyari sayo?” Agad na tinanggal ni Ada ang bakal na nakalagay sa mga hita ni Mark at nag-aalalang nagtanong kay Mark.

“Nabagsakan ang mga paa ko, hindi ko pa kayang makagalaw.” Sabi ni Mark.

Habang abala si Ada na makipag-usap kay Mark ay dahan-dahan namang isinara nila Charm ang pinto ng stock room at nilock ito.

Napansin naman ni Ada ang pagsara ng pinto at agad siyang tumakbo dito para mapigilan ito subalit na huli na siya.

“Wait! May tao pa dito!” Sigaw ni Ada habang malakas na kumakatok sa likod ng pinto.

“May tao ba dyan? Pakibukas po, may tao pa po dito!” Muling sigaw ni Ada at malakas na pagkatok sa pinto, subalit walang nagbukas sa kanya.

Sa labas ng pinutuan na iyon ay nandoon ang barkada ni Charm at masayang sinabi ni Charm.

“Mission accomplished!” Habang nakipag-apir siya sa mga ito at masayang naglakad papalayo sa lugar.

“Ada, aaahhhh…” Tawag ni Mark kay Ada.

Agad namang tumalima si Ada at pinuntahan si Mark.

“Are you okay? Paano yan, sinara nila ang pinto, paano na tayo nito makakalabas?” Nag-aalalang tanong ni Ada kay Mark.

Nag-aalala si Ada para kay Mark dahil kailangan pa itong gamutin at natatakot siyang makulong sila dito ni Mark. Kailangan silang makalabas kaagad dito.

“Maghintay muna tayo dito ng sandali.” Sabi ni Mark at sumandal siya sa may dingding ng pader.

“No, kailangan mo magamot.” Sabi ni Ada.

“It’s okay, kaya ko pa naman.” Sagot naman ni Mark.

Samantala, sa classroom ay bumalik na si Kent pagkatapos siyang kausapin ng kanyang coach. Pagpasok niya sa room ay wala doon si Ada subalit nandun pa ang gamit nito. Sinubukan niyang tawagan si Ada subalit naiwan nito ang phone sa loob ng bag nito, kaya hinanap na lamang ni Kent si Ada.

Pinagtanong-tanong ni Kent si Ada sa kanyang mga kaklase at ibang estudyante kung nakita nila ito.

“Jacob, nakita mo ba si Ada?” Tanong ni Kent sa kaklase niya.

“Nakita ko siya kaninang tumaktabo.” Sagot nito.

“Saan?” Tanong kaagad ni Kent.

“Papunta siya malapit sa may gym, hindi ko alam exactly kung saan siya pupunta, baka sa gym or sa stock room.” Sabi ni Jacob.

“Ah ganun ba, sige salamat.” Pagkawika ay agad na tumakbo si Kent papuntang gym.

Samantala sa loob ng stock room.

Tumayo ulit si Ada para humingi ng tulong at malakas na paghampas sa may pinto.

“Hey! May tao ba dyan sa labas? Tulungan niyo kami!” sigaw ni Ada.

“Please open the door! Nalock kami dito sa loob!”

“Help! Please open the door!” Malakas na sigaw ni Ada.

“Ada, stop it! Walang makakarinig sayo dyan.” Sabi ni Mark sa kanya.

Pero ayaw mawalan ng pag-asa si Ada.

“Tulungan mo muna akong tumayo.” Sabi ni Mark.

Pagkatapos ay lumapit si Ada kay Mark at inalalayan niya itong tumayo. Subalit, naout of balance silang dalawa at napatumba sa sahig. Napaibabaw sa kanya si Mark, habang siya naman ay nasa ilalim nito.

Nagtama ang kanilang mga mata at hindi komportable si Ada sa kanilang sitwasyon kaya naman ay nakiusap siya kay Mark na tumayo ito.

“Ah, Mark pwede bang tumayo ka na?” Pakiusap ni Ada.

Pero may ibang plano si Mark kay Ada, ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Ada at isinandal ito sa sahig.

Ikinagulat naman ito ni Ada sa ginawang paghawak ni Mark sa kanya, agad siyang kinabahan sa plinaplano nitong masama sa kanya.

"Mark! What are you doing? Let me go!” Kinakaban na utos ni Ada kay Mark.

Subalit ngumisi lang sa kanya si Mark at lalo pang inihiga ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan ni Ada. Naramdaman niya ang malambot na katawan ni Ada at lalo pa siya nakaramdam ng init ng pagnanasa.

“Ngayon, mapapasa akin ka na!”

Natakot si Ada sa kanyang narinig at agad na hinalikan ni Mark ang mga labi ni Ada at papunta sa kanyang leeg.

Nagpupumiglas naman si Ada, subalit ay napakabigat ni Mark at ginamitan siya ng lakas nito, kaya naman kahit anong palag niya ay hindi niya ito maitulak.

"Mark, please... No!!!" Umiiyak na pakiusap ni Ada kay Mark.

Subalit parang sinapian si Mark ng masamang ispiritu at hindi nito pinapakinggan ang ano mang pakiusap ni Ada sa kanya. Nakatuon lamang ito sa kanyang plano at intensyon na gawan ng masama si Ada at para pumayag na si Ada na maging sila.

Marahas na binuksan ni Mark ang mga butones ng blouse ni Ada, habang nagsusumigaw naman si Ada at pilit parin kumakawala kay Mark.

“Huwag Mark, please… ‘wag mong gawitin to please.” Umiiyak na pakiusap ni Ada, subalit patuloy parin si Mark sa paghalik sa kanya.

“Help!!! Tulong!!!” Malas na sigaw ni Ada.

Narinig naman iyon ni Kent sa may ‘di kalayuan.

“Ada?” Sabi ni Kent sa kanyang sarili at dali-dali siyang tumakbo papunta dito subalit ito ay nakalock.

Agad niyang sinipa ang pinto at luminga-linga sa paligid, nakita niya ang posisyon nila Ada at Mark at mabilis niyang sinipa si Mark sa katawan nito.

Tumalsik naman si Mark at nagulat ng makita si Kent sa harapan niya.

“You beast!!!”

At muli pang pinagtatadyakan ni Kent at pinagsusuntok si Mark. Saglit lang ay duguan na ang mukha ni Mark at kahit anong iwas at laban niya kay Kent ay walang-wala ito kumpara sa mga malalakas na suntok na natatamo niya mula dito.

Habang si Ada naman ay agad na tumakbo sa may sulok at agad na inayos ang kanyang blouse habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi siya makapaniwala na gagawan siya ng masama ni Mark dahil matalik na niya itong kaibigan at halos kapatid na ang turing niya dito.

Halos masira na ang iba pang mga gamit na naroon dahil sa pagsusuntukan ng dalawa. Laging lumilipad at napapatumba si Mark sa mga gamit na nasa paligid nila. Halos hindi na maimulat ni Mark ang kaliwa niyang mata dahil sa suntok ni Kent at sa dugong umaagos mula sa kanyang kilay.

Nang mawalan ng malay si Mark, ay tska lamang tumigil si Kent sa pagsuntok dito. Halos hindi na makilala si Mark sa mga natamo nitong suntok mula kay Kent, samantalang si Kent ay kaunting galos lamang ang natamo niya mula kay Mark.

Agad niyang pinuntahan si Ada na nakaupo sa may sulok na nanginginig pa rin sa takot habang umiiyak.

“Stop crying… I’m here.” Pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap si Ada.

Niyakap din siya ni Ada ng mahigpit at humagulgol ng iyak.

“I trusted him, hindi ko naisip na gagawin niya yun!” Umiiyak na sabi ni Ada.

“Shiiii… forget it! Stop crying, ayokong umiiyak ka.” Saway sa kanya ni Kent.

Nang makalmado na si Ada ay agad silang nagtungo sa Admin office para ireport ang nagyare…